watch now

Author Topic: Labrador Lovers Part 2  (Read 10813 times)

angeLven

  • Guest
Labrador Lovers Part 2
« on: July 19, 2013, 04:33:53 pm »
Link to the previous thread  ;)

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,220893.0.html

One of our dogs is a lab mix, si Tytus, which we got from one of our sis here. We got him March at ngayon sya na ang giant sa mga dogs namin. I'm 5' tall and kaya na nyang abutin ang face ko kapag "tumayo" sya. SOBRANG TAKAW nya! hahaha Naloloka ang nanay ko, pinapakain niya kay Tytus ay kasing dami ng combined food ng 2 dogs namin pero para syang vacuum kung kumain. saglit lang tapos na kaagad tapos gusto na nyang kainin yung food ng ibang dogs namin. ang ginawa ng nanay ko, nakahiwalay sya ng place kung saan sya kumakain dahil mapapaaway sya sa ibang dogs namin, maliit pa sya noon so kawawa sya pero hanggang ngayon ganun pa rin ang ritual ng pagpapakain ng dogs samin. Ilalabas si Tytus, bibigyan ng food, then papakainin other dogs. kapag unang pinakain other dogs, naglalaway daw si Tytus sabi ng nanay ko.

Malambing din sya pero dahil nga sa laki nya muntik na akong matumba nung minsang sinalubong nya ako. He is so hyper! hindi maiwalk dahil nagiging tuod kapag kinabitan ng leash. Dapat daw hindi ko muna iniuwi sa probinsya sabi ng nanay ko, dapat tinrain ko muna. Excited lahat ng aso namin kapag nakikita ako (weekends lang ako umuuwi ng probinsya) dahil usually may dala akong treats for them. Nakita ng kapatid ko nung minsang magbibigay ako ng treats sa kanila at hindi sya makapaniwala dahil ang hyper na si Tytus ay nagagawang magbehave at mag-sit on command hahahaha.

Isa na syang malaking aso pero tuta pa rin sya by heart and actions. feeling nya maliit pa rin sya kung makadaan sa ilalim ng upuan namin habang naglalaro sila ng iba naming aso. Noong nakuha pala namin sya, sobrang calm nya at puro tulog lang ang hilig (nanibago tuloy ako sa beagle ko kasi sya ang hyper akala ko kasi lahat ng puppies katulad ni Tytus). Problem namin sa kanya ay fearful sya at naging medyo hyper nga at parang parating gutom.

ToughEmpress

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #1 on: July 24, 2013, 05:24:30 pm »
Labradors are naturally playful, matakaw and they are easily trained. The playfulness will decrease gradually starting 2 years old. That's my observation sa two labradors ko but still my 7yo Lab still plays although hindi na kasing rough compared when she was a puppy. The pagiging 'matakaw' up until now, walang nagbago. Hahaha. Also, lots of time, patience and right timing lang para ma-train nyo ang Labradors. They are so smart that you can easily teach them tricks or basic obedience commands.

angeLven

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #2 on: July 24, 2013, 06:44:10 pm »
I wish I am always there to train them kaso usually every 2 weeks lang ako nakakauwi sa amin. dati ang katawan nya parang sa golden retriever which is one of his parents, mga nakikita ko kasing lab medyo malaki katawan pero ngayon lumalaki na din katawan nya.

Kady_14

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #3 on: July 24, 2013, 10:13:45 pm »
Hi I'm a Lab lover too. I love this breed ever since. I have two now. One male (yellow) and a female (black) I've posted din sa thread 1. 2nd batch ko na ng Labs to. I like big and smart dogs, I like the temperament of Labs kasi maharot din ako. hehe...

I swear I think my male Lab is prolly a reincarnated person. Para siyang tao sa talino. When the kids from the public elem school pass by our house they refer to him as "police dog".
And sya feel na feel nya. He sits straighter (yabang) and ngpapa bibo. Kasi he knows the kids are amazed by his mere presence. Kahit kami na lang and I say "Oh sabi ang pogi daw ng police dog!" patingin nga, he will be still and chest out, then when I say sige nga sabi daw ng police dog, speak! "hala, isang malakas na "Arrfff" ang gagawin nya.

Ngayon galit siya sa akin kasi kinulong ko syung girl lab ko kasi meron. and he's goin' horny crazy kaya when I go out dinadamba nya ako and pabalik balik siya sa cage nun girl lab para bang sinasabi na pakawalan mo na siya pleeaaasssseee.. di ko na matiiiis.. and i'd laugh at him and he'd bite me and tutulak nya ako in a playful manner pero me halong kagat kasi inis siya sa akin.

pero love pa din naman nya ako, feeling ko he's my reincarnated dog when I was still nine.
« Last Edit: July 24, 2013, 10:16:39 pm by Kady_14 »

angeLven

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #4 on: July 25, 2013, 11:56:39 am »
^hahaha kawawang totoy. pinrotektahan ni mommy si nene.  ;D

coldsiren

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #5 on: July 29, 2013, 09:33:31 pm »
I have a 9yr old male yellow lab. He's turning 10 this september. He stays mostly inside our house.
Mahilig sya sumunod sa akin kahit san ako magpunta. He cries when I close the door and leave him outside our bedroom or bathroom.
Gusto nya kung nasan ako nandun din sya. Tapos mahilig sya makipag unahan sa stairs at sa pag pagpasok sa pinto.
Kya ang ginagawa ko pinapaauna ko na sya. Kasi minsan kakamadali nya natatapakan nya yung slipper
ko or minsan natutulak nya ako. Sinabihan ko na lahat ng tao sa amin na hayaan na lang syang mauna kasi baka maaksidente pa sila pag nakipag unahan pa sa kanya.
Our lab is bigger compared to other labs. He's already 44.8kg. Pero naka diet sya, dapat 39kg lang sya sabi ng vet.
Ayaw maniwala ng iba na lab sya kasi ang laki laki nya. May papers naman sya na naka lagay labrador sya.
Mabait naman sya na alaga. Madali nga lang syang maingit pag nakikita nya kaming kumakain. Humihingi sya ng food namin. Maawa ka din kasi kahit kaya nyang abutin yung food sa dining table ay di nya ginagawa. Ang ginagawa nya lang ay nag sisnif nung food from the edge of the table.
Pero pag sa sala kami kakain iba na ang tingin nya. Feeling nya basta mababa at talagang abot nya ay food nya yun.
Minsan nag afternoon tea yung dad ko sa sala at nakita nya. Tinikman nya yung tea. Minsan naman kumakain ng oatmeal ang dad ko sa sala, tinikman din nya.
May isang beses ma umiinom ako ng malamig na tubig sa sala, ininuman nya yung baso ko. Hinayaan ko na lang na ubusin nya since di ko naman na maiinom pa yung cold water ko.
Kya ngayon bawal mag iwan ng food and drinks sa sala kasi feeling nya kanya yun.
« Last Edit: July 31, 2013, 12:18:57 pm by coldsiren »

mhitchy

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #6 on: July 30, 2013, 10:52:49 pm »
hello sissies, me and my hubby are labrador lovers, we now have 5.  We considered our selves as breeders na din. we already released some puppies and we are now on our 6th batch.  We really carefully choose the next parents of the pups because we really care for them we just can't keep all of them. 

Labradors are super loyal.  They are good companions too. Yung first labrador name, parang maloloka siya pag di nia nakikita ang hubby ko.  Talaga hinahanap nia, unless she knows na umalis - like if nag ride ng motor or nakita nian nakasakay sa car or nakita nia na pumasok sa loob ng house, pero if nakita nia na lumabas lang ng gate at hindi siya kasama, naku iiyak na siya kasi alam nia jan jan lang pupunta.

snix

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #7 on: August 09, 2013, 10:01:07 am »
@sis angeLven-sakin mo ba nakuha name? Hehe titus kasi yung lab ko.. I have been so busy lately hindi ko na nalalabas lab ko for ilang months na., tatay ko na nagwawalk sa kanya.,

Gusto ko siya dalin sa la luz, yung dog friendly na resort sa batangas kaya lang wala ako car tsk

gleek

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #8 on: August 11, 2013, 10:37:49 pm »
hi mga sis. need your advice.. my 11 month year old lab started to menstruate (or in heat).. shock pa din ako ngayon, para sa akin kasi baby pa siya... ayoko muna sya mabuntis.. ano ba dapat gawin ko?? also need tips, if there's a special food, vitamins na i could provide to her. ngayon kasi, medyo matamlay. though, malakas naman siya kumain... hope you can help me sis... tia!  :)

angeLven

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #9 on: August 12, 2013, 11:51:41 am »
^^sis snix, father ko nagpangalan sa kanya e. pero si Tytus, I adopted from one of our sis here sa GT.

^if you have male dogs sa household nyo, ihiwalay nyo na lang po siya. pwede nyo ding lagyan ng diapers. make sure lang na nababantayan nyo siya para hindi kayo masalisihan.

How to Care for a Dog in Heat

Kady_14

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #10 on: August 12, 2013, 01:22:11 pm »
^ Thank you for sharing sis angeLven

I liked the idea of masking the smell with menthol. Hahaha. naimagine ko na agad yung Male Lab ko. Reklamador kasi yun. LOL.

Question mga sis, kapag ba wala ng mens yung girl Lab ihhump pa din sya ng males? Kasi balak ko ulit siya pakawalan after her period. Nakakulong kasi yung female ko sa ngayon.

gleek

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #11 on: August 12, 2013, 09:33:30 pm »
thanks sis AngeLven. yun na nga lang siguro gagawin namin, tali muna si Stacey until her period is over. san nga pala makakabili ng diaper? meron ba nun sa pet express? haven't been there kasi, and medyo malayo kasi sa amin, ddayuhin pa,so I want to know first if meron dun...

thanks again!  :)

angeLven

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #12 on: August 13, 2013, 11:39:41 am »
yes, sis. meron sa Pet Express. di ko lang sure about the sizes kasi nakabili lang ako doon nung pang maliit lang, pang puppy. tawag ka sa kanila before ka pumunta para sure na meron. Nasa FB page nila contact numbers per branch :)

^^sis Kady, wala ako masyadong alam sa breeding cycles e kaya wala din akong idea. may nabasa ako na up to 21 days daw ang heat ng mga dogs.

Kady_14

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #13 on: August 14, 2013, 06:26:25 pm »
I tried (from your shared link) yung lagyan ng menthol yung nose nung Male Lab ko. hahaha and it kinda worked. Medyo nabawasan na yung kanyang libido echos. Me one time lang na nabahing siya na malakas parang Lolo. Sabi nya siguro siraulo ako, kung ano ano ginagawa ko sa kanya. hahaha.

Nakakulong pa din yung Female Lab ko pero from time to time I let her out, pero naka matyag ako para manaway. Haaay. hehe.... mahirap na kasi if ever bata pa siya masyado. 10 mos pa lang and I have 3 boys, so if ever pwedeng maging pure lab or labrottie (lab and rott) or Labeagle (Lab and beagle) ang puppies. LOL.

mhitchy

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #14 on: August 17, 2013, 02:26:27 am »
lets support ang improvement ng breed mga sis. don't go for mix breeding...#justsayin

ladysapphire

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #15 on: August 20, 2013, 10:53:23 am »
wawa naman lab ko. di masyado makalabas because of heavy rains, magpuputik masyado sa lawn namen :(

BicuriousGm

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #16 on: August 20, 2013, 11:15:48 am »
 
hi mga sis. need your advice.. my 11 month year old lab started to menstruate (or in heat).. shock pa din ako ngayon, para sa akin kasi baby pa siya... ayoko muna sya mabuntis.. ano ba dapat gawin ko?? also need tips, if there's a special food, vitamins na i could provide to her. ngayon kasi, medyo matamlay. though, malakas naman siya kumain... hope you can help me sis... tia!  :)

I am a lab breeder before, now di na masyado. Mahal pagkain di na kaya ng budget ko hehe.

About your question, past mo muna 1st heat nya. Then sa next heat muna lang ipa stud. Masyado pa bata yan para pag buntisin mo. Btw ano color ng lab mo? Mine is black,yellow,brown.

gleek

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #17 on: August 25, 2013, 08:02:40 pm »
yellow sis. wala pa naman ako balak ipa stud siya in the near future. baby pa din turing ko sa kanya  ;D

crybaby05

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #18 on: October 07, 2013, 09:34:45 pm »
kakabili lang namin ng lab kanina.. Dwight ang name nya. i think masspoil samin to :)

Project60

  • Guest
Re: Labrador Lovers Part 2
« Reply #19 on: October 08, 2013, 08:16:44 am »
anyone here who can recommend where to buy a lab puppy?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close