watch now

Author Topic: Boracay Thread 33  (Read 82942 times)

rocky

  • Guest
Boracay Thread 33
« on: May 18, 2013, 10:08:14 am »
new home na mga sis, dito natin tuloy chikahan :)

hayyy mukhang hindi talaga bet ni fiance ang boracay regency. ok ba sa tides? alam ko yong location non malapit sa entrance ng d' mall. hindi ko lang alam kung ok yong food, room and service. feedback naman mga sis. thanks ;)
« Last Edit: May 18, 2013, 05:31:17 pm by rocky »

tentendelight

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #1 on: May 19, 2013, 09:31:05 am »
Hello! New thread na.  ;)

Mga ilang hours ang estimate na travel pag pauwi? Galing kami ng station 1 hotel going to kalibo airport? I want to to know kasi what time kami dapat umalis ng hotel namin. Tsaka nasusunod ba talaga yun na 2 hours before your flight dapat nasa airport ka na? Looking forward to your inputs mga sis.  :-*

rocky

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #2 on: May 19, 2013, 10:57:13 am »
^at least 45 minutes dapat nasa check-in counter ka na para i-accommodate ka nila sa flight mo. since kalibo yong pabalik mo, from caticlan 2 hours pa ang byahe pa-kalibo. :)

tentendelight

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #3 on: May 19, 2013, 11:38:18 am »
^ Thank you sis! So hindi pala nasusunod yung 2 hours dapat nasa airport na. Ang aga naman kasi masyado. Ang flight kasi namin 3pm pauwi via kalibo airport, so kahit 2pm pala kami dumating dun okay lang.

Dilemma ko lang kasi mag southwest tours sana kami kaso ang aga nila sumusundo sa hotel. If station 1 daw kami at 3pm flight 10am pa lang daw pickup na sa hotel. Inisiip ko kung 2hrs ang travel time from station 1 to kalibo airport at 1hour before our flight andun kami so total of 3hrs puwede kahit 12noon kami umalis ng hotel. Kaso parang very efficient ang southwest based sa mga feedbacks ng mga sis dito kaya sayang yun talaga lang issue super aga. Sayang din yung 2 hrs na puwede pa namin ini-stay sa hotel. :-\

iamtsina

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #4 on: May 19, 2013, 11:39:28 am »
Excited na ako. Lapit na Boracay ko! :))

mikaela325

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #5 on: May 19, 2013, 03:03:26 pm »
Twice boracay ko this year. Wee!!! Nung valentines kaming 2 lang ni hubby. This Christmas naman with my siblings and mg hubby and kids. :)

rocky

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #6 on: May 19, 2013, 04:25:20 pm »
Dilemma ko lang kasi mag southwest tours sana kami kaso ang aga nila sumusundo sa hotel. If station 1 daw kami at 3pm flight 10am pa lang daw pickup na sa hotel. Inisiip ko kung 2hrs ang travel time from station 1 to kalibo airport at 1hour before our flight andun kami so total of 3hrs puwede kahit 12noon kami umalis ng hotel. Kaso parang very efficient ang southwest based sa mga feedbacks ng mga sis dito kaya sayang yun talaga lang issue super aga. Sayang din yung 2 hrs na puwede pa namin ini-stay sa hotel. :-\
sis, kung 12 baka maiwanan kayo ng flight. kasi di ba from station 1 byahe pa kayo pa-jetty port. para sa akin ok na yong 10am kasi hindi mo din alam kung may aberya kang maeencounter. mas gusto ko ng maghintay sa airport kesa maiwanan ng plane and magbook uli which is uber mahal :-[

Shiecg

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #7 on: May 20, 2013, 09:54:55 am »
@ tentendelight, i would say 11:30 sis, safe ka na jan. pag ang van is puno naman from Caticlan (which is usually does), hindi naman sya inaabot ng 2 hours, 1 1/2 hours lang ang normal na travel time ng caticlan-Kalibo, yong 2 hours is maximum na yon at kung may mga pick up pa na ka churvahan yong driver dahil hindi puno yong van. and to be safe pa rin, inform nyo rin ang driver that you have a flight to catch para alam din nya na hindi sya pwede mag lamya-lamya sa daan :-)

melmedrano

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #8 on: May 20, 2013, 10:58:33 am »
mga sis any feedback sa microtel? ok ba dun interms of location? Sis rocky, nagkita nanaman tayo dito... Matanong ko lang bat ayaw ni hubby to-be mo ang boracay regency? isa rin kasi yan sa option ko kasi may vouchers, gusto ko sanang gamitin kaya lang fully booked na daw, yung sa station 2 na lang ang binibigay sa akin kaya lang sabi nung isang bro natin dito wag na lang daw kung doon... haaay! ano ba? So confused.

Shiecg

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #9 on: May 20, 2013, 11:14:30 am »
^, nasa Diniwid ang Microtel sis. dulo sya, if you know where Nami Resort is, don sa baba non ang Microtel. Pag mahilig kayo sa nightlife, di sya pasok :-)

melmedrano

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #10 on: May 20, 2013, 11:36:47 am »
thanks sis shiecg, family naman kaming pupunta so ekis ang nightlife sa agenda namin. Hehe! Gusto ko lang yung convenient kahit papano, di masyadong malayo sa beach at sa mga kainan at grocery at the same time yung mga konting facilities for kids like pool sana. Hehe! masyado na ata akong choosy. Hehe

Shiecg

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #11 on: May 20, 2013, 11:47:17 am »
^ ekis mo na talaga sya sis, beachfront sya at may pool, pero malayo sa mga resto at groceries. why not try Giulius Italian Hotel sa D'Mall, nasa side lang sya ng RedCoconut, nadaanan ko kasi last month yon, mukhang bago and malapit sa lahat, wala ngalang pool :-)

rocky

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #12 on: May 20, 2013, 12:14:32 pm »
mga sis any feedback sa microtel? ok ba dun interms of location? Sis rocky, nagkita nanaman tayo dito... Matanong ko lang bat ayaw ni hubby to-be mo ang boracay regency? isa rin kasi yan sa option ko kasi may vouchers, gusto ko sanang gamitin kaya lang fully booked na daw, yung sa station 2 na lang ang binibigay sa akin kaya lang sabi nung isang bro natin dito wag na lang daw kung doon... haaay! ano ba? So confused.
hehe mahal kasi sis aabutin, yong junior suite gusto nya kasi nga hindi kami kasya pag queen size. eh 6 nights kami don, prefer nya kasi may pool & king size bed. so baka hanap na lang ako ng mura na resort sa first 3 nights tapos ipipilit ko rin yang boracay regency :)

melmedrano

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #13 on: May 20, 2013, 01:55:53 pm »
sige sis shiecg, check ko yan. :-)

wow ang tagal nyo pala don... tama nga hanap ka na lang ng iba muna para ma-offset yung gastos ng konti. Hirap din kasi magpahinga pag maliit ang bed. Ako rin naging requirement ko na ngayon yung at least queen size, mas maganda kung dalawang queen size for us, ang likot kasi ng anak ko matulog. Hehe! Kailan ang punta nyo? Kami Spet 30 to October 3, kainis nga yung crown fully booked agad. hmmp

rocky

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #14 on: May 20, 2013, 02:54:49 pm »
^july 10-16 sis, ok na sana yong rate ng boracay garden kaso under renovation naman yong premier access pool, iniisip ko kung don pa rin kami baka maingay dahil sa renovation. :-\

tinapay

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #15 on: May 20, 2013, 02:59:42 pm »
totoo ba yung ecoli sa waters ng boracay?

melmedrano

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #16 on: May 20, 2013, 03:11:01 pm »
kung may renovation sis wag na kayo dun... kasi pati privacy ng guests kahit papano affected di ba? marami ka pang makikita dyan. Naku mauuna pala kayo... pero gusto ko na mag book ng hotel, excited lang. Parang first time kasi namin, kasi ngayon lang kami makakapunta ni hubby ng magkasama sa bora. ;-)

I read sa last thread about Tonglen Beach Resort, ok daw at may pool... any comment? ok ba talaga? malapit lang ba sya sa beach at may mga mabibilhan ba ng supplies (groceries) at makakainan? SAbi malapit lang daw sa station 3, no idea kung ano ibig sabihin nun. Yun lang talaga ang main concern ko, tapos balak ko 2 nights lang dito then lipat kami ng Crown sa Station two sa last night ng stay namin kung saan pwede na lang kami mag staycation sa hotel... tutal marami naman magagawa sa Crown at hindi na namin kailangan lumabas para mag swim, relax na lang kami doon kasi byahe na kinabukasan. Para magamit ko rin ang vouchers ko. Pa-comment naman po sa plano kong pag stay-an. Thanks

rocky

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #17 on: May 20, 2013, 03:43:39 pm »
^station 3 yang tonglen sis, check mo review sa tripadvisor. hanggat maaari yoko sa station 3 kasi malayo sa kabihasnan. sa la carmela kasi kami dati nila sis jen halos border na ng station 2 & 3, pag kakain lagi kaming naglalakad papuntang d' mall. hehe! pag pabalik ng resort gutom na naman ;D

melmedrano

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #18 on: May 20, 2013, 04:00:39 pm »
ay ganun... hehe... naku malamang pagod ang anak ko nyan sa lakad... mahirap kasi pag napagod na sya medyo crancky na kaya di na makapag enjoy ng husto sa mga activities dapat makapahinga ng husto. Sige, hanap pa ako ng iba, sabi rin ng isang sis natin sa last thread, di maganda experience nila doon. haaay hirap maghanap ng hotel, oa din naman kasi ako september pa ang alis namin nag b-book na ako. hehe basta sure na ako sa crown sa last day namin... para stay lang kami sa hotel most of the time. pahinga galore! :-)

what about island nook? ok ba dun? nabasa ko maganda ang location, beach front din ba? lagi ba maraming tao dito?
« Last Edit: May 20, 2013, 04:10:03 pm by melmedrano »

rocky

  • Guest
Re: Boracay Thread 33
« Reply #19 on: May 20, 2013, 04:33:28 pm »
^maganda review ng mga sis natin jan sa island nook & member din dito sa GT si trondz (owner) kaya automatic may 10% discount ka. yon nga lang hindi beachfront pero ilang kembot lang din yata. ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close