watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 2  (Read 66419 times)

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #80 on: August 29, 2013, 07:33:15 pm »
^ sabi sis ng friend ko mura mura daw sa international city. oo, maliit nga daw ang studio flat doon. bihira din sya magluto kaya walang problem sakanya yun. usually sa labas kasi nakain. ang mahal na dito. di makatarungan. i was talking nga sa cousin ko sa toronto, sabi nya 1000 CAD daw ang rent nila plus utilities sa 1br nila doon sa canada, eh sabi ko ako nasa 900 CAD ang gastos namin nun sa dubai pa kame partida 1 kwarto lang yun. bawhahaha

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #81 on: August 30, 2013, 06:25:05 pm »
^nalito ako sa kwento mo at nahirapan ako sa pagbabasa dahil sa "textspeak", pero na-gets ko naman. haha.

sa tingin ko, kung may babae nga dito ang asawa mo, hindi na kayo kukunin nun.

pero sabi mo nga, kukunin pa din kayo kasama ang mga bata, at residence visa pa, hindi lang visit visa. baka naman malapit lang talaga sa babae ang hubby mo.

para sakin, since nag abala na din ang asawa mo na i-apply kayo ng residence visa, ibig sabihin, talagang gusto niya na magkasama sama kayo. kaya go ka nalang, sayang naman. ngayon kung pagdating mo dito at talagang bulgaran ang pagchichicks ng asawa mo, tsaka ka magdesisyon kung uuwi ka o titiisin mo nalang muna para sa mga bata.



yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #82 on: August 30, 2013, 07:38:09 pm »
^^sis baka naman mali ang hinala mo kasi if ever may babae naman asawa mo di ka nya papupuntahin dito kasi pag nandito kana mahihirapan na sya. Baka kaibigan lang yun na nagpapasama sa Mall. Punta kayo dito sis para mabuo uli family nyo at ang mga pangarap nyo. Pagnandito ka na maalagaan mo na rin mister mo at di na mahohome sick, yan kasi reason madalas bakit may naging karelation na iba dito. Wag mo munang isipin yang pambabae ng mister mo kasi di pa naman proven, sa ngayon prepare ka muna na pumunta dito. Relax lang sis and pray for God's guidance.  :)

geeboy

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #83 on: August 31, 2013, 12:56:21 am »
Dito sa amin from 41k to 49k ang two bedroom. 

may friend kami, family sila, 3 yrs na rin nakatira dyan sa al khail, na-shock din sila sa itinaas ng rent, buti na lang may ka-share sila dun sa isang kwarto. at least yang presyong yan, 2br/h na.  eh kami dito sa satwa, 46k na, 1br lang  :'( 

paydayramos

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #84 on: September 01, 2013, 04:42:16 pm »
pa-join ulit! :)

tagal kong nawala sa sirkulasyon. naging busy kasi sa pagpeprepare sa baby namin, just gave birth last May 15. pinapunta ko mommy ko dito on visit visa for 3 months. wala akong kapatid kaya first apo sa side ko.since matanda na ang mommy ipinasabay na namin ang youngest brother ng hubby ko. para may kasabay sa byahe. 3 1/2 months nandito ang mommy nagbayad na lang kami ng penalty for overstaying di ko kasi masamahan pauwi ang mommy ng 'pinas kaay isinabay ko sya sa cousin ko na umuwi last august 28. 13 days ang binayaran namin AED1,400.

may babysitter na nag aalaga sa baby ko kaso dinadala namin sa don. elder sister ng dati kong officemate kaya tiwala ako. may nag apply kasi na pupuntahan sa house ang baby ko kasi walang nag refer na kakilala ko. wala ako matanungan kung okey ba talaga sya kaya di ko na kinuha.

ngayon nag iisip kami ng mister ko kung kukuha na lang kaya kami ng mag aalaga sa baby namin from 'pinas. ibibili na lang namin ng visa sa local. kaso wala kami idea how it goes. alam ko lang need pay 10,000 dirhams. may idea ba kayo regarding this?


RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #85 on: September 01, 2013, 05:14:48 pm »
Hello po. My name is Ritz, 29 years old. 1 year and 7 months pa lang ako dito sa Dubai pero si Hubby mag-5 years na. I have 3 sons : 8 yrs old, 4 yrs old and 10 months old (made in Dubai, delivered in Sharjah  :D ). Yung 2 kong anak nasa Pilipinas pa, hindi pa kasi naming kayang i-support yung pag-aaral dito, pinag-iipunan pa. Looking forward na makakwentuhan kayong lahat. Sa Deira kami nakatira, malapit sa Reef mall.  :D

Nakakahiya man pero magtatanong na ako sa unang post. May mga kilala po ba kayong nagsa-sideline/part time business? Yung maliliit na business na nakikita ko sa facebook like party decorators, photobooth, etc, may mga business license po kaya un? Kasi nagtayo kami ni hubby ng candy buffet business, eh nung nagresearch ako sobrang mahal ng magagastos kapag nag-apply ako ng trade license. Iniisip namin na baka pwede kami mag-operate as sideline lang, mga kabayan din lang ang clients. Pwede po kaya un?

Nagpa-plano kasi kami ng 1st party ni baby sa October, gusto ko ng candy buffet kasi sikat na sikat yun sa atin sa Pinas. Kaso wala palang affordable na supplier dito, meron ako nakita nasa 30-50 dirhams per person. Sobrang mahal! Kaya nagdecide kami ni hubby na gumawa ng sarili naming candy buffet. Bumili kami ng magagandang jars, tablecloth, pang decorations, saka naghanap ng murang candy supplier. After a month ng paghahanap eh nakakita naman ako, haribo and jelly belly supplier siya. Yung 9 dirhams na 100 grams jelly belly sa grocery, eh nakukuha naming sa kanila ng 55 dirhams for 1 KG. Tapos yung Haribo gummy bears na 9.50 dirhams na 200 Grams sa grocery, eh 25 – 30 dirhams yung 1 KG sa kanila. Sobrang laking tipid naming. Kaya ayun nagdecide kami na after ng birthday ni baby eh gawin na naming part time business. Sayang kasi iyong mga nabili naming gamit saka yung supplier na nahanap ko. Ngayon nga ginagawa ni hubby kumukuha ng orders sa mga ka-officemate tapos pinapatungan niya lang na kaunti. Tuwang-tuwa naman yung mga ka-officemate namin kasi masarap talaga yung haribo candies and jelly belly, tapos nakamura pa sila.  ;)
« Last Edit: September 01, 2013, 05:18:54 pm by RusselsMom »

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #86 on: September 01, 2013, 05:24:52 pm »
Para kay Sis Mitchey, maaring merong babae yung asawa at maaari ding wala. you will never know unless you ask. Dapat open communication, dapat alam niya na naghihinala ka na, at dapat din niyang malaman yung tungkol sa girl na kasama niya sa mall para makapagpaliwanag ka.

Nung dumating ako dito sa Dubai, nalaman ko na madami ding girl na friends ang hubby ko. Usually kasi sa office bubuo ng sariling grupo ang mga pinoy tapos sila ang laging magkakasama. Malungkot kasi ang buhay sa ibang bansa lalo na at malayo sa family. Kaya malamang ay kaibigan lang niya yung girl.

Since gusto ka niyang pumunta dito at mga bata, ibig sabihin ay gusto ka niyang makasama, kaya malamang wala siyang babae. Dahil kung mayroon, eh mas gugustuhin niyang diyan ka na lang sa Pinas para buhay binata siya dito. At ipagpalagay nating meron nga siyang naging babae, kunwari lang, halimbawa, ibig sabihin gusto na niyang ayusin ang pamilya niyo kaya ka niya pinapapunta dito. Kaya, relax lang po. Punta kayo dito ng mga bata, mahirap ang magkakalayo.  :)

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #87 on: September 01, 2013, 05:58:06 pm »
@paydayramos, congrats sis! :) can't comment about sa yaya eh :( walang experience hehe

@russelsmom, gusto ko yang topic mo! haha
my daughter just turned 1 last week, nung friday ang party and we somehow decorated yung venue nya :) i also did a small dessert buffet kaya lang i had to buy the chocolates from the supermarket kaya mahal. looking for suppliers din ako eh. baka naman you can share your supplier to me.. pretty please :) no need to apply for a trade license naman siguro, not at this stage lalo na kung ang clients nyo eh kakilala nyo pa lang. my friends are convincing me to do party decorating na nga rin since ang sipag ko daw hehe. so willing akong mag part time haha.
btw, from abu dhabi naman ako. wala rin masyadong party organiser/stylist kasi dito unlike sa pinas na ang dami dami!


j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #88 on: September 01, 2013, 06:11:42 pm »
^russelsmom,
hi ritz! ako si joyce. 31, taga ajman. (hehe parang sa beauty contest)
kikita ka sa mga anak ko. yung eldest (13yrs old) ko favorite niya yung haribo gummy bears. yung bunso (5yrs old) naman jellybeans (pink only hehe) ang favorite. paano makabili sayo?  :)

actually, ako din nagsa-sideline. nagbebake naman ako. kinukuha din ako ng mga friends na kabayan (meron din ibang lahi) sa mga birthday party nila. o kaya oorder ng bulk, for delivery. nirerefer na nga ako sa mga hotels kaya lang kailangan ko kumuha ng trade license.

^holly,
kamusta ang party? nakakita ako ng konting pictures niyo. like ko yung cake ni G, yellow. hehe

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #89 on: September 01, 2013, 06:34:23 pm »
^ayun si mommy joyce nagpa-part time nga pala! hehe.
parang beauty contest lang kung makasagot, may age pa! haha
ok naman ang party ni G, nakaraos na rin hehe. tapos na ang pagpupuyat haha. di pa ko gano nakakapag upload ng pics kasi busy-busyhan pa ang beauty ko haha.

Happy Mom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #90 on: September 01, 2013, 09:07:34 pm »
natawa naman ako sa yo joyce. beauty contest talaga dating no ;D

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #91 on: September 01, 2013, 11:43:38 pm »
^holly & mommy fritz (happy mom),
hehe, ginaya ko lang si sis ritz (russelsmom).

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #92 on: September 02, 2013, 12:38:54 am »
Nakakatuwa naman kasi warm welcome.  :)

@bhey0624 Thank you sa pag-reply. Naku, sorry baka hindi ko ma-share ang supplier, bukod sa andito sila sa Dubai, sabi ni hubby trade secret daw. hahaha. Pero, sis, try mo din mag-part time as party decorator/organizer. Wala siya masyadong cash capital, talent mo lang talaga saka enjoy pa. May nakapagsabi sa akin na yung pagsupply ng cake arc balloons and ilang centerpieces lang, eh nasa 500-700 dirhams na daw yung package. Nag-enroll nga ako dun sa Digerati, yung mga kabayan na nagco-conduct ng trainings, in-enroll ko yung balloon decors and party needs. Balak ko din kasing ako na magdecorate sa party ni baby since ang mahal nga ng party decorators.  :)

@j27, sis Joyce, naku ngayon ko lang narealize, may age pala yung na-type ko. akala ko siguro nag-a-apply ako ng trabaho. hahaha. By the way, bawal po yata mag-promote dito, okay lang ba kung pm ko na lang sayo kung paano makaka-order? kaso ang layo nating dalawa, nakaharang ang Sharjah. hehe.

Wow! Nagbe-bake ka? Baka ako pa ang mangailangan sayo, kasi sa candy buffet business hindi maiiwasan na may magrequest ng cupcakes, cake pops, etc. Eh hindi po ako marunong mag-bake, ang tagal ko ng naghahanap ng kabayan na nagbe-bake, kaso wala ako makita sa facebook. Puro ibang lahi. :)

Hi @happy mom. *waves*

jm23

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #93 on: September 02, 2013, 02:07:54 am »
Hello mga sis! May alam po ba kayo na Filipino OB-Gyne dito sa dubai? If you know someone, refer nyo naman sa akin, please.
Thank you sisses!

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #94 on: September 02, 2013, 02:44:31 am »
^sis try mo si  Dr. Rosalyn Balacuit-Karlsson at First Medical Center, Bu Haliba Plaza, Al Muraggabat St. Deira, Dubai. landline  no. is +971-4-2976868. Though di ko pa sya napuntahan kasi nasa Abu Dhabi kami.

RusselsMom

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #95 on: September 02, 2013, 03:00:53 am »
^^Sis, ang tumingin sa akin nung preggy ako last year ay si Dra. Paz ng Philippine Medical Center sa Karama. Pero hindi siya ob, gen prac siya pero sobrang okay naman. Majority ng patients niya ay buntis.

paydayramos

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #96 on: September 02, 2013, 12:55:41 pm »
thanks sis bhey0624 :)

Buti pa pala sa Dubai may OB na pinoy...dito kasi sa Abu Dhabi ang alam kong mga pinoy doctors na OB daw sa pinas eh GP dito. parang higpit ng municipality at di sila mabigyan ng license dito as OB. dami ko na ngang nadaanan na OB dito bago ako nabuntis. been TTC for 6 years.

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #97 on: September 02, 2013, 01:04:47 pm »
sis paydayramos, sino pong OB mo?..TTC din kami for two years na and we're not getting younger na rin. Been married for 3 years 11 months and 21 days.

paydayramos

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #98 on: September 02, 2013, 01:27:48 pm »
hi sis yena^_^ ! I'm 36 yrs old. 6 yrs TTC bago nagka-baby. una kong OB sa Gulf Diagnostics, di ako nabuntis. then sa IBN Nafees Medical Center sa Najda Street tapat ng Phil. House si Dr. Rajaa. Naka-2 or 3 rounds ata ako sa kanya ng infertility treatment. Then umuwi kami ng 'Pinas nagpa-IUI kami, i got pregnant. nung bumalik kami dito naging OB ko naman si Dr. Mary from Lifeline Hospital that time buntis na ako dahil nga sa IUI. kaso nag-miscarry ako at 21 weeks. maagang pumutok ang water bag ko, nag no heartbeat. then nag 2 rounds pa ulit ako infertility treatment kay Dr. Mary. then nag-stop na ako. since di ako mabuntis napagod na ako, bukod pa sa magastos dahil di covered ng insurance ang infertility treatment. after ilang months nagbuntis naman ako the natural way :) . nag-iba na ulit ako ng OB. lumipat ako kay Dr. Ahmed Ghazal ng Al Noor Hospital sa Khalifa Street. Siya ang nagpaanak sa akin.

paydayramos

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #99 on: September 02, 2013, 01:34:02 pm »
sis yena, all OBs which i mentioned were all referred to me by colleagues and friends. puro sila infertility at high-risk pregnancy doctors. hiyangan nga lang siguro. mas naging komportable ako kay Dr. Ahmed kahit lalake sya. inalagaan talaga ako kasi high-risk pregnancy. tsaka kasama ko naman lagi ang mister ko tuwing check up tapos mabait din ang assistant nya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close