watch now

Author Topic: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.  (Read 43939 times)

assie

  • Guest
^ salamat sis sofiemae. Ganun din naman kasi kung wala silang source of income, ako din naman mamomroblema  kaya masaya ako kahit papano meron nang ibang mapagkukunan ng ibang  pangangailangan hindi na lahat hinihingi nila.  ;D

Food yong product namin sis :)

^^sis quenna yon nga daw :(  gastos sa  trucking, storage,pwesto tsaka bayad sa taong magbabantay pa sis.

jiji_06

  • Guest
Hello..

Ganda naman dito... Daming matututunan. Share ko lang din yung akin. Nagbusiness naman ako ng baboy. Baguhan ako, kaya di ko pa talaga alam pano dumiskarte. Nag paalaga ako ng 5 baboy sa kakilala ko lang, tapos after 3 months pwede na daw ibenta. Malaki din yung kikitain kung masipag yung nag aalaga ng baboy mo. Pero sa kasamaang palad, nappansin kong nangangayayat na yung baboy, at parang di lumalaki.mag ti-3 months na pero parang walang pinag bago. Kinausap ko naman yung nag aalaga. Yun nga, di daw nya naaattend alagaan yung mga baboy kasi daw may mga anak pa siya at nag aaral yung iba. Yung asawa naman nya palaging busy sa work. Kinakabahan ako baka wala akong magain dito. Ganito talaga pag first timer sa business.. Maraming mga consequences. Pero syempre lesson learned din, dapat pag isipang mabuti at magtanong tanong sa mga my mga nakaexperience na sa business na gusto mong pasukin bago ka magsimula ng business.. Kaya sa susunod dapat maging wais na talaga...

packsmom

  • Guest
pasali naman dito

nakapagbusiness na kami ng ate ko dito sa bahay namin. marami kasi mga bata dito at summer nun kaya nagsnow cone kami.

maganda sana sya kaso masyado ako tumingin sa returns nun, masyado ako atat kumita kaya ayun tinamad na rin at pumasok na rin nun ang rainy season.

pwedeng tubong lugaw yun kaso yung market namin di kaya pero kahit lowest price na naibenta namin yun kumita naman.

ngayon nagiisip akong magfishball cart naman. maliit lang muna, yun lang kaya kong irisk, at trial na rin.

sis assie nakakainspire naman yung story mo. nakakatuwa. sana ganyan din ako katyaga  :)

nagdidistribute ka ba ng goods from singapore? or local products lang? napanuod ko sa On The Money na ang pagdidistribute ng goods ang isa sa mga low-cost businesses as wala, o kung meron e maliit lang na start-up capital.

assie

  • Guest
^Maganda yong fishball cart sis, basta yong pag pwepwestohan mo matao, masarap ang sawsawan at mura. Lahat kumakain kaya sabi nila walang talo pag yan negosyo mo ;)

mahal lahat sa SG, wala ako maisip na product na pwede dalhin sa PH para i-resell na maganda tubo. siguro yong mga Sale na branded  na binabagsak presyo pwede, kaya lang malaki puhunan kailangan para doon, yong singapore perfume na sinasabi ng iba, di naman talaga galing SG yon kasi walang fake sa SG. hehe

Imported yong product na sinusupply ko sis pero sa importer na ako kumukuha, yong FDA certificatie nalang din nila  ginagamit ko, nagpa authorized lang ako sa kanila na pwede ko gamitin since product naman nila nirerepack at dinidistribute ko.  di ko pa kasi kabisado kalakalan ng pag import, anong permits mga kailangan. Baka mapamahal ako sa customs, cargo at iba pa. Malaki din yata capital na kailangan para dun.

Agree ako na pag susupply/distribute ang isa sa pinaka konti ang expenses na biz at pwede simulan sa maliit na puhunan. Basta saleable lang ang produkto, madaling paikot ikotin ang puhunan.

Ang dami ko naiisip na bagong pasuking biz ngayon. sa daming naiiisip di ko pa alam alin ang unang sisimulan at uunahin.

LGV

  • Guest
Ako naman noon walang kahilig hilig feeling ko di ako marunong magoffer hanggang sa napansin ko sobrang hilig ko sa bagas, so yun nagbenta ko ng mga branded bags so far okay naman actually sa mga resellers na nga ako kumikita hindi ko na inaalok personally sila na lang. Hindi kalakihan pero babawi ka na lang sa quantity. And now food naman, so still looking for opportunity kahit busy.

packsmom

  • Guest
^^excited na ako simulan. at sabi naman nila masarap sauce ko hihi

sa tingin mo sis ilang percent dapat ang sweldo/mapupunta sa tatao ng cart ko? commission-based ba? or quota-based? or fixed yung rate?

mahal nga products sa SG, m.as mura kasi sa States or sa origin ng product na yun

naamaze na naman ako sayo :)

if you dont mind sharing, anong mga requirements ang kailangan (from the manufacturer) para magkaroon ng deal tulad ng iyo?

i love this thread :)

superjuzh

  • Guest
bagay ako dito kaya pasali! gusto ko magbusiness ng kahit ano, bakeshop sana kaso wala pang puhunan kaya paunti unti muna like accessories o kaya minsan nagtitinda ako sa ukay ukay ng mga luma naming gamit dito. sana magkabusiness na lang ako kasi ayoko na magtrabaho.

iampennylane

  • Guest
Thank you TS for this.

Ako din since Grade 3 nagbebenta benta na ako. Naalala ko nag-aalok ako ng mga candies sa mga classmates ko dati :D

Ngayon nag iisip ako kung anong magandang business ulit. Yung friend ko sa US magpartner sana kami, sya mamili dun and ako magbebenta dito. Di ko lang alam ano bang magandang bilin dun na bebenta dito, pwera sa mga pabango :) Any suggestions mga sis?

superjuzh

  • Guest
Thank you TS for this.

Ako din since Grade 3 nagbebenta benta na ako. Naalala ko nag-aalok ako ng mga candies sa mga classmates ko dati :D

Ngayon nag iisip ako kung anong magandang business ulit. Yung friend ko sa US magpartner sana kami, sya mamili dun and ako magbebenta dito. Di ko lang alam ano bang magandang bilin dun na bebenta dito, pwera sa mga pabango :) Any suggestions mga sis?

chocolates sis or mga palaman. haha. :)

thirtylicious

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #29 on: September 06, 2013, 12:32:55 am »
sali ako. selling bags online here :)

assie

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #30 on: September 18, 2013, 09:02:16 am »
BER months na! Panahon na para rumaket ng bongga mga negosyanting GT sis ;)
God Bless us all!

cyh

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #31 on: September 18, 2013, 02:16:07 pm »
Pajoin ako mga sis..

Ako din nung hs naman. Gumagawa ako ng hair clips, headband and mga accessories benta sa mga classmates  :)

Kmi ni hubby sa photo business naman now. Thank God dahil 2years na. Kulang lang ako sa time for mktg. lam mo na full-time mom at all around sa Bahay. Wala kasing helper...

Gusto ko rin sana mag-online selling pero di ko pa alam Kung ano at pano... Hays... Nakakainspire ang thread na to :)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #32 on: September 19, 2013, 02:11:24 pm »
sali ako. selling bags online here :)

samehere sis, what brand are you selling? ako nung august lang nag start :)

that_geek_chick

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #33 on: September 19, 2013, 02:36:18 pm »
sali din! bata pa lang ako kung ano2ng business ginawa ko. sinimulan ko nung elementary days, bago pa lang yung computers nun, tapos paint pa ang ginagamit sa pag-edit ng pictures haha. ako yung gumagawa ng invitations para dun sa graduation sa school ng mom ko. sa bahay ko lang pini-print tapos bumibili ang mom ko ng magandang paper. nakaka 1500 din ako dun dati. tapos pabenta-benta ng mga bracelets at kung ano anong accessories sa classmates. nung college naman benta ng victoria's secret na lotions at pabango. uso pa yun dati eh. tapos hulugan ang bayad. hehe. ngayon nagsisimula ulit ako sa bagong business. nasa field ako ngayon na gusto ko talaga gawin kahit forever pa. nasa stage pa ko na mahirap lahat, haha. pero i know na it will get better. basta sipag, tyaga at syempre prayers ang kailangan.

LGV

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #34 on: September 19, 2013, 03:11:36 pm »
Me too! Seeling bags :)

Hindi masyado online, usually mga friends ko or repeat customers ko nagreresell for me :) Online kasi kakainin buong oras ko eh may regular job din kasi ako.

yanmae

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #35 on: September 20, 2013, 10:24:19 am »
Count me in mga sis. Sa ngayon yung puhunan ko sa business ko paikot nalang, kumikita pero maliit lang so di sya masasabing pwede ng maging bread and butter namin. Napaka dami na kasing competitor, yung ibang kakilala naman pag nakikita nilang okay ang business mo magtatanong tanong about sa business later on malalaman mo nalang isa na sya sa competitor mo. Nakakasama lang ng loob. hehe

Nag iisip pa ako ng pwedeng ibenta online, puro online lang muna ako ngayon kasi laki ng gastos kapag may physical shop na kapag naman hndi online gusto ko d malaki ang ishe-shell out na pera..

maye2k

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #36 on: September 20, 2013, 02:44:20 pm »
hello.. kami naman ni hubby kaka start lang ng small sari-sari store namin sa bahay. Starting capital namin sa product 10k, then I bought a 2-door fridge pang negosyo. Si hubby kasi ang stay at home ako naman nag wo-work full time. Gumagawa kami ng ice at cold water at ice candy na rin, then may frozen goods then kami like ham, hotdogs yong by pack lang. As in tingi-tingi talaga. So far ok naman ang kita pero di ko pa din pwede maiwan full time job ko, pang alalay lang talaga ang kita namin sa ngayon.

hsinnerac

  • Guest
Re: GT's na business minded, online and offline.Anything which involves business.
« Reply #37 on: September 20, 2013, 02:56:19 pm »
pa join ako mga sis!

ako po nag start ako mag benta ng mga pabango/lotion na victoria secret at bath and body works,
na pahulugan, private compound ako nakatira pero malapit dun sa mga pabahay ng gobyerno, yung mga tao dun mahihilig sa pahulugan lalo na at imported na products, so ayon patok na patok sa kanila ang mga ganyan, good thing may mga taga benta at taga singil ako kaya less stress... 1 month ang hulugan per product. so far okay naman ang ROI saglit lang nabawi ko agad ang puhunan...


choco mallows

  • Guest
Hi! Started selling stuff in school when I was in Grade 4. Mga chinese jackstones, rosary rings, stationary. Hehe. Patago pa kasi bawal magbenta sa school. Then, in college, I took up Marketing Management. So I think swak talaga yung course ko with my interest and skills. Been into different marketing and sales jobs in different industries. Now, I am trying to sell na rin online although may business na rin akong iba.  :)

ysanity

  • Guest
hi, :) im selling philippine made shoes. :) i got it straight from manufacturer. online palang naman, kasi wala pa ako capital for physical store. kaso medyo nahihirapan ako. hindi ko alam paano ipapakilala ng lubusan. mahirap din kasi i-market lalo na kung starting palang tapos my online way is my online store na iilan lang din ang makakakita. pls suggest ways naman paano ko i-market at makilala ng husto. yung hindi ko kailangan gumastos ng malaki. Thank you! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close