watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 2  (Read 66643 times)

adikako

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #300 on: November 21, 2013, 06:25:40 pm »
Walang snow sa Istanbul proper per se. Malamig lang talaga kaya trench coat at boots kung boots ang outfit ng mga tao dun. Di ko lang alam san sa Istanbul na nag snow.


Yung ibang lugar ng Turkey ang may snow talaga like Antalya.


adikako

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #301 on: November 21, 2013, 06:28:11 pm »
Suggestion lang kung Snow ang gusto, better Go to Georgia. Visa (25USD) on arrival ang Pinoys, pero kung may valid Schengen at US visa, libre na! :)

Mura ticket dun, as low as Aed 1,200 Qatar Airways / Fly Dubai / Georgia Air.

 ;)

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #302 on: November 21, 2013, 06:56:32 pm »
^ uy natuwa ako. Georgia is part of Europe? sorry mahina ako dito. 1200  AED roundtrip? Maganda din ba dun?

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #303 on: November 23, 2013, 01:08:21 pm »
thanks sa mga replies and suggestions!  ;D we'll see kung makakakuha kame ng barkada ng murang package this coming May  ;D

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #304 on: November 28, 2013, 01:36:26 pm »
Again, congrats Dubai! i thought they well deserve this expo :)

But all over the news din ang pagtaas ng rent lalo pa't tinanggal nila ang 5% rent cap :( i'm hearing stories na from the people who's leasing renewal si due soon, the landlords advised them a 10% increase! some aed30,000 pa nga! susme! san na lang kami pupulutin nito :( sana kung tataasan din nila ang mga sahod ng mga tao, kaya lang hindi naman! :(

buti na lang kaka-renew lang namin last month, sa oct 2014 pa ulit ang renewal namin. sana naman by that time, may changest na.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #305 on: November 28, 2013, 02:17:05 pm »
^ sis, yan din kinatatakutan namin. panalo nga tayo sa Expo, tataasan ba tayo ng sweldo tulad ng pagtaas ng rents ng bahay? jusko, baka sa Ajman na kame neto tumira. huhuh! i mean, pano naman yung ang liliit lang ng sahod tapos may pamilya dito? hayyyss!

sabi nga yung iba daw from 70k na rent naging 100-120k!

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #306 on: November 28, 2013, 02:47:17 pm »
walang pasok ngayon sa school ng mga anak ko. bigla bigla nag announce. yung iba nga yata nasa school na nung nalaman walang pasok. hahaha.

ako nakaligo na ko at naka luto bago ko nalaman hahaha.  ;D

dec3 na pasok nila.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #307 on: November 28, 2013, 03:05:26 pm »
@tin, kaya nga. pano na lang tayong pinipilit lang naman mabuo ang pamilya dito. kaya nga working kami parehas ni hubs kasi hindi naman nya kaya na siya lang. unless siguro kung uwi na lang kami ng pinas then siya mag bedspace na lang hehe. pero kawawa naman siya non. hayyyy naman talaga

@joyce, wala ngang pasok. bigla bigla na lang nag-announced last night! nag-email lang ang head ng nursery ni eldest na holiday sila today. eh supposedly, they will celebrate the National Day today. bumili pa man din ako ng food kasi dadalhin ko sa nursery nila. sana nga tuesday na lang nila in-announce na holiday kasi not everyone knows na wala ngang pasok today. there are some schools na optional ang pagpasok kasi may mga students ng nasa school. masyado yata silang na-excite kaya agad agad holiday na!

speaking of holiday, at dahil complicated ang announcement ng MOL re holiday for private sectors, until now wala pang sinasabi samin dito sa office when will be our holiday. but i guess, we'll be having a saturday holiday lang. ang swerte lang nung mga 4 days straight walang pasok, like ang dear hubby ko. hmp! inggit! hahaha

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #308 on: November 28, 2013, 03:23:18 pm »
^ sis, may pasok ka ba ng saturday talaga? kame, sunday ang holiday. baduy nga, i though monday kaya nagfile ako ng leave for sunday eh biglang sunday pala kame walang pasok. pinaadjust ko nalang ng monday para 4days din ako. gusto ko magpahinga sa kakagising ng maaga! hehe.

kagabe palang nabasa ko na sa net na walang pasok ang mga schools. pero mas maganda nga na sa school talaga galing ang announcement.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #309 on: November 28, 2013, 03:29:48 pm »
^alternate saturday offs kasi kami. this coming saturday, supposedly may pasok ako. but if they will announce it as holiday, holiday ako lol. most of us expected that Monday ang holiday because they never moved it naman. in fact, sa office calendar namin, fixed holiday ang dec. 2 along with jan. 1. so pano kami manonood ng fireworks nito kung may pasok ako hehe. excited pa naman ang eldest ko to watch fireworks.

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #310 on: November 28, 2013, 03:38:08 pm »
holly,
buti nga yung school niyo nag email. e itong school namin ewan kung pano naipakalat kagabi na walang pasok ngayon. sabi e nagpost daw sa page ng school, abay lahat ba ng students at parents sa school na yun e fan nila? kaloka!

yung mga adviser, hindi man lang nag effort na itext ang parents ng students niya para sabihin na walang pasok. wala man lang pake. para ano pa kinuha niya mga mobile numbers namin. maireklamo nga yun. hehe.

pangalawa na kasi yan e. nung una nung bigla nag suspend ng class kasi may bagyo daw. suspended na pala wala man lang text o tawag. dapat man lang kung nasa pre school pa, asikasuhin ng teachers na sila kumontak sa parents. common sense. tatawag ba mag isa yung anak mo sayo? sasabihin ba ng bata, "teacher tatawag po ako kay mommy, magpapasundo na po ako". kaaga pinag init ulo ko. haha.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #311 on: November 28, 2013, 03:56:45 pm »
^^ kaya nga sis eh. sana kasi binigay nalang din nila ang Monday total yun naman talaga ang UAE National Day. kala ko nga kagabe dahil nanalo ang Dubai eh gagawin din tayong 4 days off, tulad ng government companies. kakainis hindi naman pala :(

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #312 on: November 28, 2013, 04:02:09 pm »
joyce, si hubs nga lang ang nakakita ng email since 2 kami ang nasa list. then saka lang ako nagcheck sa gulfnews kung nag-announce nga. eh pano kung hindi naman nagchecheck ng email regularly diba? kaya nga dapat kasi hindi nag-announced bigla bigla na holiday the following day. eh passed 10 pm na sila nag-announced! hello! tama ba yun?! i love this country buy minsan talaga ang mga decision makers, palpak!

tin, sabi nga ng boss ko, 2nd class citizens ang mga nasa private sectors kasi iba ang rules satin then lahat ng privilege nasa public sectors! and nagtataka sila bakit ayaw ng Emiratis magwork sa private sectors!

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #313 on: November 28, 2013, 05:28:25 pm »
holly,
yun nga. hindi naman lahat e nakatutok sa bulletin board o sa announcement ng school. sana man lang, tutal e si principal naman ang unang may alam na mawawalan ng pasok, kasunod ang mga teachers. o di sana yung mga teachers siya na nagkusa mag announce sa mga students niya lalo na kung biglaan diba. ilan lang naman ang students per class, hindi naman mauubos ang load mo dun.

excited pa naman din si jade kanina kasi may parade din sila para sa national day. may flag din kami at kung anoanong accesories.  ;D

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #314 on: November 28, 2013, 06:32:35 pm »
^naku naka-mind set nga din si rhys na papasok siya today at may celebration nga sila, naka-ready na nga ulit ang kondoura nya. hayyy kaloka ang nangyayari sa uae ngayon hehe

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #315 on: November 29, 2013, 01:29:57 am »
^at dahil dec3 pa pasukan, baka mapasyal nanaman kami auh. hindi pa sure kung kami nga ang papasyal ng auh o yung mga taga auh ang papasyal dito samin. hehe.

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #316 on: December 01, 2013, 04:03:30 pm »
happy uae national day sateng lahat sissies!!!  ;D
ansaya pumunta kame kahapon sa sharjah yung mall na 1-10aed lang tinda waaaa ansaya saya ko yung 130aed andami kong nabili ang mura  ;D si hubby naman namakyaw ng alak sa ajman ba yun grabe halos kalahati diff dito sa auh.mura din ang baboy  ;D
« Last Edit: December 01, 2013, 08:12:15 pm by gracita13 »

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #317 on: December 01, 2013, 07:41:02 pm »
^haha! ramdam ko tuwa mo ah.  ;D

buti naibyahe niyo ng maayos yung mga alak na binili niyo dito. alamo daw yung iba, nag aabang ng bumibili ng mga beer tapos susundan ka kung san ka pupunta. minsan daw yung bumili ata sa sharjah dumaan o taga dun yata. pagdating daw sa sharjah binangga sa likod ng kotse. ayun huli, may dalang beer. nakwento ko lang.  ;D

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #318 on: December 01, 2013, 08:15:10 pm »
^joyce narinig din namen ang kwento na yan kaya super ingat din kame kahapon hehe swerte hindi namen na experience  :)

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #319 on: December 02, 2013, 01:11:32 am »
^hehe. katakot noh.

namili din pala kahapon si hubby dun sa bilihan ng beer. kaya lang hapon na yun. tsaka dalawa na kasi yata ang bilihan dito o tatlo.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close