watch now

Author Topic: How do you discipline and set boundaries with your Helper/Yaya?  (Read 7288 times)

can_dice

  • Guest
Re: How do you discipline and set boundaries with your Helper/Yaya?
« Reply #20 on: June 28, 2013, 02:18:01 pm »
^You are not evil talaga!
I admire you nga kasi you can stand your ground.  Ako minsan kasi, natotopak ako and naaawa ako sa kanila!!  But yun nga, I need to control those emotions.  Hahaha!!!

At least now, I can tell them na hindi na ako happy sa services nila.  Dati nagwoworry pa ako kung paano ko sila ilelet go!  Ngayon, jos ko - kung ayaw, wag!  Hindi na ako yung magtitiis kasi kelangan ko..  (shet antapang ano?) hahaha!!

Geeglee

  • Guest
Re: How do you discipline and set boundaries with your Helper/Yaya?
« Reply #21 on: July 01, 2013, 06:37:21 pm »
Joining..

2nd yaya ko pa lang. 1st yaya ko..wala pang 48 hours pinaalis ko na kasi nagsmoke sa house na ilan beses ko na sinabi kung mag smoke siya...lumayo siya sa bahay namin at maligo after bago hawakan yung anak ko pero pagalis na pagalis namin ni hubby, ayun na smoke sa bahay.
2nd yaya, 3rd month na niya ngayon. natamaan ako sa mga sinabi dito kasi sobrang lenient namin ni hubby na feeling ko naspoil ang yaya.
* nung nanghiram siya ng money kasi naospital yung anak niya, sabi niya magadvance muna siya. sabi ko sige. pag bigay ko ng money biglang sabi installment na lang daw kasi hindi naman niya kaya walang sweldo. so pinagbigyan ko
*birthday niya so tinanong niya kami kung pwede siya mag off nun. sabi ko hindi pwede kasi monday, hindi kami pwedeng mag leave. aba tinanong ako ng "bakit?" pero inexplain ko sa kanya. sinabi namin sa kanya na friday na lang balik siya ng monday morning. mga twice siya nagtanong and inexplain namin na hindi talaga pwede. ayun gumawa ng storya si ate. pinayagan namin pero pinakita ko sa kanya na alam ko na nagsisinungaling siya. aba si ate anong petsa na umuwi ng tuesday. kung hindi mo pa itetext, hindi pa magsasabi na tinanghali ng gising.
*nanghiram ulit si yaya, para sa school supplies ng anak niya. binigyan na siya ng books ng lola ni hubby ah. so sinabi ni hubby, hindi namin siya mapapahiram so gawin na lang is ikakaltas na namin agad yung mga utang niya para if kelangan niya ng money, may makukuha na siya. akala ko okay na.
*saturday nagpaalam magday off on the day itself, e nasabi na namin na sunday ang off niya kung may mga araw na papayagan namin siya mag off ng sabado pa lang sasabihin namin. Aba sumama loob.
*nasira ang washing machine. sinabihan na siya nung taga laba namin na wag pagsabayin yung spin at yung isa, pinagsabay pa din. tapos sinabi pa saken, yung taga laba namin yung nagsira.
*i found out na ang dami niyang reklamo samin. dapat daw yung SIL ko nagbibigay sa kanya ng extra money kasi nililinis niya yung room ni SIL when i told her ng napakadaming times na wag siyang linis ng linis dahil anak ko ang dapat iprioritize niya.
 - nag sabi siya sa lola and papa ni hubby na wala siyang makain sa bahay na ngayon, hindi na niya alam pano pagkakasiyahin yung sarili niya sa mga pants niya.
*she lied about my SIL. i noticed kasi na nakikipaglaro yung daughter ko ng 12am when i trained her to sleep through the night so I asked her the next day kung binubuhat ba nila yung anak ko pag gabi. sabi niya si SIL daw nilalaro yung anak ko pag gabi. siyempre i got furious with SIL. so hubby talked to my SIL, si yaya daw kasi ang tagal gumising na gising na yung anak ko. (pero hindi ko pa din alam who's telling the truth basta i have this feeling na may mali)

now i dont know what to do, hubby wants to give her a chance. ako ayoko na talaga.

micci

  • Guest
Re: How do you discipline and set boundaries with your Helper/Yaya?
« Reply #22 on: July 01, 2013, 09:28:23 pm »
^sis taga-saan ka?medyo pareho kasi yung style ng yaya mo at ex-kasambahay namin sa pera e..hehe

anyway,pag-usapan nyong mabuti ni hubby kung anong next step..kasi pag kami naman normally unanimous ang decision namin,sabay namin nafi-feel ang pagkainis kaya pag nag-decide nako,ok lang sa kanya :) hindi din kami sanay na may kasambahay,technically nakaka-tatlo pa lang kami..lenient din kami at hindi masyado umaalma kaya siguro naaabuso din..siguro mas maging matigas kayo sis when it comes sa mga rules at ipa-feel nyo na medyo naiinis na din kayo,if ganun pa din ugali nya,then it's time to let go..sabi nga ng mga sis natin,kumuha tayo ng kasambahay para gumaan ang trabaho/buhay natin,hindi para ma-stress pa lalo :)

Geeglee

  • Guest
Re: How do you discipline and set boundaries with your Helper/Yaya?
« Reply #23 on: July 02, 2013, 01:04:30 am »
las pinas ako sis.
well balak ng umalis ni yaya by august. tinatapos niya lang yung utang niya. nalaman ko to sa taga laba namin kasi dun nagsabi. tapos nagsabi sa [textspeak!] ko na hindi daw na daw niya kaya mag alaga ng baby. so hanap na naman ng bagong yaya. haist. ang hirap pa naman humanap ng yaya ngayon kasi mga abusado na. pero madami ako natutunan sa thread na to so im gonna talk to hubby later pag uwi namin.  sana makakuha tayo lahat ng maayos.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close