watch now

Author Topic: Boracay Thread 33  (Read 83183 times)

rain dear

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #160 on: July 05, 2013, 12:04:08 pm »
^ ah ok sis, so ok na ba yong 200php? sabi kasi nung contact ko, dito ko rin nakuha sa GT eh, na 225php daw may boat na.. then 200php walang boat.. eh diba 25php naman talaga yong boat doon? nakalimutan ko na kasi yong mga fees na iba pang babayaran kasi 2 years ago ang last ko na punta sa bora eh. yong 250php niyo dati may kasama pa kayo nun sa van?



tzikenn

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #161 on: July 05, 2013, 02:05:41 pm »
yung 250 namin with boat na. kunin mo na yung 225 sis. sa jetty 175 ang fees na babayaran nio pag sa kabilang port tabon ata name dun kami dumaan kasi pag maulan daw sa tabon pinadadaan. 100 lang ang total fees na babayaran nio sa tabon

rain dear

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #162 on: July 05, 2013, 02:32:24 pm »
^ sis, sa jetty port daw ang baba namin.. parang same lang kasi yong babayaran eh... 200php sa van, 100php terminal fee, 25php boat and environmental fee 75php.. same lang.. kaya dahil same lang, kukunin ko na lang yong 225php with boat.. haha  :D

tahimik_24

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #163 on: July 05, 2013, 05:49:09 pm »
^sis hindi kami sa LSM or island nook, but sa jeromes walang water dispenser my free hot water lang sila. if you want buy nalang kau sa crystal clear sa hiway ng d'mall ask nio nalang yung crystal clear kung saan 30 pesos lang for 6 liters or dala ka ng bottle na 1liter 5 pesos lang refill. pag wala ka kasing bottle 130 per galon ata. napaka ginto pa naman ng water dun yung 800ml bottle 65 pesos kalurkaye! and sa mga gusto mag helmet diving much better dumeretcho nalang kayo sa bulabog sa kabilang side ng white beach 300 lang ang helmet diving ang laki ng patong ng mga tao dun 500 ang offer nila.

ok sis. haha sige ayos pala may tindahan ng mineral water. Sige dun nalang kami bibili ng water just in case wala dispenser sa hotel na pupuntahan namin. San yung jeromes? Station 1, 2, o 3 ba yun?
Sa helmet diving na sinasabi mo sis, may booth ba sila sa bulabog? ano pangalan para just in case dun kami since you said it's cheaper haha. Dami kong tanong. TIA sis tsikenn. ;)

Shiecg

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #164 on: July 05, 2013, 09:30:15 pm »

sa mga pupunta ng Boracay via Kalibo airport kung gusto nyo makatipid sa van, you can choose this route. from Kalibo airport sakay nlang kayo trike, pahatid kayo sa Terminal ng Ceres Bus to caticlan, yong trike is 100 pesos un 1-6 pax na yon, then yong bus from Kalibo to Caticlan jetty port is php 107/each, then pagdating nyo nalang ng jetty port kayo magbayad ng mga fees : Terminal & Environmental - Php 175, boat fare Php 25 day time pagdating ng 6-10pm 30pesos na.

purple_md

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #165 on: July 06, 2013, 04:02:48 pm »
^ ah ok sis, so ok na ba yong 200php? sabi kasi nung contact ko, dito ko rin nakuha sa GT eh, na 225php daw may boat na.. then 200php walang boat.. eh diba 25php naman talaga yong boat doon? nakalimutan ko na kasi yong mga fees na iba pang babayaran kasi 2 years ago ang last ko na punta sa bora eh. yong 250php niyo dati may kasama pa kayo nun sa van?




Sis pwede bang hingin kung sino yun contact mo na P225. Punta din ako bora on July 17

ashleycole

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #166 on: July 07, 2013, 11:41:21 am »
love love boracay kahit inulan kami ng pagka lakas2 nung pagdating namin sa cagban port  ;D

tzikenn

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #167 on: July 08, 2013, 11:55:07 am »
ok sis. haha sige ayos pala may tindahan ng mineral water. Sige dun nalang kami bibili ng water just in case wala dispenser sa hotel na pupuntahan namin. San yung jeromes? Station 1, 2, o 3 ba yun?
Sa helmet diving na sinasabi mo sis, may booth ba sila sa bulabog? ano pangalan para just in case dun kami since you said it's cheaper haha. Dami kong tanong. TIA sis tsikenn. ;)

sis if im not mistaken balabag ata yung jeromes basta kabilang alley lang sya ng tans guesthouse so parang station 2 pa din sya and 5mins lang naman going to D'mall and talipapa tolerable ang paglalakad unlike station 3 my gost sakit sa paa! di ko na uulitin mag book sa station 3 hahaha, mas prefer kasi namin yung alive and party beach. regarding bulabog sa tawid lang nman un ng d'mall tapos my makikita kang mga tent dun then sa kanila kna mg ask blue bird ang name.

wingding

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #168 on: July 08, 2013, 02:53:14 pm »
sis shiecg, parang mas mahal sa whitehouse e!

bigdadis_girl

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #169 on: July 09, 2013, 10:45:19 am »
mga sis please share naman if may hotel/inn pwede matuluyan near kalibo airport habang nag aantay ng flight.

Thanks!

meg1104

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #170 on: July 09, 2013, 01:39:59 pm »
^ same question. afternoon flight kami to kalibo naman. feeling ko may delay pa so ayoko na mag take pa ng chance na mag Caticlan pa.

I plan to stay na lang in Kalibo and visit Sampaguita garden. Saan hotel ok na sa Kalibo to sleep?

ashleycole

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #171 on: July 09, 2013, 02:53:49 pm »
^ hi mga sis, we stayed at Ati Atihan Festival Hostel..10 to 15 minutes by pedicab from Kalibo airport..hth  :)

bigdadis_girl

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #172 on: July 09, 2013, 04:36:48 pm »
hi sis, thanks, ok ba ang stay? kunsabagay ayos lang siguro basta may mapag stayan lang ng konting oras ayos na... kasama ko kasi parents ko e ayaw namin mag caticlan kasi maliit plane at maalog mahiluhin si mudra tas takot si pudra sumakay ng plane kaya sana sa kalibo na lang kame para malaking plane hindi maalog.  e ang off ng mga schedule ng airlines na nakikita ko dapat talaga may matuluyan ng isang gabi sa kalibo

Shiecg

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #173 on: July 09, 2013, 04:45:39 pm »
sis shiecg, parang mas mahal sa whitehouse e!

sis, ano nga ba yong tanong mo, sensya na medyo nakalimutan ko na eh, yon ba yong place na beachfront with cabana's? tsaka anong date nga kayo?

mga sis please share naman if may hotel/inn pwede matuluyan near kalibo airport habang nag aantay ng flight.

Thanks!


try mo sis Marzon hotel or Kalibo Hotel nasa town proper yan sila, merong malapit sa airport kaso lang kung kasama mo sila mudra and pudra parang di advisable yong Airport Pensionne na malapit sa airport kasi medyo kahingal paakyat ng rooms nila

wingding

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #174 on: July 09, 2013, 06:43:55 pm »
shiecg, cheaper than sur pero may cabanas din sana...

ashleycole

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #175 on: July 10, 2013, 08:16:54 am »
@bigdadis_girl - hi sis, ok lang naman for us at may kasama din kaming 2 senior citizen..kinuha naming room yong good for 6 pax worth 2k  :D

5ive

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #176 on: July 10, 2013, 06:38:13 pm »
How's the weather in Boracay?

rocky

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #177 on: July 10, 2013, 06:59:41 pm »
^kararating lang namin kaninang lunch & super ok ng weather parang summer 8) di ko lang masyadong na-enjoy sunset kasi natatakpan ng clouds :-\

krispee_creme

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #178 on: July 10, 2013, 07:16:57 pm »
what other airlines flying to/from caticlan - manila? or vice versa? aside from cebupac and pal express mga sis? :) thanks

rocky

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #179 on: July 10, 2013, 11:57:41 pm »
^mukhang yon lang sis, the rest puro kalibo na. yong cebu-caticlan namin nakakuha kami ng promo. pero yong caticlan-manila uber mahal :-\ ayaw kasi talaga ni fiance ng land transfer pa.

grabe, dumaan ka lang sa port 100 na kagad yon? parang wala namang improvement ::) buti pa airport maganda na & natuwa si fiance sa CR para daw hotel. kasi nga naman yong mga airport natin ang papanget lalo na NAIA 1! saka nagulat ako sa daming nagsulputan na bagong establishment. wala na rin yong sikat na hagdanan ng boracay regency, mesa resto na sya & mcdo. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close