Sis Jholan15 & Jazrina, Thank you pagsagot ninyo sa question ko mga sis… I highly appreciate it! Buti na lang binigyan ninyo ako ng feedback regarding PCOS & USANA, thank you

Oo, sa USANA..

Sa totoo lang mga ka-sis kahit na sinasabi ng iba na effective sa kanila pero sa ngayon ang concern ko talaga ay kung ano yung nagawa at ikaka-feedback nating mga TTC regarding this multivitamins.. napansin ko na kasi na madalas sinasabi ng mga nakakausap ko, ok raw at maganda ang epekto sa kanila pero ang gusto ko talaga marinig sa kanila personally ay kung may naitulong ba si USANA sa mga TTC like us.. so far wala pa akong na-e-encounter na may feedback kay USANA sa mga TTC,.. maybe this week end try ko mag search ulit, kapag wala ako nakita kahit lima pataas na nag feedback sa USANA, tama ang naging decision ko na hndi ipagpatuloy ang pagbili nito,.. siguro effective lang ito sa ibang part ng katawan natin pero hindi proven sa mga TTC =)
Babalik ako kay Doc sa 28, hahatulan na ako..!

Sa totoo lang atat na atat ko na malaman ang magiging findings sakin ni Doc, ready at prepare pa naman ako nung 18 nasira lang ang mood dahil kay period, tsk tsk napagalitan pa ako n Doc

Hindi ko naman alam na napaka importante pala ng “work up”.. first time sorry...
Nalaman ko din na kapag may sinabi si Doc na schedule bawal ang magsabi ng hindi o ni kahit magpa-reschedule bawal,.. i-c-check niya kasi ako sa 28 kung nag o-ovulate ako, kapag hindi raw ako bumalik, better luck next time na lang raw at next year na lang kami magkita. Hindi ko alam kung galit o iritado lang si Doc nung araw na iyon o sadyang straight forward siya, medyo disappoint lang dahil hindi ang mga salitang iyon ang inaasahan kong marinig sa 1st OB na pinuntahan ko. Nasermunan ako ng wala sa oras. xD
For follow up question, tinanong ko din siya bakit may ibang madaling mabuntis at may iba po hindi? Sabi niya "Paano hindi mabubuntis e 3x a week nilang ginagawa iyon, ikaw ang husband to be mo hindi mo everyday kasama" (actually totoo naman hehe.. kasi ang fiancee ko ay three months na wala sa philippines, nasa abroad siya at hindi din kami palagi nag d-do)
ok so balik na tayo sa kwento, Hindi na lang ako nagsalita, pero sa isip ko sinagot ko na ang sinabi niya "Impossible Doc, may isa nga ako officemate, 1 time lang nila ginawa preggy na siya agad, di ko lang alam how many times they did it, pero one thing is for sure 1 day lang nila ginawa iyon, No, isang gabi nga lang ata and boom! may baby na" kaya lang hindi ko na nasabi at baka lalong masermunan
Basta sabi ni Doc, "Ang pag-gawa ng baby ay hindi isang magic na kapag ginusto ninyong gawin ay magkakaroon" - You are wrong again doc, bakit sa kapanahunan nang ating mga nanay at tatay parang ang dali lang sa kanilang gumawa, bakit in our generation parang ang hirap?
Kaya lang.. hindi ko din iyan masabi kay Doc at baka ma-highblood na..
Sa ngayon tatanggapin ko kung anong sasabihin ni Doc,., kailangan kung sa ikakabuti ko at nang magiging future baby
In regards sa menstruation & PCOS…. Wala pa lang pinapalagpas si PCOS kung ganoon kahit mga regular na nagkakaperiod posibleng magkaroon nito, akala ko sa mga irreg lang… Lagot!
I take Vitamin B every day since iyon ang huling habilin ni Doc.. plus folart, next time mag Vitamin C – ascorbic acid.. Plus Vitamin E Myra E… pero wait muna ako sa magiging advice n Doc =D
Mga Sis hangad ko ating tagumpay hindi lang sa career kundi pati sa ating magigng future Baby! Magkaka-Baby din tayong lahat, if there’s a will there’s a way =D
Maganda ata ang Ovatel for ovulation/fertility monitoring, I just read it from one of our Sis who recommends it here in GT
Godbless to all of us and thank you for the warm welcome!