watch now

Author Topic: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?  (Read 404309 times)

cheryene

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #80 on: August 27, 2013, 07:18:18 pm »
Mga sisses...any feedback sa laspinas doctors hospital?...thanks! :) :)

Alec_Feline

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #81 on: August 28, 2013, 02:01:04 am »
Sinong may rate ng cs, small private room, sa Capitol Medical Center, QC and St Lukes E rodriguez. Thank you po.

yassien_malaica

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #82 on: August 28, 2013, 06:11:37 pm »
^^baket ang laki ng bill sis?

i gave birth at Makati Med last week (thursday).. my total bill was 92K.. naka-package ako for scheduled CS (semi-private room) at 82K rate.. bali yung 10K ay miscellaneous na.. tapos minus pa dun ang philhealth ko na around 11K din.. wala pa ang SSS.. aasikasuhin ko pa..

hi sis 11K lang po yun nabawas sa philhealth di ba automatic 19K pag CS po?im planning kasi to get the MMC package din automatic CS kasi ako

MsRisz

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #83 on: August 29, 2013, 03:09:30 am »
Here's mine

1. Total bill- 12,350
2. Hospital name/ lying in - st mary multispecialty clinic (tuktukan taguig)
3. NSD or CS - NSD
4. Doctor's name - Dra. Marie lou gallego
5. Deduction from SSS or philhealth if applicable. - Dependent ako ni hubby 6,300 philhealth sss (di ko pa,alam)
6. Reviews, other info pano makatipid? super happy ako sa sevice nila, since day1 pa ng pregnancy ko si dra gallego na nag alaga sa akin gang sa manganak ako.. kaya kampanteng kampante ako sa clinic nya, and nun nanganak ako nun 27 , ako lang magisa, kaya alaga ako ng 3 nurses nya, si dess yass and judy, kasama ko pa sa labor si hubby, labor room kasi is yung private room na din na gagamitin namin.. then pag heads out na lipat na s delivery room, 2 push! wahhh i love u dra gallego.. thank you so much!!!!  highly recommended ko talaga sya.

lettuce grace

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #84 on: September 07, 2013, 12:07:40 am »
hi mga sis any feedback from our lady of Hospital i'm planning to give birth don. thanks    8)

choco_banana08

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #85 on: September 07, 2013, 12:07:50 pm »
Mga sis may feedback ba kayo sa las pinas doctors kung magkano packages nila for maternity?  TIA! :)

Mama G

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #86 on: September 07, 2013, 10:44:34 pm »
Hi mga sis! Baka may nakakaalam sa inyo ng professional fee ni dra zamorra ng chinese gen. TIA!

freshpicks

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #87 on: September 07, 2013, 10:56:51 pm »
Meron bang sa st lukes bgc?

Sugarrush

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #88 on: September 09, 2013, 05:45:28 pm »
Total bill: 103k
Hospital name- Jesus Delgado hospital
NSD or CS-NSD
Doctor's name-Dr. Judith Briones
Deduction from SSS or Philhealth- N/A pero madededuct sa healthcard ng hubby ko.

Overall, the hospital's service was good. Problem ko lang is ang taas ng PF ng doctor. :( pero tapos na din ang lahat, thank God my baby and I are okay. :)
« Last Edit: September 09, 2013, 05:50:14 pm by Sugarrush »

evilwoman

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #89 on: September 09, 2013, 08:19:26 pm »
^sis bakit ganun kataas,nsd ka naman..

mo|mel

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #90 on: September 10, 2013, 06:05:35 pm »
kinakabahan nako baka mag over the budget kami. may nanganak na ba dito sa TMC? ok lang sana kung package lang kaso baka di lang yun ang  abutin dahil threatened preterm ako. iniisip ko lumipat ng hospital/ob kaso lang 1 month nalang manganganak nako

ilbsiri

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #91 on: September 10, 2013, 08:41:20 pm »
Hope someone can share their experience (C-section) and budget either St. Lukes BGC or Medical City.

cheri bomb

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #92 on: September 10, 2013, 11:16:06 pm »
1. Total bill: 67k (PF and Hospital Bill included before Philhealth deduction)
2. Hospital Name: East Avenue Medical Center
3. NSD or CS: CS
4. Doctor's name: Dr. Judith Briones
5. Deduction from SSS or Philhealth: 12k+ less on mommy's bill and 2.8k less for baby's bill (Net Hospital Bill including PF is 52k.)
6. Reviews, other info pano makatipid?: Much better kung kakilala ninyo ang magiging doctors ninyo para makahingi ng discount sa professional fee. Nagulat talaga ako sa PF ng OB ko considering na sa government hospital ako nanganak. We tried asking for a discount at pahirapan talaga. Kahit si mader nagulat kasi hindi naman specialist or department head yung OB ko duon para sumingil ng ganun kalaki.

Buti na lang yung anesthesiologist ay kaibigan ni mudra at yung pedia nmin is our long time pedia kaya hinde kami tinaga sa presyo.

Sabi nga namin, siguro ganun kalaki yung PF na hiningi kasi emergency naman yung case ko (threatened uterine rupture) at dumating naman siya agad sa ospital after we informed her.

« Last Edit: September 10, 2013, 11:25:04 pm by cheri bomb »

sistah!

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #93 on: September 11, 2013, 11:06:20 am »
^^ Sis ilbsiri, I gave birth via CS at the medical city. well baby, well mommy and baby rooming in with me in a small suite (corner room and bigger than a regular private room), our total bill was Php168K. Minus philhealth 11K. They accepted my insurance card din. Medyo malaki ang binayaran naming sa labor room kasi akala ko pwede ako mag-normal delivery kaya matagal ako nag-labor. if you know already na CS ka, mas mura naman sya.

They also have package rates. Package CS starts at 70K daw. Pero sa ward ang stay mo after delivery. Ang ward nila is private pa rin. May division naman sa ibang nanganak, not like one big room na magkakatabi kayo lahat.

imeego

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #94 on: September 11, 2013, 11:09:59 am »
june 2013

1. total bill- less than 30k (inclusive of NBS, hearing test, BCG and hep B vaccines)
2. hospital name: CHH (cebu city), semi-suite, 3D2N
3. NSD with epidural
4. Deduction from Philhealth/SSS/insurance- none
5. reviews, other info pano makatipid?
superb service, the team of doctors as well as the nurses took extra care of me and my baby..super laki ng natipid namin because waived ang PF ng lahat ng doctors ko (OB, pedia, anes and endo  :)) although prepared naman kami na magbayad pero lahat sila free of charge talaga ;) advantage talaga kung kakilala mo ang doctors mo..

super bratinella

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #95 on: September 12, 2013, 05:38:12 am »
Total bill: 47K
Hospital name- Imus Family Hospital
NSD or CS- CS with ligation
Doctor's name-Dr. Jacqueline Salagubang
Deduction from SSS or Philhealth- yes with deduction na then may na receive pa ako na pahabol na check from Philhealth.

Ok the best ang OB lumalabas free ang ligation ko (this is not our choice this is due to my condition) tapos may discount pa ako.

preciousjewel28

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #96 on: September 12, 2013, 07:04:47 am »
hello Sis  super bratinella!
ask ko lang anong landmarks malapit sa imus hospital? saka how much ang check up sa OB mo? thanks!

itsmeehkenjch

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #97 on: September 12, 2013, 08:45:26 am »
Hi mga sis pasali ako ha,

Baka may nakakaala, magkano ang CS sa Fe Del Mundo or sa New hopistal MetroNorth Medical Center along mindanao avenue cor congressionla avenue. Kase eitehr of the two, kung san makakamura pero if almost same lang better yet sa new hospital na kaso lang kase sa fe delmundo maganda daw dun, talagang hospital for giving births and for babies talaga kase ganda daw service.. Pero metronorth bagu ang malapit sa house namin just like 10-15mins away?

I hope you can give feedbak thanks. Im on 29weeks now. Thanks mga sissy

ilbsiri

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #98 on: September 14, 2013, 12:21:19 am »
sis sistah! thanks for the heads-up :) yung division nila sis paano? we don't have HMO kasi kaya pinagpplanuhan ang gastos  :D

super bratinella

  • Guest
Re: Magkano ang binayaran nyo sa panganganak?
« Reply #99 on: September 14, 2013, 04:18:17 am »
@ sis preciousjewel28 >> malapit siya sa LTO Imus tapos may kanto then lakad lang ng kaunti then Imus Family Hospital na, every check kung walang HMO is 300p.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close