watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 2  (Read 66623 times)

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #440 on: January 08, 2014, 08:27:10 pm »
Mga sis, na-curious ako sa Pandora bracelet. First time kong narinig yan 😁. Check ko yung website nila, maganda pero medyo pricey. Hopefully, maisip ni hubby magregalo nun. Ayain ko minsan tapos paparinggan ko. Hehe

Baligtad tayo pagdating sa anniversaries, mas gusto ni hubby i-celebrate ang civil wedding, dun siya may pa-effect na surprises, flowers and sweet messages. Pero sine-celebrate din ang church wedding, mas simple nga lang. :)

gt76

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #441 on: January 09, 2014, 11:41:58 am »
Hello Mga Sis! Meron ba kayong alam na agency na pwedeng aplyan sa Abu Dhabi? This month pabalik ako ng AUH, gusto ko na sana mag-apply online habang andito pa ako sa Pinas. 7yrs. din akong nakapagwork sa Dubai sa isang shipping company, sa Abu Dhabi nagwowork mister ko sana makakita rin ako ng work sa auh.  TIA!

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #442 on: January 09, 2014, 02:51:53 pm »
holly,
sige isasama ko sa schedule ko yan para makapag eb na tayo. hahaha.

yung civil wedding namin, may naganap naman na pirmahan at kainan. pero immediate family lang ang present. parang biglaang fiesta lang ang dating. haha.

RusselsMom,
sis ikaw nga ba yung nagtitinda ng Haribo Gummybears? kalimutan ko na. hehe.

gt76,
registered nurse sis, nagha-hire kami sa auh.

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #443 on: January 09, 2014, 10:14:16 pm »
Sis Joyce, yep ako nga. Ritz po, yung may part time na candy buffet business. :) medyo matagal din kasi akong di nag-post, madalas ako magcheck pero binabasa ko lang yung mga usapan n'yo. :)

Shery

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #444 on: January 11, 2014, 07:25:29 pm »
Ask ko lang po sa may alam ng church ng every nation dito sa dubai paki inform po ako.. Thank you 😄

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #445 on: January 12, 2014, 01:37:46 pm »
^ sis alam ko lang dito sa abudhabi eh  ;D pero mag email ka dito kung san dyan sa dubai
victory.uae.events@gmail.com. hth!

gt76

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #446 on: January 17, 2014, 02:37:56 pm »
Mga sis, meron ba kayong alam na agency na pwedeng bilhan ng ticket w/ dummy sa Abu dhabi? TIA!

paydayramos

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #447 on: January 19, 2014, 03:51:38 pm »
^sis try this: Tess from Gulf Oasis 026715600. Sa kanya kami kumuha dati.

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #448 on: January 19, 2014, 03:59:17 pm »
^^try also ms.cheri from Shams travel agency. 02 644 44 94  :)

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #449 on: January 19, 2014, 04:17:56 pm »
Looking for a school kami for my 4 yr old son. Undecided pa kami if sa IB curriculum namin siya ipasok or sa Philippines school na lang. eh 3 lang naman ang phils school dito sa abu dhabi. i'm not even sure if we can land a spot. apparently, madaling mapuno ang KG's.

at ang mahal ng tuition ha! kakaloka! kelangan namin ng increase! waaaaa

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #450 on: January 19, 2014, 04:20:45 pm »
^ sis, same tayo. 3 palang anak ko, pero turning 4 this April. kaka 4 palang ba ng anak mo? naku, natatakot din ako kasi yung slot baka hindi kame mabigyan :(

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #451 on: January 19, 2014, 04:53:51 pm »
^4 na siya nung december. yan din ang worry namin kasi mabilis daw mapuno ang slots ng KG's. tapos they give priority din daw dun sa may naka-enroll ng kapatid sa school. mahigpit din sila. dapat 4 na yung kid para mai-apply sa KG. kaya di namin na-enroll si eldest last year kasi wala pa siyang 4 by the time na pasukan na. at least sakto ang son mo sis. goodluck satin! sana makakuha tayo ng slot sa phils schools. pag di kami nakakahuha, i-enroll ko muna siya sa IB curriculum siguro.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #452 on: January 19, 2014, 05:12:39 pm »
^ sa abu dhabi ka sis, ano? naku, magka batch pala ang mga junakis natin :)
gusto ko sana talaga sa westminster dito sa alghusais. that's the cheapest school na na Gems. IB Curriculum. pag di kame nabigyan ng slot dyan, phil school na dito sa sharjah. there are two phil schools ata dito. pili nalang kame. hay naku, ang mahal ng tuition. kung iisipin mo, parang tuition na ng magagandang private schools sa Pinas ang schools dito na average lang :(

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #453 on: January 19, 2014, 05:50:08 pm »
^yes sis abu dhabi kami. oo nga magkabatch nga sila :)
mas cheap nga ata ang tuition sa gems winchester compared sa ibang gems dito sa abu dhabi kaya lang sa city ang location nila, eh nasa bundok kami lol.
naku sis sinabi mo! ang mahal ng tuition. pang exclusive schools na sa atin! kaya lang no choice naman kmi, kesa iuwi ko sila :( kung uuwi sila for good, uwi na rin lang ako. iwan na si hubs  dito hahaha

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #454 on: January 19, 2014, 07:39:16 pm »
^ oo sis, eto yung cheapest na school ng Gems. kaya feeling ko baka di ako makakuha ng slot sa sobrang dame ng magreregister. pero, sana sana. basta dito sa al ghusais na to, aabutin [textspeak!] mga 10-11k (inclusive na ang school bus). jusko, pang ateneo na pag X11.5 in peso :( hindi namin kaya yung winchester sa sharjah at sa oud metha. sobrang mahal! aabutin mga 15-18k a year. sobrang di kaya!

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #455 on: January 19, 2014, 07:56:07 pm »
^nagparegister na kayo? pwede na yata magparegister as early as now eh.
mura na nga yang 10-11k. nung tinignan ko website ng winchester dito sa abu dhabi, nasa 14k ata. may gems sa area namin (mussaffah), cambridge naman. kaya  lang when i called them early january if they are open for registration for KG, full na daw sila :(

alam ko pag international schools, maaga ka pwede magparegister. yung phils schools dito, feb and march pa eh.

ana_banana

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #456 on: January 19, 2014, 08:07:02 pm »
UAE Girltalker here from Abu Dhabi. Glad to found this thread... to interact with my fellow sissies from UAE :)

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #457 on: January 20, 2014, 03:14:04 am »
^mga sis, ano po ba yung GEMS? Naririnig ko yan basta schools ang usapan. Sa Philippine school ako nagpareserve for my 2 kids, isang grade 4 and isang grade 1. Para hindi na sila ma-confuse sa curriculum kasi kukunin pa lang namin sila from Pinas. Ang mahal nga ng tuition, nasa 11-12k ang dapat ilabas sa enrollment para sa kanilang dalawa, to think na monthly pa yung payment mode na pipiliin namin. Parang Ateneo or La Salle na sa Pinas, baka may sukli pa. Hehe

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #458 on: January 20, 2014, 02:01:29 pm »
@ana_banana, welcome sis! ayan dumadami na ang nasa abu dhabi! EB na! :)

@russellsmom, international school siya, british curriculum. buti naregister mo na kids mo. KG pa lang kids namin ni simplykristine, mahirap daw makakuha ng slot pag KG eh.. ang mahal mahal nga ng tuition talaga dito. nakakapulubi hehe. kaya lang no choice naman tayo. so sige na lang..

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #459 on: January 20, 2014, 02:10:26 pm »
sissies magtatanong na lang din ako sa thread na to,. ;D
kasi lumabas na marriage cert namen tas pina red ribbon na din nakita ko mali surname ni papa may additional "A".magiging big issue ba yun? tia!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close