Kami ng bf ko , nung 1st year namin, sobrang hot namin sa isa't isa. 3x/day kami magkemerloo, everyday, everynight yun, Imagine. Kahit sa internet, thru skype. nag eeSOP din kami. Pag nasa sg sya, di nya ko matiis. Ay grabe, napaka wild namin dati. Pag umuuwi yun dito from sg,(everymonth) gigil na yun sakin. Matic na. Haha. Hanggang sa pak! nabuntis ako. Parang dun na siya nagsimulang mawalan ng gana sakin. Umuuwi siya dito parang walang nakita sa pintuan, si baby agad ang hinahanap. Di naman ako nagrereklamo pero sana paramdam mo naman na miss mo rin ako. Hahayaan ko lang muna sila maglaro hanggang sa gabi na, tulog na si baby, wala talaga. Maguusap lang kami, kamustahan, tas after nun matutulog na lang sya. Ni halik sa pisngi wala. Almost a month nya kong di nakasama. Tapos ganon? :/
Although we make love naman pero parang kelangan nya lang, tapos alam nyang kelangan ko rin, pero wala na yung passion. Ang bilis pa namin matapos, mga 15mins lang ata. In short di ako satisfied. Ginawa ko na lahat para bumalik kami sa dati. KAKAFRUSTRATE, KAKADEPRESS at KAKAPARANOID.
KAKAFRUSTRATE ,dahil kahit ikaw na ang maginitiate, ayaw parin, at kahit anong paganda , pabango gawin mo, wala ka paring dating sakanya.Sexy parin naman ako kahit may anak na:( KAKADEPRESS, kasi feeling mo ang pangit pangit mo sa paningin nya, nakakababa ng self esteem, KAKAPARANOID, feeling mo lagi siyang nakatingin sa mga sexyng babae na dadaan sa harapan nyo, feeling mo may ka-affair siya. Tapos hanggang sa lagi na kaming nagaaway about sa sex lang. Yun lang talaga lagi naming pinagaawayan. Tapos nagpatingin na ko sa psychiatrist, (oha ako pa ang kelangan magpadoctor) kasi depress na talaga ako, may deal kami magpapatingin siya sa doctor baka may ED sya, o kelangan nya magtake na viagra ,ako magpapapsychiatrist. Di narin ako bumalik kasi hassle tas magastos. Pero siya, hindi talaga nagpatingin. Maayos yung usapan namin ha. Tinutulungan ko na sya, sya naman ayaw tulungan yung sarili nya.
Isang taon na anak namin,
3yrs pa lang kami nagsasama sexless na ang relationship namin.. 30yrs yung gap namin. Baka nga may ED (erectile dysfunction) na sya, pero pano namin maayos eh ayaw magpatingin sa doctor? pano naman yung pangangailangan ko? Di pa kami kasal nyan ha, nagtyatyaga parin ako sakanya. Kahit na pwede naman akong maghanap pa ng lalaking mabibigay yung pangangailangan ko, at makakasundo ko. I don't feel wanted, and loved anymore. Mahal ko siya, sobra, pero feeling ko kelangan na lang niya ko para sa anak namin. Para na nga lang kaming magbestfriend eh, o roommates. Ayoko rin naman magloko, takot ako sa karma. Ano ba gagawin ko, di na ko masaya sa asawa ko.. Ayoko naman magloko. Napapagod narin ako.

Lord, help me pls.