usually how much yung napupunta sa marketer? Same din ba ng nakukuha ng reseller? . If one customer na na-refer Nya naging regular customer mo, Ibig ba sabihin per transaction dun sa said customer may makukuha is marketer sayo?
iba po ang rules ng marketer, iba ren rules sa reseller. reseller, hindi nakakabit business mo sa kanya. pag marketer, dala dala nya yung name ng online shop mo.
eto po ang different situations para madecide mo kung gusto mong si marketer may cut every buyer payment or once lang...
situation a:
husband ko is middleman. whenever yung pinakilala nyang buyer is bumili kay supplier, may cut sya. pero si buyer, hindi dumidiretso kay supplier. kasi ang kakilala nya is yung husband ko. pero pag magbabayad sya, diretso sa company. kung may problem or may sira sa item, husband ko pa ren kakausapin nya. then si husband na magfollow up sa supplier.
this is same situation sa mga sales and marketing department sa mga company. may cut sila every sales. but...
situation b:
si buyer is lumapit kay supplier through marketer 1. then next order naman nya, lumapit naman sya kay marketer 2. so sa 2nd order ni buyer, si marketer 2 ang may cut.
situation c:
then there's the affiliate marketing sa internet which is just like on situation b, every sales na maganap via kung sino mang marketer ang magturo, sya ang may cut. pero sa affiliate marketing sa internet, through click. pag si buyer click nya link ni supplier through affiliate marketer 1, si affiliate marketer 1 ang may cut. pero next order nya, pag nagdirect na sya kay supplier, wala ng cut si affiliate marketer 1.
ako is online seller. pero ako mismo walang tiwala sa karamihan ng online seller. meron pong isang mag asawang online sellers wherein may group and list pa sila ng legit online sellers. magpapalista ka talaga sa kanila para kasama and lumitaw name mo sa list nila ng legit online sellers. akala ko big time sila. sabi pa nila "syempre pag utang dapat magbayad, yung ibang hindi makapagbayad ng utang, isara na nila business nila. nagbusiness pa sila." sabay tawang nakakainsulto. ayun. 14k php utang. and ilang years na at may natira pang 4k. parang hindi na ata nila mababayaran 4k dahil may problem ata sila financially hay naku!
then maraming online seller na mataas ang tingin sa sarili although wala pang 5k ang income nila monthly. mayabang. masyadong demanding sa supplier (ako) although super bihira naman bumili sa akin.
so nakakatakot ata kung may marketer ka at dala dala nila name ng online shop mo. imagine, baka dahil sa kanya masira pa ang online shop mo. may reseller ako dati na isa na dinala nya name ng online shop ko. sabi ko hindi puede, bawal sa akin yun. resell ka lang kung gusto mo pero huwag mong babanggitin na lucky cow shop ka. dahil ang banggit nya is lucky cow shop sya. kumbaga sa kanya magbabayad ang buyer nya, she as lucky cow shop. eh papaano kung hindi nya sinabi sa akin na may buyer sya. paano kung nidekwat nya yung pera ng buyer nya.
sa marketer naman, paano malalaman ni marketer na nagbayad yung buyer nya sa iyo? as the online shop (supplier), you can tell the marketer na hindi bumili si buyer kahit na bumili naman talaga. so ang gagawin ni marketer is tatanungin pa ni marketer si buyer kung bumili sya or hindi. maiinis lang si buyer kasi ang dami nyang kausap.