watch now

Author Topic: Inggit Sa Mga Facebook Friends  (Read 37725 times)

gwyne21

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #120 on: June 30, 2014, 10:48:50 am »
Ako naman, nag-che-check ako everyday ng FB to greet friends (bday, kinasal, may bagong baby, etc) and i-msg sila kung kinakailangan (impt matters). Rarely rin ako magpost ng pics and majority ng pics na nasa account ko is yung naka-tag lang ako.

Kapag may nakikita ako trips at mga pricey na gamit na pinopost ng friends ko sa fb, keber lang, di naman ako naiinggit (di rin kasi ako gaano mahilig sa signature items at gadgets). may isa nga akong friend na nagpost pa siya ng collection niya ng signature bags, perfume, shades, shoes... hehe...lahat na ata ng gamit niya pinost na niya..keber lang din. kilala ko kasi siya and i know na despite all the materials things na meron siya, madami din siya pinagdadaanan... so kanya-kanyang trip lang yan.

ang isang natatawa ako dun sa tao na ginagawang photo album ang fb..yung tipong lahat ng pics ng out of town/out of the country travels ay posted..tipong may album1, album2, album 3 pa (tapos about 200 pics ang laman per album)..hehe...grabe sobrang sipag naman magpost ng pics...

purpleice

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #121 on: July 14, 2014, 11:26:11 pm »
I think normal lang mainggit sa mga nakikita sa FB, lalo na kung may mga gusto ka talaga na hindi mo makuha for some reason, tapos yung mga FB friends mo nakukuha nila 'yon at ipino-post sa FB. Sa tingin ko hindi rin naman masama na i-post yung mga yun online kasi karapatan naman nila yun, hehe nakikitingin lang tayo :P

Minsan naiisip ko nga eh, sana talaga marami din akong pera para nabibili ko yung mga gusto kong gadgets saka nakakapag-travel ako sa mga magagandang lugar. Sabi nila "money can't buyhappiness", pero ang totoo niyan, ang daming mabibili ng pera na magpapasaya sa atin. Ayun. Tanggapin mo na lang siguro kung ano ang meron ka for now, and be thankful for it. Kung may gusto talagang bilhin pero walang budget, edi ipon-ipon muna. Ganun talaga eh, may mga taong magwiwithdraw lang sa ATM, makakabili na; mayroon namang mga tao na kailangan munang mag-ipon nang isang buwan hehe  ;D

baliwsayo

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #122 on: July 17, 2014, 02:05:14 pm »
Para daw di seryosong mainggit, makipag-interact ka sa post na feel mo nainggit ka. Mga naiinggit daw eh usually kasi mga lurkers lang. Try to be active.

Ako kasi di naiinggit.. ginagawa kong insipiration kasi.. tapos popost ko ng comment ng.. uy ang saya naman.. inggit ako.. lol!

super bratinella

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #123 on: August 04, 2014, 02:49:04 pm »

In my case, I use FB as my mini diary to look back in the future, nung nabuntis ako, I use FB for me and my baby development (pero hindi OA) until now I can still check on them same with our travel kasi minsan you want to check and browse and FB ang pinaka convenient to store photos, our family bonding, pero mga important event in my life lang pero hindi labis kasi parang intention mo na is mang iinggit ng mga friends mo which mali, two sides naman kasi ang FB friends mo ang mag post to intentionally mang inggit or they are posting to share the good vibes sa reaksyon lang ng tao na nakakabasa nagkakatalo.

Pero kung nararamdaman nyo na ang intention is mang inggit mas lalo kayo huwag mainggit kasi ang mga taong boastful are mas madalas they are the one who are in the "loser" type of person... pero to share the good vibes then just be happy for them, they deserve it! cause we have our own good vibes to share iba iba lang ng level..

Let us use FB in a positive purpose. ;)

imyourangel

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #124 on: August 23, 2014, 11:43:12 am »
Totoo, mga naka-post talaga sa fb eh yung magagandang happenings lang talaga. Some people defense mechanism na lang din ang facebook, they want to feel good about themselves. It's easy to feel self-acceptance on social media. So when they upoad this picture then get many likes, mission accomplished, until the next post.. And so on..

jenny.babe

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #125 on: August 23, 2014, 12:29:12 pm »
Totoo, mga naka-post talaga sa fb eh yung magagandang happenings lang talaga. Some people defense mechanism na lang din ang facebook, they want to feel good about themselves. It's easy to feel self-acceptance on social media. So when they upoad this picture then get many likes, mission accomplished, until the next post.. And so on..

same tayo sis.. ganun din ang tingin ko. pinaka worst is yung mga likers pa nila yung nagkkwento ng hindi magaganda angainst them..  ::) and yes may inggit factor din ako ng konti, on how they managed to have many likes despite of people criticizing them. ayoko mabuild yung self esteem and self acceptance sa dami ng likes. i think hindi naman kasi lahat ng likers mo or followers eh totoo sayo.

nixiquita

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #126 on: August 25, 2014, 07:50:13 pm »
lately naiinggit ako sa mga nagtatravel sa mga island / beach destinations tas ang hot na nakabikini. Haha

lisse

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #127 on: August 25, 2014, 09:26:37 pm »
^same here! kakainggit talaga minsan mas matatanda pa sakin pero vavavoom ang mga lola mo, mas hot pa sakin lol!

nixiquita

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #128 on: August 25, 2014, 09:54:36 pm »
^tapos imbes na mainspire ako eh mas naiirita lang ako tumingin dahil naiinggit ako, eh antamad tamad ko naman magworkout haha

errolavi14

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #129 on: August 25, 2014, 10:28:58 pm »
ika nga ng aking mentor na mayaman na ngayon "matuto kang mainggit... in a nice way"

meaning... gawin mong inspirasyon yung taong hinahangaan mo dahil umasenso o yumaman o maganda ang estado ng buhay.. hindi yung galit ka sa kanya dahil ganun estado ng buhay niya..


nixiquita

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #130 on: August 25, 2014, 11:06:00 pm »
^easier said than done. Haha. But well we all know thats how it supposed to be :)

icee_star

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #131 on: August 27, 2014, 02:41:52 am »
meron akong pina follow na gter din sa fb, she is pretty, she has beautiful kids, beautiful family. And when I see her posts, I think rich sila kasi her hubby always gives her branded things, they always travel, love na love sya, super sweet and all, basta ideal hubby talaga. Kainggit kasi para bang wala ng problema sa buhay. :D

I love looking at their pictures kasi a happy and beautiful family.. iniisip ko na lang kung ano pa pwede nilang problemahin when they seem to have it all na.

j.adore

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #132 on: August 27, 2014, 09:37:06 am »
Sabi ng mom ko, walang pamilya na walang problema. Iba iba lang ng klase pero meron yan, kanya kanya lang ng problema.

I know people who seem to have it all. But yes, they do have problems.

happyfemme

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #133 on: August 27, 2014, 11:19:30 am »
Ganun talaga sis, hindi talaga maiwasang mainggit kasi nakikita natin sa kanila ang mga bagay na gusto nating mangyari sa atin.

Totoo, maraming FB friends natin ang nagpopost ng mga lavishness nila sa buhay, how sweet si hubby, countries theyve travelled, restos theyve been pero at the end of the day hindi naman natin alam ang kwento ng buhay nila pag nag offline na sila diba?

Kahit naman tayo we dont post pics na hindi maganda, lagi dapat maganda ang peg, picture dito picture doon. At the end of the day, may problema din na tinatago.

Marami nang nagpopost sa FB hindi naman yun ang totoong takbo ng buhay nila:

FB FRIEND #1: Well travelled daw siya, pinakikita pa ang mga collections ng refrigerator magnets niya kung saan siya nag punta... REALITY: Lagi puyat kakaabang ng Piso Fare, maxed out lagi ang credit card.

FB FREIND #2: Shopping dito, shopping doon, travel dito, travel doon, picture with amigas, luxury bag dito, lucury bag doon... REALITY: KABIT ng isang matandang mayaman.

FB FRIEND #3: Reyna daw siya sa buhay ng asawa niya, pictures ng mga flowers na binibigay sa kanya ni hubby, "date night" pictures nila ni hubby, mga gifts sa kanya ng hubby niya pinipicturan niya... REALITY: After 2 years, nahuli niyang may kabit ang asawa niya.

FB FRIEND #4: Big time daw siya abroad, post ng pics na marami siyang sasakyan. Post din ng pictures ng hotel skyline... REALITY: Valet parking personel sa isang 5-star hotel.

FB FRIEND #5: Nag honeymoon sa abroad, exploring the country daw... REALITY: Nag abroad para mag hanap ng work pero it didnt work out, so bumalik ulit silang mag-asawa sa Pinas.

FB FRIEND #6: Fairytale dream wedding come true daw, post ng engrandeng kasal... REALITY: Nag nakaw ng pera.

Im not saying na lahat ng nasa FB opposite ang nangyayari sa totoong buhay. Maraming FB friends din tayo na totoo ang pinopost nila at ang intention is to be an open book and just want to share kung anong nangyayari sa buhay nila and also keeping intouch with friends.

Im just saying na baka yung ibang kaibigan na kinaiinggitan natin ay iba ang buhay kapag offline na sa FB. Kaya huwag masyadong ma-stress at i-compare ang sarili sa kanila.

Just take it as a "barometer" ng buhay mo, kayod lang ng kayod para next time ikaw na ang magpopost ng bongga at sila na ang maiingit at mag follow sa iyo. hehe.

simang

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #134 on: August 27, 2014, 11:21:35 am »
We don't envy what we see on facebook, we envy our idea of them.

nixiquita

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #135 on: August 27, 2014, 11:52:16 am »
i like what you posted sis happyfemme :)) naaliw ako. haha. but not naman in a way na i felt good at tinawanan ko yung bad side sa life ng iba, if ever thats true for some. pero aliw eh. hehe

anyway, pansin ko din parang defense mechanism nga yung pagpapakita ng "front" nila sa facebook o any social media network per se.

madami ako kilala na nagpopost ng pagiging sweet nila ng bf niya, mga regalo at surprises daw. pero close friend ko siya at alam ko behind the fb facade eh sira ulo at nakakabadtrip yung bf niya. sadyang bumabawi lang kaya nageeffort. haha. tapos kaya din pinopost ni girl to feel better about her rel sa guy and to let everyone know shes happy.

and yung common reason na madalang kasi sakanila mangyari yung mga ganun, kaya pag natry nila o naexperience they have to show the world! Haha kasi sa mga sanay naman talaga eh hindi na bigdeal yung mga ganun.

like kunwari nasa pricey resto, mega check in at pic kasi once a year lang nakapunta, nilibre pa.

o yung magpopost ng branded stuff, nareceive lang pala as gift o pasalubong.

magpopost ng super daming photos o album sa isang exotic na location, paguwi pala zero balance na.

magpopost ng mga latest model ng phone tas mangookray ng mga luman cp ng iba, yun pala, mga inokray nila nagkautang pala sila dun para mabili yung phone nila. (eto naexpe ko personally hahaha)

tapos yung mga megapost ng gamit eg new bags shoes makeup gadgets etc, eh may benefactor na matandang mayaman. oh well.

or kahit yung mga nagpopost selfie na mukhang pretty at sexy, dinaan pala sa sankatutak na filter at editing apps.

----my post sounds so envious and bitter HAHA.

jenny.babe

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #136 on: August 27, 2014, 12:36:48 pm »
^may point si sis  happyfemme. meron din namang nanadyang magpainggit.

We don't envy what we see on facebook, we envy our idea of them.

very well said sis!

super bratinella

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #137 on: August 27, 2014, 06:12:29 pm »
Nagtataka ako sa mga taong super updated ang life sa FB lahat ng galaw na ipopost ng real time and up to date, kasi ako personally napakahirap for me mag collage ng pics then post, nagagawa ko lang ng madaling araw pag tulog na mga anak ko then ang asawa ko pa hindi natutuwa nag FB or kaharap ang phone pag magkakasama kami, so lagi akong late post pero di ko na nilalagay na late post kasi walang relevance they do not need to know whether your post are late or real time (like so what kung late..haha) imo..

happyfemme

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #138 on: August 28, 2014, 10:10:25 am »
Nagtataka ako sa mga taong super updated ang life sa FB lahat ng galaw na ipopost ng real time and up to date, kasi ako personally napakahirap for me mag collage ng pics then post, nagagawa ko lang ng madaling araw pag tulog na mga anak ko then ang asawa ko pa hindi natutuwa nag FB or kaharap ang phone pag magkakasama kami, so lagi akong late post pero di ko na nilalagay na late post kasi walang relevance they do not need to know whether your post are late or real time (like so what kung late..haha) imo..

My FB FRIEND #2 kayang gawin yun, kapag kasama mo siya halos hindi mo alam na kasama mo kasi hindi kayo naguusap dahil nakatutok talaga siya sa phone niya.

Little details she ordered from starbucks, check in sa foursquare, eating the famous goto sa mabuhay lounge, eating ensaymada sa mary grace, ah pati picture ng traffic sa edsa hindi pinalagpas, minsan pag wala na ma post pati si manong driver pinipicturan niya.  ;D

nixiquita

  • Guest
Re: Inggit Sa Mga Facebook Friends
« Reply #139 on: August 28, 2014, 11:16:54 am »
^ that is insane. I would never want to hang out with that kind of person. may mga true friends pa ba siya or puro fb friends na?

dami kasi minsan talaga pasikat at papansin sa FB. baka kasi nga plain jane in person kaya they love the attention given to them sa fb via likes and comments. haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close