Author Topic: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?  (Read 25403 times)

witch_goddess

  • Guest
Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« on: July 07, 2013, 12:06:19 pm »
To Mods: please move/delete this thread kung may duplicate or mali ang category

Kayo mga sis, ano ang gagawin niyo if you found out bakla pala ang mister niyo at may kabit na lalaki? **Lakas maka curious noong teleserye ng GMA na my Husband's Lover eh  ;D

m_lim

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #1 on: July 07, 2013, 12:16:33 pm »
hiwalay na shempre. kahit ano pang gawin ko, di naman ako magiging lalake. eh yun pala ang gusto niya.

fegloria1954

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #2 on: July 07, 2013, 12:26:11 pm »
Then you could have your personal beauty consultant.   ;D

Joking aside, if you do not have children and the both of you are in agreement over it, you can actually have your marriage annulled, even under the Catholic Church.

i luv lilac

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #3 on: July 07, 2013, 12:58:35 pm »
natawa ako sa my husband's lover, pwede din kasi mangyari ang my wife's lover., pano din kaya ttanggapin ng husband yun?

jonielle

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #4 on: July 08, 2013, 09:49:13 am »
parang mas ok pa nambabae kesa namakla eh  :'(

witch_goddess

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #5 on: July 08, 2013, 10:20:00 am »
^ agree sis kasi parang ang hirap siguro ipaglaban or have your husband fall in love with you over again kung lalaki gusto niya eh. in short nakaka stress sa bangs. LOL

soLaris

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #6 on: July 08, 2013, 12:37:35 pm »
ang sakit naman nun pag  nagkataon. pero may kakilala ako (boss ko) my  husband's lover
talaga ang peg nila. nakakaloka!

m_lim

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #7 on: July 08, 2013, 12:51:27 pm »
magkaiba kasi ang pambababae sa pagiging bakla.

ang pambababae, choice yun. ang pagiging bakla, kahit hindi mo piliin at labanan mo, kung sa yon ka talaga, wala kang magagawa.

Myealexis21

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #8 on: July 09, 2013, 05:50:47 pm »
Hahaha naalala ko yung My Husband's Lover :)

Ang hirap ng sitwasyon na ito! Kase kahit anong gawin mo hindi na mababago ang pagiging bakla ni mister.


sexy_maldita0089

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #9 on: July 09, 2013, 06:13:39 pm »
^ agree sis kasi parang ang hirap siguro ipaglaban or have your husband fall in love with you over again kung lalaki gusto niya eh. in short nakaka stress sa bangs. LOL
true!  ;D

aquacharly

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #10 on: July 09, 2013, 06:18:58 pm »
Cut your losses, face the truth.
He is what he is. 

The logical/knee jerk course of action is to separate; then rebuild your lives separately.

But if you have kids, business concerns, lots of assets , and a good relationship --- that is easier said than done.

So, 
You don't have to part ways with  him, specially if you have children & he is a good father who keeps his bakla activities outside your home, out of sight.  It can all work out.

1 of my mom's dear friends has this kind of marriage.  They are high profile socially.
He is a good father, very caring and all. His children love him dearly, and respect him.
He is a good partner to the wife, business-wise & socially, but not a husband.
He panders to his kabaklaan in his condo.  He keeps his affairs tucked away, very discreet.
So they stay married.  But they each have their own lives. 

Sa kapal ng face ko, and because I always pander to my curiosity --  I asked the wife once:  How do you find the will to go on? Are you ever happy?

She said her self esteem got sobra  lampaso at first.
How could he totally reject her?  How did she get soooo fooled?
A year plus of therapy daw & spiritual counseling.
Forgiveness & Acceptance daw mantra nya.
She also said:  Love is never destroyed nor lost.  You go on loving the person, , pero  you can choose how and how much to love.  At the core of her love for him daw --   it remains the same: she wants him to be happy everyday.  So there.  Para na daw silang magkapatid na BFFs. 

What about her?  She sees almost daily - he goes to her & they go around  socially as "friends na neighbors",  a widower.  So long as they do not marry, ok with his kids. Kasi  mga taong with lots of assets --  complicated na if they get married again.  Hehe

« Last Edit: July 10, 2013, 03:51:38 am by aquacharly »

witch_goddess

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #11 on: July 10, 2013, 11:11:04 pm »
I knew someone who is in this kind of situation like the question I asked. He was gay (was kasi nagbago na daw siya) kasi he chose to have a family and marry a girl. He said that he wants to have his own family and kids so ayun nagmarry siya ng girl.  I was not expecting nga na he will do it kasi yung kabaklaan niya grabe talaga. Akala ko talaga forever na siyang bakla.
So possible talaga na yung mga bakla will opt to have a family on his own and end his pagiging bakla?

crazycoolchic19

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #12 on: July 11, 2013, 09:41:32 am »
^ sis baka silahis sya.. mas pinili nya ang magpakalalake para magkaroon ng pamilya..
Kase may mga kakilala rin ako na relatives ko na silahis, pero mas pinili na magpakalalake dahil gusto magkaroon sarileng pamilya.


IMO, if bakla pala napangasawa ko, hihiwalayan ko sya kase niloko nya ako..gusto ko makasama yung buong buo pagkalalake., hinde ko lang maimagine na nagnanasa pala sya sa lalake, nakakasuka lang tapos magme makelove kami wahhhhhhh :))

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #13 on: July 11, 2013, 11:07:57 am »
Nangyayari talaga sa totoong buhay ito. A gay friend's ex partner got married a few months after they broke up. Now si ex has 2 kids and another 1 on the way with his wife na. Tapos accidentally nagkita sila  sa mall and the ex was taunting my friend to get back with him. Kung ako siguro asawa non suka mode lang pag nalaman ko at malamang pagulpi ko siya hahaha. Sad kasi yong mga ibang gay men nag-aasawa ng babae at nag-aanak para hindi tumanda mag-isa. Karapatan din naman nila yon and ang mga bakla naman responsible eh pero unfair talaga sa part ng babae. Kasi darating yong time na matutukso uli sila. Mabuti sana kung naging open sila sa wife na ganun sila talaga before the marriage, pero t**** lang babae na papayag sa ganun. Anyways, baka pag nangyari sa kin ito sisirain ko talaga buhay niya. Hahaha!

witch_goddess

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #14 on: July 11, 2013, 09:46:47 pm »
@crazycoolchic19: siguro nga silahis siya sis kasi noong magkaroon siya ng closet gay na partner nagkaroon din siya ng girlfriend, which ang sabi niya sa akin mahal na mahal din niya. Kaya ayon nga, pinakasalan niya yung girl tapos nagkapamilya sila. 

chinkywinky

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #15 on: July 12, 2013, 01:31:56 am »
hiwalay na agad yan sa akin lalo na kung wala kaming anak. Kaysa naman lagi ko siyang pagdudahan, that way I'll have my own peace of mind.

I have a cousin, bakla sya. Nagalit tito ko sa kanya, nag try siya magpakalalaki, as in nag suot macho. Pero in the long run, bumalik ulit sa pagiging bakla. Tapos nag try ulit maging lalaki, kaso kinatapusan, bakla pa rin. Hinayaan na ng tito ko  ;D

bubblepop

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #16 on: July 12, 2013, 02:02:25 am »
Pag nahuli ko siya baka diretsong E.R din ako, di ko alam gagawin ko all the time na magkasama kami wala pala appeal beauty ko sa kanya o kaya sinusuot mga high heel shoes ko or mga dress etc. :(

mamabear16

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #17 on: July 21, 2013, 10:31:56 am »
 :o
OMG! haha yung asawa ko talaga malabong bakla yun.. subok ko na e bwahahaha! pero kung sakali mang bakla nga talaga siya baka di ko pa din siya iwanan kasi meron na built saming friendship e.. kaya kahit yun nalang ang matira okay lang basta siya pa din ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko.. kahit maging mag best friends nalang talaga kami

yoshina

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #18 on: July 21, 2013, 04:01:10 pm »
:o
OMG! haha yung asawa ko talaga malabong bakla yun.. subok ko na e bwahahaha! pero kung sakali mang bakla nga talaga siya baka di ko pa din siya iwanan kasi meron na built saming friendship e.. kaya kahit yun nalang ang matira okay lang basta siya pa din ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko.. kahit maging mag best friends nalang talaga kami
awwww sis ang bait mo naman kahit na nalaman mong baklushi ang asawa mo ...sa akin naman parang hinde ko tanggap na maging becky asawa ko isipin mo nman may kasosyo ako sa make up naku ha parang never ko tanggap  :-[

Pookiekai

  • Guest
Re: Ano ang gagawin mo kung ang husband mo ay bakla pala?
« Reply #19 on: August 03, 2013, 03:13:47 am »
Hehe depende.. Kung late na nya narealize na bading sya, pwede ko pa tanggapin. Wala magagawa eh.. Basta kung me boylet sya, share kami hahaha. Basta discreet naman sya sa affairs nya..dun sa malayo, para di naman nakakahiya. Mas ok na yun bading kesa mambabae, kasi at least pag bakla, talagang di mo maibibigay hinahanap nya...kung babaero, nakakainis kasi feeling ko, kulang pa ba ako?

Pero kung ginamit nya lang ako para me tagaalaga sya pagtanda nya, peo all the while di naman nya talaga ako minahal..as in panakip butas lang, sapakin ko sya hahaha.

But kidding aside, I love my husband so much that I'd probably be able to accept him if he's gay. Mabait naman sya at good provider pa, added bonus na lang yunme fashion at beauty consultant ako hahaha. Yun nga lang mamimiss ko ang sex with him hahaha! Ayoko me ka-share!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close