watch now

Author Topic: NEWBORN CARE Thread 6  (Read 123865 times)

sassysazha

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #120 on: June 17, 2013, 05:24:50 pm »
^^ganun pala yun. Ang dami kasi namin maglagay ng baby wash kasi di mabula yung physiogel. Kaya pala parang napansin ko dry yung skin sa bandang tummy saka legs ni baby. Pero sa face super konti lang naman namin maglagay pero andun yung mga rashes ni baby. Di ko alam kung baby acne ba yun or what.

lenjei

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #121 on: June 17, 2013, 05:55:04 pm »
^^thanks sis!

Si baby konte lang pag maglagay ng physiogel kahit nun cetaphil or aveeno,pero nagrashes pa din ata sa aveeno,tapos nagkacradle cap pa sya.

annalyze462

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #122 on: June 19, 2013, 11:42:18 am »
Ok lang ba sa baby ang makalong? Iyak ng Iyak [textspeak!] baby ko pag nilalapag eh. He's three months now. Kakapagod na.

lenjei

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #123 on: June 19, 2013, 01:44:35 pm »
^basta ingatan mo likod at ulo nya sis. Try mu din lagay sya sa unan tas sa lap mo,tas ugoy m0 lang.si baby gusto yun.

Madelskie

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #124 on: June 19, 2013, 02:45:08 pm »
re: physiogel - okay cya kay Marcus since ginamit namin cya before cya mag-2 months. Nagka-rashes kasi cya and I want my baby's face to be clear bago yung dedication nya. Good thing effective naman, he's turning 4 months sa 25th and continue pa rin paggamit namin. :) For the wash namin, we're using cetaphil. :)

re: pagkalong - wag munang kalungin si baby kasi baka ma-pwersa yung balakang nya. Si baby ko, inuupo ko cya sa lap ko pero I make sure na naka-lean cya sa katawan ko for support tapos medyo naka-slant or slide position. :)

Dumapa na si Marcus 1 week before his 3rd month. Tapos 3 months and 2 weeks, naitatayo na namin cya. Ang lakas ng legs! :D Everyday kasi ine-exercise ni Nanay yung legs nya. Massage mula sa hita hanggang sa tuhod down to his legs. Nakakatuwa kasi as per his pedia, advanced yung development ni baby :)

newbeymum

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #125 on: June 19, 2013, 04:30:25 pm »
Hello to my fellow sissies here. Im a new mom kaya ang dami ko talagang orsning momentd. Teice ko pa nga nasigud si baby sa er nun isa 1 week old sya tapos parsng 2 days after ulit binalik komsa er dahil nag sinuka nya yun milk nya as inprojectile na suka hah. Sompinalitan yun milk nya una milk nya enfalac a+ , then naging s 26 gold ngayon naka nan 1 hw na sya.. May iinstances na nag suka pa rin sya ng milk pero sabi saken wag daw ako mag panic st lungad lang daw yun. Kaso i cant help it but panic eh kanina nag suka ulit sya ng milk nya.. Tapos ngayon medyo naprapraning ako kase habang nakahuga sya gising sya napansin ko bumubuka mouth nya na parang gusto sumuka ano yun? Pero wala naman di sumuka takot ako di kaya na chochoke or hirapan huminga? Di ako actually makalapit kay bebe at mag hands on malala ubot sipon ko naka antibiotic na ako kaya pasilip silip lang ako kaso sinusumping ang kaba ko pag may nakikita ako kakaiba eh pls advice at ngayon pala ayaw pa matulog si bebe ko mababas tulog nya and she is only 3 weeks old ganun ba talaga paiba iba sleep pattern nila?

lenjei

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #126 on: June 19, 2013, 05:00:14 pm »
^sis,ganyan din baby ko dati. Nakabf pa kami first 2m0nths nya. Lakas din maglungad o suka,worst may lumalabas pa sa ilong. Kontian mo muna milk per feeding nya then always burp tas elevate mo din ang head kung tingin mo nahihirapan sya. Baka kasi busog..

newbeymum

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #127 on: June 20, 2013, 07:34:49 am »
Tnx sis lenjei for sharing your experience din. Sory dami typo error hirap pag cp lang gamit hehe. May coug ako napansin na kay baby ko and she is only 3 weeks old. Hindi naman madalas kaso lang may in a day may isa or dalawa sabi ni pedia viral lang daw yun kusa mawawala kaso worried ako baka naman lumala di nya bigyan ng meds. Di daw sya nag preprescribed nd meds pag ganyan pa kaliit kase daw yun mucolytic lalabas mucus di naman daw pa si baby mag expel ng plema oo nga naman kaso what should i do im worried.  :-[  sis sa may mga new born moms dito ano rin experience nyo sa sleeping pattern ng mga babies nyo? Kase saken kahapon the whole day ayaw nya matulog makatulog man mababaw lang samantalang sa madaling araw gising din so i was expecting tilog sya pagdating ng umaga. Bakit ganun? Iniisip namin baka may kabag? Ayaw din ng pedia na lagyan ko si baby ng mansanilla to ease the kabag not true daw. Strict na bilin ayaw nya talaga palagyan ng mansanilla. Nag babalat din na skin ni baby ko tinanong ko ulit si oedia can i apply physiogel lotion or cetaphil lotion wag din daw hayaan din daw kusa magbalat wag din hinilain kusa lang daw malalaglag yun.  Pls share your experience mga fellow moms im a praning mom kase first timer eh tapos tagal ko pa hinintay si baby. Kung familiar kyo sa name ko na newbeymum dati dati nasa ttc thread ako at 2 weeks wait... Thsnk you in advance mga mommies here..

foxy_girlfriend

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #128 on: June 20, 2013, 11:00:20 am »
sis i know your worries. pero I trusted naman my doc nung walang binigay na meds sa baby ko. Nawala din naman. Imonitor mo lang sis yung cough and cold pag 3 days meron pa din dalin mo na lang kay doc o kaya if you feel na nahihirapan na si baby.

Kasi ganun din sa kin hindi nagprescribe ng meds. pure breastmilk yung firstborn ko kaya tuloy tuloy ko lang breastfeeding ko sa kanya kasi hindi ko sya pwedeng bigyan ng water. magsusuka si baby minsan para ilabas yung phlegm.

Doc ko din ayaw ng mansanilla. sabi niya normal baby oil lang daw at manipis na application lang. nakakasunog daw ng balat kasi yung mansanilla lalo sa newborn.ayaw nya magtake ng risk.

pag may kabag naman si baby iyak ng iyak. maririning mo din sa tunog ng tyan nya if you tap softly.

Weird talaga tulog ng newborn, 3months na ganyan yung baby ko bago nag-improve ang sleeping habits.

The above are based on my experience sis, I hope it will give you a little peace of mind =)
« Last Edit: June 20, 2013, 11:03:57 am by foxy_girlfriend »

cerelina

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #129 on: June 20, 2013, 11:30:52 am »
^^hi sis if your pedia said no manzanilla wag ka muna mag apply nun however with us kasi mapilit mommy ko so she kept on using the aceite thank God walang burn sa skin ni baby, during the first month toxic talaga yan, grabe puyatan konting tiis lang mejo matagal nga lang yung wait lalo na kung puyat ka na pagod ka pa 1hr feels like eternity.

si baby ko before 7 days pa lang ma halak na we though sipon yun pala i just need to elevate her when she feeds, about naman dun sa physiogel and cetaphil i didn't ask for the pedia's approval because in the end ikaw pa rin yung mommy ni baby and kung ano yung feeling mo ok kay baby chances are ok nga kay baby. im not saying dont follow your pedia what im trying to say is ikaw as a mom should also decide kung ano yung tama para kay baby kasi hindi lahat ng sasabihin ni pedia hiyang kay baby. But then again its just my opinion  :)

also if you are breast feeding baby hindi nga sya dapat bigyan ng meds

With kabag nag prescribe yung pedia namin ng restime but baby was already 1 month old nun and nabawasan na kabag nya by that time. yung ginamit namin before 1 month as substitute for aceite was the warming oil ng jhonsons seems effective naman.

Regarding sa sleeping pattern ni baby try nyo idim yung lights ng room and not too cold baka kaya iyak ng iyak or ayaw matulog kasi hindi comfortable, you can also use soothing music mga lullaby or white noise which can be downloaded sa youtube. Good thing lang about my baby ever since inuwi namin natutulog talaga sya sa gabi iiyak pag gutom or may kabag pero mas mahaba talaga sleep nya at night yung light namin is just the light coming from a lamp shade and dati may music pa pag natutulog sya hanggang sa nasanay na ngayon at 10pm alam nya tutulog na kaso lang need pa rin talaga ng song and dance number she's 5months and 2 weeks na.
« Last Edit: June 20, 2013, 11:39:17 am by cerelina »

ifcastro

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #130 on: June 20, 2013, 11:44:25 am »
Sis foxy girlfriend i like your pedia. Sno nane niya and saan siya nagcliclinic? Tia!

foxy_girlfriend

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #131 on: June 20, 2013, 01:16:20 pm »
^Hi sis! Sa Tondo Medical Center sya nirefer lang din sa kin. Nagintern sya don at consultant na so maraming experience sa sakit ng mga hindi well-off na baby because sa location ng hospital.

Dra. Gracilla name nya. Super dami na nya din pasyente. May clinic sya sa Malabon tapat ng City College.

I like that I get to talk to her without censor at masasabi ko sa kanya lahat ng concerns ko without taking offense kung may halong pagdududa ko kasi nga ginoogle ko na.

^We used also Johnsons' warming oil

marssie

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #132 on: June 20, 2013, 04:40:17 pm »
Nagbabadya na rin yung ngipin ni baby lumabas, madalas na niya kagatin nipple ko 

super bratinella

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #133 on: June 21, 2013, 05:59:59 am »
Baby ko nakadapa on her own at her 1st month and 7 days, nagulat ako sobrang aga..hehe

rachi_01

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #134 on: June 21, 2013, 06:06:59 am »
nalulungkot ako kasi ayaw na dumede ng baby ko sakin. 5months pa lang siya. sayang naman, i stayed as healthy as possible para lang sa pagbbreastfeed ko sa kanya kasi mas advisable daw yun sabi ng pedia ko tapos as early as 5mos. ayaw na. hay :(
« Last Edit: June 21, 2013, 06:16:29 am by rachi_01 »

rachi_01

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #135 on: June 21, 2013, 06:14:50 am »
^^ for my baby aveeno yung wash but physiogel ai cream sa face t is effective against rashes so far. Baby is starting to have teeth na rin baka mag erupt na pag 6th month nya tamad na kumain saka kagat ng kagat now she's got sipon nahawa sakin kawawa kasi her pedia didn't give her any medication for her sipon water therapy lang daw pag madaling araw she cries kasi hindi makahinga kawawa naman pati kami ni daddy kawawa.

sis sobrang pareho tayo, nahawaan ko lastweek sipon baby ko. tapos nawala sakin, pati kanya after taking nasoclear spray. tapos this week bumalik yun kanya. monitor ko pa din kasi mawawala and babalik. naaawa ako kapag hindi siya makatulog sa gabi. hindi naman effective yun nasal aspirator eh, parang kinikiliti lang nose niya. sad.. schedule niya na nga dapat ng 5 in 1 niya lastweek kaso may sipon, sabi ng mama ko hindi daw pwede yun vaccine pag may sakit. pero dadalhin ko na siya sa doctor sa monday if it continues kahit nag gagamot na siya. ayaw na rin kasi dumede sakin eh.

newbeymum

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #136 on: June 21, 2013, 06:37:45 am »
Hello mommies, i already brought my baby yesterday sa pedia nya actually cover pedia kase si pedia ni baby wala eh kaya nag kontac si pedia ng pwede cover sya kase ayaw nya sa er ko dalhin si baby since madami dun may mga iba iba sakit na hindi that maganda. Binigyan si baby ng salbutamol syrup 0.5 ml 3x a day for 5 days. Sana mag ok na si baby ko.. Nakaka worry eh.. Tinanong ko kung kailngan ng antibiotic wag daw ayaw daw nila basta basta mag give ng anti biotic... Hay sana gumsling na talaga baby ko

newbeymum

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #137 on: June 21, 2013, 06:47:12 am »
By the way mommies, just want to share sabi naman ni pedia wag daw mag worry basta malakas mag dede si baby yan daw din ang monitor kase basta malakas and ok refelx nya malakas si baby so lagi ko check thank God lakas lakad naman sya mag milk. She used to take enfalac a+, then swithced to s26 gold then swithced again to NAN HW duentomsome episodes of suka but now naisip ko baka yun mga previous suka suka nya ay cause ng over feeding kase they tried to check baka milk daw baka allergy sa milk. But so far naman mabilis weight gain ni baby ko kaya sabi ni pedia ko stay na lang muna sya sa NAN HW gusto ko kase sya ibalik sana sa enfalac a+ pero wag na lang daw kase mabilis sya naman mag gained kaya happy ako and thsnk God talaga.. Sana lang gumsling na ubo ni baby ko...

maika14

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #138 on: June 21, 2013, 03:04:24 pm »
^sis, ganyan din baby ko nun. Projectile vomiting din ng milk nya. Nakaka worry syempre. Pero everytime na magsuka sya,she'll look relieved. So i hinted baka napadami lang yung milk nya as I can't gauge her intake kasi EBF kami. Anyway, the episodes lasted for I think, 2-3 weeks then ok na. Kasabay pala nyan yung halak. Sarap higupin ng nose nya kasi nakakainis yung tunog. Hehe don't panic. Presence of mind lang. Pag sa tingin mo, masusuka na, itagilid or iyuko mo agad.

cerelina

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #139 on: June 21, 2013, 05:40:56 pm »
baby ko until now may sipon pa rin almost a week na higop nga ako ng higop para at least marelieve sya, baka ipadr ko ulit bukas last saturday kasi sabi iwater therapy muna hindi naman nawala. Good thing lang hindi matamlay si baby hyper active na nga ata jump ng jump ayaw mag crawl gusto lagi sa walker lakad lakad or karga jump ng jump.

sis daveigh 6 months na ba baby mo? ano yung stage 2 milk nya?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close