watch now

Author Topic: Labrador Lovers Part 2  (Read 10824 times)

coldsiren

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #40 on: May 01, 2014, 05:36:51 pm »
^ ok na yung pag ikot nyo sa compound nyo para makapag exercise yung lab nyo at mabawasan yung pagka hyper nya.

Gumamit ka ng gloves pag iwawalk mo sya. Mahirap yung kadena na gamit mo kasi pwede kang masugat pag mahihila ka nya, Dati pag iwawalk ko yung first lab namin naka gloves ako kasi mahilig syang manghila. Masakit sa kamay yung leash nya na rope yata yun.

Yung lab namin ngayon takot sa ibang aso at pusa. Umiiyak na sya pag nakikita nya yan. Umiiyak sya at hinihila nya ako palayo pag tinatahulan na sya ng ibang aso na nasa loob naman ng bakuran ng mga kapitbahay namin. Kahit na ganyan yan ay niwawalk ko pa din para maka pasyal sya kasama ng aspin namin. Sabay ko sila niwawalk para walang mag selos.

snix

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #41 on: May 02, 2014, 04:34:21 pm »
Napablood test ko na yung lab ko wala talaga problem.. Sa heat daw siguro kaya he doesn't have an appetite but he's still very hyper.

Mine naman twice or thrice nialalakad.. He's offleash the whole day pero pag gabi bakatali kasi kung ano ano sinisira hehe.. Very attached yun sa tatay kasi nagjojoggin sila every morning.. Pag dating ko naman sa gabi naglalaro kami sa may basketball court ng fetch..

Pag weekends dinadala namin sa may cityhall, nakikipaglaro siya sa mga bata gustong gusto siya and pag minsan may mga iba rin lanrador dun..

Sis coldsiren buti pa sayo takot sa pusa at aso eto hinahabol lahat ng pusa pag nakakita tas very friendly siya sa lahat ng aso.. Nilalapitan niya lahat

coldsiren

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #42 on: May 02, 2014, 07:38:56 pm »
Naku ang hirap kya mag walk ng aso na takot sa ibang animals. Sabay ko kasi pinapasyal yung mga aso ko. Yung lab takot sa mga pusa at aso habang yung aspin feel na feel nyang sugurin yung mga pusa at aso.

Pero lovable talaga ang mga lab. Sobrang lambing. Alam din nya kung may kasalanan sya. Gaya nung isang araw sinira nya yung slipper ko. Tanghali na ayaw nya pa lumabas ng bedroom para samahan ako. Alam nya na galit ako sa kanya. Madalas kasi sumusnod yun sa akin kahit saan ako magpunta kahit pa sa bathroom ako pupunta sumasama sya.

winkypops

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #43 on: January 23, 2015, 01:46:40 am »
mix breed ang labrador namin,sobrang takaw nya parang walang kabusugan hehe.maharot at sweet din sya.

gleek

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #44 on: February 04, 2015, 03:35:06 am »
My Stacey, (yellow lab) is now 2 yrs old and . nung puppy si stacey, hobby niya mag ubos/ngatngat ng tsinelas at napaka hyper. buti ngayon tapos na sya s stage pero parang nagiging tamad na yata sya. lagi lang nakahiga. minsan pinapatakbo namin siya around the house pero mga 3 ikot lang, papasok na siya s bahay then hihiga. now, we're getting another one, black lab.  iniisip namin pano kaya magiging reaction ni Stacey pagdating nung puppy lab.  medyo kinakabahan kami kasi di ba yung puppy stage, yun ang pinaka makulit na stage nila (for me) sana ma train din naman sya at maging masunurin at malambing din siya like Stacey. grabe kasi kalambing yung mga labs

Crystalpenelope

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #45 on: May 03, 2015, 08:58:56 pm »
I miss my labrador that died two years ago.  I hope I can have one again.

mayfairsnitch

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #46 on: June 01, 2015, 01:59:16 pm »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close