Just came back from South California.
Accommodation: We stayed at an Airbnb flat walking distance to Hollywood Blvd. and very close to Hollywood Freeway. If we are early, less than 1 hour ang Anaheim. Glad we stayed near Hollywood Blvd kasi if ever we get back to LA, hollywood blvd is not something na pupuntahan ko ulit or sasadyain. So glad we stayed there, so nakita na din namin while looking for places to eat or just walking in the morning. When we arrived, we ate at in and out sa Sunset Blvd so medyo mahabang stretch din sya of walking and it was like 7 pm so naglalabasan na mag tao doing "shows" and we went to Madame Tussauds na din.
Transpo: we rented a car so hindi problema ang transpo but the driving, oh boy! Almost like Manila na, hindi na ako sanay. Drivers are changing lanes ng wala lang and swerving too. Parang nasa Disney ride pa rin kami. Hehe. Speed limit is almost moot. Kung sobrang traffic, para saan pa ang speed limit. Kung hindi naman traffic, wala naman sumusunod. When we get to LA, syempre sumusunod pa kami sa speed limit sumosobra pa kami ng mga around 5 mph pero binubusinahan lang kami so go with the flow na lang si hubby. Masaya naman sya, feeling fast and the furious lang. Also, one thing na hindi namin na expect is rental cars are quite far from LAX, may free shuttle naman going to terminals pero something to allot extra time lang.
Food: We ate at in and out, Jollibee and chowking (syempre), PF Chang, Boiling Crab, Thunder Ranch sa Disney at hindi ko na matandaan yung iba. We bought pasalubong from Red Ribbon and Porto's . Sa nagsuggest ng Porto's, thank you! Potato balls is so so for me but the Cheeserolls, ah heaven! Ang mura pa, less than 1 dollar ang isa.
Attractions: Syempre Universal and Disney. Buti sa Universal may fans with mist, sa Disney wala. Ang init, jusko. Nakakadrain. Hindi pa kami nagCalifornia Adventures nyan. Kaya bilib ako sa nga bata and even some moms na nakadisney princess costume pa. Napaka init. Peo sabi nga nung taga Arizona na kausap namin habang nasa pila is, "is this hot for you?" Big yes naman kami ni hubby. On our shuttle ride going back to the parking lot, yung mga kids, punong puno pa rin ng energy. Kausap namin yung isang family, sabi ng mga kids, babalik pa daw sila tomorrow. Sabi ng parents,3 days yung ticket nila. Nanghina si hubby, iniisip pa lang daw nya, pagod na sya. Buti maaga kami sa Disney, nakaka 5 rides kami agad in 4 hours. Halos walang wait time yung 1st 2 rides namin. A couple ask us to take their pictures in front of the castle castle. Aba, ang guy biglang naglabas ng engagement ring. I was shocked and happy. Hehe. Sayang nga hindi kami nakapagpapicture na 4 eh. Okay, i'm not saying all but some tourists coming from China are talaga naman! walang pakialam sa mga tao sa paligid nila especially sa Disney and Universal. Jusko, isa lang ang pila tapos tipong 10 pala yung kasama nya na papasingitin sa line. Sana naman pumila na sila lahat diba, ang dami daming family with toddlers na nagtitiis sa init at pumipila. Nababalewala kasi yung wait time na nilalagay sa mga rides eh. Tapos, kakausapin ko or magtatanong ka,parang walang naririnig. But we met, 2 Chinese students at Thunder Ranch na ok naman. Katable namin sila and very responsive naman. Ang yaman lang nila. Tour daw for the school yung trip nila in South California and 14 days sila. Tinanong pa kami kung magkano daw usual na tip sa waiter. Sabi ni hubby, nung HIghschool ako, wala ng tip tip sa kiin.Tumatayo na lang ako. Lol. One bonus at Universal, we saw Mario Lopez shooting a segment for Extra. Nasa background pa kami. Feel na feel naman namin ang pag-applause pag sinasabihan kami nung segment director. Hehe.
We also went to SanDiego and Long Beach - favorites places ko of the entire vaacation.
We also watched the Angels game against Texas Rangers. We were supposed to watch Intl cup - LA Galaxy vs FC Barcelona kaso yun pa lang yung day ng dating namin eh ayaw namin masyado magmaali. Buti hindi kami bumili ng ticket kasi past 6 na kami nakadating ng LA eh 7 ang start. I wont pay 150 usd ticket kung hindi ko masisimulan.
Shopping: Hindi kami masyado nag shopping, we only went to Carlsbad ng saglit. I only bought Nike shoes and si MIL (they were also visiting) bought Michael Kors. Sayang nga, ngayon ko lang naisip na sana bumili din ako. Next time na lang. Mostly souveneirs ang binili ko. I'm saving luggage space for starbucks mugs and tumblers.
Overall, masaya naman sya. At least naka LA and Disney na kami without kids. Alam na namin ieexcpect namin once may kids kami na kailangan dalhin sa Disney. It is a battlefield out there. Hehe. Siguro, pag bumalik kami, magstay na lang kami ng downtown LA or Anaheim na lang. Kasi if you want to go to SanDiego too, parang nasa gitna na yung Anaheim.