I think I Belong dito!

Madami na din ako nasubokang business, maaga ang training ko dahil sa hirap ng buhay namin nun. @ 6 yrs old natuto ako magtinda ng plastic bag at tigi tiging garlic sa market ng kusa at gusto ko, habang lumalaki natuto din ang mag peddling ng gulay, kakanin, house decoration pati nga puppies ng kapit bahay namin binebenta ko tsaka ko bayaran pag nabenta na haha pinaka una kong Buy and Sell tapos kahit ano ano nalang na pwede bilhin, tuboan at ibenta. Year 2004 ata bago pa lang nauso ang online selling may AUCTiON.PH na isa ako sa may malaking kinita dun sa site na yon. Nag pipay out ang site sakin ng 50,000 weekly. para kasi silang gitna ng buyer and seller. pag nag order ang buyer, hahawakan muna nila ang bayad, inform ang seller na ipadala na ang item, once na confirm ng buyer na na received nya na tsaka pa i-reremit ng auction.ph ang persa sa seller. ok di ba kasi walang ma-sscam. Ginagawa ko punta lang ako DVsoria, tingin ng pwede maibenta, pipicturan ko, post at pag may bibili saka na ako pupunta dv para bilhin at ipaship, pianaka challenge lang pag wala na yong kulay or design na yon sa supplier, kailangan hagilapin sa buong dvsoria haha sayang lang naluma sya at sumikat ang sulit, may nabebebenta din naman pero di na ganun kalaki at madami na din kakumpetemsyang seller kaya tinamad at nag sawa ako sa online selling. Networking sinubukan ko din. At madami pang iba....
sumobok din ako kumuha permanent space sa mall at magtinda. mahirap kasi mahal ang renta. Bazaar/tiangge naman sinalihan ko, maliit or malaki man sumasali ako, yon lang minsan lugi kasi di bawi ang renta at expenses , kukupitan ka pa ng tindera pero masaya.natigil lang last yeaR kasi nag relocate kami sa singapore:(
Sa dami nang nasubukan ko, nag isip ako ng negosyo na pwede ko simulan at pwede ipaglatuloy ng pamilya ko sa probinsya, breadwinner kasi ako, kaya goal ko din naman matuto yong umaasa sakin. Negosyo na kahit wala ako physically, tatakbo at mag ooperate pa din. negosyo na di kailangan tinututukan araw araw, di ako magbayad ng mahal na renta pero gusto ko madaming pwesto😄 pero walang sinasahuRang mangungupit na bantay.

negosyo na pwedeng simulan sa maliit na capital.
Business ko ngayon? Happing happy ako. Nag susupply ng produkto (wag nyo na tanongin kung ano

) sa Supermarkets,Convenience Store, School Canteens and Airport Pasalubong Stalls. Pinakamahirap magsimula kasi dapat mag isip ng produkto at kailangan completo lahat ang PermiTs (DTI, Mayors, BIR, BFaD) at isa isa ko nilapitan lahaT ng susupplyan pero after nyan kayang kaya na ng pamilya ko, ginagawa nila Repacking sa bahay, Delivery at Collection nalang. Parang meron na rin akong 20 pwesto at pwede ko pa expand pero wala akong binabayarang rent at tindera, di ko na din kailangan mag inventory araw araw. Gas lang pinakamalaking expenses.
Masaya na ako sa current biz pero ibibigay ko na sa family ko yon kasi napatakbo na naman nila ng maayos kahit wala ako. Nag iisip pa din ako ng iba pa .......
