Author Topic: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?  (Read 25433 times)

maen_she23

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #20 on: September 03, 2013, 10:09:17 am »
Depende. If he wants to be with a guy, hihiwalayan ko sya.
But if he's gay but he still wants to be with me. I mean if he just acts gay. I'll still accept him as he is. Parang may gay BFF lang haha.
I saw a movie (true story) like that in TV.

Marrieme

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #21 on: November 01, 2013, 11:10:01 am »
Nakakarelate ako completely sa topic niyo po.  My longtime boyfriend is gay. Naconfirm ko after 3 years.  I went away from him.  He was trying to help me sa pgdedead.ma sa mga texts or calls ko if I missed him but help me still kapag it concerns about my financial problems.  After few months, nagkikita kami ulit.  Hindi ko alam kung paano ko madescribe yung pag.aalala sa mukha niya.  Inuunti.unti niya akong hinila sa buhay nya ulit. Di nagtagal nagkabalikan din kami. I have been loving him at hindi yun nawawala kahit kailan.  I tried to find other men while I was away from him pero di ko appreciate sila. I am learning to understand and accept of who he is. Right now, understanding and acceptance pa rin yung dinadaanan ko.  Accept ko siya pero yung understanding ang mahirap.  Hindi ko alam saan ako lulugar sa buhay niya kasi parang partner tingin niya sa akin pero platonic yung relationship namin. Kahit mahal ko siya, may self-reservation pa rin ako dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari ahead of us baka iiwanan niya ako kapag may makita siyang lalaki na mamahalin niya at mamahalin din siya.  So kahit anong acceptance meron ako para sa kanya....acceptance lang hanggang sa pagkatao niya at hindi sa acceptance sa sitwasyon naming dalawa. Sometimes, t**** ang tingin ko sa sarili ko pero sa kanya ako maligaya at di ko siya kayang iwan.

sweetpot

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #22 on: August 29, 2017, 08:00:29 pm »
Share ko lang, nalaman ko recently na yung kinalolokohan kong lalaki sa pilipinas dati ay closet king pala. As in sobrang... grabe ang dami kong nasayang na panahon tapos yun pala. Siguro hindi rin nya talaga maamin noon. Ngayon lang sya nagkaroon ng konting lakas ng loob. (sigh)

redsh0es

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #23 on: September 21, 2017, 10:46:33 am »
nakakahawa raw ang pagiging bakla? share ko yung muntik nang mahawa husband ko,

yung husband ko hindi naman pero yung dati niyang buddy sa dati niyang work bakla. inamin sa kanya, hindi naman siya crossdresser. may itsura siya at okay manamit marami ngang napepekeng girls. napansin ko lang dati na lagi sila lumalabas parehas, minsan dun sa bahay namin nagiinuman. okay lang naman sakin kaso nagalit na ako nung nag out of town sila nang hindi ko alam para sundan yung bf ng friends niyang bakla. all expense paid trip ang drama ni bakla sa asawa ko pero kahit na. nagresign ang asawa ko sa work dahil nakahanap siya ng work na mas malapit sa house namin.

but wait thats not all. sumunod si bakla sa new company ng asawa ko without me knowing. napapansin ko yung asawa ko nagiging malamya, yung choice of words niya hindi na nakakatuwa-nagiging beki. para bang lalaking sobra sobra na yung pag gamit ng beki words na magddoubt ka na sa gender niya. and later on naconfirm ko na andun nga si bakla kawork niya. sobrang galit ko talaga nun at inaway ko si bakla. inamin niyang sobrang type niya asawa ko to the point na iniimagine na raw niya. ayaw lang pumayag ng asawa ko jusko! sobrang nandiri ako. hindi ako tinigilan sa [textspeak!] ni bakla ng mga naiisip niya sa asawa ko to the point na flood messages na ginagawa niya. nabasa ng asawa ko yung messages, sabi ko namnamin niya bawat kabastusan na iniisip ni bakla sa kanya. i know nandiri siya dahil ayaw niya yung idea na same gender relationship, at all the time alam niya hindi sila talo at tinutulungan niya si bakla na maging straight ulit dahil sayang may itsura pa naman. pero ayun nabalitaan ko nalang na may confrontation na naganap between my husband and si bakla sa office. until nag awol na si bakla sa office nila. dun na bumalik yung asawa ko sa pagiging "lalaki"

Len0523

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #24 on: September 21, 2017, 08:22:41 pm »
I guess true yung lakas makahawa ng pagiging bakla.
My brother kase kinda masculine, may girlfriend nga sya. I remember talagang ang daming love letter and even asking to help him find gift for his gf so I know lalakeng lalake sya before. Not until nag 3rd year highschool sya, nabarkada nya is silahis. So una, wala naman epekto kase nagkikilay lang naman yung friend nya tapos after 1 year nagkikilay na rin brother ko. Hahaha.
So ayun, dami hinayang kase pogi daw. Nagalit parents ko. Eventually naging OK na din.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #25 on: September 21, 2017, 10:02:39 pm »
Hindi siguro nakakahawa talaga. Meron lang talagang tendencies yung mga "nahawa". Ang tunay bang lalake makikipagbarkada sa openly bading? I don't know anyone. Ang mga kakilala ko kasi di nakikipag-inuman kahit dun sa alam nilang me bading tendencies.

TysLolakins

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #26 on: September 22, 2017, 02:06:57 am »
i agree,  if you're gay you're gay,  if you're not you're not,  there's nothing contagious about it, it's not a communicable disease.   ;D


answering the question,  if this happens to me,  i will be ok.  when i married him, it's because i loved him, his whole person.  now if he turned out to be gay,  well so be it, i will accept it with the condition that there will be no more intimacies between us.  we can stay married if we both agree that we want to keep the status quo.  i emphasized the 'we'  since both have equal say on where the relationship is heading.  just because he turned gay on me makes him less of a partner.   after we get comfortable with the setup,  then maybe we'll be better friends,  every girl wants a gay bestfriend di ba?  so win win din.   hahahahaha   

sweetpot

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #27 on: September 22, 2017, 05:54:19 pm »
G
I guess true yung lakas makahawa ng pagiging bakla.
My brother kase kinda masculine, may girlfriend nga sya. I remember talagang ang daming love letter and even asking to help him find gift for his gf so I know lalakeng lalake sya before. Not until nag 3rd year highschool sya, nabarkada nya is silahis. So una, wala naman epekto kase nagkikilay lang naman yung friend nya tapos after 1 year nagkikilay na rin brother ko. Hahaha.
So ayun, dami hinayang kase pogi daw. Nagalit parents ko. Eventually naging OK na din.

Girl natawa naman ako sa nagkikilay... lol kilay is life

luckysiete

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #28 on: September 22, 2017, 06:46:33 pm »
My friend's ex bf is a gay. Sa dami ng nanligaw sa kanya yung bakla ang sinagot niya. Hindi ko alam kung anong nakita niya dun. hehe!! Eventually, hindi din nagtagal relationship nila dahil hiniwalayan sya. I remembered to do iyak friend ko kasi pinagpalit siya sa lalake.

If my husband is a gay, definitely makikipag hiwalay ako sa kanya.

undecided2

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #29 on: October 09, 2017, 11:27:34 am »
Hahahaha natawa ako sa topic. Pero nakaktakot ha. Ito nga lang nag cheat hubby ko ang hirap na mag move on...pano pa kaya if baklush siya. Hahahaha

Siguro, hiwalay na lang kahit my anak kame basta maging good and responsible Father pa din siya sa anak namin. Then pagusapan na alng about sa mga anek anek. Mahirap pero sabi nga ng ibang sissiea dito kung hanap naman lalaki hindi naten mabibigay yon.

mallgirlpinay

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #30 on: October 16, 2017, 03:40:42 pm »
lol aliw itong topic na ito. Pero if ever I found out my partner is gay ok lang. Ang tanong is he attracted to me physically or sa guys lang. If i love someone doesnt matter sa akin kung straight or gay eh.

alyssa.online

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #31 on: October 16, 2017, 11:48:58 pm »
hahaha! laughtrip ito girls  ;D

astarte

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #32 on: March 19, 2018, 05:25:57 am »
Gagawin mo lahat. Pero kung hindi ikaw ang taong kelangan nya wala ka ng magagawa. Gagawin mo lahat physically, emotionally, mentally, spiritually pero you can only do so much. Nakakapagod din yung lagi kang rejected, yung he never touches you at all pero sa kapwa nya lalake alam mong ginagawa nya. Yung ikaw minahal mo sya talaga. In my case 6 years. Yung feeling na he just wanted/needed/married you for front or cover up or security. Whatev we may want to call it. Ayoko na lang din magsisi kasi quota na ko sa dami nyan haha! Kasalanan ko din naman. Ang t**** ko, pinili ko maging bulag sa katotohanan lol and disregarded all the red flags. Wala eh, kelangan na lang mag ipon ako for annulment kasi wala naman syang pake dahil sya di na mag aasawa ulit unless pwede na same gender marriage sa pinas. And here I am, after 6 years tumanda na ko at mid 30s na. Married on paper, no funds for annulment, childless and the list goes on. Nagpapaka busy na lang sa work at help mag support ng immediate family. Titas of manila ang ganap haha!

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #33 on: March 19, 2018, 09:52:37 am »
My personal akong kakilala na ganito after ilang years being married nahuli nya na may bf ang ex husband nya. May anak sila na isa. Akala pa nga nya nung una girl kasi girl nakalagay sa contact info un pala guy pero infairness hindi naman daw nagkukulang ng supporta sa anak nila. Co parenting sila very involve pa rin un ex nya sa anak nila.

astarte

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #34 on: March 19, 2018, 01:23:26 pm »
My personal akong kakilala na ganito after ilang years being married nahuli nya na may bf ang ex husband nya. May anak sila na isa. Akala pa nga nya nung una girl kasi girl nakalagay sa contact info un pala guy pero infairness hindi naman daw nagkukulang ng supporta sa anak nila. Co parenting sila very involve pa rin un ex nya sa anak nila.

At least responsible pa rin si ex husband nya :) that's good to know. Minsan nga naisip ko dati if naging bi na lang siguro si ex hubby baka mas humaba pa pasensya at pagtitiis ko hehe! Like if nagkaanak kami or at least yung mga nagagawa nya sa guy pwede nya rin gawin sa girl. Haha kung [textspeak!] ano na pinagsasabi ko lol. Anyway wala eh ganun talaga.

yannuh

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #35 on: March 20, 2018, 02:50:39 pm »
^hugs sis astarte. Kung ano man ang nangyayari sa iyo ngayon, si God lang ang nkakaalam. At hindi ka Nya pababayaan.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #36 on: March 20, 2018, 10:34:37 pm »
I think I have asked this before, alin ba ang mas masakit ang ipagpalit ka sa lalake or sa babae?

Anyways, I guess if the husband is a good provider and a good father, I can probably look away and accept the situation especially kung walang ibang involved. Kesa sa lalake nga tapos babaero tapos palamunin pa?

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #37 on: March 21, 2018, 01:01:47 am »
^para sa akin pareho lang.. iisa lang naman ang ang ending nagcheat at naghanap ng iba, for me kesa most betrayal na magagawa ng kapartner mo bf man o asawa ay ang magcheat sayo.

astarte

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #38 on: March 21, 2018, 01:21:37 am »
^hugs sis astarte. Kung ano man ang nangyayari sa iyo ngayon, si God lang ang nkakaalam. At hindi ka Nya pababayaan.

uyy sis long time! yep from being super active to engagements and weddings section here i am pero i am and will always be a fan of weddings and events pa rin hihi ganun na nga sis minsan iniisip ko whether totoo man ang kasabihan na everything happens for a reason, siguro minsan there's no reason.. it's just God's will.. moving forward heto work work work lang muna sa ngayon hehe!

I think I have asked this before, alin ba ang mas masakit ang ipagpalit ka sa lalake or sa babae?

Anyways, I guess if the husband is a good provider and a good father, I can probably look away and accept the situation especially kung walang ibang involved. Kesa sa lalake nga tapos babaero tapos palamunin pa?

parehong masakit sis pero pag babae ka and pinagpalit ka sa lalake you can't compete na kahit ano pa gusto mo ipaglaban :(

Shadow Angel

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #39 on: March 21, 2018, 02:03:27 am »
Katulad ba yan sa kakilala ko na as in no clues or hindi talaga nahahalata na may something sa partner mo na lalaki pala ang gusto? Kasi na ask ko sya dati wala raw sa isip nya lalaki rin ang gusto ng ex husband nya. Un mga bi or bakla or kung ano man magaling din ba sila sa bed pagnakikipag do sa babae or as in no clues at all?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close