watch now

Author Topic: Terrible 2's  (Read 2917 times)

pinksuman

  • Guest
Terrible 2's
« on: July 29, 2013, 04:50:52 pm »
not sure if there is a topic for this. but my kid 26 months are having tantrums and attitude problems. hindi sya spoiled pero umaastang spoiled.

date sasawayin ko ok naman, pero ngayon pinapalo ako, nagtatapon ng laruan. as in parang primadonna :)

pinakamatindi is umiiyak na lang mag-isa...magkukunwari na naumpog or pinagalitan or something then pupunta sa kabilang adult and will ask for comfort. my baby is a great actress....may luha pa...omg...bakit ba ganyan?

ang hirap minsan isama sa labas.

sabi nga ng yaya ko na kailangan nya ng kapatid para hindi umikot ang mundo nya sa amin. ano pa bang ibang alternative?

cloudzy_09

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #1 on: July 29, 2013, 04:55:20 pm »
Ako din medyo nararamdaman ko na terrible two pero so far na cocontrol ko pa din ang problema ko lang ay ang daddy kasi ini spoiled and softy pag dina dramahan na ng anak ko.

a_y_e_n

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #2 on: July 30, 2013, 10:23:21 am »
Ganyan din ang 25-month son ko. Impatient din, pag di nakukuha ang gusto nya nasigaw na "no!" Minsan din nagdadrama na kala mo aping api. Natotolerate ko pa naman yung katigasan ng ulo nya kase nacocompensate din ng kalambingan nya, "terrific twos" naman.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #3 on: July 31, 2013, 03:12:14 pm »
When my daughter turned 2, hinde pa ko masyadong stressed. Now that she's turning 3, mas kelangan ng patience kase she's learning to explore her emotions and when she isn't able to express her emotions well, dinadaan sa sigaw, tantrums, etc. Hirap na din sawayin ngayon unlike before na isang sabe ko lang to stop, she'll stop na. Now when I ask her to stop doing something, ang daming reasons and excuses. Most of the time, I try to be very neutral and patient but when I'm tired and stressed out minsan nagta-tantrums din ako :(

hayne22

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #4 on: August 03, 2013, 12:53:13 pm »
same here, nahihirapan ako pasunurin baby ko..mag 3 na sya sa november and lalaki pa kaya super kulit yung kakulitan nya pang 5x na bata sabi ng mom ko..grabe talaga..okay lang sana ng ganon e, ang kaso mo nakaka high blood kase naka 10x na tawag na ata kami sa kanya pag ayaw nyang tumingin/sumunod wala talaga..dedma lang sya..ganyan din pag hindi nabigay ang gusto mag wawala, mamamalo, tapos sa school according to his teacher nangaagaw daw ng toys ng classmates nya..grabe talaga hindi ko sya ganon pinalaki, pero why did he grew up like that.. :'(

thirtylicious

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #5 on: August 05, 2013, 07:52:48 pm »
Omg mga sisses! Parang magkakapatid mga toddlers natin. I have the same dilemna. Dati isang "no" ko lang. Stop na sya. Nung nag 25 months na sya. Ang hirap na sawayin! Papaluin ko talaga sa kamay para tumigil! "Tinotorture pa shihtzu namin. Haaay! Lagi na nasagot "no" "ayaw" "hindi". With gigil pa talaga. Cute naman minsan pero nakakaubos ng pasensya lalo if super busy ka.pagod. sweet sweet nya if walang sumpong pero pag nagttantrums na..parang baby from hell! Nananakit! Hahaha

a_y_e_n

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #6 on: August 06, 2013, 02:30:03 am »
^ganyan din ako 25-month son ko, pinapalo ko sa kamay using my 2 fingers. after that naguguilty naman ako. ngayon di ko na halos pinapalo kase nagbackfire samen eh. pag galit sya namamalo na din. ayoko naman maging violent anak ko kaya cold treatment nalang ginagawa ko ngayon. pag pinapalo or sinisigawan ako, i'd tell him "you're hurting mommy" sabay tahimik. most of the time tumitigil naman sya at naglalambing ulit. trial and error talaga pagdidisiplina naming sa kanya. sabi ng parents ko huwag ko daw masyado pagalitan at baka lumayo loob nya saken. gulo noh? di mo alam kung san ka lulugar.
« Last Edit: August 06, 2013, 02:35:54 am by a_y_e_n »

cloudzy_09

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #7 on: August 07, 2013, 01:54:47 pm »
Ako din dati pinapalo ko si baby sa kamay yung hindi masakit pero tinigil ko din kasi natuto din siya mamalo pag upset siya minsan pag alam niya sasawayin ko uunahan na ako at papaluin ako. Pero since nung tinigil ko hindi na rin siya namamalo and mas effective sa kanya ang positive reinforcement.

At nag eevolve na talaga ang parenting and discipline style ngayon dati labas lang ng sinturon sunod na agad tayo ngayon hindi na puwede ganyan sa mga kids kailangan iba iba approach.

Diane

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #8 on: August 07, 2013, 02:19:50 pm »
my daughter just turned 1 pa lang and napapansin ko na kamalditahan nya- may tantrums at kung ano ano kinakalikot. mas napuna ko kasy maternity leave ako. Yes, may newborn ako amd my mom said stage ng first kid ko yun kasi selos effect.

thirtylicious

  • Guest
Re: Terrible 2's
« Reply #9 on: August 08, 2013, 08:47:06 pm »
Sis ayen and sis cloudzy oo nga.

I tried minsan acting acting ako na iiyak ako para hahug na nya ako.pero iiyak din muma sya. Haay. Trial and error nga. First baby kasi. Ako lanv nagaalaga. Malayo sa grandparents. Si hubby naman di talaga sya nagaalaga/discipline kasi sandali lang bonding nila.busy sa work.

Kaya super attached naman din sa akin. Nagngaaway if may ibang kids ako kausap.selosa mode.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close