Author Topic: Marriage License Application  (Read 104376 times)

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #60 on: February 26, 2014, 10:24:12 am »
^Ang pagkakaalam ko sis dapat sa hometown ninyo...

Kami naman hindi na po kami nag-apply ng Marriage License kasi part kami ng marriage license exemption since nasa ilalim kami ng article 34 (im not so sure pero yung article na nagga-grant gn exemption for those who were living together for atleadst 5 years and above).. Actually mas mabilis proseso.

Thank God for making our wedding possible.

jen_rose27

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #61 on: February 26, 2014, 10:50:46 am »
thanks sis. live in din kami ni h2b dito sa canada, i will find out pa kung paano, di ko sure kasi kung irerecognize dyan sa atin.

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #62 on: February 26, 2014, 11:41:51 am »
Sis based on my experience (pero siyempre consult ka pa rin), sa palagay ko ire-recognize siya kasi kung living together na kayo (dapat atleast 5 years) papakuhanin lang kayo ng joint affidavit with a pair of witness na nagsasama na kayo ng ganung katagal and hindi naman i-interbyuhin yung mga witness kundi papipirmahin lang sa affidavit. Siyempre you should have an address here na pwede ninyong i-claim na nanirahan lang kayo sa canada for a while but still nagsasama parin.. i think wala namang prob dun and baka ma-exempt na rin kayo... :)

babythug28

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #63 on: February 26, 2014, 06:00:31 pm »
^ sis nakakuha ka na ba ng Affidavit of Cohabilitation? sa May pa kasi kami para pasok sa 120 days validity. ano lang na-present mong documents na proof that you're living together for 5 years or more? TIA!

Wabbypretty

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #64 on: February 26, 2014, 09:26:59 pm »
ay sis sorry ngayon ko lang nabasa yung reply mo. anyway, kuha ka muna ng NSO copy ng birth certificates nyo and yung CENOMAR. tapos punta ka sa mga nagnonotaryo, i think pwede silang gumawa nyan. then kami, ipapakita kasi namin yung birth certificate ng 2 kids namin. my eldest is turning 7 na kasi so malaking plus points yun. kelangan daw kasi ng proof na nagsasama na kayo ng matagal and yung birth certificate ng kids eh isa sa mga pwedeng patunay.

thanks sis sa reply! =) baka ganito na lang gawin namen. i called our church, and they do honor this affidavit =)

jen_rose27

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #65 on: February 26, 2014, 11:52:14 pm »
^^nagstart kami maglive in in 2010 and since 2015 ang kasal namin, that would be our 5th year na nagsasama. sino dapat mga witness sis? kasi meron ako dito makukuha na legal document about sa pagsasama namin so i don't know kung enough na ba yun ipresent sa church or kelangan kumuha pa ako dyan sa pinas since dito naman na kami nakatira. as much as possible kasi gusto namin less hassle na paguwi namin.

rhabig

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #66 on: February 27, 2014, 02:50:59 am »
Hi,

Please need help di ko alam pano process to get all the requirements for church wedding. Sa calaruega church ko november 14, 2014 wedding ko. Pareho kami ni hubby andito sa canada makakuwi lang ko 2weeks before the wedding and si hubby 3weeks before the wedding. Hoe you could help me lito na talaga

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #67 on: February 27, 2014, 08:21:07 am »
^^ sis babythug28, yang affidavit of cohabilitation ba is aka affidavit of living together??? Kasi wala ng iba pang affidavit na hiningi samin kundi yan lang as a proof of living together for 5 years and above. Kasi kami ni husband-2-be eh mag-te-10 years na sa Sept.. Pero before kami makakuha ng Affidavit of Living Together, kailangan muna ng Certificate of No Marriage aka CENOMAR. Punta lang ng NSO then within 5 working days pwede nyo nang makuha.. Kung dito lang kayo sa Manila area or malapit kayo sa Makati, I suggest Makati nalang kasi super-bilis nung processing kesa sa Main which is nasa QC. Siyempre kailangan din ng birth certs nyong dalawa, barangay clearance/certificate, cedula, birth cert ng mga kids nyo(if meron na), and valid IDs.. Pero para sure sis tanong ka pa rin sa City Hall nyo ng mga requirements. Pero guaranteed na if living together na kayo for 5 years and up di na kayo papakuhanin ng Marriage License which is mas matagal ang proseso. Nga pala, hindi sila pumapayag mag-issue ng Affidavit of Living Together pag walang CENOMAR and kulang-kulang documents.

^ Naku sis jen_rose27 since magpa-five years palang pala kayo sa time na ikakasal kayo, di ako masyadong sure.. Kasi ang pagkakaalam ko before ikasal and para ma-exempt sa Marriage License dapat atleast 5 years nang nagsasama..
Pero case-to-case basis naman yan, pwede kang makiusap sa City Hall nyo kung papayagan nila kayo. Malay mo pumayag sila, depende sa pakiusap yan. Minsan may iba pumapayag kasi 4 years naman na kayo pero may iba pa rin na by-the-book talaga kung sumunod. Pray nalang na pumayag sila. :)

Sa mga witness naman, ang advice samin, as much as possible wag daw kamag-anak, or pwede na rin yung isang pair ng ninong at ninang na kukunin sa kasal. Actually may mga narinig pa nga akong stories na sa kagustuhan ng mga ikakasal na mai-kasal na sila agad or in other words eh sa pagmamadali nila eh pwede na raw kumuha sa tabi-tabi ng witness eh. With our experience, true enough kasi di naman ininterview yung magiging ninong at ninang namin. Pero siyempre ayaw naman natin ng winess na di kakilala diba? Ikakasal na rin lang tayo eh di ayusin na natin... :)

Much better sis kung dalhin mo narin yung legal docs na meron kayo diyan sa Canada it might help to speed the process up and kung may kamag-anak kayo dito sa Pinas na pwedeng pakiusapan kung anong mga docs kelangan para sa kasal ninyo para mabilis nalang pag-uwi ninyo.

Pero sis bigla ko lang naisip na baka church wedding kayo ha pag church wedding kasi ok lang kahit less than 5 years kayo nagsasama.. Pero siyempre kelangan pa rin ng Marriage License...

:)

babythug28

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #68 on: February 27, 2014, 11:55:52 am »
^ sis salamat. yes, same din ata yung Affidavit of Living Together and Affidavit of Cohabilitation. meron na kaming birth certificate and CENOMAR. ang concern ko lang ngayon eh nakalagay sa CENOMAR is for Passport/Travel purpose. yun yung nilagay ng tito ko haha!

buti na lang nagpost ka sis and nakapagtanong ako sa iyo. kasi nung tumawag ako sa munisipyo, ang sabi lang sa kin eh yung birth certificate and CENOMAR. wala ng mga cedula, brgy clearance, mga ganun. iprepare ko na lang to lahat by May.

wala na tong seminar sis noh? basta kapag meron ng birth certificate, CENOMAR at Affidavit, all set na for wedding tapos ipapasa na lang sa Local Civil Registry ng pinagkasalan nyo (if sariling sikap) or sa church (kung sila mag aasikaso)?

thank you ulit sis CITIgirl_04

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #69 on: February 27, 2014, 12:57:35 pm »
^ you're welcome sis. :) Yung sa purpose ng CENOMAR hehe nakakatawa naman pero pwede na siguro yan basta pag tinanong kayo kung bakit yun ang nakalagay eh siguro be honest nalang and sabihin nyo na naki-paasikaso lang kasi kayo at nagkamali lang ng lagay sa purpose.

If I were you i-ready mo narin yung ibang docs para sure. Mas maganda nang may mga naka-ready ka nang docs kesa sa kulang-kulang diba tapos dun palang kayo mag-aasikaso ng kulang na docs. sarap kaya ng naghihintay ka nalang ng date ng wedding nyo.. hehe.. :P

sa seminar, yes wala na po. and yes basta kumpleto na documents na binanggit muh then yung affidavit is ok na rin diretso na kayo sa RTC ng City Hall ninyo para magpa-sched kung gusto ninyong Civil Wedding and then kung church naman bigay nyo nalang lahat ng docs and sila nalang din mag-aasikaso nun... :)

no prob sis...

Emperior7

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #70 on: February 27, 2014, 01:29:21 pm »
i dont know kung na experience nyo na to. yung civil registrar namin dati, sinabi samin na kapag more than 5 years na nag lilive-in, wala na gaanong documents na kelangan. parang ganon. pwede daw ikasal agad. please correct me if im wrong  :D

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #71 on: February 27, 2014, 03:40:54 pm »
Hi Emperior7, ito po yung pinag-uusapan namin.. :)

jen_rose27

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #72 on: February 28, 2014, 12:22:57 am »
sis CITIgirl_04- thank you sa advise, i will take note of this and will do some more investigating. pero since uwi naman kami 3 weeks before the wedding i am thinking apply na lang marriage license. 10 days naman yun so pasok kami. yes sis church wedding kami. :D

sis rhabig- san ka sa canada? andito ako sa alberta. in regards to your question, better phone calaruega and ask ano mga requirements nila. are you a citizen na? may additional requirement pag mag-apply ng marriage license pag canadian citizens. as far as i know talaga after mo mag-apply ng marriage license you have to wait 10 days (not sure din kung 10 business days ha).

« Last Edit: February 28, 2014, 02:04:44 am by jen_rose27 »

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #73 on: February 28, 2014, 07:34:17 am »
^ sis walang problema.. :) happy preps on your wedding! :)

Emperior7

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #74 on: February 28, 2014, 01:20:00 pm »
Hi Emperior7, ito po yung pinag-uusapan namin.. :)

helo Citi_girl, yup nag back read ako hehe!

yung sa 5 years na naglilive-in, kelangan pa nga ng CENOMAR, we tried sa makati, kaso ang haba ng pila, ang maganda lang sa approach na to is, di na kayo mag health seseminar (family planning) and correct me if im wrong, wala ng marriage license number (?)

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #75 on: February 28, 2014, 02:44:23 pm »
^ ayun. hehe :)

mahaba talaga pila dun pero mabilis naman umusad kesa sa main.. and oo kelangan talaga ng CENOMAR di kayo pwedeng mag-asikaso ng ibang legal docs pag wala yun...

and yes wala nang seminar and wala naring marriage license number kasi di mo na kelangang kumuha ng marriage license.

C+C

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #76 on: February 28, 2014, 02:49:24 pm »
We applied for our marriage license na mga sis.. kung sa Mania City Hall kayo ito ang mga requirements:

1 original and 1 photocopy of NSO birth certificate (b2b and h2b)
1 valid ID with manila address (b2b and h2b)

Reminder: Don't wear shorts. lol. Side kwento:
It's my birthday when we applied for our license, so I wore shorts dahil after namin sa city hall mag date2x pa kame ;D Pero naka formal blouse ako, may pagka formal din ang shorts ko with leather belt pa nga,.. pero shorts padin sya kaya di pumayag yung doctor na head yata dun :)) Buti nalang mabait yung nurse dun,.. hinayaan nyang magseminar padin kame pero di nalang muna nya ni-release yung papers namin until mag change outfit ako  ;D

Emperior7

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #77 on: March 03, 2014, 10:05:43 am »
^ ayun. hehe :)

mahaba talaga pila dun pero mabilis naman umusad kesa sa main.. and oo kelangan talaga ng CENOMAR di kayo pwedeng mag-asikaso ng ibang legal docs pag wala yun...

and yes wala nang seminar and wala naring marriage license number kasi di mo na kelangang kumuha ng marriage license.


hello citi, i have a dumb question, san ba mostly ginagamit yung marriage license?

CITIgirl_04

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #78 on: March 03, 2014, 10:37:38 am »
^ uhm, i think hindi kayo pwedeng ikasal pag wala yun... :) however as I've read there are some exempted na pwedeng ikasal kahit walang license. Yun nga is for example yung sa case namin ni h2b ko, Art.34 kami which means na we're living in together for more than 5 years and of no legal impediment to marry. So through CENOMAR, it's our proof na never kaming kinasal kahit kanino...

clueless_bride

  • Guest
Re: Marriage License Application
« Reply #79 on: March 03, 2014, 04:04:03 pm »
my problem is h2b and i are both based overseas.
wedding is on June 1 - civil garden wedding lang naman ito so i am guessing it;s less requirements.
pero ang problema is yung marriage license... darating kami ng May 13, tapos June 1 ang kasal... abot pa kaya ito sa processing ng ML? makuha kaya namin on time? wala bang way para maexpedite ang pagkuha ang ML? :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close