watch now

Author Topic: NEWBORN CARE Thread 6  (Read 123662 times)

cerelina

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #40 on: May 18, 2013, 08:10:40 pm »
Si baby ko naman umiiyak pag inalis sa tubig sobra maka iyak... gustong gusto nya mag play sa tub

tonette815

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #41 on: May 18, 2013, 09:21:15 pm »
Sis maika baka hindi kasundo ni baby yung temp ng water. Either its too cold or to hot for him. Tulad ni baby he likes to play in his pool pag bath time pero minsan pag dip pa lang ng paa niya sa water we get this 'brain freeze' look so iaahon namin siya agad tapos titimplahin uli namin yung water

maika14

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #42 on: May 18, 2013, 09:43:54 pm »
^^ Isa lang masasabi ko sis.. Ang swerte mo!  ;D

^ Anong temp ba sis kay baby mo? Tried so many temps na kasi. Nakakapagod mag experiment. :P Sabi pa ni Pedia nya, sya lang daw ang baby nya na takot sa tubig. Hydrophobic daw ata si baby. Ayoko namang isipin na phobic anak ko. Baka nagti-trip lang diba? Pano na ang summer outings kung phobic sya? Goodluck samin.

cerelina

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #43 on: May 18, 2013, 10:22:02 pm »
Baka nqman kailangan may music o kaya before sya paliguan kinokondisyon sya probably massage or babasain muna paa tapos after ilang minutes saka liliguan tapos gawin nyo na ritual lagi para alam nya na ligo na kasunod, kay baby ganyan ginawa ko hinuhubaran ko muna sya after ilang minutes saka ko liliguan alam na nya excited pa pag nakahubad na masaya na sya problem is pag pinapalitan lang ng damit nag iiyak kasi iniisip nya ligo after mahubaran saka ayaw nya mag pa suot ng damit iiyak ng sobra may hikbi pa na kasama

tonette815

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #44 on: May 19, 2013, 11:34:49 am »
^^Actually sis hit and miss din kami kung minsan kay baby sa pag timpla ng water. Wala kasi kaming thermometer to check the temp. pero malalaman namin agad kasi una namin ilululob sa water yung paa niya then tinitingnan namin yung reaction pa gokay sa kanya ngigniti or kakalma ang mukha :)
 Okay ba siya sis pag pinupunasan lang ng basang face towel?

marssie

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #45 on: May 19, 2013, 01:43:58 pm »
Umiiyak talaga mga sis!  :'( :'( :'( Kakatapos nya lang maligo ngayon. Baket....??? Hindi ko na alam ang trip ng anak ko. Tried all tricks I know. Now I'm just hoping that she'll outgrow all the crying bouts in due time. Hay... Pray hard, it works...  :P :P

Sis try mo siya lagay sa lap mo, para nafifeel mo rin yung temp ng water, ako nga pag nagpapaligo kay baby nakapanty lagi  ;D kasi feeling ko mas kampante siya ng ganon, nararamdaman niya rin init ng katawan ko. tapos habang sinasabon mo siya, maya't-maya pa rin pagbuhos ng water para di siya ginawin. 

So happy din kasi unlike my panganay na kabado ako lagi pag pinapaliguan ko kasi nga iyakin din, si bunso ko since birth.. as in since birth.. twice or three times lang yata naiyak pag pinapaliguan, the rest lagi talaga siya tahimik lang, ang iyak lang niya minsan pag inahon ko na para bihisan pero saglit lang yung iyak na parang nairita lang tapos hangang sa binibihisan na siya at nililinisan ko ear, hand, etc.. tahimik na siya :)

Ang concern ko naman ngayon, di ko kasi maalala sa panganay ko, at 5mons ba ang baby niyo maingay na? Lately kasi si baby umaga palang parang nagdadaldal na, tapos ang ingay pa ang haba ng ingay parang sirena ng bumbero, nakakabingi minsan.. sabi ni hubby baka daw may masakit.. di naman naiyak, nag-iingay lang..usually pag nakaupo or nakahiga siya ng di kinakausap pero pag binuhat ko at nilakad lakad, tahimik, nakapag ikot nga kami sa mall ng 2hours tahimik, nung umupo nag-ingay nanaman.

daveigh

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #46 on: May 19, 2013, 02:26:13 pm »
^ naku sis parehas na parehas tayo ni baby ko, boy pa ito ha kung makatili wagas! ang taas ng pitch at walang kadahidahilan. naaliw ata sa boses nya. sakit lang sa tenga. :)

Madelskie

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #47 on: May 19, 2013, 02:45:19 pm »
Grabe ang tagal ko nawala sa circulation.  :P

Sis maika, ang hirap naman nyan. Si Marcus favorite nya ang bath time lalo na pag lublob cya sa tub nya. Tawa ng tawa. Hindi naman cya umiiyak pag ahon, tawa pa rin cya ng tawa habang binibihisan :)

marssie

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #48 on: May 19, 2013, 03:31:21 pm »
^^ sis daveigh, boy din baby ko nakaya nga ako naloloka kasi ang tinis ng hiyaw haha :D

^sis madelskie.. marcus ba name ng baby mo? kakatuwa naman, kapangalan ng panganay ko, tapos ka-birthday ko naman siya ;D Ay teka,nabangit ko na ba yata dati no? malilimutin na kasi ako haha..

daveigh

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #49 on: May 19, 2013, 03:34:16 pm »
^ grabe nga sis hahaha! nagresearch ako sa internet normal lang naman daw.wala pa kasi silang control kaya kahit sigaw na eh wala lang sa kanila.nagstart siyang ganito this week lang. as in sunod sunod. kakatakot lang baka madamage ang lalamunan nya sa sobrang kakasigaw. hehe!

lenjei

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #50 on: May 19, 2013, 04:50:16 pm »
nakakatuwa naman mgastories nyo mga sis... :)

si baby 3mos 3weeks na, minsan pag kinakausap namin, tumitili na sya, natatawa na lang kami ni hubby. Every gising nya din nakasmile na sya tas madaldal na. Nauubusan na kami ng sasabihin sa kanya..


marssie

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #51 on: May 19, 2013, 05:51:30 pm »
^sis lenjei, nung ganyang edad baby ko madaldal na rin pero napakamalumanay pa :D parang hinihele ako sa pagsasalita niya kasi ang lambing pakingan. ngayon naku po parang tinutusok eardrums ko :D

^^sis daveigh, good to hear na normal lang pala yun, si baby kasi two days ago nung napansin namin, kahapon talaga non-stop, mula bahay hangang mall :D


Madelskie

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #52 on: May 19, 2013, 08:34:42 pm »
Sis marssie ang alam ko magka-birthday kayo pero hindi ko rin alam na magka-pangalan sila ng eldest mo ;) Ang cute! Ang dami nyo ng in common ng baby ko :D

Si baby ko pagtuntong nya ng 2 months, ang daldal na nya. Sabi ni pedia malaking tulong daw kasi sa development ni baby yung maraming nakakausap. Mula nung nagtransfer kami ng house dito sa tabi ng house ng parents ko, marami ng nakausap si baby. Sa madaling araw pag di mo kinausap, umiiyak.  ;D

ifcastro

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #53 on: May 19, 2013, 09:13:09 pm »
Yehey mga sis Si baby ko nakadapa na nunh 17th. 3 months siya and 17 days..

Ang prob ko ngayon nagbago ang frequency ng poop niya. Dati once evry after 3-4 days... Ngayon every feed niya nagpupoop siya... Same consistency yellow mustard. Since 14th pa to.

Tapos lagi ding malalim ang bunbunan niya...

Kanina may nakita akong 2 small green parts sa yellow seedy mustard niya na poop iniisp ko baka dahil kahapon nagpadede ako ng gutom...

Any inputs mga sis?

maika14

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #54 on: May 19, 2013, 11:26:18 pm »
Thanks mga sis sa mga tips. Try ko ulit yung shower. Nilagay ko kasi sya ulit sa tub nya kasi ang lamig ng panahon dahil sa ulan. Malamig sa loob ng shower eh gininaw last time.

Anak ko din, ang daldal. Favorite nya story time. :) Kada basa ko, sumasabay ng daldal, akala mo marunong ding bumasa. Aliw na aliw sa books. :)

chico

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #55 on: May 20, 2013, 02:46:58 am »
Sis ifcastro normal pa yung once a day poop ni baby mo, whether formula fed or breastfed sya. Ang important is kulay at texture ng poop nya. :) if lagi lubog yung bumbunan/fontanelle nya, it means dehydrated sya, feed more and consult your pedia.
Si baby A ko is ebf, once nagpoop or after 2hrs mejo lumulubog yung bumbunan nya, kaya nurse kami agad. Minsan sa haba ng tulog nya at dami wiwi, inaabot sya ng gutom/dehydration. Ang signs na dehydrated si bebe are dry lips and eyes at lubog and pulsating yung bumbunan nya. Pagganun, ginigising ko si baby A ko para magnurse, di bale umiyak, tatahan naman sya pagnakasuck na hehe

maika14

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #56 on: May 20, 2013, 09:16:07 am »
Okay ba siya sis pag pinupunasan lang ng basang face towel?

Sis yes ok sya pag pinupunasan ng basang towel sa buong katawan kasi we always do that pag change na sa pantulog outfit. Naku, antay ko nalang na mag pass tong moments nya na to. :)

ifcastro

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #57 on: May 20, 2013, 10:23:56 am »
Sis ifcastro normal pa yung once a day poop ni baby mo, whether formula fed or breastfed sya. Ang important is kulay at texture ng poop nya. :) if lagi lubog yung bumbunan/fontanelle nya, it means dehydrated sya, feed more and consult your pedia.
Si baby A ko is ebf, once nagpoop or after 2hrs mejo lumulubog yung bumbunan nya, kaya nurse kami agad. Minsan sa haba ng tulog nya at dami wiwi, inaabot sya ng gutom/dehydration. Ang signs na dehydrated si bebe are dry lips and eyes at lubog and pulsating yung bumbunan nya. Pagganun, ginigising ko si baby A ko para magnurse, di bale umiyak, tatahan naman sya pagnakasuck na hehe

Thanks sis! Ngayon kasi every feed niya, poop agad siya kaya siguro ganoon... Di ko alm kung normal nga yon at 3 months...

Tapos my inges of green n yung poopoo niya..

Teawee

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #58 on: May 20, 2013, 12:12:48 pm »
^ sis, I have the book What to Expect The First Year, sabi dito: Seedy, curdy, creamy, or lumpy; light yellow to mustard or bright green is normal breast milk stool. And also sabi din, na at 3 months some babies have fewer bowel movements, some will go several days between movements but others will continue having lots of movements as long as they're nursing. Lahat daw un normal.

Pero to be sure, shempre consult your pedia parin lalo na if you think not feeling well si baby.

ifcastro

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #59 on: May 20, 2013, 12:58:04 pm »
^sis sana nga teething lang at 3 months. Nqging mucous green na na kakarampot ang poopoo niya ngau.. May seedy yellow pa rin. Papunta na kami sa nearest hospital now for stool test advise ni pedia malayo kasi ako ngayon kay pedia.


She seems ok naman no fever di balisa, medyo fussy kasi ayaw palapag.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close