Author Topic: Anong gagawin mo...  (Read 1682 times)

jeune

  • Guest
Anong gagawin mo...
« on: July 15, 2013, 04:39:08 am »
Kung yung friend/coworker ni hubby na lalaki binulungan ka ng 'hi beautiful, you smell so good!' habang nag beso beso kayo? I try my best na wag bigyan ng malisya yung mga ganito kasi ito na nakagwian ng mga ibang lahi kahit minsan kung makayakap eh kala mo nag chest bump kayo, kaloka.

Anyway, wala naman akong nasabi kundi thank you kasi mejo nabigla ba ako. Si friend may asawa din, siguro ganun lang talaga sha mapagbigay ng compliment. Kasi nung pauwi na sha nag hug na naman ulit tapos sabay sabi ng, of course I want a hug from you beautiful.  :o Hindi naman ako isa sa mga pinakamagandang babae sa balat ng lupa, simple lang ba ;D

Nakaranas na ba kayo ng ganitong sitwasyon mga sis?



kaiz

  • Guest
Re: Anong gagawin mo...
« Reply #1 on: July 15, 2013, 07:26:46 am »
ako, dati. deadma lang. wala akong pinakitang reaction but nung sumunod hindi na ako nagpapa beso.

aebrbiyc2009

  • Guest
Re: Anong gagawin mo...
« Reply #2 on: July 15, 2013, 09:41:02 am »
^I agree. Mga ibang lahi wala naman sa kanila yung ganun.

aquacharly

  • Guest
Re: Anong gagawin mo...
« Reply #3 on: July 15, 2013, 10:28:20 am »
The words Beautiful & Smell -- makes it come across as flirting to me.  Inappropriate too, IMO. kahit na ba "ibang lahi" .   "BINULUNGAN"  - uh-oh.  Pero if bakla -- ok, lol.

What would I do?  Next time, a friendly handshake will do -- no beso beso.
If in Europe and you gotta do beso beso --  next time he whispers that, I will announce it so others can cleary hear:
       I SMELL good?  Hahaha, it's my new scent... Etc. 
       Or, I SMELL good?  Yeah, I was baking cookies earlier....
Just say something to turn it into a non-private innocuous exchange.   
Kahit na ba "ibang lahi" he will get the message.

princessrio

  • Guest
Re: Anong gagawin mo...
« Reply #4 on: July 15, 2013, 11:02:16 am »
ayoko ng ganyan...with malice or not..ibang lahi or not.. a handshake will do next time.

Girltalker2

  • Guest
Re: Anong gagawin mo...
« Reply #5 on: July 15, 2013, 07:48:30 pm »

I cannot simply ignore that - especially kung sa context ng Pinoy. Feeling ko bastos as he knows very well that I am married. Natutuwa siguro sya pag na-r-rattle ang mga married girls na ginaganyan nya.

Pag sinabihan ako ng ganyan, sasabihin ko - anong sabi mo?  Para ulitin nya nang malakas - I bet, hindi nya mauulit ang pinagsasabi nya publicly.  Anything na di nya masabi publicly - obviously, is not right.



jeune

  • Guest
Re: Anong gagawin mo...
« Reply #6 on: July 15, 2013, 10:25:04 pm »
I felt awkward nga after, ako pa ang nahiya kasi habang kinukumusta nya ako nag pplayback yung sinabi nya kaya di ako naka concentrate at di ako makatingin sa kanya. Nagpahabol pa ng kala nya daw matangkad ako kasi nung nakita nya daw ako last christmas party matangkad nga daw akong tignan tapos yung linya nyang: 'and you looked beautiful that night'. Eh ilang beses nya na akong tinawag na shortie?! ::) Then alam mo from a distance he's staring at you kasi mararamdaman mo naman tsaka makikita mo sa gilid ng mga mata mo.

Next get together makikipag handshake ako then tingnan ko reaction nya ;D Ako na lang iiwas kasi mahirap na kahit on his side it's nothing. Ayaw ko pa naman ng madaming yumayakap sakin na guy friends kasi feeling ko nananantsing yung iba.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close