watch now

Author Topic: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!  (Read 6301 times)

Nhetskii

  • Guest
Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« on: August 02, 2013, 10:47:56 am »
Hi mga sis!

Talaga bang nangyayari to? i have a four month old baby boy. First baby namin. Dumating yung yaya nya nung 2 1/2 months old na sya. May dati na kaming maid pero nag decide kami na kumuha na talaga nang yaya kasi di naman kaya ng maid na mag-isa lang sya at may work kami pareho ni hubby (wala din kasi akong kamag anak o parents na naiiwan sa bahay). So since na nakatutok lang talaga si yaya kay baby... konting kibot lang ni baby, kinakarga na nya. Pero tuwing hapon... pag uwi namin ni hubby, we see to it na all out ang attention namin kay baby. Sa gabi, katabi din namin sya matulog... madalas pag umiyak si baby at si hubby ang may karga, pinapasa na nya sakin, kasi ayaw tumigil at nagwawala pero pagbinigay na nya sakin konting iyak lang tapos pipikit na sya at matutulog.

Then last night... super iyak si baby... pasa pasahan na kami ni hubby. Eh 1:30 na nang gabi nagwawala pa din sya.. so we decided na gisingin si yaya... HALA!!! wala pang 2 mins kumalma na si baby tapos maya maya tulog na sya... after 10 mins sabi ko kay yaya ibaba na sa kama.. ayun sarap na ng tulog. Pareho kaming tulala ni hubby... Hayyy! Hurt talaga ako at nagselos ako :(

mga sis! i dont know what to do... although i know ma a-outgrow nya yun (diba?) pero di pa din ako kampante... hay! selosa pa naman ako... Sakit din pala non... lalo na sabi pa ni hubby dati, mama's boy si baby kasi laging ako ang hinahanap... then all of a sudden parang ayaw na sakin... :'( :'( :'(

cloudzy_09

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #1 on: August 02, 2013, 12:14:34 pm »
Naranasan ko din yan dati kay baby dati ako ang fave niya tapos noong nag karoon ng matino yaya minsan ayaw na sa akin mas gusto kay yaya. Ang sakit sakit sa puso pero iniisip ko na lang na we are lucky kasi ibigsabihin inaalagaan siya mabuti ng yaya kasi we had fair share of bad yaya.

princessrio

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #2 on: August 02, 2013, 04:01:50 pm »
ganyan din dati yung pamangkin ko and like you, nagselos talaga si SIL. siguro, spending more time with him will do. like pag off nyo ni hubby, wag na muna ipapahawak kay yaya.

gil12

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #3 on: August 02, 2013, 04:44:41 pm »
yan din ang fear ko noon, my baby is 8 months old na, his yaya was with us since he was a newborn. nahalata ko lang sa baby boy ko, hindi naman si mismong yaya hinahanap niya, ang hanap niya yung ginagawa ni yaya. tulad ng baby boy ko hirap painumin ng milk pero si yaya may certain way of giving his milk kaya dapat gayahin ko ginagawa ni yaya. tapos kunyari may certain pagkarga si yaya sa baby ko para makatulog agad, ganun din ginagawa kong karga. sabi pa nga sakin noon na baka raw masanay baby ko sa amoy or scent ni yaya pero everytime wala naman si yaya kapag day off (overnight and once a month) di naman nagwawala baby ko. you can spend more time with your baby, play with him often. sa tingin ko ah, sa age ni baby mo di pa naman yata nangingilala, nagstart lang mangilala baby ko at 6 months. saka alam ng baby kung sino mommy niya lalo na if you talk to your baby nung nasa womb pa siya.

cerelina

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #4 on: August 02, 2013, 11:38:21 pm »
My baby doesn't have a yaya but she prefers her dad over me kahit palagi kami magkasama pag dumating na daddy nya she would cry for her father's attention kala mo inapi sasama agad kay daddy tapos ayaw sumama not even with me she's been like that since she was born she prefers her father talaga over anyone else sometimes nga im na huhurt I feel like I'm not a good mom  :(

rachi_01

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #5 on: August 03, 2013, 03:18:42 am »
my baby is turning 7mos. na and everytime i'm with him and suddenly saw his yaya...lagi na lang nakatitig sa kanya waiting for her to smile or make faces pero not to the point na sasama na sa kanya. may time lang na parang nakakadurog ng puso pag napapatawa siya ng yaya kahit pakengkoy kengkoy lang samantalang sakin hindi masyado. tapos yun kukunin ko siya sa yaya then ayaw niya sumama sakin agad. mga ilang attempt tska lang siya sasama. still, i'm just looking at it in a positive way na he's in good hands with his yaya.

gil12

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #6 on: August 03, 2013, 11:11:55 pm »
^^ pareho tayo, mas selos ako sa daddy saka sa lolo. everytime kasi babatiin lang nila todo smile and tawa sa kanila. explanation sakin ni hubby, dahil daw kilala ako ni baby as taga-ligo, taga-palit ng nappies, taga-feed sa kanya samantalang sila lolo and daddy kilala sila ni baby as playmates.

m_lim

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #7 on: August 04, 2013, 05:04:03 pm »
fear ko rin ito noon. kasi my baby stays with her yaya the whole day, then sa gabi kasama sila sa room with our old yaya and my sister.

but ngayon 7months na baby ko, hindi naman palahabol sa yaya.

i guess nakatulong yung hindi ko sinanay sa karga. sa crib siya natutulog mag isa at hindi kay yaya na karga karga.

basta i make sure after office, lalaruin ko na si baby, dinner time then hanggang makatulog ulit siya mag isa sa crib

pinkpotato

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #8 on: August 05, 2013, 11:23:46 am »
thank God this never happened to us kahit nung infant pa daughter ko til now that she's 5, she's always with the yaya we only get to see each other after work or if I don't have work.

I made it a point kasi na kapag nasa house ako i do all for her and she doesn't want to go to yaya naman na pag anjan na kami ng dad nya so it was easy. siguro sobrang miss kami ng bata kaya when were home, buntot na yan sa amin di mo na mapapahiwalay.

when our daughter was a baby, kami nagpapatulog then pag tulog na we put her to her cot which is on the other room. eventually na pagod ako sa ganitong set up, i miss my baby a lot. it is only during night time na magkakasama kami mas matagal so we decided to let her co sleep with us and its the best decision so far. this is important to us especially my husband and I are both working, kung bibilangin ilang oras lang kasama namin ang bata then tulog na e kung samen sya matutulog, mas may intimate moments kami we can kiss and hug her anytime. listen her heartbeat, smell her breath, etc. <3

sistah!

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #9 on: August 05, 2013, 12:55:32 pm »
fear ko ito, since I am a full time working mom. I remember a memory, when I was very very young, I had a medical emergency and my parents took me to the hospital. I was young, maybe 4 or 5, so this is one of my earliest memories. I remember being in the ER and screaming at my mom to get my yaya for me. now that i'm a mom, naisip ko kung mangyari yan sa akin with my daughter, malulungkot talaga ako.

in a way, medyo swerte din ako kasi ang mga naging yaya ng baby ko, lahat medyo bata pa kaya pagdating ko sa bahay, excited na excited na bitawan ang anak ko. minsan hindi ko pa nabababa ang bag ko, inaabot na agad sa akin para makapahinga/makakain/makapagbasa/makapagbabad sa text sa kwarto nila. my daughter also still breastfeeds kaya parang until now, number 1 ako sa kanya. paguwi ko, takbo agad sa akin.

wishbear88

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #10 on: February 18, 2015, 02:47:59 pm »
hi ladies,

I'm experiencing this now.  Dati wala naman problema if mag-day-off si yaya kasi natutulog naman siya but starting this week, pag ako ang nagpapatulog, iiyak si baby ng todo-todo.  Nung una hinayaan ko lang but umabot hanggang sa humikbi na siya.  Nung kinuha ni yaya from me, tumahan tapos tumingin sa akin then nagsmile sabay himlay sa shoulders ni yaya at pumikit.  Natawa lang ako nung umpisa but nakakahurt na over time kasi feeling ko di ako good mom at di ko mapatahan baby ko o magawa yung mapatulog man siya.  Inobserve at ginaya ko na nga rin yung way ng pagkarga at sayaw ni yaya but wala pa rin.  Scent ba talaga ang hinahanap ng babies?  How do I fix this? Hubby and I work the whole day and when we go home, we spend it with baby naman -- playing, reading, diaper changing etc until before siya matulog but come bedtime, si yaya kasama ni baby sa room kasi natatakot kami to co-sleep at baka madaganan si baby. Help!

tjmax

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #11 on: February 18, 2015, 03:30:19 pm »
^sis, alam ko nakakapuyat tong suggestion ko pero what if sa room nyo magsleep si baby sa sarili nyang crib since you have hesitations sa co-sleeping?

ri-anne

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #12 on: February 18, 2015, 07:40:15 pm »
naku sis, nangyari din yan sa akin before sa 2nd child ko. Si yaya lang nakakapagpatulog sa kanya, pag umiiyak kay yaya lang titigil....and worst na talaga for me happened one day when i went home from work.. marunong na si baby maglakad. a milestone i missed...
Of course i was so excited to see it, so i said [textspeak!] nga patingin, "come to mommy!" with my arms wide open ha...aba at dun naglakad papunta kay yaya!!! ouch talaga! at hindi lang once ha..i even got it recorded sa video...
Anyway now my daughter has grown already, she's very sweet and close to me. Sadly, though, nakalimutan nya na yung yaya kasi she left when she's 1yr old lang...she doesn't remember any of those...

Ang haba no..but my point is: lilipas din yan sis.
When the time comes na makakaintindi na sila, and as long as you also make an effort to spend time with your baby (eventually toddler, then kid..), you are the parent.. magiging close rin sayo yung anak mo.
as long as you spend time with your child...pag nagkaisip na, madi-distinguish nya na yung difference na ikaw si mommy at yung isa si yaya.

wishbear88

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #13 on: February 19, 2015, 01:18:43 am »
Sis tjmax, kung pwede nga lang na ilipat sa kwarto namin yung crib kaya lang di kasya sa liit ng space. Gaano ba ka-early pwede ico-sleep ang baby?

Sis ri_anne, grabe, I feel what you're saying. Sakit nun! Pero sana nga lumipas din ang ganitong phase at maging close siya sa amin ni husband. Dati nagrereklamo ako nadi na ako makatulog katabi ni husband kasi lagi na akong nakakatulog pagpapadede kay baby. Ngayon, with this, I realised that I should have enjoyed the moment kasi ngayon hinahanap ko na na ako nakakapagpatulog sa kanya. Hay.

tjmax

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #14 on: February 20, 2015, 05:45:53 am »
Forever co-sleeping kami ke baby e. Though andun yung fear na madaganan or something, nagbawas lang kami ng unan sa kama. Problema naman namin ngayon ayaw na umalis matulog sa tabi namin e 5 years old na sya. Ngaaaaa! :o

gorgeous gal

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #15 on: February 20, 2015, 12:23:19 pm »
Hi sis wishbear88, just try to look at the bright side - your baby's yaya must be very nice to your baby para hanap hanapin nya si yaya. she must be treating your child very well.

re: co-sleeping - don't let this opportunity pass.  time will come that your baby will eventually want to sleep on his/her own, kaya grab the opportunity na he/she is still small and you get to co-sleep pa.  never mind your worry na madaganan mo sya - there's always a bolster pillow to help you on that aspect :)

tischarmedlife

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #16 on: February 20, 2015, 04:16:39 pm »
na-experience naman yata lahat ng working mommies yan na tulad natin.. sakin naman, yung tita ko ang kinuha ko'ng yaya ng baby ko.. pero nang tumagal, naging close na din kami ng baby until now  ;)

I've read online na that's the same reason why Mariah Carey fired her twins' nanny kase daw mas close na sa nanny yung mga baby nya kesa sa kanya

wishbear88

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #17 on: February 23, 2015, 04:40:23 pm »
sis tjmax, oo nga e, yan din nabanggit sa akin ng pinsan ko.  Mahirap daw i-wean out kapag nasimulan na na matulog kasama ni daddy and mommy :)  Pero as sis gorgeous gal said, wag hayaang makalampas yung ganitong opportunity.  In my case, I learned that the hard way.  Sabi ng lahat ipa-bote ko na si baby para di ako laging nakatali sa kanya lalo na nung bumalik ako sa work.  After a few months of that at si yaya na 1-week na di ako ginising ng madaling araw para magpa-breastfeed, ayun, ayaw nang dumede sa akin si baby :( Ngayon na gusto kong ibalik, ayaw na niya.  Naaawa naman ako if di ko ibigay yung bote para lang ibalik siya sa breast.

Sis tischarmedlife, talaga?!  Parang di ko naman muna ata kayang paalisin si yaya..tama ka sis gorgeous gal, she treats my daughter well kaya siguro hinahanap-hanap siya.  Di ko yun naisip, kinain  muna ako ng selos kaagad.

miss resilient

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #18 on: February 24, 2015, 04:12:09 pm »
spend more time with your baby. ako kahit may pasok kahit 10-20 minutes nakikipagusap ako sa baby..kinakarga ko siya. inaagahan ko na lang ng gising para may extra time.

ayun, pag uwi ko sa gabi pagkakita niya sa akin, ngiti agad.  ;)

wishbear88

  • Guest
Re: Mas Hinahanap na ni Baby si Yaya! HELP!
« Reply #19 on: February 25, 2015, 05:01:59 pm »
Miss Resilient, oo nga e..yan nga ginagawa ko ngayon para di na lang si yaya parati niyang hinahanap.  Naisip ko lang, nasanay lang siguro ako na my baby needed me more than yaya lalo na nung hindi pa ako bumabalik ng trabaho at nag-didirect breastfeeding pa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close