watch now

Author Topic: ANTEL GRAND VILLAGE  (Read 74298 times)

lizacat219

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #40 on: September 16, 2015, 02:58:39 pm »
hello friends.. anybody know magkano ang construction bond na hinihingi ng Antel. Thanks.

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #41 on: September 20, 2015, 09:20:22 am »
^sis, nung nagpaconstruct kami ng bakod around 60k ang hiningi na bond. Refundable yung 55k. Hindi ko lang po alam kung how much pag house na.

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #42 on: September 28, 2015, 09:33:49 am »
hi sisses, last weekend we noticed yung isang store along the commercial lots, sa may side ng Grand Pasadena and Meadows, parang may store turned into pub? kasi may mga nagiinuman at videoke na mga construction workers. hindi kasi samin ok.. for safety purposes lang.. wala naman kasing cctv cameras sa atin and sa village kasi namin at Grand Cedar Crest wala pang street lights so I don't feel safe walking on our streets knowing na may mga lasingerong maaaring maglakad sa daan.
 
just want to know the opinion of other resident GTs here.. okay lang ba yun sa inyo mga sis? or napapraning lang ako haha

lizacat219

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #43 on: November 18, 2015, 04:52:18 pm »
@serenitymuse.. thanks sis. I'm planning to construct na rin ng house sa GC, hopefully by start of the year. Binabaha ba ang Antel? Anyone from here knows please? Thanks mga kapatid.

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #44 on: January 13, 2016, 04:57:44 am »
^ hi sis! Naka one year n din kami sa antel and hindi naman po binabaha. Nung recent na bagyo, umapaw na ang ilog sa tabi pero wala naman tubig sa labas.

Re: antel management. Madami na din po talagang reklamo mula ng mapalitan ang management. And recently, nagbigay na ng first draft para sa pagtatayo ng homeowners association. Ang dues e 10 pesos per square meter which is for me is super laki na and may dagdag pang 25 cents per sq meter para sa basura.

Ang alam ko meron po mga board of directors bawat village and yung sa meadows po ang pinaka active. Sana sa ibang village makipag coordinate na din para po maayos na ang antel.

MagicJ

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #45 on: February 22, 2016, 07:18:58 pm »
Hi Everyone,

My nakapag-try ba dito magpa-modify ng house model? At kamusta na rin ang owners na nakatira na?

Thank you.

Bluish12

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #46 on: March 08, 2016, 06:00:29 pm »
Hello would you know anyone interested to assume our house & lot in Grand Oakridge Martina Model 80SQM. House underconstruction and completion June 2016. Almost done in DP 3 months left. Pm me if interested.  :)

robinemz

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #47 on: March 30, 2016, 12:33:48 pm »
hi sis @serenitymuse! nagulat ako sa hoa dues na nabangit mo. malaki nga yan.. wala pa naman akong naririnig na may hoa na sa village namin sa gcc, no letter yet on this. ganyan din observation namin, a lot has changed nung nagbago ng admin ang antel. sa village nga namin wala pa rin street lights at ilang beses pa kami nagcomplain bago maaksyonan yung request namin na gawang ng no dog policy ang village. nagkakalat kasi ng basura yung mga aso.. also, i noticed 2 weeks na walang dumadaang basurero samin. sa inyo din ba? or is it just because wala pa rin hoa sa village namin..

MagicJ

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #48 on: April 02, 2016, 06:48:35 pm »
No dog policy na ba ang antel? I think nakalagay sa contract nila na pwedeng mag-alaga ng dog...

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #49 on: April 13, 2016, 11:49:32 am »
Ang sabi ng board of director ng meadows, may mga hoa na ang lahat ng village pero hindi lang active ang mga board of directors nila.

Nag ambag ambag din po ang meadows para matest ang current quality ng water natin kasi napapansin namin on certain days maitim or yellowish ang lumalabas na color ng water which is unfortunately yung certain days na yun e pag naliligo kami. Sad to say the test results are negative. Ni hindi nga pwede panligo! Nagbigay na kami ng letter sa admin about this, hindi ko lang alam kung naaksyonan na or hindi pa.

Another one issue is may tinatawag na silang "ROAD FEE". Babayaran mo every delivery mo ng 150 pesos basta ang sasakyang gamit e 4 wheel or more. Ok lang sana po kung construction materials pero kung appliances or gamit sa bahay e sobra na. Sana po e wag tayo pumayag sa ganitong sistema. Bigla bigla po sila mag iimplement ng mga rules na wala man lang abiso sa mga homeowners.

Pasensya na po sa rant pero tayo din namang mga homeowners ang maapektuhan sa mga kalokohan ng antel admin.

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #50 on: April 13, 2016, 12:00:56 pm »
Idagdag ko lang po. Ang hagdan po namin e inatake na ng anay. Pati cabinet doors sa kitchen. Hay naku. Nung tinanggal na [textspeak!] stairs mukhang galing mismo sa kahoy na ginamit sa hagdan. Kaya eto we have no choice kung hindi gawing bato ang hagdan. Mag 2 years palang kami puro problema na ang bahay na gawa ng antel. Feeling ko malapit na din namin palitan ang door namin. :(

lheimatte

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #51 on: April 25, 2016, 11:51:28 am »
Glad nagcheck ako now ng thread natin. Nagdilim paningin ko jan sa P150 road fee charges nila. Tinawagan namin si admin to explain yung fee, wala daw yung explain. We emailed them asking yung policy at wagas yung policy nila eh para sa Pre Construction Guidelines and fees. Tawag kami ulit para kausapin yung property engineer sabi namin malinaw na malinaw na mali yung implementation ng policy.  at hinde sila pwedeng mag implement ng walang approval and communication sa home owners. Nagtuturuan sila ng marketing. Pati resibo wala lang BIR #.  Sabi namin yung receipt can be reproduced sa Recto. Sabi namin yung mga charges nila na walang basis and approval ay reportable sa HLURB. Pasalamat sila hinde pa nila kami na meet ng personal, kakainit ng dugo lang.  Pera pera lang sila. Magturuan sila ng Marketing ngayon.

Sis Robinemz, dapat yata mag karon ng Homeowners assoc sa GCC, sali tayo...
« Last Edit: April 25, 2016, 12:00:20 pm by lheimatte »

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #52 on: April 29, 2016, 01:32:36 pm »
Sis I suggest po na kayo na po ang mag initiate na magtayo ng homeowners dyan sa GCC. Here in meadows meron pong fb account for all homeowners. We should take immediate action na. Sana all villages din magsama sama na. The last news I heard e 300 na ang sinisingil sa road fee and the cash bond is 85k na, 65k ang refundable,  25k ang bayad sa application. E paano pa yung pagdeliver ng mga materials mo? Dagdag gastos pa. Akala po yata ng admin e marami po tayong pera. Nakakahigh blood na.

pryce cassue

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #53 on: May 18, 2016, 03:42:45 pm »
naku mga sis, natakot naman ako bigla sa mga experiences nyo sa antel contractor and management. Plan kc namin magpatayo ng house by the end of this year pero different contractor. Sana nga by that time my home owners' assoc na para mabilis actions sa mga reklamo. huhuhu. I have high hopes pa naman sa village namin. Sa catalina kc kami nakabili ng lot.

Anyone here pala na nakapagtayo ng house through a different contractor? Ano naging process from approval ng plan up to finish ng contract with your contractor?

Thanks mga sis.

nengski

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #54 on: June 09, 2016, 06:50:15 pm »
hello friends, a newbie here. pwede manghingi ng info/suggestions on what is the best bank to apply for loan for our unit in GC? saka need ba talaga ng pre-approval ng bank loan bago iconstruct ang house? tks po sa sasagot.
« Last Edit: June 09, 2016, 07:12:15 pm by nengski »

MagicJ

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #55 on: June 26, 2016, 11:00:56 pm »
Ask your agent lang..normally they will give the accredited banks.. planning to get rcbc if approved. Anung block at lot mo sa grand catalina? And when ang start ng construction ng bahay mo?

jumanji02

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #56 on: August 26, 2016, 06:01:09 pm »
Hi mga sis. Bago lang ako sa Female Network and came across sa AGV topic. I'm on my 10th DP na and sa GCC din ako nakakuha ng house and lot. Ask ko lang mga sis if anong school ang malapit sa AGV and supermarkets. Kasi I tried to search online ang pinapakita sakin is nasa bacoor.

Hindi kasi future family ko ang titira dun kundi mga kapatid ko and pamangkin ko. Nasa UAE kasi ako and mama ko kaya medyo worried ako na pag nakalipat sila dun baka mahirapan sila magsettle kasi lilipat kami from Pasay to Cavite.

And ang isa pa, naalala ko yang may charge kapag magpapadeliver kayo ng furniture sa bahay nyo. Actually pinost sya sa FB ng dati kong kawork na kumuha din sa same village. May update na ba kung tinigil na nila or talaga hanggang ngayon naniningil pa din sila?

Kapag nagka Homeowners Association sasali ako kahit pa nasa malayo ako. ;D

Sorry dami kong question bago lang :D
« Last Edit: August 26, 2016, 06:03:34 pm by jumanji02 »

MagicJ

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #57 on: September 01, 2016, 10:21:58 pm »
Hala bakit daw my charge? Sila ba nagdeliver?

serenitymuse

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #58 on: October 16, 2016, 05:23:40 pm »
Re: road fee charges

Continue pa din ang paniningil pero kung di ka magbayad ok lang, kung magbayad ka di mas lalong ok sa kanila. Kami po di nagbabayad ng road fee if appliance ang deliver. Nagbabayad kami if construction materials ang ipapasok.

Re: schools and supermarkets
Medyo malayo po ang mga schools. Pero kung may sasakyan sakto na din po. Mga 15-20 minutes kapag nakatrike papuntang Noveleta. May mga schools po sa noveleta, and puregold noveleta. sa lancaster new city may school and wellcome grocery. Puregold daw po ang ginagawang construction sa kanto ng kalayaan, sana matapos na para malapit lapit pag need mag grocery. Pero madalas po sa sm rosario kami nagpupunta kapag mag grocery kasi wala naman masyado mabili sa puregold.

MagicJ

  • Guest
Re: ANTEL GRAND VILLAGE
« Reply #59 on: October 18, 2016, 10:21:50 am »
Salamat serenitymuse. May alam ka din bang group for grand catalina? Para kasing konti pa mga nakatayong bahay dun nag-aalangan tuloy kami tumira. My mga street lighta na kaya?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close