hi. share ko lang mga na experience ko FTs
kaya ako nagpupunta sa fortune teller para malaman pwede mangyari sakin sa future, if yun decision ko ba magiging ok or ano pwede nya makita sa magiging outcome ng ginagawa ko.
kay Jayce Lim, ok magaling sya, problem naka focus sya sa past and present situations, which para sakin hindi ko na kailangan malaman pa. oo magaling sya nakita nya and nasabi nya even my darkest secrets. yung lang kung reason mo para makita o malaman ang future, wag kayo kay Jayce magpunta POV ko lang naman. i think hindi lang ako nag iisa naka experience. at meron din mga sablay syempre na sinabi about sa past ko pero unti lang naman.
i guess yung reasons nya not telling me the future kasi mag offer sya ng life coaching, napa expensive e, 3 months per sessions ang bayad and iba pa yung may crystals na pam pa swerte daw.
sayang magaling talaga sya. pero wala ako naasahan sa sinabi nya, mas gumulo lang utak ko. pinaka ayaw ko pa sa sinabi nya after 3mos coaching at walang nangyari, walang nagbago sa sessions nya saka nya ko hulaan ng future ko, sana sinabi na nya kung ano talaga future ko d bah

then he asked me if may questions pa ko, sabi ko oo, marami future ko, so pina draw nya ko, and still ang lumabas sa baraha. need ko daw ayusin ang present ko para malaman ang future ko, tapos kinulit ko pa rin sya, so kumuha uli ako ng baraha then sinabi nya ikakasal ako at aalis ng bansa. ask ko kelan at kanino, well d nya sinagot dahil magiging dependent na daw ako sa hula sa future ko.

so kayo na bahala mga kapatid if you want to know your past and present problems kay Jayce kayo pumunta..
500 per hour pala sya, yun lang nag kuwento din sya about his past, present life nya and even about his job.. ok inuulit ko per hour bayad sa kanya.

si Jade naman, hay isa pa to sayang ang pera ko dito, napa iksi ng time wala sinabi sakin , kinukuha lang nya yung hula nya sa info binibigay ko, yung iba nakaranas na gumaan pakiramdam paglabas sa kanya, mag focus sya sa alam nya magbreak down ka, syempre gagaan ang pakiramdam mo. pero d nya nasagot yung questions ko. 500p fee.
kay Baby naman, 5 questions lang, 15mins lang kami nag usap, 400p na rin singil. future so d ko pa alam if totoo.
kay Ruby, mura lang 250p though near future lang nakikita nya like max of 3 months lang. pinaka gusto ko sa kanya pinakita ko pics ni bf, at nasabi nya ano ugali ni bf and mas madali nya rin nabasa yung future ko sa kanya.