Day #1 -- Malaysia/Rainforest Bed & Breakfast/Jalan Alorfrom KLIA2 dun sa pinaka baba andun yung mode of transportation, napansin namen mas madameng pumipila sa taxi's, hindi ata alam ng iba na mas mura at convenient naman sa bus, kaya bumili kame ng ticket sa bus counter papunta ng KL nasa RM10/way pag bata RM5 kaysa sa taxi na nasa RM30 ata depende sa way...kung ano naman bus na andiyan dun den naman kayo papasakayin
pag dating namen ng KL Sentral, akyat kayo sa escalator para dun makapunta sa main hub... mga 8:30pm na kumain na kame, meron dun KFC, Subway at Mc Donalds (buuhhhaayyy na kame haha) ...natapos kame ng 9:30pm siguro, since madame kameng mga bitbit nag taxi na lang kame mga RM13 papunta ng Rainforest pwede na kasi 50/50 kame sa gastos ng pinsan ko
we stayed sa Rainforest

ok na ok den dito para ka lang nasa bahay, may mga pinoy den akong nakitang nag stay dito.. sa 1st floor sa pinakadulo yung room namen, ok naman di ko naririnig, tyaka pag dating namen pag ka ayos burlog na wala naman naririnig na ingay.. yung lugar sa rainforest parang Malate, madameng mga clubs pero maayos naman di ganun ka grabeh tulad saten, kahit gabi safe mag lakad lapit pa sa Jalan Alor ang saya... oo nga pala kung bbili kayo ng tubig masarap yung Ice Mountain (water brand) meron nag bebenta den sa rainforest mas masarap siya compare sa ibang tubig, meron den naman mabbilhan sa mga stores sa labas.. nag scout den kasi kame ng mga tubig sa gilid halos same price den, mas mahal pa nga sa 711 safe naman to roam around kahit gabi, mga 10-15 mins walk lang andun na yung Jalan Alor, di muna kame kumain kasi nakakain na ren kame sa Sentral tinginan lang namen, basta sabi ko hndi ko palalagpasin talga na di makakain dun hihi
regarding sa train, pag tinitignan ko kasi sa google parang ang layo, pero sa actual ang lapit lang pala mga 10mins walk siguro yung papunta ng Raja Chulan Station
Day #2 -- Batu Caves/City Tour/Petronasang breakfast nga pala sa rainforest, lahat unli, self serving.. meron bread, spreads, cereals, crackers, coffee, hot choco, fruits , self serving kaya para lang den kame nasa bahay.. yung wifi nga pala sa lobby lang so habang lumalafang update update sa FB hihi.. mas gusto ko kasi meron breakfast para pag larga busog ang tummy

pumunta muna kame sa Batu Caves ng umaga para di masyadong mainit, gusto sana namen umakyat sa taas kaso 1hr lang ang inalot namen more on photo ops kasi kame, since hinahabol namen yung bus sa Genting kaya mga 1pm nasa KL Sentral na kame ulit... ito yung pinaka-regret ko dapat pala nung pagdating namen nag pareserve na kame by slot pala yung package nila.. kaya nag pareserve na ako kinabukasan, then nag punta na lang kame sa mga tourist spots sa city, then last yung Petronas para may pang gabi kameng shot
