Author Topic: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko  (Read 32769 times)

EllaBratin

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #20 on: July 10, 2013, 09:33:40 am »
Grabe naman, balak mo pa talaga umalis? Pabalikin mo diyan ang nanay mo at yung ka-live in mo ang paalisin ninyo.
Humingi ka ng tulong sa mga kamag-anak at mga kaibigan mo, pati sa barangay tanod, pulis, lahat na, para maprotektahan kayo.
Unahin mo yung kapakanan ng mga anak mo at yung nanay mo, wag yung takot sa kinakasama mo.

Be strong sis.

jmljoven

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #21 on: July 10, 2013, 09:49:57 am »
Ouch...kaloka naman etong topic na to!
Anyway, bakit kayo ang aalis eh bahay nyo yan? Sya yung may kasalanan so dapat maparusahan sya. Kaya nya siguro nagawa yan kasi alam nya mahina ka. Alam nya na di ka magkakaroon ng lakas ng loob na ipapulis sya o di kaya palayasin sya. Patunayan mo naman na malakas ka para di ka apihin. Kung ako ang nasa kalagayan mo, ipapadampot ko yan sa pulis at idedemanda ko pa. Kahit mahal ko sya, mas matimbang pa rin ang nanay ko... Kelangan mong pumili sis, hindi pwedeng wala kang pipiliin at tatakbuhan mo na lang yung sitwasyon. Sana piliin mo yung tamang gawin.
I'll pray for you...

charlize16

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #22 on: July 10, 2013, 11:59:22 am »
Yes mga anak namjn isang 8 isang 1 yr. Old.  Actually nagrerent lang kami dito which is si mama ang nagbabayad and balak namin takasan sya and saka ko na lang sabihin na alam ko nangyari.

About sa door. Nag la-lock naman si mama yung time lang ma iyon naiwan di naka lock door knob pero sara naman ang pinto so sa tiingin ko pinasok talaga siya di yung napadaabn tapos may nakita kaya nagawa

Sabi kasi ng ate niya gaawin niya lahat para wag na kami guluhin nung kapatid nya. Tatakutin daw nya na kapag nakita siya dito at nanggulo huhulihin na lang siya.

EllaBratin

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #23 on: July 10, 2013, 01:31:16 pm »
^Mabuti naman sis at supportive sa inyo ang sister niya.
Kaya mo yan, malalampasan mo rin yang pagsubok na yan.  ;)

mrsamurao

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #24 on: July 10, 2013, 02:26:57 pm »
Hi sis Charlize! Sorry to hear about your situation. For me, you need to be strong. Feeling ko hindi enough na takasan mo siya. I mean, it's a good step pero umpisa pa lang yan. You need to stop all communication with him. Kasi, obviously it's so hard for you to let him go. Na-endure mo nga yung domestic violence eh. Baka if you maintain communication with him, after some time, tanggapin mo ulit yan. You need to consider your kids. Pano sila lalaki in a good environment if yung tatay nila eh hindi lang basta-basta batugan, binubugbog pa yung nanay nila and inabuse yung lola nila? Yes, he probably gives you the best time in bed pero hindi lang yan yung factor na dapat mong isipin. He must fulfill your other needs as well--yung financial, mental and emotional. As for the sister.. oo, maganda na may support siya pero that can only do so much. Tingin mo ba matatakot yang asawa mo? Tama si sis Jmljoven when she said na kaya nagagawa yan ni husband is because he knows he can get away with it. Alam niyang kaya ka niya.  You are in this situation because you allowed him to put you in this situation. Ang dami ng red flags ng asawa mo. What will it take for you to leave him and have a life completely without him? Pag yung mga anak niyo naman ang i-abuse niya? Enough is enough, sis. Pray for guidance and strength. Know that you don't have to live this way, na may choice ka kung gugustuhin mo.


charlize16

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #25 on: July 10, 2013, 03:05:14 pm »
Salamat i promise na kapag nakaalis na kami sa kanya hinding hindi na ako makikipag-communicate sa kanya

yelle

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #26 on: July 11, 2013, 01:37:20 am »
^ sis magpakatatag ka para sayong mga anak at wag manghinayang sa binabalak mo. He'so not worth it. Hindi tao yang partner mo.

zee87

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #27 on: July 11, 2013, 02:26:20 am »
nagtaasan ang balahibo ko sa katawan!
not just because of what he did to your mom, but what he could do to your kids!!!

I hope wala na kayo sa bahay na yan... saka mo na isipin ang pagpapakulong.
LUMAYO NA KAYO NG MGA ANAK MO! PLEASE!

Girltalker2

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #28 on: July 11, 2013, 07:05:30 am »
Yes mga anak namjn isang 8 isang 1 yr. Old.  Actually nagrerent lang kami dito which is si mama ang nagbabayad and balak namin takasan sya and saka ko na lang sabihin na alam ko nangyari.


Abisuhan mo rin yung landlord kasi hindi naman fair sa kanya na iwan nyo lang ang bahay na hindi bayad ang renta at least for the month na andun kayo.  So pag nakausap mo na ang landlord, ipalock na nga ninyo sa kanya muna, tapos arrange for a future date within the next month para itransfer mga gamit nyo kung san man kayo tutuloy.


zanabee

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #29 on: July 11, 2013, 07:31:26 am »
Hiwalayan mo na yan sis, ang sama naman ng ginawa niya, nanay mo yun eh, baka ano pa gawin niyan sa mga anak niyo.

airish_2

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #30 on: July 11, 2013, 08:26:44 am »
Ano ba yan ipaglaban mo naman nanay mo mamaya ginagawa na yan sa anak mo, Sorry ha alam ko maooffend ka mukang eversince hindi mo kayang tumayo sa sarili mong paa nanay mo pa ang nagbabayad ng rent nyo? tapos kayo pa ang aalis if ever eh sya may ginawang mali dyan?

Ang totoo alam na natin sagot sa mga tanong natin sa ganitong bagay hindi na dapat i weighed in kasi obvious na ang sagot ginagamit lang ang COMMON SENSE.

Sana safe ang mga anak mo, magpray ka rin naman sis pero hindi puro pray gumawa ka rin ng action.

jamila_19

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #31 on: July 11, 2013, 09:45:33 am »
sis... hiwalayan mo na ang ganyang klaseng lalaki. Wala siyang respeto sa nanay mo at sa iyo. Hindi niya gagawin ang ganyang bagay kung mahal ka niya. Hindi natin alam kung ano pa ang pwede niyang gawin. Hangga't maaga pa eh palayasin muna siya sa bahay niyo o hiwalayan muna... gawin mo ang lahat para makalayo kayo mag iina kasama ang nanay niyo.

Lizi

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #32 on: July 11, 2013, 03:44:36 pm »
Hi sis, tama ang mga sisters natin. Hindi lang HIWALAY ang gawin mo, at hindi lang pananakot (tulad ng sabi ng ate niya). Dapat take actions din to give him a lesson.

It will take time bago mo kayanin pero do it - IPAKULONG siya. You can actually take the recorded vid as a strong evidence against him. He's a dangerous guy. Ask your family and friends to help you kasi for sure, you alone eh mahihirapan kang i-convince yung sarili mo but with a support group, pwede ka nila samahan sa womens help desk nga.

Mahaba haba pang battle ang gagawin mo sa partner mo, but it will be worth it. and i assure you, after mong gawin yon, you will re-gain confindence and respect na din sa sarili mo. mare-realize mo na you're a fighter din pala and i hope kung iibig ka ulit, be smarter this time. good luck sis. God bless you and may He give you the guidance you need. 
« Last Edit: July 11, 2013, 03:47:01 pm by Lizi »

charlize16

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #33 on: July 11, 2013, 04:23:32 pm »
Thanks you nahihirapan pa rin ako tanggapin na iiwan at tatakasan namin siya pero alam ko un an tama. Pero di ako maiyak kaya ang bigat bigat ng pakiramdam ko.. Salamat sa mga words . Siguro nasanay lang ako dahil sa sampung taon sa kanya umikot buhay ko wala kasi ko kaibigan di nga ako nakakalabas with friends ng naging kami puro siya ng siya

charlize16

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #34 on: July 11, 2013, 04:29:45 pm »
Sama nyo na rin ako sa prayers nyo mga sis kahit yung iba sa inyo natatatangahan o naaasar sa way of thinking ko.. Kakayanin ko ito!

angeleigh

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #35 on: July 11, 2013, 05:50:16 pm »
Sis kailangan mo pa ba itanong sa amin kung ano gagawin mo???
My goodness! Hinipuan na nanay mo di mo pa iiwan? May anak ka bang babae? Paano kung rapin ang anak mong babae????

He's a sicko!!!! Run while you still can! Or dapat dyan turuan mo ng lesson. Please go to the authorities. Magsampa ka ng kaso. You only have 6mos para maging valid pa yang reklamo mo.

Miss Charcoal

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #36 on: July 11, 2013, 09:16:44 pm »
Nakakakilabot yung ginawa niya, GRABE!

momentum

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #37 on: July 12, 2013, 10:41:24 am »
question sis charlize16, since nagwowork ka, ikaw lang kumakayod, at wala na mama mo, sino nagbabantay sa 2 daughters mo?? please dont tell me siya? :-X :o

pls try to talk to your eldest daughter, i pray and hope he has not done anything demoniac to her/them
if i were in your shoes, i wouldn't wait for my rest day to leave. as soon as I found out about that incident, wala na, to hell with my work, just file for an emergency leave and just run and find legal help!!!! I WILL NOT bare the thought of leaving my daughters to him, kahit na ba may yaya  >:( >:( >:( >:( I wont even have the to stomach to sleep beside him, baka masaksak ko siya. patayan kung patayan na to
« Last Edit: July 12, 2013, 10:44:57 am by momentum »

rave21lala

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #38 on: July 12, 2013, 04:11:03 pm »
^pareho [textspeak!] ng naisip sis, kung ibang tao siguro yung ginawan ng ganito, sinaksak na habang tulog.

chicafabulosa

  • Guest
Re: help!! asawa ko hinipuan ang nanay ko
« Reply #39 on: July 12, 2013, 04:16:57 pm »
Bakit pa aantayin na matulog... Bakit di na lang lasunin di ba? Di tao yang lalaki na yan. Animal sya

 

Latest Stories

Load More Stories
Close