Ganun talaga sis, hindi talaga maiwasang mainggit kasi nakikita natin sa kanila ang mga bagay na gusto nating mangyari sa atin.
Totoo, maraming FB friends natin ang nagpopost ng mga lavishness nila sa buhay, how sweet si hubby, countries theyve travelled, restos theyve been pero at the end of the day hindi naman natin alam ang kwento ng buhay nila pag nag offline na sila diba?
Kahit naman tayo we dont post pics na hindi maganda, lagi dapat maganda ang peg, picture dito picture doon. At the end of the day, may problema din na tinatago.
Marami nang nagpopost sa FB hindi naman yun ang totoong takbo ng buhay nila:
FB FRIEND #1: Well travelled daw siya, pinakikita pa ang mga collections ng refrigerator magnets niya kung saan siya nag punta... REALITY: Lagi puyat kakaabang ng Piso Fare, maxed out lagi ang credit card.
FB FREIND #2: Shopping dito, shopping doon, travel dito, travel doon, picture with amigas, luxury bag dito, lucury bag doon... REALITY: KABIT ng isang matandang mayaman.
FB FRIEND #3: Reyna daw siya sa buhay ng asawa niya, pictures ng mga flowers na binibigay sa kanya ni hubby, "date night" pictures nila ni hubby, mga gifts sa kanya ng hubby niya pinipicturan niya... REALITY: After 2 years, nahuli niyang may kabit ang asawa niya.
FB FRIEND #4: Big time daw siya abroad, post ng pics na marami siyang sasakyan. Post din ng pictures ng hotel skyline... REALITY: Valet parking personel sa isang 5-star hotel.
FB FRIEND #5: Nag honeymoon sa abroad, exploring the country daw... REALITY: Nag abroad para mag hanap ng work pero it didnt work out, so bumalik ulit silang mag-asawa sa Pinas.
FB FRIEND #6: Fairytale dream wedding come true daw, post ng engrandeng kasal... REALITY: Nag nakaw ng pera.
Im not saying na lahat ng nasa FB opposite ang nangyayari sa totoong buhay. Maraming FB friends din tayo na totoo ang pinopost nila at ang intention is to be an open book and just want to share kung anong nangyayari sa buhay nila and also keeping intouch with friends.
Im just saying na baka yung ibang kaibigan na kinaiinggitan natin ay iba ang buhay kapag offline na sa FB. Kaya huwag masyadong ma-stress at i-compare ang sarili sa kanila.
Just take it as a "barometer" ng buhay mo, kayod lang ng kayod para next time ikaw na ang magpopost ng bongga at sila na ang maiingit at mag follow sa iyo. hehe.