watch now

Author Topic: I am a soon to be madrasta.  (Read 6003 times)

JINJIN:*

  • Guest
I am a soon to be madrasta.
« on: May 13, 2013, 02:48:39 pm »

My bf now is a widow with 12 year old daughter. Sa nakita ko, they have a very very good relationship. Daddy’s girl siya talaga ever since. Minsan nag tithree way kami, ako, boyfi chaka si daughter and I hear na she is not fond of her dad seeing any girl. So alam ko naman na it is not me but its her. Hindi pa siya ready eh, naiintidhan ko. Her Mother struggled with cancer for 8 years and they had been through hard times and it was always been just my boyfi and the daughter. So super super close talaga sila. Sabi ni boyfi, hindi naman daw mahirap kunin ang luob ni daughter pero para sa katulad kong walang experience mag-alaga ng bata (dahil bunso ako sa magkakapatid) at walang kahilig hilig sa mga child like things (playstation, eating ice cream, kikay stuff…goofing around) eh mahihirapan talaga.
I am willing to adjust and to do everything para lang makuha ko ang luob niya. So ano nga ba ang gusto ng isang 12year old kid nowadays?
TIA!

raspberryglace04

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #1 on: May 13, 2013, 03:16:41 pm »
good luck sis! all the luck in the world for you... you might need it.

ako madrasta din, may 2 anak husband ko from his previous marriage, isang indifferent na son at isang uber malditang babae. buhay pa ang biological mother at iniwan silang mag-aama years before my then-bf and i met. pinadalhan na lang ng divorce papers nung babae ang then-bf ko at inayos nalang namin annulment niya bago kami ikasal kasi nga di naman honored and divorce dito. since naghiwalay sila sa bahay ng parents ng husband ko sila nakatirang mag-aama with his unmarried sister.

mag-bf palang kami ang dami ko ng red flags na nakikita. 14-13yrs old yung 2 anak ng husband ko at that time. yung stepson ko wala naman talagang problema saken. yung malditang kapatid nya ang uber sa dami ng drama sa buhay! kasi naman yung lola (nanay ng husband ko) na nagpalaki eh kulang din sa halimbawa. dasal ng dasal at simba ng simba pero baluktot naman ang takbo ng kukute!

imbes na silang matatanda ang magpaliwanag dun sa mga bata ng sitwasyon na hirap silang intindihin, they instilled in the minds of the kids na 'ibang tao' ako. ang tawag nga saken ng malditang anak ng asawa ko eh 'yang babae mo'.

kasi naman binigyan sila ng ilusyon ng lola nila na valid and binding pa ang kasal ng tatay at nanay nila kasi nakakuha pa sila sa NSO ng marriage certificate na walang anotation na null and void na. ang pinalalabas nila eh peke annulment at kasal namin! sarap lang talagang sampal-sampalin ang mag-lolang yun hanggang matauhan!

imbes magpasalamat na walang annotation yung nakuha nila since kelangan dun sa petisyon ng mga bata, ginamit pa against me. can you imagine kung anong problema pa na-encounter nila sa US embassy kung ang isa-submit nila para sa petitsyon puntang US eh me nakalagay na annuled na? ang kikitid ng utak talaga!

nag-inquire pa tuloy ako sa NSO kung baket nga me nakukuha pa ngang walang annotation. at ang email saken ng NSO eh hindi palang daw naa-update ang record kasi within the same year lang naman pumasok yung desisyon ng korte at yung pagkuha ng marriage certificate.

nung nabuntis ako imbes matuwa ang asawa ko, like all fathers should, parang namroblema pa siya kung paano sasabihin sa mga anak nya. at true enough meron nga siyang dapat problemahin!

nung nalaman ng malditang anak nya na buntis ako aba nagpost ba naman ng mga mura at panlalait sa friendster account ng asawa ko where his officemates are his friends! tinawag pang tyanak ang batang pinagbubuntis ko!

at nung hindi ko pinalampas at pinatulan ko talaga ang walang modong impaktitang yun text ba naman ng nanay ng asawa ko sa kanya, baket ko daw pinatulan yung 'bata'! aba *censored* nila pareho! babastus-bastusin ako ng ganun-ganun wala silang pangaral na sinabi dun sa apo nila, tapos ie-expect nila na palalampasin ko lang??? neknek nila!

marami pang nangyari, ang dami ko pang tiniis... bottomline hanggang ngayon hindi ako tanggap sa pamilya nila. hanggang ngayon binabastos nila ang anak ko by not acknowledging him. sabi ko nga kahit ipa-DNA nila ang anak ko! pero kung tutuusin tanungin nga nila kung gusto kong maging kamag-anak nila ng anak ko? sana nga ampon nalang ang asawa ko at walang dugo nilang ipokrito at banal-banalan ang nananalaytay sa ugat nya!

recently, my husband took a stand. sinabi nya talaga sa nanay nya na kung hindi nila matatanggap ang pamilya namin eh di wag! wala na din siyang obligasyon sa kanila. it took him 7yrs to grow a backbone, but at least he has grown one.

don't get me wrong, hindi ako ang unang nambastos, pinilit kong makisama, lahat ginawa ko to earn their approval and respect... pero talagang walang nangyari. kaya ngayon binura na namin sila sa buhay namin and all i can say is good riddance! at least hindi na ako forced makipag-plastikan every time i see them at family gatherings. ayokong-ayoko pa naman sa plastik!

 








JINJIN:*

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #2 on: May 13, 2013, 03:47:43 pm »
^^ kinabahan naman ako sayo story mu sis..hindi ba sabi mu 14years old lang yung malditang babae...eh bata pa yun diba..bakit ganun siya mag isip?

Si daughter naman saken, mabait kase maganda ang pagpapalaki at muka naman kakayanin ko. Hindi naman siya maldita, yun nga lang binabantayan talga niya ang daddy niya. She is even ready to have a date with me on Saturday, just the two of us. Yun nga yung dilema ko, pano ba makikitungo sa isang 12 year old daughter?

Hayss sis wag naman sana umabot ako sa ganyang kwento diba.

raspberryglace04

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #3 on: May 13, 2013, 04:08:54 pm »
congrats sa yo kung ganun sis! nakalimutan ko lang i-add na nasa pagpapalaki yun kasi na-carried away na naman ako sa pagre-reminisce ng mga tiniis ko. buti nga hindi ako nakunan eh... lampas-tao kaya ang sama ng loob ko that time. dagdag pa na hindi ako maipagtanggol ng husband ko sa kanila kasi nga wala pang backbone!

imagine hindi naman ako pinulot sa basura, graduate naman ako ng UP, i was gainfully employed, i had my own money and stuff kasi i was already living on my own in an apartment, tapos kung mata-matahin ako ng nanay ng husband ko akala mo pinulot lang ako sa pusali.

eh samantalang single ako... yung anak nga niya ang may baggage. ako pa nga nagbayad ng pang-annulment nya. tapos kung maka-asta sila akala mo naka-jackpot ako sa anak nila. still nakisama ako, nagpakababa ako...pero to no avail! matapobre at ipokrito talaga sila. sabi ko nga hindi man lang mahiya sa Diyos! eh dasal pa ng dasal at simba ng simba mga yun ha!

kung okay naman ang pagpapalaki sa magiging step-daughter mo at nakausap na siya ng maayos ng daddy nya about you, eh swerte ka! all you have to do is follow-through. be her friend and assure her that she is still his number one girl. na hindi ka makikipag-kumpetensya pero makiki-share ka lang because you both love the same man. tingin ko yan ang number one insecurity ng anak na babae ng lalakeng mag-aasawa ulit. feeling nila inaagawan sila ng pwesto.

dati sinabayan ko pa mga trip ng anak ng husband ko... i really tried to win her over. i was buying her kikay stuff and even served as her alalay nung nag-prom siya. pero abusada talaga ang bruha! nag-feeling talaga na alalay lang ako! sana nga sinunog ko buhok nya nung inaayusan ko siya!

tapos pabili ng pabili... kasi ang sabi ba naman ng lola nya eh kesa daw maubos ang pera ng daddy nila (who was only newly employed sa callcenter and earning a meager 15k in basic salary) sa 'ibang tao' eh sa kanila na lang. haler i was earning 40k at that time, i had my own money! ako pa nga ang madalas manlibre! ay naku red flag talaga! dapat hindi ko in-ignore...oh well it's history.

one time na-confine ako ng 3 days sa medical city. that time pareho na kami ng ofc ng husband ko sa callcenter. i had my early retirement money plus i had my own HMO and philhealth kahit pwedeng dependent lang nya ako... so covered lahat. still, i used my own money to pay for overnight parking for the car i bought, again with my own 85k na winidraw ko pa sa savings ko bago ko ibayad sa brother nya na nagba-buy and sell ng kotse.

kakauwi ko lang sa bahay namin (na kinuha kong rent-to-own sa pag-ibig and under my name) at pumasok na asawa ko nung tumawag yung malditang anak nya. sabi ba naman saken ang arte-arte ko daw, sipunin lang ako nagpapa-ospital na ako, kaya daw nauubos ang pera ng tatay nya! hindi ko alam kung hihimatayin ako sa galit o pagka-bigla! kasi how can they even think na saken nauubos ang pera ng tatay nila eh may sarili akong pera from my retirement at nagwo-work na din ako sa callcenter.

ang kapal talaga ng mukha!!! pera ko nga ang nauubos eh! kasi ako pa nagbayad ng pa-annul ng tatay nya para lang makapagpakasal kami! nung-nag-hong kong kami sagot ko din lahat! at all throughout our civil wedding eh naka-busangot ang malditang yun sa mga pictures! bwisit talaga!

oh well, nakaka-karma na naman sila... ilang beses na silang nag-aaway ng nanay nya sa America at one time eh tumawag na ng pulis nanay nya at pina-pulis siya! serves them both right! kasi nung nag-reach out ako sa ex-wife ng husband ko about yung pambabastos saken ng anak nya (kasi psychologist yung ex-wife) aba ang sabi lang eh it is pretty obvious na she does not accept me daw at wala siyang magagawa about it. isa pa siyang bwisit! hindi naman ako nagpapa-accept... respeto lang ang hinahanap ko, or at least common courtesy kasi me pinag-aralan naman siya! mga madre pa nga teachers niya sa immaculate heart eh!

recently, nanganak si maldita out of wedlock at good for nothing yata ang ama ng bata... so unwed, single mom siya. sana maging kasing-maldita nya anak nya para maramdaman nya lahat ng naramdaman kong pambabastos nya!

sabi nga no need for revenge... karma will take care of everything. tama naman! pati nanay at tatay ng asawa ko naka-karma na... and all i can say is they deserve every bit of it!



« Last Edit: May 13, 2013, 04:20:42 pm by raspberryglace04 »

JINJIN:*

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #4 on: May 14, 2013, 07:09:12 pm »
tangos sis ang galit at sama ng luob mu sa junakis no..

ohh well..siguro nga they deserve all that is happening to them. eh ikaw sis...hindi ka parin ata nakamove on kay step daughter.

Kausap ko si boyfie kanina and plano ko sana i-cancel yung date namin ng step daughter, sabi ko kase hindi pa ko ready. Kaso sabi ni boyfie, ok na daw yun, madali lang naman daw. At kaya ko daw ang anak niya. Tinuruan naman niya ko ng way kung papaano.
Although alam ko simula palang to and it will be a long process. Tama ka, depende sa pgpapalaki ng magulang. Sana lang talaga hindi ako mahirap.

mslcgrey

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #5 on: May 14, 2013, 08:24:25 pm »
^ sis, at around 12 years old ako nung may pinakilala papa ko sa amin na girlfriend niya. hindi patay mom ko at hindi rin annulled ang marriage nila, they are not even legally separated, basta hiwalay lang sila.
at that time, wala akong naramdaman na hatred or animosity towards her. lumaki kasi kami na laging away bati ang mga parents namin and at that time, all i can think about is mas okay ng hiwalay sila kaysa lagi silang nag-aaway. so we accepted her. she even took us (kaming magkakapatid) in a date. we dine out, watch a movie and nag-ice skating sa megamall.
hindi kami pinalaki na mambastos ng matanda sa amin so i guess that is a factor and also in my case, accepted ko ng wala ng chance ang mom and dad ko na magka-ayos talaga. so we accepted her. nung tinira siya ng papa ko sa bahay, hindi rin ako nagreklamo.
of course by the time na nasa 3rd year hs na ako eh medyo nag-rebelde ako. well, that time, gusto ko lang yung laging nasa labas and with my friends. may mga times na nag-aaway kami ng papa ko and i know minsan may nasasabi ako na hindi maganda against her. though during those time rin, medyo nagbago siya. she sort of got addicted to tong-its. tapos kaming magkakapatid, super tipid pero silang mag-ina hindi. like for example, bibili siya ng sardines sa tindahan. sinabi niya sa tindera na para sa aso yun but ulam namin yun. may time kasi na nagkaproblem kami sa financial so accepted na tipid mode but ang tanda ko basta kami kami lang very simple ang ulam like sardines, egg but kapag andyan si papa mas masarap.
i guess siguro make sure lang na hindi mo sisirain yung relationship niya ng dad niya. don't treat her as second class to your own children if ever. you don't have to be a mom to her but a friend maybe. don't be pushy also. let her know you and ikaw din make an effort to really know her.

Kady_14

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #6 on: May 14, 2013, 09:17:57 pm »
I'd say, get to know her sis. Ask your bf ano ba ang mga gusto ng daughter nya, as in ipa fully describe mo. hehe. May mga pamangkin kami ni hubs na around that age na ang mga gusto nila si Daniel Padilla, 1D (One Direction), Justin Bieber etc. mangolekta ng Jansport and colorful Chucks, bigyan mo ng gift. Or maybe she's into collecting stuff, start from there.

You can never replace her mom, make sure she knows that alam mo yun and ang goal mo is more of a "cooler version" more of a friend. Siguro maganda kapag nagmeet kayo kausapin mo siya and try to be her friend, isipin mo na kasama to sa package na gusto mo, kaya kailangan mo mag-effort. That is if you really love your BF.

If eventually Ok na ang relationship nyo, from time to time check mo din na BF still spends time with her or kung Ok ka na 3 kayo, sama mo siya sa dates nyo. Mukhang yun lang naman ang kinatatakutan nya eh, iniisip nya siguro nawalan na nga sya ng Nanay, this time naman Dad naman nya baka kunin mo pa. Ipakita and ipa-feel mo na di mo naman kukunin Daddy nya. Goodluck sis!

HTH
« Last Edit: May 15, 2013, 12:09:58 pm by Kady_14 »

raspberryglace04

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #7 on: May 14, 2013, 11:00:45 pm »
sana nga sis wala yang lolang kontrabida na nagpalaki sa kanila. kasi imbes talaga ipaunawa ng parent ng asawa ko ang sitwasyon lalo nilang fina-fan yung flames at isinisiksik sa utak ng mga anak ng asawa ko na 'mawawalan' sila. tapos naman ng college at engineer pa nga tatay ng husband ko, pero ewan ko kung baket ganun ka-kitid at ka-baluktot ang pag-iisip nila.

tapos ngayon pati anak ko na anak naman ng anak nila idadamay nila? ni wala nga akong itinuro sa anak ko kundi gumalang at mag-behave pag nandun sa bahay nila. grabe talaga, grabe... may they rot in hell! 

ewan ko ba pero ang lakas talaga ng insecurity ng pamilya ng asawa ko saken. total opposites sila ng pamilya ko na tinanggap ng buong-buo ang husband ko, kahit ni hindi sila nagbigay ng respeto na mamanhikan samen.

at nakikita na lahat ng husband ko ang irony sa ugali ng pamilya nya, kaya nga he took a stand na. aba naman, ayaw saken tapos tanggap na tanggap yung may asawang lalake na naka-buntis sa paborito nilang anak??? and all this time ang image nila eh madasalin at palasimba??? may mali di ba? nagalit pa nung pinagsabihan ng pari yung anak nilang disgrasyada na she is committing a sin nung time na inaayos yung binyag ng bastardo nilang apo. and even up to now tuloy ang pagiging kabit ng anak nila, and they are okay with it? 

ang lamang lang nung may asawang lalake na welcome na welcome sa kanila eh may pera yun... may shop ng cellphone daw sa megamall at may ibang negosyo pa yata. kaya kahit gawing kabit lang yung unica hija nila eh sige go na? well, that is a part of their karma. masyado kasi silang ipokrito at matapobre.
 

nessy

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #8 on: May 15, 2013, 07:36:43 am »
TS, ang partner ko may anak sa previous relationship niya. Hindi pa na-annul marriage nila. Well, that is a different story. Regarding your question, madali lang naman makisama sa mga stepdaughters/sons eh. Though I agree kay sis raspberryglace04, depende kasi ang mindset ng mga bata kung ano ang in-instill sa utak nila ng mga taong nakasama nila while wala silang Mommy.v Ako, okay ako doon sa mga anak ng partner ko kaso ang ayaw ko lang sa kanila tamad. Kasi naman hndi pinapakilos ng Nanay nila sa bahay. Pero other than that, wala na. Tahimik ang mga bata at takot kasi sa Daddy nila kaya siguro wala rin akong naririnig sa kanila. Ewan ko na lang pag nakatalikod na ako, Hehe. Sa Family naman ng partner ko, minsan okay minsan hindi. Pero I guess normal lang iyon. I mean, minsan kasi may mali rin ako, aminado ako. Pero naman pag ako ang tama talagang pinaglalaban ko ang sarili ko. I can say na may backbone si partner kasi pinagtatanggol naman niya ako sa family niya.

Regarding on how to deal with His daughter, For Her siyempre, No one can replace her mother, iyan ang nakasaksak sa pag-iisip ng mga yan kaya wag ka masyadong pushy sa kanila. Tamang barkada ka lang dapat. Try to give her hilig but not to the extent na spoiled na. Be more of a friend that a threat. Kasi baka magkaroon ng impression yan na kesyo baka agawan mo siya or i-replace ang Mom niya, No. Wag ganon.

Goodluck sa yo,Sis.

JINJIN:*

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #9 on: May 15, 2013, 03:58:59 pm »

hayss...me pagka dominante pa naman ako. baka ma dominate ko siya..scared din ako. Aware din naman ako na baka mawalan sa kanya ng time ang Daddy niya, kaya lagi kong sinasabi na baka sobra na ang inispend niyang time saken at nakakalimutan na niya ang anak niya. scared din ako na baka masyado ko siyang mahalin at maari ko na aken, eh totoo hindi naman siya magiging totoo kong anak, baka nga ma manduhan ko ang buhay niya. Pero ang maganda neto, narinig ko na from you sisses ang mga bagay na pwedeng mangyari at least magiging aware ako sa mga kilos ko diba.

thanks mga sisses!!!

mrs.boeck

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #10 on: May 15, 2013, 07:37:19 pm »
I have a step mother and I can say na naging miserable talaga ang buhay namin sa kanya. My mother died and after 3 years, pinakasalan yung step mom ko ng papa ko. Tatlo pala kaming magkakapatid na babae and our youngest sister was only 5 years old nung una namin siyang nameet. Pinalaki kami ng maayos ng mama ko at well trained kami sa gawaing bahay. During their first year, okay pa siya samin kasi hindi kami magkakasama sa isang bahay. Pinapadalhan niya kami ng food, things we need in school etc. Akala namin nung una, buntis siya pero nung 9th month na, nalaman na hindi pala bata ang laman ng tiyan niya kundi may myoma siya. I really don't buy the reason na hindi siya nag pa ultrasound kaya di niya nalaman na hindi pala bata ang laman ng tiyan niya (gusto daw niya kasi surprise). Kasi unang una, midwife siya at kahit hindi naman magpa ultrasound, may mga movements naman si baby sa tiyan diba? Kaya non-sense talaga yung reason niya. Later on we found out na may kinausap pala siyang buntis na yun dapat yung batang ibibigay sa kanya kaya nagpanggap siyang buntis. Pero last minute, nagback out yung nanay.

After that incident, kinuha na kami isa isa ng papa ko sa lola ko. And dun nagstart yung pagiging miserable ng buhay namin. Some said na insecurity din yung cause bakit siya nagkaganun dahil nga sa hindi sila biniyayaan ng anak. Hindi niya kami nirerespeto, lagi niya pinapalabas sa papa ko na nagsisinungaling kami, pinapakialaman niya lahat ng gamit namin ultimo bag namin at wallet, hinahalungkay niya. Pati pananamit namin, bra at panty, sinasabi niya kung ano susuotin. Sa madaling salita, mas malala pa siya sa mama ko. After namin linisin yung bahay, hahawakan niya [textspeak!] mga lamesa, drawer tapos pag may alikabok sasabihin niya "anung klaseng linis to? Linis p_ke!" Para talaga kaming katulong. Kahit hindi kami magkwento sa kapitbahay, alam nila lahat ng nararanasan namin sa step mother ko kasi naririnig nila. Minsan lumalaban ako pero sa huli, ako din nag bababa ng pride kasi papa ko yung naiipit sa sitwasyon. galit na galit siya sa youngest namin kasi kamukha ng mama ko. Nandun na tinawag niyang idiot sa harapan namin ng ate ko pero wala kaming nagawa. At madami pang bad memories.

Ang mapapayo ko lang sa magiging step moms dito, irespeto niyo at igalang ang mga step children niyo. Huwag kayong lalagpas sa boundary ng relasyon ninyo. At huwag naman sana na siraan niyo  sila sa ama nila para lang maging bida. Mahirap talaga para samin na isipin na may papalit sa tunay namin ina. Kaya we also need your understanding if at some point, naging matigas ang ulo namin.

raspberryglace04

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #11 on: May 15, 2013, 11:09:36 pm »
^naku sis buti nga sana kung katulad mo yung impaktitang anak ng asawa ko. kaso super hindi talaga! well, umpisa palang naman ang description na sa kanya ng then-bf ko eh 'maldita'... so siguro i should not have expected na magiging mabait siya saken. siguro masyado akong nag-expect kasi ako naman din lumaki na me step-father, di pa nga legal kasi hindi naman sila kasal ng mother ko.

in my case, since i grew up without knowing my father, sabik na sabik akong magkaron ng tatay kaya i welcomed my 'tito' with open arms talaga. i was in grade 3 siguro when he came into our life. nagselos lang ako kasi talagang buhos na buhos ang atensyon at panahon ng nanay ko sa kanya. may time pa nga na i stayed with my grandparents habang magkasama sa bahay ang nanay ko at stepdad ko.

pero never, as in never ako nambastos, nagtanim ng sama ng loob o nagrebelde. i fully understood my mom's need to pursue her own happiness. so i guess i expected na magiging ganun saken yung mga anak ng husband ko, especially since wala naman silang relationship with their mom whatsoever kasi mga bata pa talaga sila nung iniwan sila.

i also thought hindi na ako magkaka-anak, kasi 32 na ako when we got married, kaya sabi ko sa sarili at least me instant family ako. boy was i sooooooooooo wrong.

being involved with my husband's family is the worst nightmare i could get myself into. napaka-laking pasan-krus talaga nila. even up to now. worse pa nung first few years namin kasi hindi man lang talaga ako maipagtanggol ng husband ko sa family nya kahit nakikita naman niya kabastusang ginagawa saken ng malditang anak nya. i guess, feeling nya he was caught between a rock and a hard place.

buti nga ngayon he is standing up for us. kaya family life is easier. nagising na siya sa katotohanan na ipokrito at matapobre talaga ang pamilya nya at talaga namang ang baba ng tingin samen to the extent na binabastos na talaga kami. well, sabi nga 'you get treated by the way you let others treat you'. so kung pababayaan mong maliitin ka lang at bastos-bastusin eh it won't stop.

ceejhei

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #12 on: May 16, 2013, 04:00:29 pm »
TS JINJIN, tama yung isang sis, tell her na you will never ever replace her mom pero assure mo sakanya na you can be her best friend.
like all the girls, if kikay siya, go shopping! tell her to ask you a question and then if she got it right she will get a treat from you,
kunwari, favorite color, yung mga common lang, kahit mali sagot niya tell her that's one of your favorite. buy her a pair of new shoes
or kung anong gusto niyang damit. then talk about something that you guys have in common. mukhang mabait naman si girl
kaya advantage mo na yan. never ever bring out the topic about her late mom kasi malulungkot siya, unless siya ang mag simula.

have fun! and pray a lot. =)

vbhyaknoj

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #13 on: May 16, 2013, 06:01:24 pm »
Hi sis..make her feel na nadadagdagan naman ang magmamahal sa kanya and wala syang kaagaw sa pagmamahal ng tatay niya sa kanya.

Kady_14

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #14 on: May 16, 2013, 08:41:24 pm »
mrs. boeck - na sad naman ako sa kwento mo sis. Parang Cinderella, evil step mom.

mrs.boeck

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #15 on: May 17, 2013, 03:36:37 pm »
tama ka sis. mala cinderella story talaga kami. ang difference lang, kahit tatlo kaming magkakapatid, wala kaming laban sa kanya kahit pa wala silang anak. there was even a time na my younger sister when she was about 8 or 9 years old, she does not talk anymore kasi nga sobrang dinadown ng step mom ko yung pagkatao niya sa murang edad niya na yun. my father decided then na iuwi na lang siya sa lola ko. it was so painful to me and my ate. why? kasi nung namatay mama ko, my younger sister is only 3 years old. tapos my mother was already bedridden for more than a year so mga 1 1/2 years lang siya talaga naalagaan ng mama ko. sabi ng mama ko, huwag na huwag daw namin papabayaan yung younger sis ko kasi nga sobrang bata pa niya pero ayun, since wala kaming laban, naging ganun.my younger sister does not know how to cook, how to iron her clothes, or how to wash her clothes kasi nga bunso namin at kami ng ate ko yung gumagawa ng mga ganun. kaya sobrang kawawa talaga siya nung naglive siya with my lola. nung lumaki na kami, nagdecide na si papa na kunin na siya ulit sa lola ko at since malaki na siya, tinuruan ko siya na lumaban kapag sa tingin niya mali yung sinasabi ng step mom ko. akala nga namin magbabago na pakikitungo niya sa younger sis ko pero hindi pa din pala. every time na malapit na yung birthday ng younger sis ko, gumagawa siya ng paraan para mag kagalit sila so ang ending, walang celebration. yung isa sa hindi ko makakalimutan eh nung 2008 ata yun. mga 2 days na lang birthday na ng kapatid ko tapos since yung kapatid ko nauunang umuwi sa bahay from school, siya naglilinis ng house namin kasi nga ayaw ng step mom ko na maalikabok. eh yung sister ko sobrang pagod siguro sa school, hindi nagising agad from siesta at naabutan siya ng step mom ko na naglilinis pa lang (gusto nun pagdating nakalinis na kami ng bahay). ayun, kung ano ano na sinasabi niya kesyo tamad kesyo tulog ng tulog. hanggat sa nagaway na sila. Nung nagcollege na yung sister ko at ako nag wowork na, sabi ko  ako na magpapaaral sa kapatid ko kasi mas gugustuhin ko na huwag silang maglabas kahit singkong duling sa kapatid ko dahil baka isumbat niya pa yun. at kinuha ko na din younger sis ko sa bahay at sa aming magasawa na siya nakatira ngayon.

lahat ng stories ko sa younger sis ko pero may mga experiences din kami ng ate ko. i even think we were abused emotionally and verbally by her. pero mas matatag kami ng ate ko kaysa sa kapatid ko kaya nung natuto na kaming lumaban, we made sure na to protect her. hay habang nitatype ko to, naiisip ko mga pinagdaanan ko sa kamay niya. the reason why i got married at the age of 21 eh gusto ko talagang makaalis sa poder nila ni papa kasi yun lang talaga way out ko. hindi naman ako nagsisi kasi naging maganda naman buhay ko sa hubby ko. kaya naniniwala ako na pag nag pray ka lang, darating din ang magandang buhay para sayo.

Msfi

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #16 on: May 17, 2013, 04:37:53 pm »
sis jinjin,  ok nga na makuha mo yung loob nung bata but mas importante na magkaron kayo ng understanding na you're not there to replace her mom, but to continue what she can't do for anymore if she'll allow you to.  Magiging mahirap yung situation nyo lalo na if magkaron ka ng sariling anak, but don't ever make her feel na she's an outsider.  Always reach out to her, make her feel that she belongs in your family, that she is now your daughter.

Also, this early tanggapin mo na din na kahit anong gagawin mo sa stepdaughter mo, she will still think and wish for her mom. Nakakaselos yun pero support her na lang at wag mong pagseselosan, support her din kung kaya mo. You can remind her kung birthday, death anniversary or any occasion na she needs to think of her mother maybe buy flowers if she wants to visit her grave.

Yan kasi ang mga hinahanap ng niece ko sa stepmom nya, mabait yung bata pero laging left out sa kanila.  Madalas umalis yung mag-anak di sya sinasama.  Pinagseselosan din kahit picture lang.

JINJIN:*

  • Guest
Re: I am a soon to be madrasta.
« Reply #17 on: May 21, 2013, 06:24:32 pm »
I met the girl and she is sweet naman. Kita ko naman na kaya kong kunin ang luob niya. At boyfie naman eh super suportive at talagang gusto niya na kaming dalawa lang nung bata mag kamoment para daw magkakilanlan kami. Ang sabi ko naman wag muna niya kaming iwan dalawa lang kase pareho kaming nangangapa. Gusto ko kase na kung maging close kami, gusto ko na natural way at hindi pinilit. I am open to the idea na mahalin as my own, matagal narin ako nag long na mag kaanak, im turning 34 na kase so dapat talga meron na. Yun lang malaking adjustment talga. Nakita ko rin na she needs a mother figure talga kase parang hindi pa siya confident sa sarili niya, gusto ko siyang suklayan ng buhok, gusto ko siya isama sa shopping ko at kung ano ano pa. Hindi ko palang magawa dahil sa totoo i am scared of rejection din, baka kase ayaw niya. Maganda yun una naming meet-up dahil when I hold her wala naman refusal sa kanya, at hindi ko na feel na ayaw niya na hinahawakan ko siya. I am just scared na mahalin ko siya ng sobra na in the end eh hindi naman talaga siya magiging aken. Its still too early to say, but to all the sisses here, nakuha ko ang point nyo ang I can assure you than I will never be an evil step mom. i also grew up with an evil step mom so i know how it is kaya din nga kampante si boyfie na i will be a good partner for him kase nga Ive been through the same. wish me more luck and more love and more patience sa relantionship namin na "its complicated"

 

Latest Stories

Load More Stories
Close