Author Topic: What a mom....  (Read 3347 times)

meejee

  • Guest
What a mom....
« on: May 21, 2013, 10:27:19 am »
hi! mga sis newbie here.

       Share ko lang to about my long time friend. They already migrated to states together with her hubby and they've been there for almost 7years na at meron na rin sila 2 kids. According to her she's very much satisfied with her husband in any aspect of their married life. Meron sila pareho work dun at never daw sila nagkaron ng misunderstanding kung meron man very manageable naman daw.
       Lately lang bumalik dito sa pinas itong friend ko at nagpatulong mahanap yung dalawang ex gf ng hubby nya. Nalaman ko na nagkaron pala ng anak yung hubby nya sa dalawang to and since nung magbf pa lang sila eh wala naman nakukwento yung hubby nya tungkol dun although inamin sa kanya ng hubby nya na he had the other two gf nung magbf pa sila. Pinatawad naman nya at nagpromised sa kanya na magbabago na until he proposed to her a marriage pero that time pala eh buntis na yung dalawang gf ng hubby nya pero hindi aware yung hubby nya.
       After ng wedding nila nagpunta na sila ng states. then after mga 1 year meron sya narecieved na call from pinas from one of this girl na hind nya alam kung paano nakuha contact number nila at humihingi ng support from her husband kasi that time eh wala trabaho yung girl at estudyante pa lang at dalawa daw sila na nabuntis ng hubby nya. At that time eh 6months preggy sya. Hindi nya alam gagawin dahil sa sobrang sama ng loob nya sa hubby nya kung hindi nga lang daw sya buntis baka ipagtabuyan nya asawa nya. Kilala nya yung dalawang girl, cousin ng friend ng hubby nya yung isa at kapatid naman ng isang friend namin yung isa at pareho sila college student that time. Mahal na mahal daw nya si hubby at nakita naman nya yung fullfilment sa mga promises nito. Gusto nya sabihin to sa hubby nya pero natatakot sya na baka gumulo sitwasyon nila at sure din na hindi rin to papayag dahil alam nya hindi naman kanya yun. Na confirm din nya through relatives and friends namin na si hubby nga ang ama ng pinagbubuntis ng dalawang girl. Naawa sya dun dalawang girl since both of them were still students that time and worse eh yung isa eh pinalayas pa daw ng parents nya. Naawa sya dun sa dalawa that time, kaya nangako sya na tutulong sya para sa mga baby nila. 
      Monthly kung magpadala sya sa dalawang girl ng sustento at lahat ng pangangailangan ng mga baby eh full support daw talaga sya kasi anak din naman daw yun ng hubby nya at masayang masaya naman daw sya dun. At dahil nga maluwag naman sa loob nya yun at pareho silang me trabaho at malaki naman kinikita nila, she decided na rin na pati yung 2 girls eh suportahan na rin nya sa pagaaral para naman magkaron ng magandang buhay eventually at para hindi rin masisi yung husband nya na sumira sa kinabukasan nila. Lahat nga daw ng kelangan ng mga to sa school binibigay nya at thankful din daw sya kasi hindi naman sya inaabuso ng mga to. Hindi aware ang hubby sa mga to everytime nga daw na magtatanong ito about sa mga pinapadala nya pera, sinasabi na lang nya kelangan ng pamilya nya dito sa pinas kahit maganda naman buhay nila dito.
       After makapagtapos yung dalawang girl at magkatrabaho dito, sobra daw nagpasalamat sa kanya at nagpromise na pipilitin daw nila pumunta states para personal na magpasalamat sa kanya at dun na rin magtrabaho. Yung dalawang girl na rin ang nagsabi sa kanya na wag na siya magbigay ng support sa mga bata since meron na rin naman sila trabaho.
       After a year, eto nga ang friend kong to na hinahanap yung dalawang girl na yun dahil gusto nya makita mga to at malaman kung ano na progress sa buhay nila. In fact, meron sya ngayon kinuha na educational plans from highschool to college para sa mga bata at life/pension insurance plans sa mga girls at gusto nya personally ibigay sa mga to, which is para sa akin eh sobra naman. But sa friend ko, since maganda naman daw buhay nila at sobra sobra biyaya nakukuha nila, lulubusin na daw nya pagtulong tsaka si hubby naman daw me kasalanan talaga kaya gumawa na lang daw sya ng mabuti para sa hubby nya.
       Ngayon nga daw meron sya cousin pero lalaki naman to, naanakan yung gf tapos gusto layuan ayun tinakot nya na tutulungan yung girl na ipakukulong siya kung hindi pananagutan. Sinabi nya sa cousin nya pakasalan yung girl at sya bahala sa gastos at sa gagastusin para sa baby.
       Ngayon we're still looking for those two girls (mga ex ng hubby nya) but we will find them soon anyway.

I'm very proud of her and for what she has done.
Sana maging inspiration to sa mga ibang mommy.
       
       


erich84

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #1 on: May 21, 2013, 03:35:49 pm »
Wow TS, your friend have a very big heart. Hindi ko kayang gawin or isipin man lang yung mga ginawa nya. For me, she's blessed because she's so selfless. Aminin na natin, it's really hard to accept if incase may naanakan yung partner natin. Sya grabe talaga ang kabutihan nya ha.

polar_bear

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #2 on: June 20, 2013, 01:31:46 pm »
WOW!!! ambait naman nya sis... swerte nung 2 ex ng hubby nya at pati kids..

kaso,, tingin ko hindi na tama yung gagawin nyang pagtulong sa cousin nya na may nabuntis na gf.. magiging dependent lang yung cousin nya sa kanya at in the end, baka maabuso lang sya at sya pa masisi dahil sya ang pumilit na pakasalan ng pinsan nya yung gf. 



Msfi

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #3 on: June 20, 2013, 02:20:20 pm »
extinct na yata ang mga taong ganyan kabait, kaya marami syang blessings she ha a very big heart.

And i also agree with sis polar bear, she shouldn't meddle with her cousin's affair. Siguro up to making sure he supports his child pwede pero yung paglipit na pagpapakasal eh di na nya dapat sakupin pa yun.  If mag fail yung marriage nun at maging miserable yung cousin nya or yung girl sya pa ang may kasalanan.

alexsy

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #4 on: June 21, 2013, 04:45:21 am »
may hangganan ang pagtulong.

mooncake and leaves

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #5 on: June 21, 2013, 06:53:35 am »
nalito ako. generous as your friend is, she sounds incredibly meddlesome. she's also scarily similar to those people who send their SS numbers and bank account numbers to "troubled Nigerian princes." ;D
i hate to spoil this heartwarming story but a lot of things here don't add up.

imbisibol_

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #6 on: June 23, 2013, 10:48:49 am »
that sounds altruistic but is so very wrong on so many levels.  first, and i don't think one needs any more after this- she's lying to and making her husband look like a fool.  there will be a lot of heated words exchanged when her husband finds out what she did behind his back.  from a guy's point of view, his manhood was questioned and compromised.

please let your friend know her place.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #7 on: June 26, 2013, 12:31:08 pm »
nalito ako. generous as your friend is, she sounds incredibly meddlesome. she's also scarily similar to those people who send their SS numbers and bank account numbers to "troubled Nigerian princes." ;D
i hate to spoil this heartwarming story but a lot of things here don't add up.

I hate to spoil the fun too but the story seems too idealistic to the point that it doesnt sound real at all, sorry ah. Question lang, if your friend was able to send support and help for so and so number of years, how come she doesn't know where to find the girls?
« Last Edit: June 26, 2013, 12:33:49 pm by twelvth_goddess »

princessrio

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #8 on: June 26, 2013, 08:29:38 pm »
naniniwala ako na may mga tao pang napakabuti ng puso (tulad ng nanay ko) na super generous. what i'm not sure with the story eh hindi nagtake advantage yung dalawang babae..hehe..sorry, yun talaga naisip ko.

cind3r3lla

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #9 on: July 03, 2013, 01:19:44 am »
Hindi kaya Santa na yung friend mo.. sobrang bait huh...
Sana magka-baby na rin sila ng hubby nya para maipasa nya ang kabutihan ng kanyang puso sa magiging anak nila.

aquacharly

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #10 on: July 07, 2013, 09:05:44 pm »
IMO - there is always a limit to everything before a person, no matter how well-meaning, turns into an illogical/exploited/impractical/martyr individual.
But then, what would I know about such bigness of heart? 
Sometimes, truth sure is stranger than fiction.
But, as they say: Whatever floats your boat. Who cares what others say? Walang basagan ng trip.

j_in_tokyo

  • Guest
Re: What a mom....
« Reply #11 on: July 09, 2013, 06:10:16 pm »
^^ may anak na sila sis..2 daw..
pero how come nilihim nya ang pagtulong sa dalawa sa asawa nya?
all this time di alam ng asawa nya na sila ang sumoporta sa mga anak nya sa Pinas?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close