Share ko lang mga sis ang experience ko with my husband sa online business namin.
Accidental lang ang pagkakaroon namin ng online store FB dahil sa biglang pagkakahilig ni mister sa collectible toys nung matransfer sya sa Japan. Noong una hirap din syang maka kuha ng attention sa ibang mga collectors dahil marami ng kakumpetensya. Fortunately, madiskarte si mister. Gumagawa sya ng mga gimmiks para makahakot ng mga viewers at bagong potential buyers.
Magulo pala ang mundo ng mga guys pagdating sa toy collecting sa online, maraming mga pasaway. Sumasakit ulo namin minsan, pero marami din naman mga ok kausap at matino magbayad.
Naisip kasi ni mister na gamitin na lang ang pera namin na nakatago sa bangko sa business kesa sa patulugin or ipasok sa buying stocks. Kung maka 60k to 80k net profit kami sa loob ng 3 to 4 weekends (Saturday and Sunday), not bad na di ba? Minsan umaabot pa kami ng 100k or more in a month, max 200k kapag sinwerte. Kaya pala ganun na lang ang bashing ng ibang mga online sellers sa page namin at pag-usisa ng mga ibang mga kapwa online sellers namin dahil malaki ang kita, lalo na nung nag-uumpisa pa lang kami. Marami nagagalit na ibang online sellers dahil ang iba nilang mga suki sa amin bumibili, at yun iba kasi kino-compare nila presyo nila sa iba. Kailangan talaga pababaan ng presyo hanggat maari.
Here?s my tips based on our experience para makakuha ng attention sa online:
1. Make your page name based on what product you sell. Kailangan its should not be difficult to memorize. Or it should be funny, witty, or catchy.
2. Make a noise. Sa online (lalo na sa FB), mas napag-uusapan, mas nagiging curious ang mga tao, either in a good or bad comments/reviews. Walang papansin sa page mo or account mo kung hindi napag-uusapan. Sa mga Pinoy, kahit alam ng may bad reviews/balita madalas lalong nagiging curious ang tao. Turn this bad reviews into an opportunity para ma-promote ang next step?..step no. 3.
3. Make some gimmicks. Freebees, raffle, games, sale/bargain, clearance sale, create something na magkaroon ka na wala sa iba that you should stand different to others.
4. Think like a Chinese. Noong kauumpisa pa lang namin sa online, medyo mataas mark-up ni mister kasi nga naman sa cost ng expenses namin plus pagod pa namin. Pero may nakapagsabi sa kanya babaan ng mark-up, kahit maliit ang tubo kung pagsasamahin naman malaki din naman, makes sense. Since then nagbaba na kami ng mark-up ng bawat item and we made our sales na mas marami. Minsan ang ginagawa pang technique ni mister, as in wala kaming patong sa ibang item, balik puhunan. Why? Kapag may mga regular buyers ka na at ang binenta mo ay hamak mas mababa syo kesa sa iba sa kaparehas lang na produkto, iisipin ng mga buyers na stick na sila syo or talagang mura ang benta mo kahit sa ibang produkto na. Pero syempre hindi naman pwede na laging ganun?.para lang to keep ang mga buyers stick on your page. Sacrifice ka rin na seller paminsan-minsan, otherwise mawawalan ka ng parokyano dahil marami kayong online sellers na pare-parehas din lang naman na produkto na ibinebenta. Kailangan maging competitive talaga.
Hope my post helps para sa mga iba na nagnanais na mag-online selling?.