watch now

Author Topic: Labrador Lovers Part 2  (Read 10852 times)

crybaby05

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #20 on: October 12, 2013, 10:09:10 pm »
^check mo sa sulit sis.. dun lang kami pumili :)

btw, ano treats ng lab nyo?

unboreddiva

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #21 on: December 10, 2013, 12:21:49 am »
Labs are the best and super loyal. They never have a bad day. We have a yellow one, his name is Bishop and he's turning 9 on the 15th. He still acts like a puppy, and he knows how to look cute by squinting :D Pag pinapagalitan sya ng husband ko, he would lie on the floor and crawl to my husband. You also know right away if he did something wrong dahil sa guilty look on his face, and he would always look down. Just recently, pag pinapagalitan sya, he would push the screen door and walk out. Lethal ang thick tail nya. He wags it non-stop and sometimes nasasaktan na kami dahil ang tigas ng buntot. When we got a beagle puppy, he would let her bite him anywhere on his body, kahit sa balls and he would never hurt the puppy even if she clearly abuses him :)

airwaterfire

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #22 on: January 02, 2014, 12:54:07 pm »
soon magkakaroon na rin ako ng labrador though hindi siya pure. mix gsd and labrador
color white siya na may kaunting yellow/gold. i bought this from my officemate na mahilig din sa dogs.
excited ako but meron din hesitation kasi i'm so emotional dati meron ako aso sa province namatay last 2009 and until now nalulungkot parin ako pag naalala siya.

ngayon, search and research to the max ako mga do's and don'ts.
mamimili pako ng mga gamit niya..

coldsiren

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #23 on: February 12, 2014, 10:59:10 pm »
I have a 5 month old yellow lab. He sleeps alot. We have a mixed breed puppy that's very hyper compared to the lab puppy. Madalas kumakatok yung lab para papasukin ng bahay kasi gusto na nya matulog. Pag nasa labas kasi guguluhin at pipilitin sya maglaro nung isa pang puppy.

 

airwaterfire

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #24 on: February 21, 2014, 01:07:25 pm »
Bakit ang labgsd ko tulog sa araw, gising sa gabi? :'(
Sa ngayon naka leash pa siya kasi di pa sila masyadong close ng anak ko at sobrang likot.
Gusto palagi maglalaro kami.

argento

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #25 on: February 21, 2014, 03:37:34 pm »
labs are sobrang matakaw.

my lab does not bark at strangers anyone can pet him. para siyang manok he yelps and bark pag 5am na kasi alam niya na papasukin na siya sa house.

Jaguar.Paw

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #26 on: March 03, 2014, 09:34:23 am »
owner of 17 months old black female at super kulit lab! ;D

airwaterfire

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #27 on: March 03, 2014, 12:32:09 pm »
nahirapan akong e-train sa sit ang gslab ko, although alam na niya ang down. excited palagi, tsaka ang ingay pag nanghihingi ng food. tapos pag ang food frozen pa or ibigay ko na tutulugan lang na nakaharap ang mukha sa pagkain. mag down siya pag alam niya kukuha ako sa freezer at nagreready pero pag once papalapit na ang pagkain, ayaw na makinig. :(

fetch alam na niya siya pa kusang pagtapon nang ball tapos papulot sa akin at itapon ko para kunin niya, kasi gusto niya makipaglaro. kaya lang naka leash pa siya this time kasi sobrang likot at may 3 year-old ako.

mag 3 months pa pala siya come March 9.

mc21

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #28 on: March 09, 2014, 09:34:45 pm »
..Yellow Labrador, Female
..1 yr, 7 months na.
..caged in 5 x 5 x 6 Ft.
..Super kulit kapag pinakawalan, very strong.
..pagkain nya rice tutong with some fish or meat halo sa dog food
..she ate morning & night, wala syang lunch  ;D
..baka tumaba masyado eh.

airwaterfire

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #29 on: April 08, 2014, 09:27:15 am »
my labgsd eats raw meats from chicken, beef, pork, gizzards, pork heart/kidneys/pancreas and livers. sometimes fish.

she is getting bigger and bigger everyday.

sa gabi nanggigising pag gustong umihi dahil papalabas siya. huhuhu

argento

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #30 on: April 08, 2014, 08:42:27 pm »
Gumaganda coat ng lab pag lagi binabrush. Lalo na ngayon malakas magshed kasi mainit

argento

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #31 on: April 08, 2014, 08:42:59 pm »
Gumaganda coat ng lab pag lagi binabrush. Lalo na ngayon malakas magshed kasi mainit

snix

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #32 on: April 10, 2014, 08:59:26 pm »
I cant figure out what's wrong with my lab.. Ayaw kumain ng dogfood niya.. Ayaw din ng mga pagkain na gusto niya dati.. Imposibleng magsawa kasi papalit palit kami and nagraraw feeding din,,

Tried starving him pero ayaw pa rin., ang gusto niya lang kainin is yung mga treats niya at pandesal.. Dinala ko na sa vet wala naman nakitang problema..

Maharot din naman siya, ayaw lang talaga kumain.. Namamayat eh :(

airwaterfire

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #33 on: April 13, 2014, 04:51:15 pm »
^
nag heat seguro?

snix

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #34 on: April 14, 2014, 09:41:40 am »
Nah. Lalake yun eh.. Hehe broughht him to the vet ulit pinabloodtest ko na kasi may blood yung stool niya.. Negative sa parvo, kala ko naparvo ulit eh. Thank God wala. Just some infection daw in the stomach caused by bacteria. Ayun binigyan ng antibiotic ngayon mejo umokay na

ToughEmpress

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #35 on: April 25, 2014, 10:33:54 am »
If you have a pure Lab and doesnt have the appetite to eat, that I can assure something is wrong with them.

coldsiren

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #36 on: May 01, 2014, 03:07:55 am »
Yung lab ko ang hilig maglaro ss mud. Since he is a puppy, i assume it was his first time to experience rain last week. Hay naku nagpaulan sya talaga. Late na nung nalaman ko na naliligo na sya sa ulan. Hindi ko kinukulong or tinatalian yung dogs ko kya libre sila mag punta kung san nila gusto. Yung aspin ko sumilong sa terrace pero yung lab talagang feel na feel nyang maligo sa ulan.

Mahilig din maglaro ng mud yung lab ko. Muddy kasi yung areas na may plants kapag bagong dilig or umulan. Kahit pa kakaligo lang nya na wala pang 1 hour ang nakalipas basta makita nya yung lupa ay mag lalaro sya. Kya tuloy ang ginagawa ko ay pinapasok ko na sa bahay after nya maligo or pag nagdidilig ng halaman or umuulan. Kagaya kahapon 2x syang naligo kasi muddy agad. Tapos nung gabi naglaro ulit ng mud kya pinunasan ko na lang ng wet towel. Buti na lang wala ng tubig yung pond namin kung hindi baka lumublob sya dun.

Masaya yung lab namin ayaw nya matulog ng maliwanag. Pagmaliwanag nagtatago sya sa ilalim ng bed. Pag di sya kasya sa bed yung head nya na lang yun nasa ilalim ng bed. Minsan pinipilit nyang takpan ng paws nya yung eyes nya.

Favorite nya kumain ng raw carrots and orange (inaalis ko yung seeds).

airwaterfire

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #37 on: May 01, 2014, 12:44:49 pm »
Ilang taon na ang lab mo sis Coldsiren?

Mine naman is a mix labrador and gsd, mag 5 months pa come May 9. Hay nako! Almost everyday around 2A.M nanggigising kasi gusto umihi sa labas. Pag mga around 4 A.M na nang gigising na naman dahil gusto ng magpalabas para maglaro. Hay nako! Tuloy napapagalitan ko at napapalo sa may bibig niya. Kahit pa makakalakad or laro yan sa hapon at mapagod masyado, pahinga lang ng kunti, ayon, balik sa dating gawi.

So over-all, wala akong tulog..huhuhu

coldsiren

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #38 on: May 01, 2014, 01:08:47 pm »
^ 8 months old na yung lab ko. Baliktad tyo, yung lab ko takaw tulog. Ayaw nya masyadong makipaglaro sa aspin ko. Kakatok yan sa bahay pag ayaw na nya maglaro kasi gusto na nya matulog.

Buti nga nagyon ay excited na sya sa almost daily walk namin. Noon kasi 3 bahay pa lang nadadaanan namin ay humihiga na sya. Hahaha! Goal ko makapag walking kami daily ng at least 30 minutes pag gabi para mabawasan yung pagka hyper nya sa gabi. Kaso minsan pagod na ako kya di ko sila mawalk.

Try mo iwalk para mabawasan yung pagkahyper nya pag gabi na. Kasi yung lab namin after sya iwalk ay pagod na sya kya matutulog na sya. Unlike before na mangungulit pa sya, tatalon sya sa bed at pipilitin na makipaglaro sa amin.

Yung unang lab namin na nung puppy pa sya ayaw magpatulog. Noon kasi sa labas lang natutulog yun, di yata sya sanay na mag isa sa labas kya umiiyak at tumatahol sya. Saka fixed yung oras nun sa pagkain. Pag 11am at 6pm kakahol na sya kasi kakain na sya. Sayang nga at namatay na sya a few weeks after nya mag 10 years old.


airwaterfire

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #39 on: May 01, 2014, 01:20:39 pm »
Ang problema ko kasi sis kay hanggang loob ng compound lang kami(apartment lang kasi then downtown area ng city) makapag lakad kasi takot siya pag doon kami sa kalsada. Talo pa ang mga maliliit na aso, sa akin laki ng katawan takot sa pusa, takot sa motor at ingay nga mga jeep sa labas.

Pag di ako mag o.t sa trabaho, mag walking kami, mga 20times sa loob ng compound. Ang 20x na yan sobrang pawis na ako at sakit ng paa kasi mga 100steps(binilang ko talaga) 1 way niya. huhu. Pero ang aso ko keber lang. Haha.

Gusto ko sana sa labas kaya lang maghihilaan na naman kami. Kadena gamit ko kaya ang kamay ko namaga narin. haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close