watch now

Author Topic: One Cafe and Events Place  (Read 64628 times)

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #80 on: August 02, 2013, 02:12:21 am »
Sis, I forgot to ask if me minimum ba kung ilan ang kukunin sa kids menu?  Would you happen to ask?

maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #81 on: August 02, 2013, 09:25:08 am »
^Wala daw minimum for the Kids Menu sabi ni Anniel before :)

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #82 on: August 03, 2013, 03:03:02 am »
^ok, thanks sis! super konti lang kasi nung kids na invited.  marami na yung 20.

ava_camille

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #83 on: August 04, 2013, 10:23:59 am »
We went to One Cafe to finalize with Anniel and weng, kahapon lang namin sila na meet and super
accommodating sila. Pinag fu-food taste na nga kami kahapon kaso may lakad nga kami.

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #84 on: August 06, 2013, 06:25:09 am »
^panu ka nagpa booked dati sis kung nung isang araw mo lang sila na-meet? sino AE mo before?

kelan kayo mag food tasting?


ava_camille

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #85 on: August 06, 2013, 12:39:37 pm »
^Nung 1st week of April kami nag pa booked then made a dp same day. Kahapon kami naki pag meet kina Anniel at Weng
Finalize everything. Tamang tama may set up sila nung Saturday. At ang ayaw namin ay ang table linens nila, medyo off white na may mantsa
at butas butas. Hubby and I decided to get outside for the linens at okay naman sa one cafe

maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #86 on: August 06, 2013, 01:52:38 pm »
^Same tayo, puro email lang lahat ng arrangements so far. Re linens, hindi kaya pwede mag request sa kanila ng mas maayos na set? How about the table napkins? Acceptable naman? Hehe mauuna kami ng one day sa inyo, pero hindi pa kami nakakapag-finalize ng menu! Haha

ava_camille

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #87 on: August 06, 2013, 04:10:06 pm »
^Pwede naman siguro sis kaso ayoko maki pag sapalaran sa linens kaya we will be getting from our caterer
nung wedding namin. Yung table napkins di ko na check pala. ano package niyo sis? kami kasi The Php 395 menu plus additional beef na lang kami
then mag papasok na lang kami Lechon for the pork. Okay na din si Php 395 kasi naka pasta na ko nun. The other packages kasi
noodles may addtl pa kung papa pasta ko.

maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #88 on: August 06, 2013, 04:25:46 pm »
^Oo nga, good point :) Hindi pa kami decided. Hindi pa rin namin nafa-finalize kung kukuha ng lechon or not. Kaka-email lang ni Anniel na mag food tasting na daw haha all-white linens niyo? Or according to color scheme? Siguro try ko na lang rin maghanap ng makukunan ng linens, check ko na lang kay PP or kay candy bar provider namin.

kreez

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #89 on: August 06, 2013, 04:42:45 pm »
sis maurice, ava & rogz888, hintay hintay lang ako ng feedback nyo about your parties and I'll make adjustments nalang based on your feedbacks... buti nalang marami na mauunang party kesa sa amin... thanks for your helpful posts so far :D

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #90 on: August 07, 2013, 12:13:49 am »
Yung 395 package din kami then mag add ng lechon..  Magkanu yung additional beef sis ava?

Lahat kaya ng color ng linens e ganun? Wala pa naman kami makukuhaang outsider if ever.  Hello kitty theme kami so pink ang need namin.  Natanung nyo ba sis kung pwede na combination ng color or isang color lang ng linens?

sis kreez, buti nga mahuhuli kayo. ako halos araw-araw nag gogoogle hoping na may makitang feedback ng recent party sa one cafe..

ava_camille

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #91 on: August 07, 2013, 10:58:00 am »
^sis rogz888 Php 60 dapat addtl for the beef pero ginawa ni Anniel ng Php 50 na lang :) kaya Php 445/pax lang.Nung nag punta kami
parang 1 color lang o baka yun request ng parents

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #92 on: August 07, 2013, 11:29:09 am »
Ang nirequest ko na color ng linen saken is royal blue & yellow. Depende ata sa inyo kung anong prefer nyo. :)

maurice

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #93 on: August 07, 2013, 01:38:04 pm »
rogz888, nakakatawa ka hehe kami nga never pa namin nakita yung place haha

baka nga pwede mag request ng linen colors. check ko rin  for us :) Package Three daw kukunin namin.

Nhetskii

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #94 on: August 18, 2013, 07:16:51 pm »
Mga sis pahingi naman ng copy ng mga packages nila. Nag ca canvass na kasi ako for my sons 1st bday. Pls send naman a copy sa email ko jgp_lsm@hotmail.com

TIA!

kreez

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #95 on: September 13, 2013, 04:31:02 pm »
@sis blueghurl, how was your party? any feedback on One Cafe.

diba meron pa tayong sisses na tapos na ang party sa One Cafe, how was the experience? TIA!

blueghurl

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #96 on: September 13, 2013, 08:17:13 pm »
^ dpa ko nakakagawa ng review sa mga suppliers. Hehe! Anyway, for One Cafe, ok naman daw ang food sabi ng mga guest ko, masarap daw. D ko kasi masyado na experience. Sabi rin nung friend ko na kasama ko sa food tasting, meron atang isang food na hindi nasunod, iba ang sinerve. Pero keri naman. Sa table set up, yung linen ko kasi dapat blue and yellow, pero blue lang ang ginawa. D ko na rin natanong yun kay Anniel, dedma na. Then yung place itself e parang masikip para sa 100 pax which is yun ang max nila sa Function A. 10 tables na set up (12 pax each table), e masikip na, medyo mahirap na lumakad lakad. Yung guest ko inabot daw ng 114 kaya nag extra bayad ako per head. At buti na lang hindi ako kumuha ng food cart kasi parang wala naman ng maayos na pupwestuhan. Kaya nga ba ipinaglalaban ko nun makuha ang Function B, tsk! So ayun, andun din si Anniel at Weng nung mismong araw para mag assist. Hmmm, ano pa ba. Isip pa ko.

kreez

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #97 on: September 15, 2013, 04:33:03 am »
^uyy sis, thanks sa feedback, lalo na dun sa function hall, initially kasi I was asking for a&b ang sabi sakin sa no. of guests ko daw ok na ang A sabi ko maglalagay pa ako ng foodcarts, ok lang daw... tatawagan ko nga sya to insist na gusto ko kasama yung B para hindi masikip. 


rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #98 on: September 17, 2013, 11:58:35 pm »
Hi mga sis!  Sorry ngayon lang ako nakapag post to give feedback.

Ok naman ang experience ko sa One Cafe.  Function A & B kinuha ko tapos 100 guests lang ang binooked ko pero nag request ako ke Weng ng 12 tables.  Pinagtabi-tabi ko na kasi yung magkakakilala kahit hindi umabot ng 10 pax per table e hindi ako nagsingit ng iba para hindi ma OP.  Yun nga lang, 82 lang ata ang dumating so since 12 tables ako, ang daming bakante.

Tapos since 2 function rooms kinuha ko, 2 rin ang buffet table ko.  Magkabilang side sya.  Sa function B ko pala pinalagay yung photobooth at mga foodcarts so maluwag talaga.  Yung candy buffet ko nasa right side naman ng stage. 

Nasunod din lahat ng requests ko sa linens.  Yellow, Hot Pink, Aqua Blue, Orange sa mga Tables then sa children's table at sa lahat ng tables ko (registration, gift, candy buffet, etc) e Baby Pink.  Nagpalagay din ako ng tulle sa chairs ng adult pero alternate lang daw kasi hnd ata ganun karami tulle nila.  Nag requests din ako ng mga riser, glass vases para sa candy buffet.  Tapos sa photo op ni request ko yung couch.

Sa food naman, Package 2 kinuha namin then nag add kami for the roast beef.  Masarap daw yung roast beef.  Saka yung pepper chicken.  Pati rin pala yung alfredo na pasta.  Yung fish lang ang mejo sablay.  Actually wala ako talagang napili sa fish menu kahit nung food tasting e.  Saka nung food tasting pala, me mga pinatikim smen si Weng na hindi talaga kasama sa option like yung dessert.  Pati yung roast beef pinatikim smen kaya tuloy napa add kami bigla.  Hahaha!  Yung food ng kids, wala akong nakuhang feedback sa mga kids e.

Overall, I will reccommend One Cafe.  Wala akong naging problem sa service.  From reservation until the day of the event, wala naman akong naging issue.

rogz888

  • Guest
Re: One Cafe and Events Place
« Reply #99 on: September 18, 2013, 12:15:53 am »
I suggest nga pala mga sis, pag mag food tasting kayo make sure na may event para ma-visualize nyo yung magiging setup ng party nyo.  Twice kami nagpunta dun. Nung nagpa reserved kami where may event na Function A & B kinuha then nung nag food tasting kami na A lang.  You can see the difference mga sis.  Kahit sabihing kasya e parang ang sikip talaga.  L shaped kasi sya e. 

Make a list din ng mga questions nyo.  Nung kami e may dala-dala akong notebook at lahat vinerify ko.  And I made sure na lahat ng napag usapan namin nasa contract.  Naka-3 revisions kami sa contract pero dahil yun sa pabago-bago kong isip.  Hehe!

Okay naman si Weng sken.  Everytime na mag send sya ng contract or anything e she would text me to inform me.  And as Ive said lahat ng requests ko sinunod nya.  During the event, may head waiter na naka assign sken  for my requests or needs.  And in fairness super attentive sya.  Pwede rin pala sis magpa VIP.  Nag request ako na mag serve sa 10 pax (me and hubby, our parents and some oldies) kaso nung mismong event e pumila rin sila so kami lang ang sinervan.

Nakaraos na kami mga sis.  Sana okay rin ang maging party nyo. =)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close