Author Topic: Ako madalas ang gumagastos :(  (Read 24100 times)

imyourangel

  • Guest
Ako madalas ang gumagastos :(
« on: June 12, 2013, 11:45:16 am »
BF-GF pa lang kami. Siya ang isa sa mga provider (bread winner) sa family niya, while ako sarili ko lang pinagkakagastusan ko. Walang work parents niya, parents ko meron. In short, mas well off kami kesa sa kanila.

Wala namang prob sa hatian ng gastos then, but dumating kasi sa point na sobrang liit na lang ng sinusuweldo namin (we work in the same school). Mula non, ako na halos palagi especially sa food. Iniiwasan namin mag date date non since medyo short nga sa budget. Pero hindi maiwasan may mga puntahan, since same church lang kami so we go there every now and then. Hindi maiwasan magutom, so syempre kakain... so ayun parang ako lagi gumagastos sa food. Oo sarili ko lang pinagkakagastusan ko, pero halos nanghihingi na lang din kasi ako sa parents ko dahil nga lumiit sweldo sa work, matagal pa sweldo..

What am I gonna do? Iwasan na lang ba namin kumain pag may pinupuntahan kami? Sabihin ko sa kanya na wala din akong panlibre? I totally understand his situation kasi may family siya to feed while ako wala.. just don't know how to say it to him nicely lang siguro...

mslcgrey

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #1 on: June 12, 2013, 02:49:27 pm »
^ sis, maybe its time for the two of you to find better paying jobs. teacher ba kayo pareho? and if so, is it a private school?

i'm also an instructor. when i graduated at naghahanap pa lang ng school, i found na maliit lang ang sahod especially sa mga small private schools as in like less than 10k a month. luckily for me, nakakita ako ng more than 10k a month. nag-masters din ako kasi sa field talaga ng education if you want a higher salary then mag-aral ka pa talaga. and that is what i did.

right now, i'm teaching in a state U so better pay kahit paano tapos less work time. of course, unless sa mga likes of DLSU and Ateneo ka, don't expect na super taas ng sahod ng mga teachers.

princessrio

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #2 on: June 12, 2013, 04:19:25 pm »
ganyan din kami noon. ako ang mas malaki ang contribution and minsan, ako na talaga ang gumagastos sa lahat ng labas namin.

then one day, nagkita kami sa dunkin donut. at that time, decided na ako makipagbreak sa kanya. but my decision changed. he was there, and there was my favorite cinnamon bread on the table. it was worth 20 pesos. sabi nya, pasensya ka na. yan lang nakayanan ko. naiyak ako nun hahaha..

tapos nun, naghanap sya ng ibang work. i never knew he applied for abroad. ayun! natanggap! eversince then, hindi na ako gumastos sa mga labas labas namin.

baka kailangan na ng bagong work ni bf sis. siguro, dream bigger, aim higher na sya. kausapin mo.

imyourangel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #3 on: June 12, 2013, 05:20:20 pm »
sis mslcgray, Yes we are both private school teachers. And you're right! Sobrang baba talaga ng salary namin. Hirap na maghanap ng malaking sweldo except for public schools na lang siguro.

sis princessrio, natuwa naman ako sa story mo. Nakakatouch. Hehe, bakit pala ikaw din madalas gumastos sa inyo noon? At yun, balak ni bf nga ngayon maghanap ng part time job sa universities since medyo maluwag ang load niya sa school namin. Iniintindi ko na lang muna talaga kasi siya din provider niya sa family...

mslcgrey

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #4 on: June 12, 2013, 05:36:55 pm »
^ okay naman mag-part time sa mga universities but with the k-12 program, time will come na baka wala ng makhang load si bf mo. another option is tutorial. pwede rin apply abroad. if hindi nga kasya sa budget ang graduate studies, kuha kayo ng scholarship. marami naman available like CHED, DOST, etc.

regarding his being a bread winner, parents lang ba ang sagot niya or may mga kapatid siya na pinag-aaral? if nagpapa-aral siya ng kapatid, in hs or college na ba? i hope in college na at least that is less years compared if nasa hs pa or worse elementary.


imyourangel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #5 on: June 14, 2013, 11:48:31 pm »
Tutorial actually ang work niya sa schol namin while I'm a preschool teacher. Wala pa din sya mahanap na part time until now. :(

And yes may pinagaaral din sya na college. Hay, nagaaway away na daw sila sa family nila dahil wala siyang maibigay. Konti lang kasi ng tutorial load nya.... wala pang nagpapaenrol.. hay. Cancelled lakad tuloy kami tom. :(

ragnar_danneskjold

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #6 on: June 15, 2013, 11:09:26 am »
hay, nakakaawa talaga ang mga bagong professional ngayon. maliit na nga ang sahod, may responsibilidad pa sa family when at that age dapat sarili na nya ang iniintindi nya para makapaghanda naman sya sa future nya. kaso halos rooted to sa kulturang pinoy na ibang parents nageexpect na kapag nakagraduate na anak nila, sila naman ang gagastos. kids are investments if seen this way. pero wala tayo gaano magagawa sa sitwasyon na yan. the best thing to do is magtipid as much as possible at maghanap ng higher paying job, kahit kailangan pang lumabas sa profession nya. good news is nasosolusyunan naman ang pera. cheer up nalang, may pag-asa. hehe.

baliwsayo

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #7 on: June 15, 2013, 11:53:11 am »
Magbaon ka na lang muna ng skyflakes. Kapit-bisig lang kung talagang mahal nyo ang isa't isa.

Romina

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #8 on: June 15, 2013, 12:51:54 pm »
I have an ex who's like that. I feel tuloy na kaya lang nya gustong makipagkita sakin kasi alam nyang ako ang magbabayad. Hindi naman siguro masama na you ask him to treat you rin naman. Or baka magtampo. Mga pinoy masyadong sensitive eh. Lol

princessrio

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #9 on: June 15, 2013, 12:53:48 pm »
hindi naman sya breadwinner. yun lang, maliit talaga ang sweldo nya, kulang pa sa kanya. kaya ayun, hindi sya nakuntento sa kinalalagyan nya.

that's also the reason kung bakit ayaw nya magpakasal kami. ayaw nya na ikukumpara sya sa ibang tao. ayaw nya na may maririnig sya na hindi nya ako kaya buhayin kasi sa totoo lang, i have been living a very comfortable life. kung gusto nya daw na magpakasal kami, kailangan magkasama kami sa taas at hindi nya ako hahatakin pababa.

imyourangel

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #10 on: June 15, 2013, 11:01:56 pm »
Salamat to all the replies!

Yes, grabe talaga yung pressure na siya ang magprovide for his family.. as in almost all of the bills siya. Sa kanya lang umaasa. Last night nagkwento na naman sya sakin... sama daw ng loob ng family niya kasi maliit lang nabigay niyang money sakanila. Kasi sweldo nung 14 diba.. eh maliit lang din nakuha niya due to a small number of tutees nya. He said sorry, kasi nadadamay pa daw ako. Ayun sa kanya na rin nanggaling na baka burden na daw ako sakanya, simpleng meryenda lang daw hindi pa niya ko malibre. Kaya tipid muna daw sya.

Siguro we just need to make tipid tipid.. wag masyado kumain kain sa labas...

k_heart

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #11 on: June 15, 2013, 11:59:27 pm »
^ basta sis kung seryoso kayo sa isa't isa, isipin mo kung ganyan talaga ng gusto mong buhay
na ikaw lagi ang mas nanlilibre dahil ikaw ang well-off. Ok pa yan ngayon kasi bf-gf lang. pero
paano pag napakasal kayo at magka meron na ng anak, ready ka ba na may kahati sa weldo ng asawa
mo?

pero yes, tama iba natin sisses, na both of you should look for a higher-paying job.

j.adore

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #12 on: June 16, 2013, 01:17:50 am »
Tama yung suggestion na you need to find better paying jobs tapos mukhang kailangan din ng heart-to-heart talk or something sa family niya. Binibigay na pala niya lahat so dapat magpasalamat sila hindi sumama ang loob porke konti lang sweldo.
Hindi na ba talaga kayang magtrabaho ng parents niya? Kaya ba maging scholar ng kapatid niya? I think kailangan din nila gawin part nila.

Share ko lang, nung first year namin, hindi ako gumagastos. Pag lang meron akong gusto na ako lang bibili o kakain/makikinabang(ex. dessert). Maliit lang sweldo ni BF nun sa company niya at narealize ko na para ma-date ako ng ganun eh mega part time siya. Pawis at dugo talaga so kinausap ko siya at nagvolunteer ako makishare sa mga future dates namin.
Paminsan-minsan, pag may kailangan sa family nila, nagvovolunteer ako magpautang sa kanya kesa sa banko pa niya kunin. He makes it a point to pay me back the soonest.
Naghanap din siya ng ibang work at ngayon mas mataas na sweldo niya sa akin hehe. Pag lumalabas kami, I still volunteer to pay for food etc. I buy him things ganon.
Simula pa lang kasi, alam ko naman di sila mayaman pero sa nakikita ko eh nagsisikap naman talaga at ginagawa lahat para mapasaya ako.

Pero sis imyourangel, isipin mo din yung sinabi ni sis k_heart. Gaano ba kayo kaseryoso? Kasi kung ngayon pa lang problema na yung date, what more kung ikasal na kayo at magkapamilya?

choco_banana08

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #13 on: June 16, 2013, 01:20:07 am »
^ basta sis kung seryoso kayo sa isa't isa, isipin mo kung ganyan talaga ng gusto mong buhay
na ikaw lagi ang mas nanlilibre dahil ikaw ang well-off. Ok pa yan ngayon kasi bf-gf lang. pero
paano pag napakasal kayo at magka meron na ng anak, ready ka ba na may kahati sa weldo ng asawa
mo?

pero yes, tama iba natin sisses, na both of you should look for a higher-paying job.

agree sis k_heart!!! :)

mslcgrey

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #14 on: June 16, 2013, 03:04:00 pm »
like what sis k_heart said, pag-isipan mo rin yung situation nyo in the long run. hopefully, kapag nakagraduate na sibling niya from college eh mabawasan ang share niya but based sa story mo, mukhang pang-habang buhay ang responsibility niya. if that is the case, then you really have to think things through. kaya mo ba i-handle that situation? is your love for him enough para matiis mo yan?

of course, best option is for the two of you find better paying jobs. be financially independent rin. i know tradition of sorts na rin sa atin mga Pinoy na ang lalaki talaga ang main provider but ok lang din naman na share kayo. if buong salary niya is for your gastusin and his share to his family, maybe yung income mo is for your savings.

how old are you guys na ba? is marriage in your immediate plans?


aebrbiyc2009

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #15 on: June 17, 2013, 10:11:43 am »
Hmm. I know that my family is more well-off than my boyfriend's family at alam ko ring student palang sya ngayon kaya naiintindihan ko kung wala syang pan-date minsan. Ako, dahil mas gusto ko sa fancy places, sinasama ko sya tas ako na nagpprisintang magbayad since I know hindi naman nya kaya lalo na ako nagyaya. Kung kaya nya, magbabayad naman sya pero never syang humingi sakin, kusa lang ako nagbibigay kase gusto ko maexperience nya yung mga things na naeexperience ko. At never ko syang gini-guilt trip about these stuff..

BUT, the story is different when you both have jobs. My boyfriend promised me na pag nagkawork na sya babawi sya, and I have faith on him. We've also talked about future responsibilities like sa parents nya and sa dami nilang magkakapatid (6!) alam ko I don't have to worry.. You just have to set boundaries sometimes, ako sinabi ko na upfront lahat ng money matters kase malaking factor yun ng pinagaawayan once na magasawa na..

nikki09

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #16 on: June 19, 2013, 05:36:38 pm »
Nung college pa ako and he's working na, siya laha gumagastos sa lakad namin pero kapag may money naman ako, I'll cook something for him :) And napag-usapan na rin namin before na kung sino mas may pera that day siya muna sasagot sa food or sa movie tickets.

Then nung kaka start ko mag-work halos sakto naman dating niya dito sa pinas, kaso ang sweldo ko parang pang commute ko lang everyday hanggang next sweldo kasi equivalent to 2 days of work pa lang lol. Anyways kahit naman gusto ko siya ilibre sa first ever sweldo ko di naman afford :p

Right now palitan kami sa gastos kapag lumalabas kami (usually akin foods and sa kanya yung iba), minsan inaasar ako ni mama kasi ako nanlilibre minsan eh mas malaki naman daw ng di hamak sweldo ni bf *seaman kasi*. Sinasabi ko na lang kay mama na hindi naman ako ng nag-bf para makatipid at maka-libre kasi hindi niya ako ganon pinalaki ;D Di ko rin kasi bet yung dapat si guy lahat gagastos kung kaya ko din naman gumastos 8)

Siyempre wish ko na one day hindi na siya aalis ulit so dapat hindi namin inuubos ang sweldo niya para pangkain at pang-sine diba? Dapat mag-invest kami sa future namin  ;)

littlekinselle

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #17 on: June 19, 2013, 06:13:51 pm »
Me too mas magastos ako kaysa sakanya altho pag magkasama kami at date date kung sino may pera un ang taya, mas matipid din siya saken ang bf ko, tapos minsan naiinis ako pag- nakikita ko na may pera siya tapos ako pag gagatosin niya  >:(.. Kaya yung nag ka work ako lalo ako naging mas magastos pero he encourage me na mag ipon kaya ayun kahit papano may naipon naman ako for 6 months nakaka lagpas 100K na ipon ko, pero may times na na tetempt ako bumili ng kung ano ano iniisip ko na lang ibibili ko na lang ng mas need ko hndi puro wants.. hayyy ang hirap magpigil di gumastos lalo na sa pang-pa beauty and food my goodness  :(

aquacharly

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #18 on: June 19, 2013, 09:54:57 pm »
IMYOURANGEL. The current shortness of finances is temporary; but the sooner you get to a better position, the better.
Why don't you both look for ways to supplement your income?  In the US -- people starting out have 2 jobs.  You can go into transcription call centers;  tutoring; research or technical writing...

mariacadie

  • Guest
Re: Ako madalas ang gumagastos :(
« Reply #19 on: June 19, 2013, 10:03:58 pm »
ako naman sis ang masa suggest ko MAGBAON ka

kasi ang problem mo naman di maiwasang magutom so pag may baon ka di ka na bibili ng food. kung wala syang pagkain, di mo na fault yun, baka next time magbaon na din sya e di share na kyo ng baon. o d ba?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close