watch now

Author Topic: Nakagat ng Pet niyo?  (Read 72876 times)

x-y

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #60 on: March 17, 2014, 12:46:53 am »
Unfortunately, nakagat ako ng sarili kong aso. Hehe. Pero sobrang liit lang ng bite. Masmalaki pa yata yun pimple ko kesa dun sa sugat. But no choice, nagpashot ako kase sa head part ako nakagat (as in dot lang siya under my nose)

lirpa

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #61 on: May 01, 2014, 05:51:29 am »
Meron dati bata namatay sa rabies dahil nakalmot ng aso, only child pa. Nakalimutan ko na yung name pero yung parents naging active against rabies may tv interview at web site sila andun yung story ng anak nila, nakakaiyak nga eh

Sis, paano magkakarabies sa kalmot ng aso? all the while i thought na sa laway lang nakukuha yun. Please enlighten, yung aso ko mahilig kasi tumalon sa akin and lagi ako nakakalmot.

pinkswirls12

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #62 on: May 02, 2014, 04:02:54 pm »
^hi sis, makikisagot na ako huh. hindi lang sa kagat makukuha ang rabies pati sa kalmot dahil yung dog or cat naglilinis ng body gamit ang tongue nila. yung virus pwede matransfer sa paws nila. pwede ka naman magpapre exposure vaccine..:)

lirpa

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #63 on: May 03, 2014, 03:45:58 am »
^hi sis, makikisagot na ako huh. hindi lang sa kagat makukuha ang rabies pati sa kalmot dahil yung dog or cat naglilinis ng body gamit ang tongue nila. yung virus pwede matransfer sa paws nila. pwede ka naman magpapre exposure vaccine..:)

naku ganun pala yun, all the while I thought that those scratches are harmless.

GoodGirlGail

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #64 on: May 05, 2014, 04:14:07 pm »
So recently nakagat ako ng pet cat namin. We had him for a maybe 2 years na, kaso yun naapakan ko kasi kakulay nya yung doormat namin, he bit me on my feed. Malalim yung sugat, and I'm really mad that he did that to me.

I know wala naman syang rabies dahil house cat sya, pero when we got to the ER the doctor told me na gusto daw i-eradicate ng WHO ang rabies kaya kahit daw walang rabies yung animal na nagbite sa inyo, tinitreat na agad nila as rabies case on Cat. 3. Ang mahal lang ng post-exposure anti rabies shots. My mom and I spent like 35k in total for 5 trips to the hospital for shots for ERIG and HRIG.

I heard kay Ted Failon a few weeks ago about a man that have gone crazy kasi nakagat (hindi kinagat) daw sya ng tuta nila, ayun nagtatakbo daw sa labas ng nakabrief kasi naging rabid na tapos namatay din daw later sa ospital. Scary when you think about it, lalo na kung maaagapan naman. Pero yun nga, ang mahal kasi.  :(

icee_star

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #65 on: August 29, 2014, 05:27:33 am »
pwede ba magpainject ng anti rabies even if hindi pa nakakagat? kumbaga para if ever eh booster na lang. tia

~ anna ~

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #66 on: August 29, 2014, 09:00:43 am »
Yup, you can get pre-exposure anti-rabies vaccination.  You still need to clarify with your doctor though how long it'll be before the vaccine takes effect, how long it'll give you protection, and what steps you need to take in case you get bitten by a possibly rabid animal.

j.adore

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #67 on: August 29, 2014, 12:57:10 pm »
Nakagat ako ng dog namin dati while we were playing. Di naman grabe pero punta pa din kami ER kasi hindi complete injection ng dog namin at the time.

The doctors had me complete rabies shots to play safe daw. Masakit pero may confidence ako ng ilang years na OK lang makagat hehe.

magno4

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #68 on: September 29, 2014, 01:16:18 pm »
 ;D ako yung azo ko nakakagat ng kapawa aso nya labas bituka yung naka away nya..rotweiller versus azkal.

mommy23

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #69 on: November 05, 2014, 07:26:09 pm »
tanong po...kapag ba hindi namatay yung tuta pag naka-kagat ibig ba sabihin safe na yung kinagat nyang tao? kahit hindi sya nagpa inject

lovelyjmbc

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #70 on: December 11, 2014, 08:13:58 am »
Nakagat ng dog namin yung isang favorite dog daw ni Camile Prats pero kasalanan nung dog nya kasi sya ang lumapit mismo sa dog namin na nakatayo lang sa main road, yung dog nila bigla tumakbo at tumalon sa dog namin kasi nakabukas yung gate nila. Ang sabi ng maid ganon daw talaga yung dog na yun parang makakita lang ng pagkakataon lumabas lalabas sya. Di na namin alam ang kwento ng boy nila sa kanila kasi kakausapin daw kami nung pumunta ang bf nya na wala pa kami, nung pinapasabihan ko na nasa bahay na kami. Btw, nasa batangas sila nung nangyari yon. Yung half lang ang sinagot namin kasi yung boy nila dapat may sagutin din. Ended up di na nakipag-usap sila Camille, even si Dondie hinihintay namin na makipag-usap wala di naman.
Pero nung nakakagat yung dog namin dito sa loob ng village ng teen lahat sagot namin. It cost around 59k... nagulat din BIL ko na doctor kasi grabe naman daw ang charges.

wildorchid

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #71 on: December 14, 2014, 11:34:22 am »
I was bitten by our husky last summer.. Lahat lahat ang gastos ko approx 15k.. Sad part is that i cannot touch him until now. Galit na galit sya sakin pero sa iba, hindi naman. Weird.

graciemie

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #72 on: March 16, 2016, 11:47:21 am »
If Nakagat po ba ng cat, the hindi naman dumgo and pinadugo ko lang, need talaga ng ERIG?

sassy_gal18

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #73 on: April 11, 2016, 10:30:48 am »
hi , please help.

recently may mga pusa kameng inampon or should i say nagpunta lang sa bahay namin tas dun na sil tumira.

ang nangyare yesterday habang nag didilig lola ko naapakan nya yung buntot ng pusa. tapos kinagat nya mga 3 beses. pinadugo naman nya at hinugasan ng maigi. then afterwards dinala agad sya sa san lazaro para magpavaccine.

today, nilalagnat sya tas giniginaw pero dinala na rin sya sa hospital. ano po kaya possibleng nangyayare?

karenkaren27

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #74 on: May 09, 2016, 05:47:55 pm »
i have 2 dogs , thank god di pa ko nakakagat kahit natatapakan ko sila paminsan minsan

marieguzman

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #75 on: May 19, 2016, 06:07:46 am »
i hav a cat.. and yes nakagat na ko minsan,, pero usually kalmot lang  ;)

Jeannybaby

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #76 on: May 26, 2016, 05:39:50 pm »
We have three dogs, one Lab, Golden Retriever, and Lhasa Apso. Super bait ng big dogs wala pa silang nakakagat ever. One the other hand, si lhasa apso, nakagat na niya everyone in the family except for my hubby.  ;D

hushush

  • Guest
Re: Nakagat ng Pet niyo?
« Reply #77 on: July 19, 2018, 02:59:49 pm »
Buhayin ko lang ang thread na ito. Share ko lang mga sis. Kasi nakagat ako ng stray kitten kanina sa waiting area ng school ng anak ko. Pinapaalis ko yun kitten kasi nung tuesday pa sya dun at nakikita ko na hinahawakan sya ng mga bata.. Then kanina nakita ko kinakalmot nya yun bag ng anak ko. Baka may makalmot na bata kaya pinaalis ko angkaso bumabalik so hinawakan ko sa batok at dinala sa malayo angkaso bumuwelo pala at nakagat ang thumb ko. Pero di naman nagdugo yung bite at parang scratch lang pero may dalawang maliit na bite marks..
Nagpunta agad ako sa Animal bite center for anti-rabies shot , Category 2 daw sya then need ko daw magpa-anti-tetanus shot at yun ERIG (pinakamahal na shot) dahil di ko na makita yung pusa. kung makikita ko pa syang buhay after 14days hindi na need ng ERIG. That means indi rabied yung pusa. Pero dahil stray cat sya, ayoko magtake ng risk dahil the fact na kinakalmot nya yun bag ng anak ko nang walang dahilan e isang sign siguro yun na wala sya sa katinuan.. Kaya ko nga sya pinaalis dahil worried ako na may makalmot /makagat syang bata. Di bali nang ako ang nakagat kesa anak ko o ibang bata.

Kung tutuusin dapat walang ganun sa waiting area ng school eh.. Lesson learned pati na kung hahawak ka ng pusa, mag-gloves ka para di ka makalmot/makagat.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close