Author Topic: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko  (Read 32804 times)

charlize16

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #40 on: July 12, 2013, 05:00:47 pm »
Madaling isipan yung mga bagay na dapat at maari ko gawin pero syempre bilang ako na nakasama siya di at nagkaanak sa kanya di madali sa akin gawin yun oo makakaya ko iwan sya kahit bulag ako sa pagmamahal ko papatayin ko na lang itong nararamdaman ko at iisipin ko na lang yung galit

chicafabulosa

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #41 on: July 12, 2013, 05:25:32 pm »
Sorry sisnha last reply ko na to sayo.. Anong rason at nahihirapan ka na iwan yan. Oo nakasama mo yan, naka sex mo and all pero dugo at laman mo ang binaboy nya. Mas matimbang pa ba ang lalaki na yan sa nanay mo?  Di kita magets.. Ako kung ako sayo,kahit gaano kamahal ko ang lalaki basta nanay ko binaboy nya mag ingat na sya at di ko sasantuhin sya. Ang lalaki napapalitan yan, ang nanay hindi.. Yun lang ang ilagay mo sa utak mo... Sorry ha kasi nakakainis na yung mga rason mo na di mo maiwan kasi ikaw nakasama and all.. Ang stand ko lang is hanggang kelan mo kayang tiiisin ang pagtrato nya sayo naparang trapo? Di ka na ginalang sa pananakit nya sayo, ngayon naman nanay mo...

Bahala ka na. Buhay mo yan. Nakakainit lang ulo kasi mga sagot mo. Parang youre trying to rationalize pa rin bakit nangyari yun... Yun lang. Sorry ha at nagtataray namako sayo kasi di ko alam anong rason at advice pa ba ang kailangan ibigay sayo para mauntog ka

SOFIEMAE

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #42 on: July 12, 2013, 07:27:05 pm »
Ayoko na rin sana mag reply sis, may mga anak ka na dapat mong mas higit na pagtuunan ng pansin. Baka naman pag nag iisip ka puro happy moments ninyo ng lalaking yun at pinanghihinayangan mo ang 10 yrs na pagsasama ninyo.... Itanim mo sa isip mo sis yung mga kahihiyang idinulot sa nanay mo mantakin mo naman nakita pa ng mga kaibigan ng nanay mo mga pinag gagawa ng lalaking yun sa nanay mo.... Ewan ko lang sis, siguro ako masaktan lang ng asawa ko hindi ako magdadalawang isip na layasan namin ng mga anak ko si hubby ko. Wag ka ng maghintay ng mas malalang sitwasyon na pwedeng gawin ng asawa mo...

Girltalker2

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #43 on: July 12, 2013, 10:18:12 pm »
Madaling isipan yung mga bagay na dapat at maari ko gawin pero syempre bilang ako na nakasama siya di at nagkaanak sa kanya di madali sa akin gawin yun oo makakaya ko iwan sya kahit bulag ako sa pagmamahal ko papatayin ko na lang itong nararamdaman ko at iisipin ko na lang yung galit

Nakikita ba ng mga anak mo na binubugbog ka ng asawa mo?  kasi hindi rin maganda sa bata makita iyang mga iyan,

Pag nakita ng anak mo na binubugbog ka na, wala kang imik, malamang isipin nila na OK lang sa kanila. kaya next time, kung mag asawa sila at bugbugin sila, OK lang din, kasi sayo nila nakikita yun.  Ngayon, lalayas kayo, pero kung sakaling nakita nga ng mga anak mo na ginagawa kang punching bag ng asawa mo, without fighting it out na ipakulong yung hudas mong asawa, they will think it is just acceptable - tapos kung may nag violate sa kanila, aalis lang sila ng walang imik.  Hindi man lang nila mapapaglaban na na-violate na sila.

So sis what I am saying is yung asawa mo, he rightfully belongs to the prison cell. You have no choice but to put him there, that is, if you strongly believe na mali ang pinagagagawa nya sa inyo.

Lastly, na confirm mo na ba sa mga anak mo na wala nagagawang milagro ang tatay nila sa kanila?


rheagirl

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #44 on: July 13, 2013, 02:20:20 am »
sis charlize16 I understand the emotions and feeling na mahirap talaga as in, for sure kung kami ang nasa situation mo we would feel the same thing. but I guess pinakita na sayo ang sign na pwede rin tong gawin ng asawa mo sa mga anak mong babae ang ginawa niya sa nanay mo. Imagine, ang tanda na ng mom mo ofcourse di hamak na mas bata ka sa mom mo but yet di niya sinanto ang mom di pa nakuntento sayo. ano ang security mo na di niya to gagawin sa mga anak mong babae. Concern talaga ako sa mga anak mong girls sis. As a mom, I guess it's time to forget yourself and be brave enough for the future of your children. pwede ka rin humingi ng tulong siguro sa women's desk or sa professional help. I believe di madali itong pinagdadaanan mo. I Pray na sana malampasan mo to.

kirsten10

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #45 on: July 13, 2013, 02:55:31 am »
nakakatakot yan para sa mga anak mo, yun ngang ibang di mo paghihinalaan e gagawa ng masama, un pang nahuli mo na may demonyo sa utak. please make the right decision. isa lang naman ang message ng mga gt na nagreply sa thread na to. isipin mo ang mga anak mo at iwan na yang abusado/sick mong partner.

khriseeee

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #46 on: July 13, 2013, 04:54:54 am »
I dunno, for me why do you have to leave your place and secretly run away from him? It makes it seem like the fault/shame is on your or your mom. Confront him, tell him what he did is not acceptable and kick him out!
« Last Edit: July 13, 2013, 05:01:26 am by khriseeee »

rtmanaloto

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #47 on: July 13, 2013, 10:20:38 pm »
May domestic violence... May sexual harassment sa nanay mo... Aantayin mo pa ba na mangyari sa mga anak mo? Nanay ka rin, dapat alam mo na na kailangan mong protektahan mga anak mo... At bilang anak, sana bigyan mo ng katarungan ginawa sa nanay mo... Hindi kayo ang dapat umalis dyan, dapat yang demonyong yan (sorry for the word sis)... Confront him... Kung takot ka sa security niyo, may mga tanod at pulis naman... Pero sa mga nabasa ko, ayaw mo pa ipakulong? WAKE UP!!! Ano aantayin mo? Mapatay niya kayo?

Mahirap kamo iwan kase 10yrs mo nakasama? Siya nga hindi naisip yun na 10 yrs kayo nagsama, binale wala niya and he left moral damages pa...

If you cant leave him, sana maisip mo man lang nanay at mga anak mo... Ang daming lalaki dyan, na di hamak na mas matino kesa sa kinakasama mo...

Sana magkaroon ka ng malinaw na pagiisip sis... Ill pray for you.


rave21lala

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #48 on: July 14, 2013, 12:00:03 am »
ano na kaya balita kay sis charlize16? nagawa niya kaya yung plano niya?

enilec

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #49 on: July 14, 2013, 12:51:28 am »
Hi sis! I feel really bad about what happened to your family. Pero bukod sa mga na-point out na ng paulit ulit ng mga iba nating sis, may ibang opinion din ako about your problem.

It's possible na hindi lang sex at pagkabulag sa pagmamahal ang dahilan kung ba't nahihirapan ka sa sitwasyon mo. You mentioned that you suffered domestic violence as well. I have some friends who experienced this and na observe ko from them na isa sa main reason kung ba't hirap sila kumalas sa abusive partners nila is because of low self-esteem issues. Bukod sa emotional scarring, isa yan sa pinakamahirap na side effect ng mga victims ng domestic violence.

Syempre, kung nabubugbog ka, natural lang na ikaw mismo, bumaba ang tingin mo sa sarili mo. So what happens is you try to rationalize and justify this abnormal and unfortunate situation in your mind. Sometimes, these victims even think that somehow, they deserve what happened to them.

I understand your apprehensions. Normal sa maraming victims like you na magtiis ng matagal na panahon- syempre kayo ang nakakaranas ng mga pambabastos and maybe doing the right thing is very hard for you. Kung madali lang ang solusyon edi sana matagal mo nang nagawa diba? But I think walang ibang mag-aahon sayo in that mess but yourself. You also have the responsibility to protect your children and your mom- they wouldn't be acquainted with your evil partner naman if it wasn't for you. So please, take courage, stand up for yourself and your family and do what's right. God Bless you.
« Last Edit: July 14, 2013, 01:05:01 am by enilec »

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #50 on: July 14, 2013, 01:42:25 am »
ang worry ko lang talaga is yung mga bata...i pray na sana walang ginawa sa kanila yung tatay nila...

rtmanaloto

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #51 on: July 16, 2013, 09:35:21 am »
ano na kaya nangyari kay sis charlize?im hoping na okay lang silang mag-iina...

popi

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #52 on: July 16, 2013, 07:38:45 pm »
I understand your opinions pero pls also do understand my situation naiipit ako sa gitna. Nagsama kami nung guy ng 10 yrs kaya mahirap gawin un , hirap na nga ako iwanan sya

Sis, yung nananakit pa lang, kung ako sayo iiawanan ko yan - kahit pa kasal kami at may anak.  Kayo nga live in pa lang, mas madali para sayo ang humiwalay.

Gumising ka sis.  Sabi mo nga demonyo na tingin mo sa kanya, tapos mahal mo pa.  Kung hindi mo putulin yan, baka mas malala pa magawa nyan in the future

sum.mer

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #53 on: July 17, 2013, 03:09:27 am »
Oh my sis. I was just taking a break from doing work at super nashock naman ako sa story mo at SUPER NAKAKADIRI!!
Wala pa ko asawa but I'm in a happy relationship at kahit happy pa ko, if ever na sakin mangyari yan, hihiwalayan ko agad at kakasuhan ko pa! Natatakot ako para sa anak mo. Sure ka ba wala din ginawa sa kanila na kababuyan?? Grabe! Sorry if ma-hurt ka pero totoo sick yang partner mo! Nakakadiri ginawa nya and actually pati yung pambubugbog nya sayo at mukang wala din sya work dahil tamad? He's not worth it! Self respect lang sis and kung you respect yourself at kids mo pati nanay mo, di mahirap iwanan yang kadiring lalakeng yan.

alexsy

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #54 on: July 17, 2013, 03:19:45 am »
mas natatakot ako dun sa lalaki kesa nandidiri. kasi di mo alam kung hanggang saan nya kayang mambastos. naka 2 strikes na sya (bugbog sa yo, hipo sa nanay mo). paaabutin mo pa ba ng pangatlo para maka bingo na sya?

bigyan ng jaket yan at hiwalayan na! (pinapatawa lang kita sis. pero eto serious na, hiwalayan na yan. ipakulong!)

evilwoman

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #55 on: July 17, 2013, 07:32:16 am »
Walang balita kay charlize.sana nakatakas sila.charlize,alalahaninmo na lang ang mga nanay na narape ng asawa ang anak pero stay pa din sa asawa kasi mahal daw.lumamang ka lang ng kalahating paligo. :(

charlize16

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #56 on: July 17, 2013, 08:02:11 am »
Hi mga sis ok naman kami salamat sa inyo nandito kami kay mama now babalik kami sa bahay next week dun kasi nag aaral anak ko at malapit dun work ko malayo kasi ito. Umalis siya ng kusa kinausap siya ng ate nya ang kaso kala nya wala ako alam sa ginawa niya un  na lang ginawa namin para kusa n sya umalis sabi ng ate nya pag di sya umalis at lumayo papakulong sya ng nanay ko

evilwoman

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #57 on: July 17, 2013, 08:06:46 am »
^buti naman sis.good start na yan sa inyong maganak.sana magtuloy-tuloy na.mas ok pa din sis if makakapagblotter man lang kayo sa baranggay para may ihaharap kayong papel in case balikan kayo.

iammechelle

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #58 on: July 17, 2013, 09:40:32 am »
Wala pa rin siyang alam na alam mo na ang ginawa nya sa nanay mo? Sana man lang, makapag-blotter kahit sa baranggay. Kakatakot dahil baka kung anong resbak ang gawin ng tao na yan. Ang basa ko lang, baka kapag mag-makaawa itong lalaki na ito, tatanggapin naman ni TS.

Baket ko ba ito pinoproblema, e itong si TS, mukha namang di namomroblema.  :-\

rtmanaloto

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #59 on: July 18, 2013, 10:21:33 pm »
Good to know you're ok sis lalo na ang mga bata... Tama sila sis, hindi mo man maipakulong, ipablotter man lang siya kahit sa barangay lang...

May you have a fresh new start sis... goodluck and God bless...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close