watch now

Author Topic: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???  (Read 40491 times)

queenteaser

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #40 on: July 22, 2014, 10:51:02 pm »
Sana hindi nalang ako umuwi ng pilipinas. Sana pinakinggan ko yung kutob ko. Sana hindi ko sinayang oras ko at nagbigay ng chances sa mga walang kwentang tao.

gumpaste

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #41 on: July 23, 2014, 09:19:41 am »
Absolutely nothing :)

lovely_carrot

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #42 on: July 23, 2014, 10:33:18 am »

I should have used birth control
Nakipag live in, not once but twice, parehong walang nangyari
I ratted out my former boss to her business partners
I should have insisted that my Lola sought treatment for her cancer
I should have come earlier sa hospital, nakita ko pa sana buhay Lolo ko

yoshina

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #43 on: August 04, 2014, 10:44:22 am »
Getting married at a young age ....haay sana nasa abroad ako .

blushberry

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #44 on: August 15, 2014, 07:01:55 pm »
I wish I did the things I had to do earlier and sana hindi ako natakot mag fail.  That's whats stopping me lang pala all this time.  I could have been better off at an earlier time.

abbmg15

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #45 on: September 01, 2014, 11:25:30 am »
i should have waited 5 more yrs before getting married para mas stable kami ng asawa ko financial wise. mahal ko naman siya, yun lang nagpakasal kami ng hindi "handa" may career pa sana ako s service indistry.. at sana makakabili n kami ng sariling bahay.

TysLolakins

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #46 on: September 01, 2014, 12:50:40 pm »
I should have treated my parents with a lot more compassion when they were still alive, no matter how much I've felt that they had their faults too.  Now I have to live with so much guilt and regret for the rest of my life.

cupofcoffee

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #47 on: October 29, 2014, 12:17:56 pm »
Hindi nakapagtapos ng College.  :-\ Hindi ko kase talaga alam ano gusto ko nun..Pero ngayon alam ko na yata. Heh!  :(

Angelite

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #48 on: March 21, 2015, 09:06:31 am »
Okay naman ako pero sana nakapag iponnpa ako ng mas marami.

kinkytinch

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #49 on: March 21, 2015, 03:20:17 pm »
Di ako nagaral ng mabuti nung college

17glut

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #50 on: March 21, 2015, 05:30:17 pm »
sana di na ko na lang kinuha number ng ex ko dati

yajale_22

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #51 on: March 21, 2015, 06:33:24 pm »
- Di ko tinapos pag aaral ko. dapat pinush ko talaga na maka graduate.
- CC debt. Di ako naging intelligent sa paghandle

But I'm hoping na magagawa ko rin or maitatama ko din to..Di pa huli ang lahat for me :)

blazingsheena

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #52 on: March 22, 2015, 02:52:40 am »
Sana kinuha kong course sa college ay yung  gustong gusto ko talaga. Sana naghintay nalang ako ng oras dati para mapagisipan kung ano ba talaga ang gusto ko. At ngayon ggraduate na ako pero kahit ano atang gawin ko di ako magiging proud sa course ko. Sana di ko nalang inisip dati na magcocollege ako para lang makagraduate kahit hindi ko gusto ang course ko. Kaya ngayon parang di ko tuloy mapagmalaki na makakapagtapos ako ng kolehiyo :/ sana pinagpatuloy ko nalang yung pagshishift ko sa ibang course. Sana di nalang ako tinamad na madagdagan yung subjects ko pag nag shift ako ng course! :/ mapang asar ako dati sa kapatid ko at lagi ko siya nasasaktan dati (not physical) kaya ngayon ginagawa ko lahat para mabawi yun. Tsaka yung mga kalokohan ko dati and vices ko.. Too many to mention ang mga regrets ko. Haaay! Pero sisiguraduhin ko na lahat ng pinagsisihan ko babawiin ko rin!

purpleice

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #53 on: March 27, 2015, 10:44:53 pm »
nag-take ako ng Nursing kasi okay na pre-med  :'(
Pagka-grad ko ng Nursing di rin naman ako natuloy sa Medicine dahil sa financial problem. Stuck ako sa course na halos walang pag-asa umasenso.  :'( :'( :'( :'( :'( :'( :'(

princeza08

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #54 on: March 27, 2015, 11:49:42 pm »
sana hindi ako nag bf dati... mas gustuhin ko pa maging nbsb kesa magka jowa dati tas niloko lang ako.. sana d kita nakilalang hinayupak ka! imbis nakipag date ako dati at inuna ang lovelife, sana mas binigyan ko ng time ang family ko lalo na si mama ko nung nabubuhay pa sya... sayang ang oras na ginugol ko sa'yo... wala ka naman kwenta! iniwan mo ako nung time na kailangan kita at kailangan ko ng karamay. pero nung mga oras na kailangan mo ng tulong, kahit d mo sabihin sakin, nandyan ako sa tabi mo para damayan ka...

pero in fairness mabuti na din at wala ka na sa buhay ko ngayon, kasi masaya ako sa life ko.. hindi hinayaan ni God na mapunta ako sa isang tulad mo. im still lucky.

kikayako

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #55 on: April 01, 2015, 07:30:29 pm »
Sana hindi ako nakipagrelasyon sa isang lesbian. First ko kasi siya. Hindi pala ako na-in love sa kanya. Natuwa lang ako sa attention na binigay niya sa akin. Naging selfish ako at nakarma na ako nung magkarelasyon pa kami. Pinerahan lang ako at pati pinsan niya eh ninakawan pa ako ng pera.  Pinagsisisihan ko yung 2 taong magkarelasyon kami. Pangit na nga, pangit pa ugali. Parang lalaki lang, sa umpisa lang mabait. Best foot forward. Pero pangit naman experience ko.

bluejazbling

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #56 on: April 03, 2015, 06:29:48 pm »
sana pinagbutihan at pinagigihan ko pag-aaral ko noong college pa ako, although naka graduate naman..

Prunella

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #57 on: April 07, 2015, 05:30:58 pm »
I wish I visited my lola more often when she was still alive. My biggest regret is taking her for granted.

Clair de Lune

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #58 on: April 13, 2015, 06:48:51 pm »
Career-wise, I regret not honing my skills and mastering a specific field.. and become really good at it, to the point that I can say, I am really really proud of my work. I'm still grateful for being employed, but, at the end of the day, it is just a job that helps me pay the bills. Not my passion.
I envy those people who have chanelled their passion through their work.

I also kind of regret not being aggressive about applying for jobs abroad when I was still in my early twenties. And it's not just for the money. I could have filled my younger years with so much adventure and experience away from my comfort zone. Oh well.

Lastly, I should have saved money at an early age. I have realized.. I've spent soooo much on clutter. Nothing was invested in something worthwhile and long lasting, except my travels.
« Last Edit: April 13, 2015, 06:50:56 pm by Clair de Lune »

imprincessfiona

  • Guest
Re: anong mga desisyon sa buhay na pinagsisisihan niyo???
« Reply #59 on: April 23, 2015, 02:20:29 pm »
I should have taken a nursing course. Nung college kasi wala pa me idea kung anong gusto kong gawin after high school. Matagal na siguro akong nakapunta ng U.S. kung yun ang pursue ko. Pero di naman sobrang regrets sa course (COE) kaya lang medyo limited sa job opportunities because our course prefer male than female but I enjoyed my college days.
« Last Edit: April 23, 2015, 04:05:20 pm by imprincessfiona »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close