Author Topic: Still Childless  (Read 81162 times)

annamarie88

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #240 on: September 30, 2014, 05:06:12 pm »

annamarie88, that is true.. I have cousin with down syndrome pero yung mga kapatid niya ay healthy. Kasalanan ba ng parents? Genes? Pregnancy? NO. Talaga lang may % chance na magkaron ng ganon.

Kaya nga takot/praning talaga ako.. Ang hirap na hindi mo isipin, omg.. Feeling ko okay lang na wala kami anak, altho sometimes pag may nakikita ako babies, parang sarap din  ;D

mrsonthego

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #241 on: September 30, 2014, 05:07:49 pm »
actually mas selfish pa nga yung anak ng anak para sustentuhan sila or para alagaan sila sa pagtanda.


Actually that is very true.   

TS, don't you think there are a lot more less fortunate than you? I know of single women who desperately wants a man to love them, kaso wala talaga e.  So how can they even go to the next step of having kids kung wala man lang sila mahanap na BF?

 


Tama ka dyan sis, mas selfish yung mga parents na ginawang investment ang anak, ang dami kong kilalang ganyan. Yes I do feel more fortunate than others, yun ngang bilas and BIL ko, minsan I feel bad kasi hirap na hirap sila sa buhay na halos di alam kung saan kukunin ang pagkain sa araw araw, parang di na plano kung ano ang mangyayari sa future ng mga bata, mas okay na sakin ang ganito at least di ako mag wo worry sa future ng taong galing sakin.

mrsonthego

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #242 on: September 30, 2014, 05:16:16 pm »
Kaya nga takot/praning talaga ako.. Ang hirap na hindi mo isipin, omg.. Feeling ko okay lang na wala kami anak, altho sometimes pag may nakikita ako babies, parang sarap din  ;D

ako tanggap ko na di mawawala yung ganung feeling na pag nakakakita ka ng baby andun parin yung longing, tao lang tayo na gustong maging ina. tingin ko forever ko na yun mararamdaman, well ganun talaga sis, kasi totoo naman na masarap at masaya magka baby, unfortunately mukhang hindi iyon para sakin  :)

annamarie88

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #243 on: September 30, 2014, 05:19:57 pm »
^ako sis feeling ko ang saya ng may baby pero hindi ko kaya palakihin.. Wag ka magsalita ng tapos sis, malay natin mas maaga pa sa inexpect mo na biyayaan ka na ng baby :)

mrsonthego

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #244 on: September 30, 2014, 05:23:38 pm »
^totoo yan sis, yung saya ng may baby ang masarap talaga isipin at nakakainggit, pero dahil sapat lang kami sa buhay madalas nagpapasalamat na rin ako na wala kaming baby, baka kasi mabaliw ako kung saan kukuha ng pang buhay sa kanya, hehe...

kung darating sya di maganda, kung hindi at kung magkaka baby ako ng matanda na, naku wag na lang, ang hirap  :D

Girltalker2

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #245 on: October 01, 2014, 08:46:40 am »
ako tanggap ko na di mawawala yung ganung feeling na pag nakakakita ka ng baby andun parin yung longing, tao lang tayo na gustong maging ina. tingin ko forever ko na yun mararamdaman, well ganun talaga sis, kasi totoo naman na masarap at masaya magka baby, unfortunately mukhang hindi iyon para sakin  :)

totoo naman, hindi ka makakapagsalita ng tapos. akala mo ba women with kids do not long for babies?  I for one when I see babies, I like to play with them, carry them. In fact I contemplated nanga on offering my babysitting services to friends hehe.  Eh kasi nakakatuwa naman talaga.  But sa edad kong ito, it is not practical na to have a baby. So sabi ko, once the right time comes, I might just get a dog.

Kagabi lang, there is couple sa restaurant akong nakita, hindi sila makakain mabuti kasi iyak ng iyak yung baby nila. I wish I could tell them, buhatin ko muna baby nila, at kumain muna sila hehe The baby is so plump at nakakatuwa. But then ayoko syempre sila magfreak out, so I just let it be.


i_am_zayda

  • Guest
Re: Still Childless
« Reply #246 on: October 01, 2014, 11:22:38 am »
Mga sis!

For those TTC like me and taking fertility pills, do you experience vaginal dryness? I read an article kasi na ganun ang side-effects. and now that I read about it, it made sense bakit ganun ang nangyayari sa akin. I thought ako ang problema (like I am not "aroused" enough) anyways, naisip ko na why not use lubricants. However, per checking, generally, hindi daw sperm friendly ang mga lubricant. Except for two products I read yung Pre-seed and Conceive plus. Have you heard about those products?

I am trying look where to buy those, may nakakaalam ba sa inyo where? Sandoval Distributors used to carry Pre-seed but I just called them earlier and sabi hindi na daw sila nagddistribute nun... Conceive Plus mukhang wala talaga dito sa Philippines, you have to buy online, pero hindi ako fan ng online shopping eh  :o .

Thanks.

chedz.03

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #247 on: October 08, 2014, 03:25:49 am »
Thy will be done mga sis. Hugs to all. Pakatatag lang tayo. At the end of this journey, we will find the answers to our questions. God is so good He let us go through the heartaches of TTC because it will surely make us stronger and better person in the long run. He's teaching us how to have faith in Him despite all the uncertainty and fear of not having a child yet. Don't mind all the negative people nalang. Not worth our precious time. ;)

The5thElement

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #248 on: October 09, 2014, 05:46:39 pm »
i feel you guys...:(

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #249 on: October 09, 2014, 07:01:04 pm »
i can live with it. i leave everything to God. sya na bahala..i trust in his perfect timing. and if hindi man nya ipagkaloob i know the reason why.. kaya i have long accepted the possibility na wala talaga. and i'm sorry mga sis but i just have to vent a little bit..  kasi medyo naiirita at natatawa ako sa mga tao na nagcocompare sa buhay nila sa buhay at choices ng iba. na feeling nila is mas ok at kumpleto ang buhay nila kasi sila daw may mga anak tapos ikaw eh waley.. well, excuse moi but my life is more than ok and it is very much complete because i am happy with my choices in life. and naman, buti sana kung cute at adorable ang mga anak nila eh juice ko.. patawarin nyo ko pero que horror naman ang ichura ang mga offsprings nila. and hindi naman nila kayang buhayin.. nakatanghod lang sa mga kamag anak para maitawid ang pang araw-araw. me, atleast i'm not a burden to anyone and i can buy, do and go wherever i want, when i want.. kasi i think yun ang secretly eh kinaiingitan nila sa mga walang anak kasi siguro namimiss nila yun ganong freedom. unlike them na nakatali na sa responsibildad na more often than not eh hindi nila napaghandaan, hindi sila ready for it emotionally, psychologically at most of all eh financially.. just saying..

mrsonthego

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #250 on: October 09, 2014, 07:23:27 pm »
^schadenfreud ba ang tawag doon? kasi nag hahanap sila ng outlet ng suffering nila, mga problemado sa mga anak nila kung pano bubuhayin kaya tayong mga childless ang napagdidiskitahan, kung talagang happy sila, dapat hindi sila insecure sa mga taong totoong masaya

pret_ty68

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #251 on: October 09, 2014, 07:27:31 pm »
^^
Pareho tayo sis naiinis rin ako sa mga tao who interfere/judge other person's choices. Yung parang pinaparamdam sayo na kulang ka at mas masaya sila.

Sis yung iba ginagawa nila yan in order for them to feel that they made the right choice or that they are living their drema life kasi deep inside they have also doubts kung tama ba mga naging choices nila or kung talagang kontento na sila sa buhay nila. In order for them to feel superior ipapamukha sayo ang kulang sayo.

Yung iba naman akala nila kung ano nakakapagpasaya sa kanila magpapasaya rin sa iba without thinking na iba iba tayo. Para bang gustong maging director nang buhay mo.

^
schadenfreud according to google is pleasure derived by someone from another person's misfortune. Siguro nga yung iba ganun natutuwa sila pag may nalulungkot parang sadista kaya pagdidiinan kung ano ang kulang sayo.
« Last Edit: October 09, 2014, 08:07:16 pm by pret_ty68 »

chedz.03

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #252 on: October 10, 2014, 01:59:45 am »
Mga sis ako nga harap harapan sinabi sakin ng tito ko (bro of my father) na, sya daw walang pera pero may apo samantalang kami may pera pero walang anak. WTF! Palibhasa nga inggit kasi mas umangat buhay ng father ko (namin) eh sya ni isa wala napagtapos na anak. Inasa nya na may ibang magpapaaral sa mga anak nya. Masaya daw kapag maraming anak. Oo nga masaya yun KUNG may pangarap sya sa bawat anak nya. Eh kung kuntento na sya na nakakaraos sila kahit kapos na kapos anong kinasaya ng ganun.

mrsonthego

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #253 on: October 10, 2014, 08:21:06 am »
^napaka bastos naman niyang tito mo, at ang babaw ng utak niya, anong kinalaman ng pagkakaroon ng pera sa walang anak? ano ba yan!

in my case, ang tingin samin ng mga ibang naming relatives hindi kami nauubusan ng pera kesyo wala daw kaming ginagastusan, di nila alam supported ko mother ko, tapos my husband helps his family naman, daig pa nga namin may apat na anak sa mga supports sa family. somehow thankful na rin ako na hindi ko ito magagawa kung may anak kami,

wag na nating patulan ang mga taong insensitive na ganyan.

chedz.03

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #254 on: October 10, 2014, 11:04:36 am »
^sis, kaya nung nalaman ng father ko yun nagalit din sya. Pero sa sobrang bait ng father ko sa mga kapatid nya sigurado ako kapag lumapit na naman yun for money hindi na naman nya matatanggihan. Pero hindi na ako nagulat sis, even mother ko ginaganun nya. Kaya siguro lalo sya lumulubog sa kasamaan ng ugali nya eh. (me mad, me bad LOL)

 And same tayo sis, pareho din kami ni hubby na nagbibigay sa parents monthly. So para din kami may anak nga sa expenses akala yata ng iba porke walang anak wala nadin ginagastusan.


pret_ty68

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #255 on: October 12, 2014, 01:51:23 pm »
^
Hi sis kung ganyan ka ka affected sa fb i suggest na iwasan mo na syang buksan. Yung mga nag po post kasi nang baby pictures hindi naman gustong mang inggit overwhelming lang siguro ang happiness nila kasi may baby sila although yung iba talagang nasobrahan na talaga sa kaka post. Wala tayong magagawa kung ano ang pino post nila pero may magagawa tayo kung papaapekto tayo o hindi. Kaya ako as much as possible hindi na ako nagbubukas nang fb para wala na akong alam kung ano nangyayari sa ibang tao tutal yung mga close friends ko talaga updated naman ako sa buhay nila kahit hindi sa fb. Simula nung iniwasan ko nang magbukas nang fb mas naging peaceful yung mind ko and yung time na dapat i bo browse ko nang fb nag bo browse na lang ako nang informative sites or read books. Hindi ko na rin naman na mi miss ang fb.

mrsonthego

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #256 on: October 13, 2014, 09:18:24 am »
^^ sis tama si sis pret_ty68 di naman maiiwasan na mag post sila ng pics ng baby nila all the time kasi proud parents sila at kaligayahan nila yun, di naman all the time intention nila na mang inggit. kaya ako ako mga two years din naka deactivate yung fb ko, mas okay yun nabawasan ng sama ng loob ko for two years :o

quinone

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #257 on: October 13, 2014, 10:27:17 am »
si hubby chaka ako ang dami naming friends na may kids, nagla-like naman kami. siguro di kami masyadong affected kasi hindi kami ganoon ka hilig sa mga bata. (kaya siguro hindi rin kami masyado nag-try na makabuo)

the thing is...ewan ko kung masama ba akong tao o kasi nga wala kaming baby... hindi ko ma-appreciate yung kid kapag di kagandahan/kagwapuhan HAHA  ;D so yun nga, ang mas nila-like ko lang yung mga cute.


mrsonthego

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #258 on: October 13, 2014, 10:30:57 am »
^no sis hindi ka masama, ako rin eh ayoko ng kid pag ang kulit sobra nakakainis, yung mga pamangkin ng hubby ko naiinis ako pag pumapasok sa room namin kasi kung ano ano ang gamit na ginagalaw tapos hinahayaan lang nung nanay, minsan natutuwa ako sa kanila minsan naman hindi.

pag nakakakita ako ng baby ng mga kakilala ko tapos hindi naman cute, sasabihan ko lang ng "ang laki na niya" kasi di naman talaga cute, pag cute naman syempre the baby deserves the compliment, haha ;)

The5thElement

  • Guest
Re: Coming To Terms With Being Childless
« Reply #259 on: October 13, 2014, 11:16:26 am »
lagi girl ang kawawa pagdating sa ganitong usapan sa pamilya at kaibigan.
lagi iniisip yun girl ang may problema sa pagbubuntis.
lahat ng suggestion nila para sa girl para mabuntis..

sa totoo, in our case, ako may problema...:( zero count sperm cells ko..
naaawa ko kay misis kasi lagi sya ang sinasabihan ng mga suhestiyon para mabuntis...:(
« Last Edit: October 13, 2014, 11:18:53 am by The5thElement »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close