Author Topic: very confusing guy  (Read 5788 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #20 on: May 30, 2013, 07:01:20 pm »
^ hay naku sis, pag sinabi nyang maganda ka, sagot dyan: Thank you.  ;D

Oo nga pala, inamin mo nanga pala sa kanya nung nakaraan. Naku mga girls, rule of thumb, kung never umaamin ang mga asawang nagloloko, tayo naman, dapat never umamin na crush mo ang isang guy, never. 

Isa pa, kung nagawa mo na, fine. Deadma ka lang. Ano sya hilo?  ikaw babae, ikaw pa ang ipapaamin nya?  And I agree with you sis AyemZia, huwag naman sobrang straightforward, at least sa pov ko lang naman. Kasi for me, ang mga lalaki, papatol at papatol iyan, basta libre.  Kaya in no circumstance should you give that chance to him at hindi naman nya na prove na worthy sya at hanggang ngayon atras abante sya.

And also for the collar thing, puede bang hands off muna sya? Ang kapal naman nya manyansing to touch your collar.

Isa pang tanong na di mo nasagot sis Ayemzia, is he attached?  Because that is also one of the reasons why some guys do not want a straightforward relationship. Gusto nila pasundot sundot lang para baka makaisa, then madali din mag eskapo if things turn sour.



« Last Edit: May 30, 2013, 07:02:55 pm by Girltalker2 »

|:AyemZia:|

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #21 on: May 30, 2013, 07:33:32 pm »
ay?! hahaha! natawa ako dun! sis, sa sobrang nagulat kase ako. out of the blue yung pagkakasabi nya. hindi ko ine-expect na icocompliment nya ako kase parang hindi nya naman ugali yung ganun. knowing him...  :P

about the status of his lovelife, hindi naman siya madalas magkwento. basta ang alam ko lang last time na nag-usap kame ng tungkol dun, nagkakalabuan sila ng girlfriend nya. nasa province yung girl and sa ken tlaga siya nagsspill ng sama ng loob nya pag nag-aaway sila. sa ngaun kase hindi ko pa siya kinukumusta ulet. inaantay ko lang na siya na ang kusang magkwento.

ang landi ko na ba? kase alam kong committed siya pero kinikilig ako sa mga sweet gestures nya???

about naman dun sa collar, hindi ko kase expected yun. mali ba yung ginawa nya?

wag kayo magalit sa ken... puhlease??? *puppy eyes*

tough_guy

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #22 on: May 30, 2013, 10:42:21 pm »
hinawakan lang yung collar tyansing agad??? collar ng katawan or collar ng damit? di naman siguro tyansing yun..

about sa guy pala, "in a rel." pala siya eh tapos sweet pa niya sayo, dapat di ganun.. nakow.. :(

hindi ikaw ang may kasalanan pero siya, malaking prob yan..

insta_momma

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #23 on: May 31, 2013, 09:59:35 am »
;D typical guy... hehe.. mga lalaki talaga gumagawa ng "da moves" if nalaman nila na crush pala sila ng girl... hahaha... gusto lagi makasiguro... hahahaha...

I was thinking of the same thing.. May idea na kasi si guy na you liked or still like him kaya sinusubukan niya kung makaka-score, sorry dear, I don't mean to sound so nega pero something's kinda shady about your friend... advice lang, don't make it obvious na kinikilig ka sa kanya. madalas kasi ganyan ang lalaki, once they find out a girl likes him mas madali na para sa kanila gumawa ng moves, malaki kasi chance na "bibigay" ang girl sa ganun.

|:AyemZia:|

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #24 on: May 31, 2013, 09:31:36 pm »
no offense taken naman... salamat sa mga POVs nyo!

anyway, about dun sa collar, sa damit po yun. ni hindi nga sumayad sa balat ko yung kamay nya. (that's how i remember it) kase nga parang mabilis lang naman kase sa elevator yun e tas nasa likuran ko siya kaya nya nakita na hindi nakaayos yung collar ng damit ko.

yup, ayun nga yung reason din kung bakit hesitant ako sa kanya. kaya nga sabi ko, tlagang tinatry ko na minsan na umiwas like hindi ako sumasabay ng break sa kanya. pero ang hirap din kase magdahilan if ever magtaka siya. kaya ko siyang iwasan kaya lang yung confrontation ang ayoko. we've been friends for quite some time na kaya ang ginagawa ko na lang tlaga, i'm trying my best na wag kiligin at deadmahin na lang yung mga compliments at sweet gestures nya. kumbaga, i'll take it as parang wala lang. saka nagawa ko na rin naman yun dati, nung first time na nagkagusto ako sa kanya then nawala din agad yung feeling. kaya lang ata bumalik yung feelings ko for him kase antagal namen hindi nagkita (hindi magtugma yung schedule namen) and kase hopeless romantic ako, may binasa akong book na sobra akong nainlove para tuloy naiaapply ko sa reality. ang baliw ko no? pasensya naman po!

promise maraming thanks po sa lahat ng nagreply at nagbigay ng reactions nila. i really appreciate it!  :-*

Girltalker2

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #25 on: June 01, 2013, 01:23:27 am »
I was thinking of the same thing.. May idea na kasi si guy na you liked or still like him kaya sinusubukan niya kung makaka-score, sorry dear, I don't mean to sound so nega pero something's kinda shady about your friend... advice lang, don't make it obvious na kinikilig ka sa kanya. madalas kasi ganyan ang lalaki, once they find out a girl likes him mas madali na para sa kanila gumawa ng moves, malaki kasi chance na "bibigay" ang girl sa ganun.

I agree.

Moreso, do not even waste your time with him.  Baka nga kasal na sya di mo lang alam kasi nasa probinsya yung gf/wife. And that's why he is wishy washy, kasi committed sya. Tapos kung bumigay ka, may free entertainment pa sya while having a gf/wife on the side.

Yung collar thing, umpisa lang iyan, tinetest kung gaano kalapit ka papayag. then the next, baka braso na.

tough_guy, yes para sakin it is an invasion of my personal space. ang hirap kasi sa pinas (lalo na sa mga call center), kung mag usap sila, parang lahat sila magjowa. nag aakbayan at akapan kahit friends lang. I think it is very unprofessional at nakakabastos if ever ganyan. Sabi ng iba wala naman malice, malisyosa lang ako. Sa Oo eh, ayoko ng may humahawak sakin in whatever way because I really find it indecent - una yung guy nag t take advantage, second yung girl naman, hindi maganda tingnan sa lipunan ang babaeng hinahawak hawakan lang ng kahit sino.

kahit pa hindi nagtouch ang skin, suot ko kaya yung damit na may collar. wala syang right ayusin ang collar. period.  if you allow him to or give him the right, later puede na nya hawakan ang buhok mo or balikat mo. 


 

« Last Edit: June 01, 2013, 01:31:16 am by Girltalker2 »

tough_guy

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #26 on: June 01, 2013, 04:56:35 am »
@girltalker2 sabagay may point ka, madami pa namang guy ang umaabuso. sa panahon ngayon madami ang liberated ang paguugali, pero dapat hindi mawawala ang value ni Maria Clara.

Girltalker2

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #27 on: June 01, 2013, 10:12:00 am »

^ currently I am not in Pinas pero maraming OFW din dito.  Alam mo ba reputation ng mga Pinoy dito, ganyan nga, hawak dito at dyan. Pero pag hindi naman Pinoy ang kausap nila, di naman nila magawa yun. So effectively, it is not a "natural" thing for them kundi namimili lang sila.

And the other thing is, ang reputation dito ng mga Pinay is cheap because of this.  Kaya sobra kong ayaw mga ganyang pag uugali because it taints the reputation of Filipinos abroad.


|:AyemZia:|

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #28 on: June 02, 2013, 12:29:59 pm »
medyo naguilty naman ako dun... i didn't know na ganun na pala ang dating ngayon ng mga Filipino girls...  :-[

i've promised myself na lalayo na ko sa kanya starting tonight (panggabi na kase kame sa work)
hindi rin naman kase kame nagtetext. kaya tlagang sa office lang kame nagkakaron ng communication at bonding as friends.

thanks for the eye-openers guys!  ;)

insta_momma

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #29 on: June 03, 2013, 02:17:06 pm »
^ did he introduce you to his friends already? friends who are not from your office ah, or did he try to introduce you to his family, not naman his parents, siguro a sibling? how much do you know about him? if I were you, I'd ask some of his friends at work if he's single or married. finding out his relationship status is the first thing you need to know or find out. madami na talaga manloloko ngayon. even the nicest guys can be jerks when they see an "opportunity" with a girl. wala naman mawawala sayo if you'll be extra careful, if he loses interest in you kasi nag-iingat ka then that only means he is NOT worth it.

|:AyemZia:|

  • Guest
Re: very confusing guy
« Reply #30 on: June 04, 2013, 11:29:43 am »
@insta_momma: actually, hindi. we've never been together somewhere else aside sa office. dun lang tlaga kame nagkakausap at nagkakakulitan as friends. dati nagkakatext kame pero hindi yung text na sweet sa isa't isa. nagkakilala lang kase kame through a common friend. and since kame yung magkasama sa work, kame yung mas close na ngaun. ang madalas lang naman namen pagkwentuhan e yung mga common friends namen. kinukumusta ko lang sa kanya yung mga yun ganun.

ang ginagawa ko na lang ngaun, hindi ako nagpapaapekto. lahat ng sinasabi nya sa ken, hindi ko na pinapansin at tinuturing ko na lang siya as one of my guy friends (nothing special). kagaya kagabi, he complimented me again dahil sa suot ko. pero niroll ko lang yung eyes ko sa kanya at inisnab siya. he's really testing me, i can see that now. kaya ngaun, bahala siya jan. i'm not really that into him naman para magpakag*g*.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close