watch now

Author Topic: Friends na kuntento na sa buhay  (Read 4561 times)

quinone

  • Guest
Friends na kuntento na sa buhay
« on: May 29, 2013, 07:04:12 pm »
gusto ko lang maintindihan yung isang girl friend ko. first, hindi ako yung tipong friend na nanghihimasok sa buhay o pinipilit yung advice ko sa iba. subtle lang ako magbigay ng opinion lalu na kapag hindi hinihingi.

now, i have this friend na 3 na ang anak at gusto pa niya ata ng 4th. nagtataka lang ako WHY? sabi niya kasi masaya kapag marami ang magkakapatid. pero kasi hindi naman sila kayamanan, average lang. di rin naman siya nangugutang sa akin parati, bihira lang. ok din naman siya as mother to her kids.

ang akin lang is...hindi ba siya mahihirapan bigyan ng better future ang mga anak niya kung dadagdagan pa niya ng 4th? nakatira sila sa isang door (studio) na paupahan nila, ayaw ba niya ng sarili nilang bahay na mag-asawa, yung mas malaki, mas maganda, yung hindi binabaha? ayaw ba niya pag-aralin sa magandang school yung mga anak niya? e sa magandang preschool nowadays between 50K-100K ang tuition fee. ayaw ba niya mag out-of-the-county or town silang pamilya 2-4 times a year? maipasyal niya yung mga anak niya sa magagandang lugar? yung may luxury siya na every summer pwede niya i-enroll yung anak niya ng activity summer classes.

mabait silang mag-asawa ha. pero concern lang ako mga sis kasi inaanak namin ni hubby at ng iba naming barkada yung mga anak niya. kasi kung ako may anak, i'd want to give him/her the best. well, ayoko sila pakialaman pero concerned ako. sabi ng hubby ko kasi daw baka hindi pa niya na-experience yung mga ibang magagandang bagay like bakasyon kaya she doesn't dream of it.

ako naman hindi ako inggitera sa mga friends ko na may mas magandang buhay pero it doesn't mean na ayoko ng something better for me & hubby.

thanks in advance sa mga magbibigay ng opinion.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #1 on: June 03, 2013, 07:13:11 pm »
to each their own. ako rin di ako mahilig magkabasyon. di rin ako mahilig kumain sa mga mamahaling restaurant. kape lang at maglakad sa labas ng hawak kamay ni hunny ko masaya na ako nun, masaya rin ako pag tumitingin kami ni hunny ng vintage cars dahil mahilig ako dun.

babythug28

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #2 on: June 03, 2013, 07:46:16 pm »
baka sis gusto nila yung lifestyle na "sapat lang"..dati tingin ko din makakasurvive kami sa ganun (nung 1 pa lang anak namin) pero nung dumating na yung time na papasok na sa school and nagkaron kami ng 2nd baby, nag-iba yung pananaw ko.. from ok na sa "sapat lang" to "sana mabigay ko kahit onting maalwa para sa mga anak ko" perspective. hindi sa gusto ko ng maluha pero yung tipong may madudukot ka lang in case of emergency, may extra ka kung gustong bumili ng ice cream ng anak mo, mga ganun ba.

maybe she also wants to teach her kids na you can find happiness from simplest of things. baka lumaki din sila sis sa ganung lifestyle. as long as they are happy, ok na sa kanya kahit walang vacation or walang kain sa labas ng madalas. kumbaga, anyone can live din naman kahit wala yun di ba? :)

may12

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #3 on: June 03, 2013, 09:30:21 pm »
Sis, may mga tao talagang gusto ng simple lang na buhay. Kung hindi naman siya naghihirap, why not?

About naman sa school, hindi naman importante talaga na sa mamahalin ilagay ang anak para mas maganda ang edukasyon niya. Ako kasi, from elementary to 2nd year high school, public lang ako. Pero noong lumipat na ako ng school nung 3rd and 4th year ako sa private, nagulat sila kasi mas magaling pa ako sa mga kaklase ko. Di pa umabot ng sampu ang batch namin, so tutok talaga ang pagtuturo sa kanila compare sa akin na 50+ usually mga classmates ko dati.


quinone

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #4 on: June 03, 2013, 09:47:05 pm »
thanks sa mga reply sis. :)

chicafabulosa

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #5 on: June 03, 2013, 09:53:18 pm »
Hi sis i find your concern sweet but ill be frank with you ha, parang OA. Kasi your friend nga is not worried eh. I know as a friend worried ka but of course if dun masaya friend mo di ba, hayaan mo na. Di naman lahat ng tao eh mahilig sa travel. And di rin naman guarantee na pag nasa magandang school or mamahalin na school galing anak natin eh magiging successful na sila sa buhay. Marami akong friend sis galing sa mga prestigious school, old rich as in kasama sa mga alta sa pinas pero some of them haha a complete failure.

Iba iba ang tao sis. Iba iba ang nagpapasaya sa atin. Like ako ni sis lonely, kahit road trip, drive through lang masaya na ako. And believe me simple lang happiness ko. Kasama family ko, healthy anak ko, ayos na ako. Di ko gaano concern yung material things eh. Ayoko rin sanayin anak ko.

So advice ko sayo sis, hayaan mo na friend mo. Happiness nya yan eh. Malay mo iba ang happiness mo sa kanya. And iba rin ang concern mo compared sa kanya. So if I were you, dot stress too much. Just be happy for her

lisse

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #6 on: June 03, 2013, 11:12:51 pm »
I think you two just have different priorities in life. As her friend, and if mas happy siya with a big family, then just be happy with her. If asked of your opinion, then you may tell her. Otherwise, I'm with your hubby. Baka ma-misinterpret lang ang concern mo.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #7 on: June 04, 2013, 12:17:59 am »
sis quinone: I agree with the other sisses here - don't stress yourself over it. :) It seems like dyan sya masaya, and the kind of contentment she has is actually pretty rare - na sana meron din ang mas maraming tao sa mundo - happiness in simple joys. :)

If she's baon sa utang, and then the kids are not eating well or are not provided for sa basic needs nila, then doon siguro ko mastress as a friend and magexpress ng concern about them wanting another kid. Pero if nakakakain sila ng maayos, nakakapag-aral naman ang mga dapat nagaaral na (not necesarily in a mamahaling school. :)), nakakapagenjoy naman sila as a family and spend quality time, they live in a secure, peaceful home --- I'd say they're perfectly fine. :)

I get you though, I mean who doesn't want to travel 2-4 times a year, have their kids enroll in summer enrichment activities, or have them enrolled in a 'prestigious' school --- and if we have all or at least some of that, of course gugustuhin din natin sya para sa mga kaibigan at taong mahal natin.... kaya lang yun nga, hindi tayong lahat parepareho ng kaligayahan. Hindi lahat tayo pareho ng level pagdating sa 'contentment'.

Like ako personally, makapag-bakasyon lang kami kahit once a year lang, I'd be the happiest na. Asus, kahit nga yung once a year Star City lang kaming pamilya saya-saya na. :) So yun, classic example ng iba-ibang levels of happiness over a variety of things. :)

quinone

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #8 on: June 04, 2013, 03:57:00 am »
i really appreciate your replies.

medyo worrier kasi ako kaya siguro ganun. iniisip ko, baka kasi hindi pa nag-aaral yung 3 niyang anak ng sabay so wala pa siya masyado worries, baka hindi niya fo-foresee. or kasi hindi pa dalaga at binata yung mga anak niya na naghahanap ng privacy, kasi nga studio-type tinitirhan nila. isa rin sa mga concerns ko halimbawa...i don't think may savings siya for emergencies.

but well, yung mga sinabi ninyo ganyan rin sinasbi ng hubby ko sa akin.
siguro may pagka iba lang takbo ng isip ko :))

thanks again.

qt_ben17

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #9 on: June 04, 2013, 04:52:13 am »
you can never really compare your standards to hers kasi magkaiba kayo ng upbringing, beliefs and thinking. What is
good for you may not hold true to her. It's just a matter of respect to yourself, and to others.

Kady_14

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #10 on: June 04, 2013, 02:28:21 pm »
Siguro yun lang ang level of contentment ng friend mo sis. May mga taong simple lang talaga ang gusto sa buhay.

Ako kasi ambisyosa ako, ;D hahaha.. My husband and I wanted to give our children a better life than what we had as kids. Nung bata pa ako hindi kami nakaka pag out-of-the country, Baguio and Subic na ang pinaka bonggang pasyal namin. Si husband nga as in pag summer daw sa bahay lang sila kaya happy kami kapag nakaka family lamyerda kami with our kids. Wala naman kaming hinanakit sa parents namin dahil dun kasi we were sent naman to really good schools.  ;)

Yun ang goal namin for our kids, experience the best we could offer them para pag lumaki sila alam nilang they are entitled for more or better and do the same to their children. Hindi yung magssettle lang sa kung anong meron.

Don't get me wrong but we have different opinions about how we like to live our lives but this is how I want mine, so malamang si friend mo ganun lang din ang gusto nya for herself and her family. Kung kumakain naman ng sapat ang mga bata and nakakapag aral at di sila kinakapos eh OK lang na mag want for more kids. Pero kung anjan na ang pangungutang at kinakapos na, dapat naiisip nila na "baka" tama na dapat ang no. of kids na meron sila.

Baka ma-offend si friend mo if sabihan mo siya, so keep it to yourself. Isipin mo na lang at least hindi ikaw yun and let her live the life she chose. :)

quinone

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #11 on: June 04, 2013, 03:06:11 pm »
qt_ben17 & Kady_14 thanks also.

oo hindi ko sasabihin sa friend ko, unless magtanung siya. kaya dito ko na lang shi-nare e chaka sa husband ko. :D

Yun ang goal namin for our kids, experience the best we could offer them para pag lumaki sila alam nilang they are entitled for more or better and do the same to their children. Hindi yung magssettle lang sa kung anong meron.

nakuha mo yung iniisip ko sis. akala ko lang talaga lahat ng parents ganito mag-isip.

Kady_14

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #12 on: June 04, 2013, 10:33:11 pm »
baka kasi hindi pa nag-aaral yung 3 niyang anak ng sabay so wala pa siya masyado worries, baka hindi niya fo-foresee. or kasi hindi pa dalaga at binata yung mga anak niya na naghahanap ng privacy, kasi nga studio-type tinitirhan nila.

Pwedeng yan din ang dahilan, kasi nga bata pa mga anak nya. Pero once mag-school age mga yan lahat. Goodluck!


aquacharly

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #13 on: June 13, 2013, 10:12:06 pm »
QUINONE, sabi: Walang  basagan ng trip.

Worrying for your friend, wishing more for her --  that's very big-hearted of you.
But, though you have but the best intentions for her -- you have no choice but to respect your BFF's Life Choices.

We gotta  accept that people's appetites are different.
We were all created equal to become unequal. 

quinone

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #14 on: June 13, 2013, 10:59:50 pm »
again, thanks Kady_14 and aquacharly :)

mrsonthego

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #15 on: September 17, 2014, 05:49:48 pm »
Tama silang lahat, why worry about her when she's not worrying about her own life :)

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Friends na kuntento na sa buhay
« Reply #16 on: September 21, 2014, 05:42:56 pm »
Prolly because she thinks that she does not settle for less, though I sense that it's settling for less without any worries. To each on his own.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close