watch now

Author Topic: anak na laging nagpapa karga :(  (Read 4400 times)

fairywinkle79122

  • Guest
anak na laging nagpapa karga :(
« on: July 23, 2013, 11:37:44 pm »
Hi mga sis! problema ko ngayon yung toddler ko,2 years and 5 mos.na siya,nahihirapan lang ako kasi tamad na tamad siyang maglakad pag nasa labas kami,ang tangkad pa naman niya.minsan naman sa stroller okay pag unang sakay,after an hour pag inalis mo siya doon,once na ibalik mo na,ayaw na,naglulupasay na sa mall  :(

nahihirapan ako kasi tuwing aalis kami,nasa pinto pa lang ng bahay palabas,magpapa karga na,maglakad man sa labas pag na-kondisyon na siya,ayaw naman magpa akay sa akin o sa papa niya..nainggit tuloy ako sa anak ng officemate ni hubby,bata sa anak ko ng 3 buwan,pero nasa mall nakita namin,inaakay nung tatay tapos ang liit nun,tapos ako yung anak ko mukha ngang 3 taon kasi matangkad,tapos nakaka lakad naman,kaya pang tumakbo pero ayaw,puro pa-karga ang gusto,minsan tuloy ayoko ng umalis kami kasi hindi ko ma-enjoy pumasyal na palaging may kargang mabigat eh 2 lang kami ng hubby ko na palitan sa mga dala na bag,sa stroller at sa anak namin,kahit asawa ko nahihirapan rin kaya ayaw na rin namin pumasyal pag naiisip namin ganun na naman si baby  :(

princessrio

  • Guest
Re: anak na laging nagpapa karga :(
« Reply #1 on: July 24, 2013, 02:52:47 pm »
pero how's your kid at home? masipag ba sya maglakad sa bahay?

yung kid ko kasi ayaw din nya yung naglalakad dati sa labas. ginawa ko, tuwing hapon, lumalabas kami ng bahay. lakad lakad lang. may mga kids kasi na kailangan ng familiarization. yung iba talagang kailangan ikundisyon mo.

my toddler is 1 year and 4 months, takbo naman ng takbo pag nasa mall. gusto laging nasa escalator!

hann-hann

  • Guest
Re: anak na laging nagpapa karga :(
« Reply #2 on: July 25, 2013, 11:16:12 am »
Dumating din kami sa point na to. Nung 2yo-3yo yung anak namin, panay ang pakarga. Wala pa naman si asawakoh dito kaya ako lang taga-buhat pag nasa mall kami. Minsan para di magpakarga, sinasama ko sa pamamasyal yung youngest sister ko na 6yo that time and naglalakad sila ng magkahawak kamay. Nageenjoy yung anak ko kaya di na sya nagpapakarga. Pagdating nya ng 3yo, di na sya nagpapakarga sa mall pwera na lang kung matagal na talaga kaming naglalakad. Practice-in mo lang sya maglakad lakad sa bahay. Dadating din yung time na hindi na yan magpapakarga. :)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: anak na laging nagpapa karga :(
« Reply #3 on: July 26, 2013, 03:20:32 pm »
sa bahay hindi naman magpapa karga unless sumpongin ng topak niya.puro laro naman siya,lakad at takbo.pag may ibang tao naman o kami ang bibisita sa inlaws ko,halos hindi na kami pansinin,puro laro na lang tapos sisigaw siya pag tinawag :( nung minsan nga nasa trinoma kami,talagang iyak ng iyak,ang hirap kasi may dala kaming pinamili,stroller nakasakay siya eh mabigat pa kasi may diaper bag.iyak siya ng iyak tapos sumisigaw ng help.hindi naman sinanay pero pag nasa labas ayaw magpa akay at maglakad man lang.

mga twice a month lang rin kami lumabas,siguro nga hindi pa sanay lalo na sa bahay 3 lang kami dito,sa maghapon kaming 2 lang magkasama kaya siguro ganun.


daveigh

  • Guest
Re: anak na laging nagpapa karga :(
« Reply #4 on: July 26, 2013, 05:09:24 pm »
^ sis kung may time dalhin mo sa children's park/playgrounds, wag lang malls, para makakita sya ng ibang bata na makakalaro nya. Para masanay na maglakad magisa, maiinggit din yan.

pag hindi naman yan magpakarga hahanapin mo din yan hehe.

princessrio

  • Guest
Re: anak na laging nagpapa karga :(
« Reply #5 on: July 27, 2013, 03:35:44 am »
fairywinkle, lumabas labas kayo kahit paikot ikot lang sa lugar nyo. it will help. ganon din baby ko nung nasa manila kami. kami lang magkasama pero talagang inilalabas ko sya para masanay sa ibang environment.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: anak na laging nagpapa karga :(
« Reply #6 on: July 30, 2013, 05:34:51 pm »
oo nga,pina plano ko na nga ibaba sa playground.di lang maka tyempo ngayon nag uulan..tama nga hahanapin ko rin yan pagpa karga niya na yan kaya minsan tinitiis na lang hehe :-)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close