Author Topic: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6  (Read 70702 times)

lonelymiss28

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #280 on: October 22, 2013, 08:14:31 pm »
enjoy your gift!

redgirln

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #281 on: October 23, 2013, 04:04:18 am »
ako pala ang number 1 mong kontrabida!, puro pala ako kontra ha? ewan ko sayo tseee! Kala mo kung sino namang bida, e para sinasabi ko lang naman ang nasa loob ko. kontra na agad? hindi ba pwedeng nagiisip lang at nag bibigay lang ng inputs. sino ba ang gusto mong asawa, yung pag may sinasabi ka e yes lang ng yes kahit mali ka, tapos sasabihin sayo, ang galing ang galing ng idea mo, hay naku!

ayami

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #282 on: October 23, 2013, 08:09:10 am »
Mukhang super happy ka na makikipaglaro na ko ng PC games sayo :P aba e pagkauwi mo yan kagad hirit na maglalaro tayo later. Masaya rin ako kasi may bonding na tayo lol. Para lang tayong magkabarkada haha.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #283 on: October 23, 2013, 08:09:38 pm »
niyaya mong uminom ang kapitbahay natin last night. masarap yong kinilaw na isda. so bago tayo pumunta doon, sinabi mo sa akin na sumama ako pati si baby. kaso wala sa hulog ang bata. nag iiskandalo sobra.hehe. ayan, umuwi kami para patulugin ko siya. mabuti ginising ako ng angel ko at nakita ko ang orasan, time na para sunduin ka. ayon, pagkatok ko sa kanila, alam mo na babalik ako. ayon ang naging finale ng inom mo. agad agad ka sumama sa akin. alam ko na may tama ka, so hinayaan lang kita. pero kahit pala senglot ka ay may oras ka pa rin mag good night kay God. masaya lang ako kasi alam ko na inantay mo ako at di ka nagpakalango sa alak. salamat ha. i love you.

jhenpretty

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #284 on: October 24, 2013, 01:53:06 am »
Thank you Dhie dahil kahit weekday kanina, you still find time na makalabas tayo and have fun with our friends. Thank you dahil you always make it sure to hug and kiss me.. I love you Dhie.. ^_^

princessrio

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #285 on: October 24, 2013, 02:56:54 am »
the best ka talaga sa pagluluto! thank you for the sumptous lunch, merienda and dinner. so excited na off ka na ulit bukas! i love you..

miminibebe

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #286 on: October 24, 2013, 11:28:15 am »
Di ka na natuto.  Nagsasabi ako sa yo ng problema ko dito sa work, makinig ka lang! Wag mo kong turuan ng gagawin ko dahil di ko hinihingi ang opinion mo! Manong makinig ka lang at pakita mo lang na naiintindihan mo yung frustrations ko at hindi yung kung umasta ka eh parang alam mo lahat! Buwiset! >:(

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #287 on: October 24, 2013, 04:00:56 pm »
sasahod ka na naman. ako, ang nakaraan kong inaantay, until now wala pa. inopen mo saken lahat ng naka line up mong bayarin. gets ko naman na marami sila. wala kang igigive up kahit isa. hindi naman tayo pwedeng hindi magbayad ng bahay. so yang bayarin mo sa pinas, hindi mo rin igigive up. gusto mo na gumawa ng paraan mag produce ng pera kasi wala na akong mapapala sayo. kapag ganitong gipitan, ako ang paiisipin mo kung saan ako kukuha ng pera. hindi mo ba natatandaan ang sinabi mo noong sumahod ako for august na sa sahod, babayaran kita sa kinaskas mong card. hay, nawala na yon. pagkatapos sasabihin mo sa akin, wala naman masyadong gastos pagdating sa sasakyan mo. sana inererecord mo sa lahat para natatandaan mo na once nagkasasayan, hindi pwedeng hindi mo gagastusan. bayad sa service, sa gas, sa parking..blah blah blah. idagdag natin yong crib, sofa, rack, grocery. ang saya nito, sana wag mo isisi sa akin lahat  at ayokong marinig sayo na ako, hindi marunong maghawak ng pera..kasi kahit ikaw ang naka assign dito, hinding hindi ka gaganahan kapag narinig mo ang mga ganyang hirit. wag mo gawing rason ang pag uwi natin ng pinas or pagbenta mo ng sasakyan. kahit saang lupalop tayo ng mundo makarating, hindi tayo lulubayan ng problema. yang sasakyan, panindigan natin yan dahil we decided to get one, no matter what happen. mabuti nga hindi pa brand new eh, baka siguro naka nganga lang tayo palagi. stop nagging at me. hanapan na lang natin to ng paraan please.
« Last Edit: October 24, 2013, 04:07:52 pm by dropdeadgorgeous »

EllaBratin

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #288 on: October 24, 2013, 04:38:49 pm »
Bakit hindi mo maintindihan ang point ko? Lagi mong sinasabing wala kang ginagawang masama, e di sana sinasabihan mo yang hitad mong ex na tumigil na. O baka naman nasasayahan ka ng may nalandi sa iyo? Hindi valid reason yung "text lang" dahil may past kayo. Ano yan, start ng text tapos magkikita? Anong idadahilan, reunion? O gusto ninyong mag-reunite na dalawa? Pag-untugin ko kayo e!

IloveMybabs

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #289 on: October 24, 2013, 11:32:47 pm »
Bago mo isipin kung panu ka magiging mabuting anak sa magulang mo!
isipin mo muna kung panu maging mabuting ama sa magiging anak natin! okay ka nga sa ibang bagay pero pag nagkagipitan sa pera kami pa din ng anak mo ang titipirin mo para makapag padala lang sa inyo! aba! mahiya ka naman saken! papatigilin mo ako mag trabaho at papapuntahin dito tapos ni hindi mo naman pala kayang ibigay pangangailangan namin!

naku! konti na lang talaga! siguraduhin mo lang mabibigay mo pangangailangan ng anak natin pag labas dahil kung hindi lalayasan talaga kita! ako magtratrabaho para samin ng anak ko at ikaw maging mabuti ka na lang na anak habang buhay! dahil hindi kita kailangan para buhayin sya! hindi nya kailangan ng ganyang klaseng ama!

EllaBratin

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #290 on: October 25, 2013, 02:29:39 pm »
OK panalo ka na.  Masaya ka na at napatunayan mo kung gaano kita kamahal. Nakita mo rin kung gaano ako kaselosa. Tama ka, sa tagal na natin, ngayon pa ako nagkaganito. Wala ka nga ginagawang masama, wala rin naman ako napatunayan at sa totoo lang, wala rin naman ako naramdamang mali sa iyo. Siguro naimbyerna lang ako sa kanya, super effort talaga. Ang inalala ko lang naman e baka ma-appreciate mo siya, tapos magtuloy-tuloy na. Thank you at nakinig ka sa mga sentiments ko, at ginagawa mo yung mga dapat mong gawin para ma-please ako. Thank you kasi tinutupad mo ang promise mo na hindi ka gagawa ng bagay na ikakasira ng pamilya natin. Sorry kung naging OA ako. Sorry kung nagselos ako, wala naman pala talagang dahilan. Thank you sa walang sawang pag-intindi at pagmamahal mo sa akin. I love you so much po.

kyla_0429

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #291 on: October 26, 2013, 09:36:19 am »
thank you sa pagtitiyaga sa kakulitan kasungitan at katamaran ko !!

thanks for being a good father ke bebe!

we LOve you :)

jeloeight

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #292 on: October 26, 2013, 11:26:16 am »
Gusto ko lang umamin ka,handa kitang pakawalan...

swtgrl_bee

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #293 on: October 26, 2013, 07:57:12 pm »
Papasok ka na Baby, relax lang. Wag ng magkasakit :)

ankyneMD

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #294 on: October 27, 2013, 08:26:59 am »
dear,
nakikita ko naman ang effort mo on how to win my trust again after ko sabihin sayo na wala na ako tiwala sayo at alam kong hindi ka na magbabago. Sarap lang ng feeling na para akong reyna hahaha. Sana lang totoo nga yang pinapakita mo at hindi lang para pigilan ako umalis at hindi ka mawalan ng tagaluto. Pag nakikita ko ang effort mo, naaawa ako sayo at lumalambot ang puso ko. Pero there still part of in mind na pakitang tao lang yan at ulit ulit lang ang nangyayari. For now ieenjoy ko muna pagiging reyna. Tignan kung hanggang saan ang kaya mo. Ayoko na kasi umasa.

lonelymiss28

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #295 on: October 27, 2013, 08:27:14 am »
thank you for cooking breakfast and for a nice date tonight. i love u so much!

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #296 on: October 27, 2013, 01:28:30 pm »
light lang ang dinner kagabi. i hope naenjoy mo ang hinanda ko. salamat sa araw araw na pagsundo sa akin sa opisina. salamat sa surprise na popcorn.
i love you!

gracita13

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #297 on: October 27, 2013, 09:22:04 pm »
patitigilan na kita sa basketball mu,masyado kang mapagpatol nenerbyosin ako sayo  >:( kung hindi na a-out of the game or suspended graduate naman! susme! paki explain! labyu!

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #298 on: October 28, 2013, 01:22:52 pm »
i love you. have a great day! amping!

Myealexis21

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #299 on: October 28, 2013, 02:15:26 pm »
patitigilan na kita sa basketball mu,masyado kang mapagpatol nenerbyosin ako sayo  >:( kung hindi na a-out of the game or suspended graduate naman! susme! paki explain! labyu!

Kaya I don't watch hubby kapag naglalaro ng basketball ako ang aatakihin sa puso hahaha!

To Hubby --- I love you panget! Ingat palagi and see you in 3 months!!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close