watch now

Author Topic: Girltalkers from UAE 2  (Read 66255 times)

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #60 on: August 28, 2013, 08:15:59 pm »
^Sis Gracita13 thanks for the info.. yang tenancy na yan ang problema ko kase nung kumuha ako ng flat dalaga pa ako so pinapangalan ko dun sa friend ko na mag-asawa para less hassle (ako lang nagpaunang labas ng downpayment, pero binayaran naman nila yung half ng lahat ng expenses).  Ngayon medyo nagreregret ako sa decision ko na yun, lalo na kapag nagkababy na... hayzt... but I know God has something for me.  Lahat naman may dahilan.

Ang mahal na kase ng rent nakakainis! pero ang increment barya lang! Kaloka!

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #61 on: August 28, 2013, 08:25:17 pm »
^check ka dyan tenancy din ang prob namen pag may baby na tas problema pa mag aalaga.pag umuwi naman ng pinas nganga! tsk! oh layp!

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #62 on: August 28, 2013, 08:50:48 pm »
^^ sis parang ganun nga. Pink copy muna tapos pag tapos na sa medical saka ilalagay sa passport. Yes, dalaga pa ko nun. Hehe. Tapos nabuntis ako dito so ang ending eh para akong nagtour kasi after 2months umuwi ako. Kasi buntis na nga. Wait sis, bakit mo pala natanong tong about sa husband's visa? Andito ka na and your hubby diba? Or mali ako?

^ sis, agree ako na mahirap humanap ng nanny or yaya dito! Unless medyo mapera ka na kukuha ka sa agency talaga or parents mo willing magstay dito to take cere of the bababy.

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #63 on: August 28, 2013, 09:00:11 pm »
^ onga sis 1500aed for nanny susmiyo! pwede ko naman kunin mom ko if ever pero diba dapat ang flat na kukunin is 2bedrooms? tama ba sis?

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #64 on: August 28, 2013, 10:12:37 pm »
nung pumunta kami dito ng mga kids, residence visa agad kami. oo yun yung pink na paper. pagdating dito, nagpamedical ako. tsaka palang kami nilagyan ng visa sa passport.

kailangan din magpa medical pag mag rerenew  ng visa. required lang ang medical sa 18yrs old and above. kasabay niyan irerenew yung emirates ID.

ang nabanggit sakin ni hubby nun, kapag parents, kapatid, husband ang aapply-an ng visa, kailangan yata Dh10k above ang salary.

bhey0624

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #65 on: August 29, 2013, 12:07:40 pm »
ang higpit na nga nila ngayon sa tenancy contract na yan! i have a friend who recently gave birth, eh nakatira lang sila sa partitioned villa, pinakita nya sa immigration and asked them kung mavivisahan nila baby nila, ayun dapat daw may TAWTHEEQ. bigla tuloy silang naghanap ng bahay, lilipat na sila soon.

si MIL ang bantay sa kids ko and 1 bedroom flat lang kami. pero kasi since 2010 pa cya andito so renew lang ng renew yearly. nung july lang ulit kami nag-renew ng visa nya, hinanap nga yang TAWTHEEQ na yan pero hindi naman na ni-check kung ilang bedroom yung amin, basta may paper kami hehe. pero i think if new application, required ang 2 bedroom..

ayyy wait! hindi na daw nag-i-issue ang abu dhabi ng visa sa parents eh. i don't know if totally implemented na. but kasi yung isa naming friend who gave birth early this year, tried to get a visa for her mom but yun nga ang sabi, di na sila nag-i-issue. ang ending, pinauwi muna nila ng pinas ang baby nila. heart breaking! naiyak ako nung kachat ko cya. sabay umuwi ng pinas ang mom nya and baby nya. ngalngal daw cya talaga sa airport..

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #66 on: August 29, 2013, 12:28:55 pm »
^^ sis parang ganun nga. Pink copy muna tapos pag tapos na sa medical saka ilalagay sa passport. Yes, dalaga pa ko nun. Hehe. Tapos nabuntis ako dito so ang ending eh para akong nagtour kasi after 2months umuwi ako. Kasi buntis na nga. Wait sis, bakit mo pala natanong tong about sa husband's visa? Andito ka na and your hubby diba? Or mali ako?

Sis Hubby went home for a year para makakuha ng mas magandang experience pre-opening supervisory level para pag balik pede na sya assistant manager. 

^ onga sis 1500aed for nanny susmiyo! pwede ko naman kunin mom ko if ever pero diba dapat ang flat na kukunin is 2bedrooms? tama ba sis?

Sis ang alam ko kapag nanny ang kukunin mo required ang two bedroom apartment.  Pero pag parents hindi ko lang sure.  Basta ang rules na narining ko dati sa studio dapat 2 person, 1 bedroom, 4 person, 2 bedroom up to 6 person lang.  Pero syempre kapag nanny required yan na bigyan ng sariling bedroom ata parang ganun, kaya yung ibang villa may nanny's room.

ayyy wait! hindi na daw nag-i-issue ang abu dhabi ng visa sa parents eh. i don't know if totally implemented na. but kasi yung isa naming friend who gave birth early this year, tried to get a visa for her mom but yun nga ang sabi, di na sila nag-i-issue. ang ending, pinauwi muna nila ng pinas ang baby nila. heart breaking! naiyak ako nung kachat ko cya. sabay umuwi ng pinas ang mom nya and baby nya. ngalngal daw cya talaga sa airport..

Sis if both parents are alive hindi pwede na ang bibisahan lang ang yung mother dapat both parents ang iapply for residence visa.  Baka naman ganun ang sitwasyon nila?

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #67 on: August 29, 2013, 12:51:14 pm »
^thanks sa info mga sissies.if ever ganun nga wala naman na ako tatay patay na.pero ansakit pa din sa bangs ng 2bedrooms na yan  :(  shuhada!

j27

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #68 on: August 29, 2013, 01:04:51 pm »
Holly,
Yung sa MIL mo everytime magrerenew siya ng visa, medical lang requirement tsaka passport and emirates id? Nagsasubmit pa ba kayo ng birth certificate or marriage certificate niya or yung sa first application lang niya kailangan yung mga documents na yan?

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #69 on: August 29, 2013, 01:28:00 pm »
^thanks sa info mga sissies.if ever ganun nga wala naman na ako tatay patay na.pero ansakit pa din sa bangs ng 2bedrooms na yan  :(  shuhada!

Yes Sis Gracita13 lalo na at tumataas na naman ang rent.  Dito sa amin from 41k to 49k ang two bedroom.  They worked around the 5% increase of rent rule, ginawa nila 2500+ lang increase, tapos chinarge kami bigla ng 5800 na cooling charge.  Pero sabi ko ok na rin, 3 yrs kaming di nagbabayad ng cooling charge so sige na lang...

I heard 55K na ang 2bdroom dito sa amin area. Kainis talaga! nakakaloka! kaya I'm just praying that if ever hubby gets back may accommodation na yung company na papasukan niya.  Para we don't have to rent.

About naman sa nanny, my friend na buntis din ngayon told me na may mga daycare centres dito sa dubai, hanap ka na lang ng affordable and mapagkakatiwalaan.  May mga friends daw sila na iniiwan yung baby as young as 4months old ata. 

Sis double check the requirements for your mom's visa... kase baka hindi mo naman kelangan ng 2 bedroom.

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #70 on: August 29, 2013, 01:40:05 pm »
^mejo mura ang bahay sa dubai ano sis? kasi yung officemate ko 2bedrooms 80k dito yun sa may city area.
onga sis sana makahanap si hubby mu ng may accomodation na anlaking bawas nun sa budget eh.

yena^_^

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #71 on: August 29, 2013, 01:48:19 pm »
Because of tawtheeq na yan lumipat kami ng bahay kasi magrerenew na ako ng visa, hanap sana kami ng 1 bedroom pero super mahal nasa 60k+ >:(, so studio nalang uli sa villa pero tawtheeq registered...Sarap tuloy umuwi nalang sa pinas. Minsan sa ADCP may 2 or 3 bedroom na nasa 60k+ lang din pero wala talagang mas mababa pa jan.

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #72 on: August 29, 2013, 02:25:05 pm »
Sis Myealexis21, san ka sa dubai? bakit ang mura ng rent nyo? nung nag house hunting kame just last month, mahina na ang 65k sa 2br hall. kaya nga lumipat kame ng sharjah. halos sahod ko lang kasi binabayad namin sa house rent, dewa at parking nung nasa deira pa kame.

Sis gracita, sa nanny naman, 1100 lang bayad namin. kasi isang hall lang kame. pero ngayon 2 pamilya na kame sa 2br hall flat, kinuha na din sya as taga alaga ng kasama namin sa house so may dagdag na sya na 700-800 per month. sabi nga namin, buti pa si ate nataas ang sahod, kame hindi. LOL!!

ang alam ko din kelangan nasas 10k ang sahod pag parents ang kukunin. at kelangan both parents ang kukunin pag buhay pa pareho ang magulang. kasi yung friend ko ang ginawa nila, binilhan nalang nila ng visa nanay nya kasi hindi umabot ang sahod nya na 10k. and, pag may nanny or parents ang vivisahan 2br hall nga ata. pero pag anak lang, keribels na ang 1br hall.

sobrang mahal na talaga ng bahay ngayon kahit sa al nahda sharjah. yung tinitirhan namin, nakuha ng 34k 3months ago, ngayon 42k na daw :(

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #73 on: August 29, 2013, 02:39:59 pm »
^ahaha buti pa sila may increament!  ;D at ang sahod nila bongga ha katulad na ng call center sa pinas at wala pang bawas yun.libre pa food.kalowka!
anyways,sis paano kung hindi naman aabot ng 10k sahod ko pwede ba namen icombine sahod namen?

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #74 on: August 29, 2013, 02:54:54 pm »
^ yan lang ang hindi ko alam, sis.

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #75 on: August 29, 2013, 03:13:07 pm »
^mejo mura ang bahay sa dubai ano sis? kasi yung officemate ko 2bedrooms 80k dito yun sa may city area.
onga sis sana makahanap si hubby mu ng may accomodation na anlaking bawas nun sa budget eh.

Kung compare sa Abu Dhabi mas mura ng kaunti... humahabol na rin sa pagtaas ang rent dito sa Dubai Sis.  kaya nga yung mga nakatira sa Discovery Gardens and working sa Abu Dhabi, parang hindi na sulit kase studio flat is ranging daw from 38K to 40K per annum.  Eh yung commute pa nila, gasolina, pa-service ng sasakyan...ggggrrrr talaga!  Thankful na rin at least may work tayo, galingan na lang sa pagbudget :)

Sis Myealexis21, san ka sa dubai? bakit ang mura ng rent nyo? nung nag house hunting kame just last month, mahina na ang 65k sa 2br hall. kaya nga lumipat kame ng sharjah. halos sahod ko lang kasi binabayad namin sa house rent, dewa at parking nung nasa deira pa kame.

Sis Al Khail Gate Phase II, Al Quoz Area...  Mas mababa pa ata yung 2 bedroom sa Phase I kaso naman ang waiting list daw ang haba! 55K na ngayon ang starting ng 2bedroom apartment.  Saka pag nagpalista ka may reservation fee ata na 1000 or 1500... if iwiwithdraw mo yung reservation fee, ang tagal din hintayan.

Ngayong tumaas renta ok pa naman, kase may ka-share nga ako sa apartment so hindi masyadong ramdam.  Ang kaso yung pagnagkababy na kami yun ang medyo problema, kelangan na ako lumipat ng bahay.  Alangan naman paalisin ko yung kasama ko eh sa kanila nakapangalan kahit na ba ako yung naglabas ng pera before para makuha namin yung apartment, binayaran naman nila yung share nila. So ako talaga ang lilipat. Hayzt buhay!

^ahaha buti pa sila may increament!  ;D at ang sahod nila bongga ha katulad na ng call center sa pinas at wala pang bawas yun.libre pa food.kalowka!
anyways,sis paano kung hindi naman aabot ng 10k sahod ko pwede ba namen icombine sahod namen?
Sis yung friend ko na kinuha niya anak niya before, hindi rin abot ang salary niya.  Ginawa nila combine yung sweldo nila mag-asawa. Kaso magkasama sila sa iisang company.  Not sure if pwede yan if different company.
« Last Edit: August 29, 2013, 03:17:35 pm by Myealexis21 »

gracita13

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #76 on: August 29, 2013, 03:29:18 pm »
^yun lang.tulad nung officemate kong navisahan nya husband nya kahit hindi naman umabot 10k sahod nya nakalusot kasi may kakilala yung PRO namen sa loob napakiusapan,problema resigned na yung PRO namen na yun  :( too much problem my friend!

simplykristine08

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #77 on: August 29, 2013, 03:59:11 pm »
^^ah, sa al khail ka pala. naginquire din kame dyan pero wala na daw available nung time na nagtanong kame. may friend ako dyan naka studio flat less than 30k sya monthly. keri nya naman kaya okay lang.

^ yan sis, pag may kakilala ang PRO nyo, yan pwede ka matulungan.

adikako

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #78 on: August 29, 2013, 05:11:53 pm »
Itry ko sponsoran ng Wife's visa si hubby. balitaan ko kayo. Pag ayaw talaga, last option na yung Visit Visa ulit sya.

Myealexis21

  • Guest
Re: Girltalkers from UAE 2
« Reply #79 on: August 29, 2013, 06:12:39 pm »
^Sige Sis! balitaan mo kami ha! Thanks!!

^^ah, sa al khail ka pala. naginquire din kame dyan pero wala na daw available nung time na nagtanong kame. may friend ako dyan naka studio flat less than 30k sya monthly. keri nya naman kaya okay lang.

^ yan sis, pag may kakilala ang PRO nyo, yan pwede ka matulungan.

Yung friend ko nagtingin din sa Al Khail Gate Phase I Studio apartment, my gulay 28K nga ang liit naman. Pag nagluto ka for sure kahit yung nasa closet mag aamoy ulam :) Sa international city ba mura din dun di ba?

How about Silicone Oasis? di lang ako pwede dyan kase si hubby for sure mahihirapan kase pag sa hotel iba iba ang schedule, minsan night shift kaya kelangan may transpo na available palagi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close