watch now

Author Topic: NEWBORN CARE Thread 6  (Read 123667 times)

maika14

  • Guest
NEWBORN CARE Thread 6
« on: May 10, 2013, 11:17:51 am »
Previous thread locked. :)

Link to previous thread: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,271552.0.html

Anyway, post ko ulit...

My daughter don't cry as often as last month. Going 3 months na kami. She's more happier now and prefers playing during waking hours. Sobrang sama ng colic nya because of vitamins so we stopped it. Try nalang ulit when she starts solid.

But good heavens!! Ayaw pa ding maligo! Ang OA umiyak talaga! I experimented with a lot of things na how to make it pleasurable, wala! Toys, her fave songs, lublob, hindi lublob, warm, slightly warm, una ulo, una paa, una kamay. Hay naku. The minute ma-touch ng katawan nya yung towel, stop na agad. As in agad! Lokohan ba yun??   Naloloka ako eh! 

imagodei082990

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #1 on: May 10, 2013, 12:56:53 pm »
si zaine ko gustong gusto nyang maligo at magbabad ..

cerelina

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #2 on: May 10, 2013, 02:50:55 pm »
^^baka ayaw nya ng nabababad sa water? My daughter namam gustong gusto logo time but she's super likot parang uod nag squirm kaya hawak ko sya mabuti lalo na pag may sabon na lalo sya nag lilikot alam nya kasi after soap swimming na tapos pag kinuha sa tubig iiyak kala mo kinawawa may luha pa.

Baka gusto nya dahan dahan yung pag basa sa kanya or baka ginawin so baby?

With colic naman thank God nung first month lang sya na colic Niresetahan sya ng restime ni pedia, ngayon sobra likot nya pag iniwan sa kama dadapa bigla tapos mag attempt mag crawl or mag tatawag sya papakarga pag karga gusto nya harap sa tao tapos padyak ng padyak lagi nya kinukuskos yung 2 paa nya. Pati pag tulog malikot nagrorotate sya from vertical nagiging horizontal nung isang gabi natulog nakadapa hindi namin namalayan dumapa pala nagulat na lang ako nakadap na matulog, katakot lang kasi tunutukod nya yung muka nya pag dumadapa. Saka maingay si baby madaldal na tinatry na namin pakainin am muna tapos we tried dry cereals kasi kahit tulog sya basta eating time gumigising tapos nagtatantrums kaya sinasabay na sa pagkain mukang ready naman na sya walang samid factor mas nasasamid pa sya sa water.
« Last Edit: May 10, 2013, 03:00:36 pm by cerelina »

daveigh

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #3 on: May 10, 2013, 06:30:36 pm »
^ buti ka pa sis naco-continue mo ang pakain ng baby food, ako isang beses pa lang - saging - di ko pa natuloy-tuloy kasi ambilis maubos ng mga binibili kong saging sa bahay. hehe.

cerelina

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #4 on: May 10, 2013, 06:43:26 pm »
^yung pinapatikim ko kay baby 1 table spoon lang di pa nya nauubos pag hindi kasi pinakain nag iingay pag nalaman nga ng pedia nya baka masermonan ako hehe baby just turned 4 months pa lang kasi mahigpit na bilin ni pedia na 6 months pa pwede magtikim tikim si baby kahit sabaw or am bawal kaso matigas ulo ni lola bakit daw ako nuon lumaki naman daw ako na malusog i dont want to argue with my mom kasi dito din muna kami nakatira eh so her house her rules, mas alam nya ginagawa nya 4 na anak nya eh  :)

anyway tumatakam kasi si baby and non stop yung paglalaway kaya pinapakain na lang namin para di magkulit kaso mukang ayaw ng baby food mas gusto yung kinakain namin kasi dun sya nakatingin, also wag daw pala pakainin ng gerber si baby masyado daw kasi malasa pag nasanay daw sa gerber yung freshly prepared food inaayawan na nya mas ok pa daw cerelac.

 anong klaseng saging yung pwede kay baby? imamash lang yun right?

daveigh

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #5 on: May 10, 2013, 06:50:17 pm »
^ pwede naman sis sa baby ang solids kahit 4 months lalo na kung formula fed. Pag breastfed, 6 months onwards ang recommended. Di ko pa rin pinapakain si baby ng gerber or even cerelac kasi nga malasa, masasanay sila magiging maselan sa food, dapat mga matatabang muna.

Sa saging sis kayas lang sa gilid, as in dinidikit ko lang sa labi at dila nya. Tyagaan daw talaga, kahit niluluwa wag daw natin isipin na ayaw. Ganun daw talaga.

cerelina

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #6 on: May 10, 2013, 07:00:37 pm »
Ah ok si baby hindi naman nag luluwa kinakain nya malikot lang kaya pag sinusubuan kung san san napupunta yung food excited masyado magsubo hinuhuli pa yung kamay nung nagsusubo sa kanya

daveigh

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #7 on: May 10, 2013, 07:05:52 pm »
^ buti pa sayo, sa akin nilalaro lang eh. :)

maika14

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #8 on: May 10, 2013, 07:35:59 pm »
Good news!! Gusto ni baby yung shower!  ;D Ayaw nya warm water. All this time, warm water kami. Ayaw nya pala.  ::) Pero ayaw pa din nya yung sinasabon sya. Pag naramdaman nya na yung shower sa katawan nya ayun, stop. Pero dapat kasabay ako. Ayaw nya yung shower tapos nasa tub sya. Skin-to-skiin dapat. Hay..

Yung baby ko din at 3 months, labas ng labas yung dila. Nung minsan, gustong subuan ni hubby ng ice cream. Mukha daw kasing kawawa kasi kumakain kami ng ice cream nun. Hehe

appledapple

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #9 on: May 10, 2013, 10:10:30 pm »
na-post ko na to sa kabilang thread pero since solids ang topic ngayon dito, post ko na din dito. sana makatulong.

share ko lang mga sis yung natutunan ko sa health center nung minsang may parang mini class tungkol sa pagbigay ng solids kay baby.

signs na ready na for solids si baby:
- matibay na leeg & nakakaupo na pag inalalayan.
- interesado pag may nakikitang kumakain.
- pag tnry subuan ng spoon, di na masyadong nilalabas.

5 months si baby nung nag-start sya ng solids. breastfeed si baby pero may go signal ng pedia nya yung pag-start nya ng solids. main source of nutrition is breastmilk pa din. main purpose e para masanay sa pag-lunok & matutong ngumuya si baby. tsaka para sanayin din yung digestive system ni baby.

- 1 tsp lang ng lugaw yung una kong pinakain. kahit gusto pa nya yun lang muna para di mabigla tyan nya.
lugaw ang recommended na unang ipakain kasi less ang probability na magkaron ng allergic reaction.

- dinadagdagan ko yung dami ng kinakain ni baby depende sa pace nya. pag nasanay na sya sa dami, dadagdagan ko ulit ng 1 tsp.  ngayon 11 tsps. na nakakain nya.

- after 3 days nagdagdag na ko ng gulay. may ulam na bale. hehe. pag magpapakain ng bago, start w/ 1 tsp lang & yun lang dapat yung bago na ipapakain para kung magkaron ng allergic reaction konti lang yung nakain ni baby & ma-pin-point din agad yung cause ng allergy.

- ipakain kay baby yung same food for at least 3 days para masigurado na wala ngang allergic reaction.

sa ngayon potato, sweet potato, squash, carrot, cabbage, tomato, turnip, banana, apple, strawberry, spinach, broccoli na yung mga napakain ko. mag 1 month na since nagstart si baby.

sample menu ni baby ko e: 6tsps of lugaw mixed w/ 2 tsps of squash, 2 tsps of cabbage, 1 tsp of apple. yung cabbage & apple hiwa-hiwalay na plate sila. squash lang yung naka-mix sa lugaw.

pag 6 months na si baby tsaka ko pa lang sya bibigyan ng mga protein foods like tofu, fish, etc kasi madalas daw na eto yung cause ng allergies. magiging twice a day na din yung pagkain nya.

yan muna, mahaba na din e. hehe. sana makatulong kahit papano.

tonette815

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #10 on: May 11, 2013, 12:43:50 am »
@sis maika i was about to suggest the shower. baby ko kasi 2mos 2wks na gusto niya maligo sa kanyang mini pool medyo warm water lang pero after mag sabon sabay na kami under the shower okay naman kahit medyo cold ang water. kinukuha na lang siya ng sis ko or ni daddy niya para makatapos ako ng ligo. gusto niya yung ganun ang amo amo ng mukha hehe. malalaman mo kasi pag ayaw niya parang nag papanic yung mukha na parang nag sasabi ' mommy ano to?' hehe

^ thanks for the tip on solids sis. my baby shows all three signs you mentioned na pero parang masyado pa rin siyang young para kumain ng solids. although just this morning pinatikman ba naman ng spaghetti sauce ng sis ko na gustuhan. takam na takam.

i would like to share with you pala mga mommies. my baby got admitted sa hospital last saturday due to pneumonia. he didnt have fever nor cough kay all the while we thought he was fine. until nung april 30th we went to his pedia for his pneumococcal vaccine. doc took his vital signs first and found my son's breathing a bit faster than normal so she ask me to have him x-rayed. when we got the results on may 2 and showed it to her na laman namin na may pneumonia si baby. i asked her paano nangyari yon eh bihira siya ubohin - more on samid lang from time to time. doc told me na sometimes daw pag di na pa burp ng mabuti si baby at lumungad na pupunta yung lungad napupunta sa lungs then magca-cause ng pneumonia. sabi ni doc pneumonia is common daw for baby's around his age kaya dapat daw talagang ingatan. she asked me to continue the antibiotics she prescribed for baby and to come back by sat (may 4) for a follow up. saturday came chineck siya uli there were no signs of improvement sa breathing ni baby so pina- admit kami sa hospital. also she found my baby's heartbeat a bit disturbing so ni refer kami sa isa pang doc for possible 2d echo. they had run a cbc check and found out na anemic din si baby. i told the doc#2 na anemic ako while i was pregnant and possibly until now. so doc#2 said na it may be the cause bakit my naririnig sila sa heart ni baby which initially they thought as heart murmur. in my baby's case since anemic siya possibly 'hemic murmur' lang daw at hindi 'heart murmur' because he is anemic. kaya eto ngayon he's taking iron na rin. awa tuloy ako sa baby ko he looks perfectly fine naman pero he's under treatment for pneumonia and anemia.

maika14

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #11 on: May 11, 2013, 12:57:10 am »
^ Twice ko palang ginagawa yung shower and so far so good. :) Hala.. Wawa naman baby mo sis.. Hope maging ok na sya.. Ilang araw kayo sa hospital?
« Last Edit: May 11, 2013, 01:10:37 am by maika14 »

tonette815

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #12 on: May 11, 2013, 01:04:59 am »
^in kami ng Sat out kami ng Tues sis. wawa talaga kasi di maganda yung pulso nung ibang nurse na nag inject sa kanya ng antibiotics. kahit tulog nagigising sa sakit at todo ang iyak. meron naman iba ok lang.
sana tuloy tuloy na pagka gusto ni baby mo sa shower sis. yun lang sa dulas dpat meron ka talagang katulong sa pagsabon sa kanya. nakakatakot hawakan ng one hand si baby.

maika14

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #13 on: May 11, 2013, 01:16:13 am »
Sorry to hear about the nurses. May iba talaga, mabigat yung kamay. Yung iba, swabe lang.. So ngayon, naka oral antibiotics nalang sya? Hay nakakaawa ang babies na maliit tapos may sakit.

Yung dulas sa shower, naku, sobrang nakakatakot. Slippery talaga. Doble yung kaba ko pag hawak ko sya tapos may sabon.  :-\

Kwento ko pala, syempre skin to skin kami sa shower. Eh EBF kami. Gusto ba namang dumede while in the shower?? At home agad.  8)

cerelina

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #14 on: May 11, 2013, 05:41:06 am »
^sis congrats! at least even sa pag ligo "bonding" nyo na talaga ni baby, totoo nga mas nakaka kaba mag paligo pagmay sabon na all over si baby nako yung baby ko sinasabunan pa lang parang gusto na tumalon sa tub nya tumatagilid habang sinasabunan di takot mahulog eh may one incident muntik ko sya mabitawan dahil sa sobrang kalikutan naitapon ko yung shower head sa takot ko.

^^ sad to hear about your baby sis sana maging ok na sya, katakot naman yun no fever at all tapos magugulat ka na lang ipapaadmit na baby mo... sana gumaling na baby mo.

tonette815

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #15 on: May 12, 2013, 11:22:20 pm »
Thanks sis maika and cerelina. Yeos he's taking pediamox mas mabuti na ang lasa nito ng kaunti compared sa clarithomycin. Still pangit pa rin ang lasa kitang kita ko sa mukha ni baby na parang nakakain ng ampalaya. At least hindi umiiyak. Tyaka pinauunahan ko muna ng vitamins niya before ng meds then after non a few drops of water. Kahit EBF si baby i dont have a choice but to give him water otherwise iluluwa niya lang yung meds. I dont pump breast milk often kasi kaya wala akong reserve sa ref.

Anyway share ko lang, today we noticed na kung pinatatyo namin si johann he tries to walk a little na :) as in left foot forward then right then left. Kaso natatakot ako parang masyado pang maaga for walking baka soft pa bones niya sa paa. He's 2mos 3 weeks old pa lang kasi. Also may fave song na siya Starships ni nicki minaj hehe tumatahimik kasi kung naririnig niya tapos maya maya ngingiti na.

Happy Mommy's day to all!

lenjei

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #16 on: May 14, 2013, 01:23:31 pm »
si baby ayaw na ayaw din maligo, lalagay ko pa lang sya sa bath tub nya, iyak na ng iyak. Kaya pati ako basa kasi binibuhat ko sya habang sinasabon.. Nabasa ko nga dito na sabay na lang kami maligo, try ko yun pag day off kami pareho ng daddy nya.. Sana ok sa kanya..

tonette815

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #17 on: May 14, 2013, 07:49:48 pm »
^sana nga magustuhan nya sis. Baby ko pag nilagay sa baby pool nya dapat may halong hot water otherwise theres this panic look on his face naparang di makahinga yung tipong brain freeze pero pag shower part na at kayakap niya na ako o si sis ko ok naman sa kanya yung tap water. Pero dapat na siguro ipaayos namin yung heater soon bala di kayanin pagtag ulan na at malamig ang tubig.

khriseeee

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #18 on: May 14, 2013, 10:23:08 pm »
^ pwede naman sis sa baby ang solids kahit 4 months lalo na kung formula fed. Pag breastfed, 6 months onwards ang recommended. Di ko pa rin pinapakain si baby ng gerber or even cerelac kasi nga malasa, masasanay sila magiging maselan sa food, dapat mga matatabang muna.

Sa saging sis kayas lang sa gilid, as in dinidikit ko lang sa labi at dila nya. Tyagaan daw talaga, kahit niluluwa wag daw natin isipin na ayaw. Ganun daw talaga.

On the contrary sis you shouldn't give your baby tasteless food - cereals, etc. They will become used to bland food. The best first food for babies are fresh fruits or veggies.

marssie

  • Guest
Re: NEWBORN CARE Thread 6
« Reply #19 on: May 15, 2013, 02:10:01 pm »
Sorry to hear about the nurses. May iba talaga, mabigat yung kamay. Yung iba, swabe lang.. So ngayon, naka oral antibiotics nalang sya? Hay nakakaawa ang babies na maliit tapos may sakit.

Yung dulas sa shower, naku, sobrang nakakatakot. Slippery talaga. Doble yung kaba ko pag hawak ko sya tapos may sabon.  :-\

Kwento ko pala, syempre skin to skin kami sa shower. Eh EBF kami. Gusto ba namang dumede while in the shower?? At home agad.  8)

Lol! kakatuwa naman na gusto mag milk ni baby habang nagsashower.. :D.. Baby ko basta tubig game siya, shower, bathtub.. pero pag ako nagpapaligo ang ginagawa ko inuupo ko siya sa lap ko nakapanty lang ako at nakatshirt.. then buhos buhos hangang sa mabanlawan ko na siya,pinakafinale niya ilalagay ko na siya sa bathtub niya para makapaglaro ng sandali :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close