watch now

Author Topic: we broke up..but she still talks to me..  (Read 2672 times)

jamberryknots

  • Guest
we broke up..but she still talks to me..
« on: May 17, 2013, 01:56:43 pm »
good afternoon mga sis
here's my situation now
may 12 - yung partner ko asked for space kasi she has to think that if she can still wait for me
may 19 - she told me na hindi na nga daw niya kayang mag-antay so we broke up
tuesday, wednesday, thursday nagiinitiate siya ng usap - eh ako naman addict sige lang din ng sagot hanggang hindi ako nakatiis last night i asked her ano na ba talaga kami?

ang sagot niya na hindi na niya kayang magcommit sakin kasi nga malayo ako at magtatagal pa ko dito...my reply was sorry i cannot be a friend to her at this point so better no totally wag na kaming magusap..

if you ask me now, gusto ko siya gusto ko kami talaga..pero parang anhirap ng gusto niya paano kapag tinopak siya iwan ako sa ere lang..sabi niya when she talks to me nalessen daw ang sadness kasi malungkot nga daw with everything that she's dealing with

LDR kami for the past two years although every year i go home two-three times..same -sex relationship siya so we are both girls my family is totally against it kaya ako nagabroad so i can have my own money din kasi nahihiya akong umasa sa family ko my dad eversince i went abroad is asking me to go back kasi anything i want pwede niya iprovide (pero nung time 2-3 years ago when they discovered i was in a relationship with her kinausap ako ni daddy ko kapag tinuloy ko daw ako na daw bahala sa sarili ko sort of like idisown niya ako)

when i go home i make sure we have time for one another kaya lang syempre bitin pa din

ang issue with her she has a crazy ex na super na-integrate na sa family nila so everyone din in their family wants them to get back together and they do not like me for her kaya naman sa lahat ng family occassions si crazy ex is there kasi invited talaga siya pati sa planning siya na


ang etong si partner ko has been suffering from ?lupus for like more than a year daily meron pain sa legs worst days she cannot even walk so me part na din na frustrated at mas malungkot at depressed na siya..sabi niya sakin feeling ko daw ba hindi niya kayang iprovide ang needs ko (she's able to do this naman) but personally ayokong umasa sa kanya plus yung mga kontrabida niyang family malamang andami ng nasabi sakin ivavalidate ko pa yun by being dependent on her

if you girls were in my position would you have done the same?

renrai23

  • Guest
Re: we broke up..but she still talks to me..
« Reply #1 on: May 18, 2013, 09:24:18 pm »
I have a close friend of mine na ganyan din ang naging situation nila. as in same talaga sa situation niyo but I forgot kung ano yung sakit ng partner niya. ang ginawa nila, nag usap sila ng masinsinan nung dumating dito yung friend ko then nagkaunawaan naman sila na antayin ng partner niya ang friend ko at pag financially stable na yung friend ko tsaka na sila magsasama. di rin kasi tanggap ng parents nila both side kaya ang ginawa nila nag tiis talaga sila at nag antay talaga yung partner niya. kung mahal niyo talaga ang isa't isa, walang sinuman ang makakapaghadlang sa inyo at gagawin niyo lahat para lang sa inyong dalawa. papasok dyan ang sacrifices, trust (lalo na LDR din kayo tulad ng friend ko) and wag mawalan ng communication hanggat maaari. pag nakahanap ka ng tyempo na pwede kang umuwi para makasama si partner, gawin mo yun.

naniniwala ako na malalagpasan niyo yan.

jamberryknots

  • Guest
Re: we broke up..but she still talks to me..
« Reply #2 on: May 18, 2013, 09:38:43 pm »
wow nakakainspire ang story na nishare mo..ang problem kasi sakin she's sort of giving up na kasi nga hirap na nga siya being all by herself i mean yes she has her family pero parang no one is "taking care" of her parang ganyan
inisip ko lang baka naman kakapilit ko for us to stay together lalo lang ko siyang mapahirapan
good thing for your friend na pareho sila na nagcommit to make the relationship work sakin kasi most of the time feeling ko ako lang
i'm going home in june for a vacation ewan ko na lang din ano pa ang mangyayari

renrai23

  • Guest
Re: we broke up..but she still talks to me..
« Reply #3 on: May 19, 2013, 03:11:53 pm »
naku. what a coincidence! :) ganyan din ang partner ng friend ko. she thinks that she's a loner and walang pakialam yung family niya. parang you and me against the world yung sakanila. why don't you ask her kung nahihirapan ba siya sa kakapilit mo sakaniya. lahat ng problema, nadadaan sa manganda at mahinahong usapan lalo na in a relationship. wala po ba kayong trusted friend na pwedeng tumulong sa inyong dalawa para mas maunawaan niyo at maayos ang problema?

jamberryknots

  • Guest
Re: we broke up..but she still talks to me..
« Reply #4 on: May 19, 2013, 03:47:22 pm »
sis hindi kaya friend kita haha joke :)

meron kaming common close friends pero ewan ko parang nahihiya na din ako to share what we are going through kasi aprang it's a cycle na although etong huli parang i can really feel na she is slipping away and etong partner ko din minsan parang "sinisita" niya ako kapag nagshare ako ng misundertsandings namin sa mga friends sasabihan niya ko na "nagkwento ka pala kila ganito na nagaway tayo" sabi ko naman bakit masama bang magshare eh kasi need ko din naman magvent out..


lagi ko siyang sinasabihan na if ever she cannot take it she has just to tell me and i will accept it pero ewan ko meron akong kakulitan talaga kapag ganun hihirit pako ng is this final wala na bang magagawa to fix this and then magkakaayos kami tapos after some time totopakin na naman siya

the decision kasi to move here ako lang nagdecide medyo bago pa kami non din hindi ako sanay na nagconsult ng decisions ko with another person so isa pa yan sa medyo "sumbat" niya sakin na eto daw pagpunta ko dito wala man lang daw siyang nasabi basta daw umalis na lang ako

renrai23

  • Guest
Re: we broke up..but she still talks to me..
« Reply #5 on: May 22, 2013, 07:56:09 pm »
wahahaha! yah. maybe. you'll never know. haha. just kidding. :)

gets ko na siya. kumbaga gusto niya lahat ng gagawin mo kailangan mag-consult muna sakaniya? tama ba ako? naku hirap nga niyan! pero sabi nga nila ganun talaga pag mahal mo ang tao. susunod at susunod ka talaga para lang maiwasan ang away/gulo. kaya siguro ganun siya dahil ayaw niya na mapagusapan kayo ng mga friends niyo kasi minsan sa mga kaibigan di talaga maiiwasan na may sasabihin sila about sa relationship niyo diba? or may insecurities siya? something like that.

alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon. mahirap ang sinusumbatan ka at lalo na LDR pa kayo. kung may maitutulong lang sana ako pero syempre i know that you can handle this and i trust you. :)

pero ang kailangan lang talaga kasi ay marealize niya yung nararamdaman mo at ang hirap ng pinagdadaanan mo. syempre i know naman na gusto mo siyang makausap at makasama diba? kaso may mga challenges or instances talaga na dumadating sa buhay natin na kahit pilit nating iwasan ay di talaga natin maiwasan.

CELPOBRE

  • Guest
Re: we broke up..but she still talks to me..
« Reply #6 on: May 28, 2013, 12:48:00 am »
andito naman ako, wag ka ng malungkot   :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close