Tag-ulan din ang birthday ng anak ko, sept., so nung first birthday niya, stressed din ako noon, kasi nga yan din iniisip ko,
kaya sa Shakey's ako nagpaparty, kasi sa mga ganyan, pwedeng i-cancel ng mga days before, at ipa move kung may bagyo, yan din
unang una kong tinanong kung ano ang patakaran nila, and maigi naman na hindi sila mahigpit sa cancellation basta, days ahead.
Kasi siyempre sila, may store na pwedeng gamitin yung nabili nilang sangkap for the menu, unlike sa mga catering na
talagang party mo lang ang pwedeng paggamitan, so malulugi sila kung ika cancel mo.
Tuwing 1st at 7th birthday lang naman kami may party, so sa 7th birthday na ako ulit ma iistress LOL.
May pinsan kasi ako dati, bongga party sa bahay, walang naka attend kundi yung mga walking distance lang sa bahay nila, sayang.
Then yung mga stories sa Rated K dati, na during ondoy, may wedding, tinuloy pa din nila kahit walang nakapunta. Diba nga may kuha pa
na wedding picture sa baha yung couple during habagat naman, kesa malungkot sila, ginamit nila yung baha bilang background hahaha.
Meron naman, dahil walang nakapuntang guests, pinamigay na lang sa bahay bahay yung handa, inisip na lang, blessing in disguise.
Hindi natin hawak ang weather, pero nakukuha sa prayers, at kung talagang bumagyo, isipin na lang, charged to experience. Hehe.