Author Topic: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6  (Read 70539 times)

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #220 on: September 21, 2013, 04:00:08 pm »
ayokong magsabay kayo pag uwi.

kung tatanungin mo ako ng solusyon dito sa problema na ito, may mga paraan naman. huwag mo sabihin sa akin na hindi mo na gagamitin ang sasakyan pagpasok at pag uwi.kaya mo mag commute or sumabay sa driver nio. pero para saan pa na kinuha na natin yang pinagawa nating sasakyan para itambay mo lang. alam ko naman na hindi mo ako pagagamitin niyan kasi natatakot ka na ako ang magddrive diba.
naiinis ako sa sagot mo kasi obvious na itutuloy mo pa rin naman yan kahit na bawalan kita. ayoko sa kanya. bakit hindi mo maintindihan yon. pwede mo siyang hindi isabay. kasi pinahamak ka niya. bakit ba kasi kinalimutan mo yon. gusto mo yata maulit yan and this time ikaw naman ang maquestion sa pag uwi ng maaga. kung atat na siya umuwi. hayaan mo siya at wag mo na muna isabay.makakauwi naman mag isa yan at matanda na.
naiinis ako sa kanya kasi pinahamak ka niya. naiinis ako na babaero siya at ayokong mag flood siya ng stories sayo about gurls. alam ko na malakas ang control mo pero gusto ko lang mainitindihan mo na AYOKO SA KANYA. please intindihin mo naman itong sinasabi ko sayo be. please.

AnJelatine

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #221 on: September 21, 2013, 04:22:31 pm »
Thank You sa pagpapatulog mo kagabe kay Baby ha :) Alam ko pagod ka sa work pero nag kusa ka pa din. Grabe kase napagod ako kahapon kaya sobrang antok na antok na ako. Nauna pa ko nakatulog sa inyo ni Baby. Hihi! Salamat ulit Mahal ko :-*

reb_woods072683

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #222 on: September 23, 2013, 04:32:47 pm »
Nasan ka na? Sana maisip mag text o tumawag dahil nag aalala ako diba? Hay naku!!!

ayami

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #223 on: September 23, 2013, 08:57:07 pm »
Sarap naman ng pagiging sweet sweet mo lately hihi super happy ko lately... uy, hangout tayo with my college buddies soon! Ang saya ng chikahan kahapon sa binyag parang noong araw lang :P salamat sa attention haha

EllaBratin

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #224 on: September 24, 2013, 08:21:52 am »
Hindi ko na naman namalayan ang pag-uwi mo kagabi... Mamaya ko na lang kakainin ang pasalubong mong balot at chicharon  ;D

AnJelatine

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #225 on: September 24, 2013, 01:52:16 pm »
Pina-kilig mo ako kagabe. Hihi! ;D Thank You! :-*

ForeverDreamer

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #226 on: September 24, 2013, 02:09:11 pm »



Haiisssttt Dadie,you're so near and yet so far! :-\
SORRY  :(

Mama G

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #227 on: September 24, 2013, 06:11:46 pm »
Hon nalulungkot ako kasi di pa natin kasama si baby ngayon.. Ilang araw pa ang hihintayin natin bago maiuwi c baby.. Nalulungkot na ako.. Nakakabaliw maghintay..:( gusto ko na sya mahawakan.. Sana monday na..

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #228 on: September 24, 2013, 09:10:02 pm »
bakit hindi mo ipractice na makipag usap sa akin na parang kaibigan mo.
bakit palagi mong itinatatak sa isip mo na ibang tao ako. hayan, may mga gusto ka palang sabihin, bakit kailangan pa nating dumating sa point na mabubuko pa kita. sinasabi mo sa akin, na ang mga decisions galing lang sa akin. wala namang time na nasunod ka. gusto kong matawa. ganito kasi yan, sa mga situations, na inoopen ko sayo, natural bago ako lalapit sayo, magreready na ako ng solution ko. pero kaya ko yon sinabi sayo kasi open ako for suggestions. so makikinig ka, magtatanong ka kung ano ba ang naiisip ko, then ill start discussing. eh di mo naman sinasabi yang opinion mo, na may mga nasasabi pala ako na ayaw mo or you got better ideas than mine.tikom ka lang. then heto ako, lalapit sayo kasi magtatanong pa rin ako ng suggestions mo, tapos babalikan mo lahat ng ginawa ko at kung paano ako umabot doon, pag palpak sasabihin mo saken na ako lang kasi ang nagdedecide. kahit palpak man ang plano ko, alam mo na gagawa ako ng way na lusutan yan, then magcocomment ka na wala akong consistency. wow naman. galing mo. hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. hindi ako magsasalita, tatanungin mo ako kung wala ba akong sariling decision. kapag may sagot naman akong naiisip, sasabihin mo, ako lang ng ako ang nasusunod. hindi ko alam kung anong gagawin ko para maplease ka. hindi ako ang magpapabago sayo. ganito ako lumaki, na kaya kong mag decide on the spot. but since we got married, you know i will always give you consideration. yan ang palagi mong iniisip, na hindi kita pinapakinggan at pinapaniwalaan. kung minsan, pakiramdam ko, mayroon tayong competition. sana you will learn to speak up. let me remind you i was never born reading minds. tao lang ako, na papakinggan ka at papaniwalaan ka, kahit tingin mong hindi. nasasaktan ako sa mga naririnig ko sayo kasi hindi ka kumpyansa sa asawang pinili mo. pakiramdam mo palagi kitang kokontrahin. wala kang bilib sa akin. pero kung ako ang tatanungin, bilib na bilib pa rin ako sayo.  :-[
« Last Edit: September 24, 2013, 09:14:03 pm by dropdeadgorgeous »

sweet_cherry

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #229 on: September 25, 2013, 11:46:45 am »
love you baby. Ang swerte ko talaga sa yo :)

princessrio

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #230 on: September 25, 2013, 01:19:09 pm »
yey! today is your sweldo day. that means, today is my sweldo day also! kfc na lang lunch natin. tagal pag oven-baked fish e. sa weekend mo na lang yun. i love you.

hot_chili

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #231 on: September 25, 2013, 05:31:43 pm »
Pag ako natanggal sa trabaho naku humanda ka talaga sakin makikita mo galit ko  >:(

Beng01

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #232 on: September 26, 2013, 09:49:02 am »
Dear honey,

Thank you dahil even if you dont say 'i love you' to me often. I always felt your love in your actions.
I love you honeybee  :-* :-* :-* :-*

ivyn

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #233 on: September 26, 2013, 11:03:09 am »
I miss you so much babyko, dont worry two nights na lang. :'(

gharz412

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #234 on: September 26, 2013, 09:45:43 pm »
Thank you soo much sa surprised mo saken kagabi. Candle light Dinner @ home ang hehe lagi mo talaga ginawa yung effort mo para lang mapasaya ako. I love you asawa ko. :*

ForeverDreamer

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #235 on: September 26, 2013, 10:05:23 pm »


^haiissttt...nakakainggit naman :P
swerte mo sa hubby mo sis. ;)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #236 on: September 26, 2013, 10:38:15 pm »
Eh bakit mo iniwan baon mo baby? ;(

ayami

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #237 on: September 26, 2013, 11:12:09 pm »
Mas gwapo ka pag walang tulog. Hehe. Tutulungan kita sa labada bukas. Naaawa ako sayo ilang araw nang walang tulog hanggang Sabado pa kasi may lakad na naman tayo ng mga junakis. :D

jjqxiv

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #238 on: September 28, 2013, 05:23:58 pm »
Don't push it. Hindi na talaga kita mahal.

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: What message do you like to tell your HUSBAND - part 6
« Reply #239 on: September 29, 2013, 01:27:05 pm »
salamat at lagi mong nilu-look forward ang masarap na ulam na niluluto ko. lalo tuloy ako ginaganahan nito.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close