Author Topic: OFW Husband na may kabit  (Read 17298 times)

jamila_19

  • Guest
OFW Husband na may kabit
« on: July 11, 2013, 09:55:27 am »
Sis! sa tingin niyo ano ang dahilan bakit nagagawang magkaroon ng kabit ang mga husband na nag work sa ibang bansa?

princessrio

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #1 on: July 11, 2013, 01:13:33 pm »
madaming dahilan..

malungkot..
malayo sa pamilya..
pangangailangan ng katawan..

bakit mo naitanong?

X_03

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #2 on: July 11, 2013, 02:10:02 pm »
Feeling nila kasi super lungkot na tipong nalimutan na nila yung dahilan bakit nga ba sila nagtrabaho sa ibang bansa. Tapos may makakasama pang ibang OFW yan sa company nila na may family din sa Pinas na nalulungkot din at eventually dahil pareho silang malungkot lagi silang magbobonding. hanggang sa mahulog sila. May ibang OFW naman na mahilig talaga sumama sa newly found friends nila na mahilig mag night life at  may mga kabit din, so since  sila ang kasama niya lagi maiisip niya normal lang din iyon at maging ganoon na din siya. Sa totoo lang mahirap lalo na if wala siyang kasamang relatives dito, isipin mo kakain mag isa, lalabas magisa, mga ganon ba...kaya na tetempt sila. Ganon pa man! sila itong nag decide na umalis para magkawork sa ibang bansa dapat alam na nila na magiging magisa sila at dapat silang matuto maghanap nang mga tamang mabubuting kaibigan, walang excuse ang pagkakaroon nang kabit. bow... ;D

Lizi

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #3 on: July 11, 2013, 03:11:46 pm »
Marami at may iba ibang dahilan po:

1. malungkot mag-isa
2. may mga babaeng pumapatol talaga sa may asawa lalo na't nakakatikim ng mga regalo regalo na yan
3. environment na din

kaya ako sis, lagi ko kasama mister ko hanggang kinasal na lang kami sa pinas. nasa same company kami since 2006 (year na nakilala ko din siya). ayokong magsalita ng tapos pero wag naman po sana, na ang mister ko ay kung nasan siya andun ako. at hindi yun sakal. talagang gusto din niya na magkasama kami. kaya no chance siya (for now) na mangaliwa dahil mula pagbangon niya, sa work hanggang sa pag-uwi kami na talaga ang magkasama. magandang factor na din na iyong company namin alam lahat na mag-asawa kami at kilala talaga kami so kahit yung mga bad boy naming officemates, ilag na isama siya sa mga trip nila kasi nga lagi ako kasama :)

IloveMybabs

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #4 on: July 12, 2013, 05:45:57 am »
before hubby is working abroad and sa pinas ako all we do is skype pagka gising, sa office and bago matulog.

kaya dont think na reason yong pagiging malungkot, yes nakakalungkot na malayo sa family mo pero kaya nga naimbento yong skype eh para makausap mo sila..

for me there is no other reason, hindi lang talaga sila marunong mag hintay and inuuna yong tawag ng laman..


aquacharly

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #5 on: July 12, 2013, 08:40:56 am »
Sis! sa tingin niyo ano ang dahilan bakit nagagawang magkaroon ng kabit ang mga husband na nag work sa ibang bansa?

1.  Loneliness
2.  Sex urge/need
3.  Availability --  of a willing to have sex woman
4.  Ego trip (for those who have kab1tch) na based elsewhere far from them too

Halee

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #6 on: July 18, 2013, 12:34:36 pm »
Isama na rin sa list ang maling set of friends ang nakilala. Aminin natin malakas influence ng friends. Uso talaga ang “couple” thing na yan, yong committed/married pareho pero nakukuha pang magkaron ng ibang partner sa ibang bansa.

Madalas yan sa TNT mas makakamura kase sila, may kahati sa rent ng bahay, sa food atbp.

May mga kakilala akong ganyan. Pagdating dito eh SINGLE sila. Nakakaawa lang yong families na naiwan sa Pinas. Im just blessed na matitino ang circle of friends ko dito, It matters.

IMOO ang pagkakaron ng 3rd party ay CHOICE, ofw man o hindi, babae o lalaki. Mali yong "Oh tukso layuan mo ako". Tao ka,ikaw ang may kakayahang mag-isip, kaya ikaw ang lumayo sa tukso!
« Last Edit: July 25, 2013, 08:22:00 am by Halee »

bwiset12

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #7 on: July 23, 2013, 09:50:48 am »
nakakalungkot lang na dahil sa tawag ng laman nakakalimutan na nila kung bakit ba sila nagpunta sa abroad :(
ilang pamilya na ang nakilala ko na imbes na umayos ang buhay ng pamilya nasira pa dahil si lalake nambabae abroad. kasali pa ko dun :(
sabi nga ng isa kong nakausap na kasamahan ni partner sa abroad, masyado daw ineenjoy ang kalayaan gawin ang kahit na anong gusto nila, to the point na nakalimutan na ang pamilyang iniwan sa pinas :(

princessrio

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #8 on: July 24, 2013, 02:47:19 pm »
hindi lang yan sa lalake nangyayari. kahit sa mga babae, nangyayari yan. meron din akong kakilala naman na ang asawa ay nagtatrabaho sa barko, ang babaeng asawa sa pilipinas ang nagloko. ang kinalokohan pa nung babae eh isang lalake na nagtatrabaho din ang asawa sa abroad.

i know technology has done much with regard to communication, but for some people this is not enough. iba pa rin pag nahahawakan mo yung taong yun, nayayakap at nahahagkan.

my husband and i we're not contented being in an LDR. malungkot. ni hindi ko sya mapagsilbihan. hindi nya maexperience ang makipaglaro sa baby namin. hindi namin maexperience yung pagiging mag-asawa namin.

you need to have that goal kung hanggang saan at hanggang kailan lang. and both should have trust, love and respect. pray, it helps a lot.

xhien

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #9 on: June 08, 2015, 12:06:47 pm »
may husband is an ofw also for 4 months now and ngayon palang kinakabahan na ako sa mga bagay na yan dahil madami siya tinatago sakin like new fb account na nahuli ko kaya inadd ko lahat ng friends niya dun para ma spy mga lakad nila na di niya sinasabi sakin at may mga nahuhuli naman ako meron pa kaholding hands pa sa picture tapos ang idadahilan sakin trip lang yun..may trip pala na holding hands..ngayon medyo praning na naman dahil pakiramdam ko talaga marami siya tinatago sakin..bago siya umali ng pinas nahuli ko na siya and he decided na ituloy namin to and this time parang ganun na naman. hindi na to over reacting eh..yung kutob kasi ng may asawa iba talaga.. i dont know what to do :(

brendzy

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #10 on: June 08, 2015, 02:11:20 pm »
Marami at may iba ibang dahilan po:

1. malungkot mag-isa
2. may mga babaeng pumapatol talaga sa may asawa lalo na't nakakatikim ng mga regalo regalo na yan
3. environment na din

kaya ako sis, lagi ko kasama mister ko hanggang kinasal na lang kami sa pinas. nasa same company kami since 2006 (year na nakilala ko din siya). ayokong magsalita ng tapos pero wag naman po sana, na ang mister ko ay kung nasan siya andun ako. at hindi yun sakal. talagang gusto din niya na magkasama kami. kaya no chance siya (for now) na mangaliwa dahil mula pagbangon niya, sa work hanggang sa pag-uwi kami na talaga ang magkasama. magandang factor na din na iyong company namin alam lahat na mag-asawa kami at kilala talaga kami so kahit yung mga bad boy naming officemates, ilag na isama siya sa mga trip nila kasi nga lagi ako kasama :)

Same here sis. Magkasama kami ni hubby sa company, sabay pa papunta at pauwi. But we were LDR din before for like 8-9 months after we got married. But it's up to both of you talaga, nung kami I admit, sobrang kahit puyat, our communication should not suffer. as per sexual needs, tiis sa phone or skype, and I am not ashame to share it kasi isa din yun sa mga rason i have thought para di sya maghanap.  ;D ;D

Nasa tao din talaga yan. I have met OFW na may mga kab1t even pamilyado na sa Pinas.
- Homesick
- Lungkot
- Bored
- Sexual "needs"daw
- babaero / makati lang talaga?
- set of friends din
- marami pa

Ang akin lang, before you decide to go abroad and leave your family sa Pinas, i-assess mo muna sarili mo. If you think you cannot survive sa kalungkutan pa lang, then don't go.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #11 on: June 08, 2015, 04:07:55 pm »
1. Nalulungkot daw at ang idadahilan ay on the rocks ang relationship kaya abang abang naman ang girl/boy
2. Sex

Girltalker2

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #12 on: June 08, 2015, 07:45:56 pm »
may husband is an ofw also for 4 months now and ngayon palang kinakabahan na ako sa mga bagay na yan dahil madami siya tinatago sakin like new fb account na nahuli ko kaya inadd ko lahat ng friends niya dun para ma spy mga lakad nila na di niya sinasabi sakin at may mga nahuhuli naman ako meron pa kaholding hands pa sa picture tapos ang idadahilan sakin trip lang yun..may trip pala na holding hands..ngayon medyo praning na naman dahil pakiramdam ko talaga marami siya tinatago sakin..bago siya umali ng pinas nahuli ko na siya and he decided na ituloy namin to and this time parang ganun na naman. hindi na to over reacting eh..yung kutob kasi ng may asawa iba talaga.. i dont know what to do :(

Ang hirap naman nyan sis, papano ka makatulog ng mahimbing pag gabi.

Is there a way for you to follow? Not to monitor him but to talk and fix the marriage. Pero admittedly kasi kung hindi cooperative ang hubby mo, mahirap ayusin ang marriage. Kailangan kayong dalawa mag ayos ng pag sasama nyo.

xhien

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #13 on: June 09, 2015, 12:11:19 pm »
ang hirap nga sis girltalker2, minsan ok naman kami eh pero minsan talaga umaatake instinct ko nag aaway kami..minsan nasusumbat ko din mga nakaraan namin na nahuli ko siya na may babae di ko naman masisi sarili ko bakit ganun ako kasi ang sakit kakabalikan lang namin ulit this feb. eh then umalis siya ng pinas ng March.. Im trying na maging ok kami at kalimutan lahat sobrang hirap lang talaga..ngayon di ko alam kung ano na naman tinatago niya kung nagsasabi ba siya ng totoo sakin o hindi..yung tiwala talaga di ko na maibalik eh kahit ano gawin ko..pero pinapakita ko sa kanya na ok na ako para lang di kami mag away..misan di ko alam kung masusurvive pa namin to after 2 years.. i just keep on praying na di na niya ulitin lahat ng nangyre dati at lumayo siya sa tukso dun..i know sex is one factor pangangailngan ng lalake yun eh, pero sana maisip niya kami ng anak ko bago niya gawin sakin ulit yun.. nasa tao talaga kung magloloko o hindi eh..lalo na ldr..pero gusto ko talaga buo kami hanggang huli eh..so ano magtitiis na lang ba talaga ako sa lahat ng mga pwedeng mangyare para lang sa buong pamilya.. :(

Girltalker2

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #14 on: June 12, 2015, 07:43:22 am »

so ano magtitiis na lang ba talaga ako sa lahat ng mga pwedeng mangyare para lang sa buong pamilya.. :(


Sino ba ayaw buong family? Especially if all your life you have planned for it. Ako man dinaanan ko rin iyan.

Stand ko rin iyan, fight it til the end. Kaso Na realise ko one time is it worth fighting for? Dati Sabi ko Oo para sa mga anak. Pero Habang lumalaki sila, lagi ko iniisip ano kalalakihan nila. Na OK lang lahat nang ito. Tapos buo nga family ko missing in action naman lagi Yung tatay and life was hell. Eh kaya ko nga gusto buo family para masaya eh Kung ganyan Lang din I would rather be alone but happier - may be not the happiest of all, but definitely happier, healthier, more peace of mind - not only for myself but for my loved ones especially the kids.

IamLuningning

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #15 on: June 12, 2015, 09:10:49 am »
Sis! sa tingin niyo ano ang dahilan bakit nagagawang magkaroon ng kabit ang mga husband na nag work sa ibang bansa?

Lungkot/tukso/pagkakataon
Mga malalanding babae na naghahanap at papatol din

Husband ko isa lang officemate na Pinay. Kampante ako kasi may anak na yun babae at 13 yrs older sa kanya. Only to find out that they had an affair. The kabit is not even a cougar type. That's why I asked him "sino ba namiss mo ako or nanay mo?"

Girltalker2

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #16 on: June 12, 2015, 07:22:16 pm »
^ but come to think of it, dahil ba ofw sila (parang Yung seaman thread)? Hindi di ba? Nasa sa tao at prinsipyo nila.

Kaya medyo biased ako pag pinoy mas Mataas percentage magloloko dahil sa environment, temptation, at magaling makisama (most cannot stand firm on what they believe in) kaya nahahatak sa temptation na ganyan.


snowberry

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #17 on: June 12, 2015, 08:00:19 pm »
Sa tingin ko OFW o hindi, kung magloloko ang lalaki, magloloko talaga. Read the threads here about kabit, ang dami din naman na kasama wife nila. I think it boils down sa values at upbringing ng tao.

Janelc

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #18 on: June 13, 2015, 07:25:22 am »
Para makatipid nag sishare ng apartment.  Based sa obserbasyon ko dito sa US marami ding babae  ang nagloloko sasabihin kesyo hiwalay daw sa mister dahil nambababae si Mr. sa pinas kaya nag BF dito and then mababalitaan mo na lang inisponsor pala si Mr and the kids kaya pagdating ni Mr. itsapwera na kalaguyo  na kalive in.  Ewan ko lang marami ding babae ang imoral not just guys.

purpleblush18

  • Guest
Re: OFW Husband na may kabit
« Reply #19 on: June 13, 2015, 07:55:03 am »
Sa tingin ko OFW o hindi, kung magloloko ang lalaki, magloloko talaga. Read the threads here about kabit, ang dami din naman na kasama wife nila. I think it boils down sa values at upbringing ng tao.

Agree!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close