Just got back from Dumaguete-Siquijor!
Airline: Cebu Pacific - na-delay ng 15 mins papuntang DGT pero okay naman ang flight. Pabalik ng MNL naman, maaga ng 25 mins
Day 01, Siquijor:Nakarating kami ng DGT ferry port from the airport ng mga 9am (Php100 tryk ride). Akala namin may 9am na sked, wala pala. 10am na kami nakasakay ng
GL Express (P150/person) papuntang Siquijor + 15/person terminal fee. 11:15am na kami nakarating. Ang ganda ng dagat sa port pa lang! Ang linaw linaw ng tubig.
Si kuya
Irvin Bation (09158903286) ang tour guide namin. Si kuya Joam ang una kong kinontact kaya lang multicab na pala ang dinadrive niya, hindi na niya kaya ang tricycle dahil na-aksidente siya before. Anyway, Php1000 ang day tour rate + entrance fees sa sites kami nag-shoulder.
Ang ganda ng Siquijor sobra. Napaka-idyllic. Saglit lang kami dun sa mga churches pero nagtagal talaga kami sa mga beaches at sa falls. Ilang beses kaming nag-cliff jump sa Salagdoong beach at nag-ala Tarzan sa Cambugahay falls
Ito mga pinuntahan namin:
1. Siquijor - St. Francis Church (yung may Welcome to Siquijor na sign)
2. Siquijor - Guiwanon spring park - 10/person entrance fee.
3. Siquijor - Tulapos Marine Sanctuary - free entrance pero may 25/person fee if mag-snorkel.
4. Maria - Salogdoong beach. 25/person ang EF. 25 ang parking. Mabato ang beach pero super linaw ng tubig. Sarap mag-sunbathing dito. Dito kami nag-lunch, medyo mahal ang food.
5. Maria - Our Lady of Divine Providence Church - nandito si Black Magic Mary na may hawak ng bungo. Hindi kami nakalapit masyado kasi may nag-rorosaryo nung dumaan kami.
6. Lazi - San Isidro Labrador Church and Convent - sarado 'yung simbahan at hindi na kami pumasok sa loob ng convent. Pero ang ganda ring picturan.
7. Lazi - Cambugahay Falls - may "lifeguard"/tour guide na guests ang bahalang magbigay ng tip. Parking fee is 20.
May isa pang beach kaming pinuntahan na ang ganda rin, nakalimutan ko lang 'yung name. Ang daming magagandang beaches sa Siquijor kaiyak. Parang hindi kasya 'yung isang araw lang.
Hindi na kami nagdaan ng Balete Tree at Capilay Spring Park kasi hinahabol namin 'yung sunset sa resort. Nag-check-in na kami sa
U-Story Guesthouse (2,150/night). ANG GANDA RITO! Sobra. Ang laki ng cottage! Around 100sqm siguro. King size pa 'yung bed nila. Tapos ang nice ng CR.
Balinese-inspired yung resort na ito. Well-managed pa. Very attentive ang staff. Kung couple kayo or gusto ninyo lang ng quiet time, check ninyo tong resort na 'to. I highly recommend this. Pero open lang sila from Nov 15-May 31. Pwede rin naman ata ang outside guests kung kakain sa restaurant nila.
Dito na rin kami nag-dinner kasi malayo siya sa main town ng San Juan. Okay rin ang food. Around 850 ang nagastos namin for dinner.
Day 02, Siquijor to Dumaguete:Morning - wala pala complimentary breakfast 'yung rate ng U-Story.
American breakfast nila ay 240 pero sobrang sulit. Nag-stay lang kami sa resort at todo picture. Ang ganda kasi talaga.
Lunchtime - nagpahatid kami kay Kuya Irvin sa port 250 ang singil niya. Buti nakaabot kami sa 1:00pm sked ng GL Express (150/head + 14 na terminal fee). Medyo nahilo ako sa byaha pabalik ng Dumaguete. Malakas na kasi ang alon.
Pagdating sa DGT, punta agad kami sa Harold's Mansion para mag-register sa
Apo Island Snorkeling Tour (1000/head) nila. From port, nilakad lang namin hanggang Harold's. Pero 8/person lang din naman ang bayad if mag-tricycle.
And then tumuloy na kami sa
Islands Leisure Hotel (1800/night ang premiere room) along airport road lang din. Nice din naman siya, matutuwa ang mga photographer kasi ang daming pwedeng picturan sa boutique hotel na 'to. The room is okay lang din, refurbished house kasi 'to na ginawang hotel so may mga chipped tiles na rin ganyan. A/C gumagana naman and 'yung heater okay din. With complimentary breakfast 'yung rate nila. Medyo malayo sa downtown, pero walang problema sa min ang location kasi 8/head lang naman ang tricycle.
After mag-freshen up, tumuloy kami sa
Sans Rival bistro sa may Rizal Boulevard. Ang mura pala ng food nila dito! Hindi ko in-expect. Pero 'ika nga nila, you get what you pay for hehe. Pero da best talaga ang sans rival and silvanas nila.
Triny din namin yung mga pwesto ng balut/squid balls/tempura sa may Rizal Blvd. Naloka ako sa 4 pesos na squid balls pero ang maganda kasi doon, regulated ng gov't yung mga pwesto. Nag-oopen sila ng 5pm.
Day 03, Apo Island Snorkeling Tour:6:45am, nasa Harold's Dive Center na kami. Sabi kasi dapat maaga kasi pipirma pa ng waiver. Kaya lang 7:30 na kami nakaalis kasi ang daming mga late dumating kakaloka. 20pax kami sa grupo, iilan lang kaming Pinoy.
Mas pinili ko na tong package tour kesa sa DIY para wala na kami hassle. Tsaka ang lalaki ng alon sobra so plus point 'yung super laking boat ng Harold's. Halong divers and snorkelers yung grupo, 3 sites ang pinuntahan.
Ang laki nung first turtle na nakita namin! Mas malaki pa sa kin. Super saya. Tapos maganda rin ang mga corals around Apo Island, inaalagaan talaga.
Lunch ay choice between chicken or tuna sub. May unlimited coffee and tea rin. Noong una, akala ko bitin yung sandwich lang, pero na-realize ko nakakabusog naman siya and masama rin siguro kung mapaparami ang kain kasi nakakalula yung lakas ng alon.
Overall, okay naman ako sa Harold's. Kaya lang walang kwenta 'yung guide na napunta sa mga snorkelers. Buti marunong kami lumangoy nung kasama ko kaya nakapag-snorkel kami ng walang guide.
Dinner - sa
Hayahay kami kumain. Lahat kasi ng tryk drivers na tinanong ko kung saan masarap ang seafood, Hayahay ang sagot. So triny na rin namin. Okay naman siya, masarap din ang food. Nagbayad kami ng P1,200 for 2 pax sa Dumaguete express, buttered shrimp, grilled tanigue, and chili garlic crabs. Mura na rin!
----
Sobrang na-enjoy ko 'tong tip na 'to kahit nakakapagod and ang saya kasi nakisama 'yung weather. Ang ganda ganda ng Siquijor. Sana mapanatili nila 'yung ganda nung lugar and huwag sana ma-exploit.
Babalik kami soon!
